Chapter Twenty-Three
Lukas!
He saw her running, holding someone else's hand. That someone else was a very blurry man.
Narinig niya ang bawat pagpintig ng kanyang puso. Kumakaway sa kanya si Risha habang papalayo ito ng papalayo.
Lukas opened his eyes gently. Ang tanging ebidensya ng kung anong takot na naramdaman niya ay ang mabilis na pag-angat at pagbaba ng kanyang dibdib.
Gabi na sila nakauwi ni Risha at umalis ito para bisitahin ang Gold Club. He figured that she needed some space so he was left alone in her unit.
Nilingon niya ang side ng kama na hinihigaan ni Risha at lalo siyang kinabahan nang makita na wala pa ito.
"Damn," he muttered as he jumped off the bed wearing nothing but his blue jeans.
Nadatnan na lang niya ang babae sa sofa, nakaupo nang nakapatong sa mesa ang mga paa. Nakabukas ang TV kahit hindi ito nanonood. Her finger and toe nails had wet pale blue nail polish on them. May facial mask ang mukha ng babaeng nakapikit na puting bathrobe lang ang suot.
"Risha?" he called to get her attention.
"Not now," nakapikit lang nito na sagot. Tila nagtitipid ito sa paggalaw at pagsasalita.
Namewang na lang si Lukas. Ngayon ayaw na siyang kausapin ni Risha. Sigurado siya na dahil iyon sa mga sinabi niya sa babae sa Fort Santiago.
"I know you still feel bad about everything I said, Risha. But let's be realistic, it is impossible that--"
"I said, shut up."
"Why? Pag-usapan natin ito, hindi iyong nagkakaganyan ka." Tinabihan na niya ito. "I want us to go our separate ways with no hard feelings with each other."
"I have no hard feelings."
Natigilan siya roon. Hindi ba talaga nagdamdam ang babae? Hindi man lang ba ito nasaktan? Alam niya na umiyak ito, alam niya na kahit papaano ay nasaktan niya ito-- emotionally.
"I don't believe you," he spoke low and slow, leaning his face closer to her.
"Just shut up."
"See? Ayaw mo ako kausapin!"
"Ayoko dahil baka magalaw itong facial mask ko, okay? Leave me alone will you?"
Hindi malaman ni Lukas kung makakaramdam ba siya ng relief sa narinig. Hindi naman pala siya nito iniiwasang kausapin dahil sa pinag-usapan nila kahapon.
So, what now? Is she really okay? Why do I find it hard to believe?
Tumayo na lang siya. "Getting ready for the party, huh?"
"Ahuh."
"I'll just go to the bathroom."
"Mm-Hmm."
Ewan ba niya pero nakakairita ang inasta ng babae. Dumeretso na lang siya sa banyo at naligo.
***
Alas-kwatro pa lang ng hapon ay nag-make up na si Risha. At katulad ng scenario nila nung umaga, hindi sila masyadong nag-usap. Nakatulog na ang babae noon sa pagpapatuyo ng nail polish nito at pagkakain nila ng tanghalian na si Lukas mismo ang naghanda, naging abala na ito sa pag-aayos ng make-up kit na gagamitin at kung anu-ano pa.
Lukas just stared at his white suit lying on the bed. Nakaligo na naman siya kaya wala na siyang alalahanin pa. Hindi na niya pinakialaman ang smart style cut ng kanyang buhok. He just let his lengthy hair drop on the right side of his face.
Kaya naman nakasandal ang likod ni Lukas sa cabinet ni Risha, habang pinapanood ang babae na nakaupo sa tapat ng vanity table nito, focused ito sa pagba-brush ng blush on sa maputla nitong balat. Sinunod nito ang pag-pencil sa kilay nito.
That made him hold his chin, his eyes taking note of her detailed movements. Like, how precise her strokes were, how she swiped her lipstick fast, filling her lips with the color of a lusty red rose.
"You are lucky," usap sa kanya nito matapos ibaba ang lipstick sa mesa. "Hindi ka na mahihirapan pa para lang magmukhang gwapo. Look at me, I have to work hard just to look beautiful."
He crossed his arms and the side of his lips raised. "Iniisip mo pa rin ang sinabi sa iyo noon ng Greg na iyon?"
"It doesn't matter to me anymore if Greg said it. All I know these past few years is that he is right. I am really ugly and--"
"Stop complaining." He pushed himself off from the cabinet where he was leaning.
Kinuha na ni Lukas ang suit para makapagbihis. Pagkalabas niya mula sa banyo, in-adjust na niya ang itim na bow. His eyes made a sudden stop from scanning the room when he saw Risha having a hard time tying the strings of her backless silvery-blue dress.
Humakbang siya at inagaw ang strings sa likod para siya na mismo ang magsuot ng mga iyon sa dapat suutan at magtali ng mga ito. Hinawi na lang ni Risha ang mahaba at unat na buhok papunta sa dibdib para malaya siyang matulungan ni Lukas. Sometimes, he would steal a glance at her face from the mirror, and he would catch her eyes staring back at him through their reflection.
She looked so stunning, but Lukas could not smile about it. Dahil iyon sa kakaibang tingin mula sa mga mata ng dalaga. Kahit anong pilit niya, hindi mahagilap ang sigla ng mga ito. Risha looked dangerous, self-absorbed and reserved.
At aminado si Lukas sa sarili na nagpakaba iyon sa kanya.
He finished tying the string and slid his hands on her waists. With his eyes staring at her eyes through their reflection in the mirror, Lukas placed his lips close to her ear.
"You look damn beautiful," he whispered, letting his breath touch her ear.
He knew she felt it. Bahagyang napapikit ang babae. Dahan-dahan nitong minulat ang mga mata at nilingon si Lukas na nakayakap na sa mga bewang nito.
"Last day na ito ng pagpapanggap natin, kaya itigil na natin," she murmured before lowering her gaze to remove his hands from her waists.
Kinagabihan, may limousine na puti na sumundo sa kanila sa tapat ng building ng condominium na tinutuluyan ni Risha. Pinadala iyon ng tatay nito. Remembering her father made him gulp. It brought back the memory when he answered his phone call.
Damn, magkakaharap na kami.
Magkatabi silang umupo sa loob ng limousine na hiwalay na compartment mula sa driver kaya naman hindi nila ito nakikita. Their room in that car had dark tinted windows, a flat screen tv, a clean mini table and a sleek leather seat.
"Wow," gala na lang ni Lukas ng mga mata sa loob pagkasara ng chaffeur ng pinto.
"Sorry," Risha mumbled, checking her purse. "Daddy doesn't know what simple means."
"I agree. What should I call him?" lingon niya rito.
"Just Sir," zipper ni Risha pasara sa purse niya. "After all, huling araw na naman ito ng pakikisakay mo sa kahibangan ko."
"Kahibangan?" Hindi niya nabulalas ang salitang iyon dahil sa hindi siya makapaniwala, iyon ay dahil sa hindi alam ni Lukas ang ibig sabihin ng Tagalog word na iyon.
"Craziness."
"What craziness?" sandal niya nang naramdaman na niya ang pag-andar ng sasakyan.
"Forcing you to be my boyfriend," ngisi lang ng babae sa kanya. "Let's just be Risha ang Lukas for tonight. 'Yung walang relasyon, 'yung hindi fuck buddies. Para hindi na tayo manibago kinabukasan."
Napatitig lang siya sa babae. This time, Lukas felt very sure of it. That Risha was already prepared to let him go, to have him out of her life. And Lukas could not do anything about it. Ito naman talaga ang matagal na niyang hinihintay na mangyari, 'di ba? Ang matapos na ang pakikipaglaro niya kay Risha at ang makabalik na sa Germany para matapos na ang kanyang misyon.
Huminto na ang sasakyan matapos ang tatlumpung minutong katahimikan sa biyahe nila. Lukas got down first, and offered Risha a hand to help her get down. Dahil sa pagbaba nito ng sasakyan, tumalilis pababa ang palda ng gown nito kaya lumantad ang makinis nitong hita. He wanted to cover it for her, but she moved fast. Pagkaapak ng dalawang paa ng dalaga na may suot na silver high heels, nahawi na nito ang palda bago kinawit ang braso kay Lukas.
While walking, the slit of her skirt sexily showcased her right leg. They walked slow, pausing every now and then to let the photographers take their picture.
Sa entrance na lang ng ballroom ng hotel nakita ni Lukas kung para saan ang party-- family reunion.
"Damn," he muttered.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro