Chapter Twenty-Seven
Fine. We are going to work this out. Just don't forget to destroy your copy of the memory card! galit na bulyaw sa kaniya ni Officer 8 bago nito dinis-connect ang tawag. Hindi na napigilan ni Risha ang mapaiyak.
Siguradong-sigurado na talaga na hindi na niya makikita muli si Lukas. Hindi na niya ito makakasama ulit.
Makakausap.
Mayayakap.
Mahahalikan.
Kahit anong riin ng pagtikom niya sa nanginginig niyang mga labi, kumakawala pa rin ang paghikbi niya. Masyado siyang nahihirapan kaya naman initsa na lang niya sa dashboard ng kotse ang cellphone at yumuko sa steering wheel ng minamaneho niyang sasakyan.
Iniyak na niya ang lahat ng maiiyak niya, umaasa na ikagagaan iyon ng kalooban niya.
Ilang taon na rin siyang hindi umiyak ng dahil sa pag-ibig. She was fine without Lukas. She moved on from being rejected by Greg years ago by flinging with other men, diving into whirlwind romances with no strings attached. She was fine. She used to be fine.
And for some reason, Lukas made her feel terrible without him.
Love taking over lust? Taking over the physical attraction she used to feel for him? Maging si Risha nahirapan na paniwalaan iyon pero bakit heto at nasasaktan siya?
Umasa rin naman kasi siya, eh.
Ang tanga-tanga mo para umasa. Pareho niyo namang alam kung bakit napunta kayo sa ganitong sitwasyon 'di ba?
Inangat niya ang mukha at pinunasan ng likuran ng kanyang mga palad ang basang mukha.
It's just for your own pleasure and for his damn memory card.
Sinuklay niya ng kamay ang buhok na nagulo mula sa pagkakayuko sa manibela at binuksan ang glove compartment para kumuha doon ng tissue.
Just a week away from the city. Then I will destroy the copy of the memory card that I have.
Nakarinig siya ng busina mula sa likuran. Nalingunan niya ang isang sasakyan na hindi na yata nakatiis dahil sa sobrang tagal niyang pagkakahinto sa gitna ng daan. In-overtake na siya nito at mabilis na nawala sa paningin niya. Buti na lang at nasa highway na siya pataas sa matarik na bundok pa-Batangas kaya wala masyadong mga sasakyan at hindi nagdulot ng traffic ang paghinto niya sa mismong gitna ng kalsada.
Pagkadakot niya ng tissue mula sa box nito, iba ang nadampot niya.
"Sloven?" basa niya sa papel na nakuha. Doon na nagsimula ang flashback niya.
"Well," the platinum blond-haired man offered her a piece of paper when she already got inside her car, "boyfriends come and go, babe. You'll never know when you will need a new one. So just call me when you are already available."
At nung tiningnan nga ni Risha ang papel may nakasulat doon na Sloven at ang cellphone number nito. Tiningala niya lang ang lalaki at tinangginahan, but he let her his final words.
"Come on, you might need me one day."
"I remember now," singhot ni Risha habang tinititigan ang papel.
***
Sloven Markov was a man of pleasure. Laro-laro lang para sa kanya ang pagiging espiya. It was like roleplaying. Kunwari ganito siya o ganyan, para lang makuha ang impormasyon na kanyang kinakailangan. At kung pagkuha lang din naman ng mga deta-detalye ang pag-uusapan, madali na lang iyon para sa binata. He was a man with a lot of dealiest skills.
One of his best and deadliest assets was his good looks. Who on earth would suspect a man who looks like a demigod? A platinum blond-haired angel?
Nagtatrabaho ang trenta'y dos años na lalaki para sa GRU o ang Main Intelligence Agency of the General Staff of the Armed Forces of the Russian Federation. Ang head mismo ng Russian Military Intelligence ang kumausap sa kanya para sumabak na misyon pagmanman sa German officer na pinaghandle ng German Army sa paghahanal sa Russian Secret File.
And that German officer was Lukas Verlin Mikhail.
Kakalabas lang ni Sloven mula sa banyo, nakatapis lang ng tuwalya mula sa bewang nito pababa kaya tumambad ang dibdib nito at abs na may siksik at matitigas na mga muscles. Pinunasan nito ang buhok gamit ang pinaghubarang shirt at pinulot ang cellphone na nakapatong sa bedside table.
May nagpop-out na message notification kaya binasa niya iyon.
You said all I have to do is let you know when I need you. I am the girl with the white Eon car, foreigner.
Napangisi na lang siya. "So she needs me now, huh?"
Kumislot ang kung anong kaba sa dibdib niya. If that girl needs me now., does it mean... Lukas already left her?
Mabilis niyang binuksan ang application na naka-install sa cellphone niya. Isa itong wifi-powered recording app na tanging mga nagtatrabaho lang para sa GRU ang mayroon.
Tapos na ba ang misyon nila? Nahanap na nila ang memory card?
He put his cellphone loudspeaker. 'Yung German na sinundan niya kasi sa pagpasok sa Cosmos hotel nung nakaraang gabi, nakumpirma niya na isa sa mga subordinates ni Major Lukas kaya naman lumipat siya ng tinutuluyang hotel.
At dahil sa kinabit niya na recorder sa bintana ng hotel suite ni Officer 8 na wifi-connected, naririnig na niya ang usapan ng mga taong iyon sa cellphone.
What did he say?
He just disconnected the call.
Do you think he's already in love with the frau and doesn't want to leave anymore?
I don't care. What I want to happen is that Sir will come here soon. Officer 6 already booked our flights to Germany two days ago, I don't want all our efforts to come to waste.
Is Sir mad?
Nope. He sounded more of in a hurry. I think he still doesn't know the truth yet.
Naningkit ang mga mata niya. Hindi alam ni Major ang mga nangyayari? Anong klaseng sundalo ito? Masyadong pabaya sa trabaho.
Naputol ang pag-iisip niya nang nagpatuloy ang pagsasalita ng mga nasa silid na iyon.
I'd better call that girl. I'm afraid she's backing out on her deal with us.
Good idea, Officer 8.
Kunot-noong napatitig si Sloven sa cellphone niya.
"That girl? Who is that girl they are talking about?" he murmured using his hard Russian accent.
Hello? narinig niya ulit sa cellphone. Sa tingin ni Sloven, tinawagan na ni Officer 8 ang babaeng tinutukoy nito.
Yes, this is me, Risha.
"Risha..."
Sloven loved the feel of the name on his lips. Dahil sa kakasunod niya kay Major Lukas nitong nakaraang mga araw, hindi lang ang ito ang namanmanan niya. Maging ang nobya nito na si Risha Guinto.
"So," he concluded, talking to himself as he tugged the towel from his waist and hung it over his shoulder, "Risha is that girl... She's working with the Germans?"
I called to remind you about the deal.
Namayani ang katahimikan. May mga nagbulung-bulungan sa silid na iyon pero hindi na iyon nahagip ng recorder ng Russian spy.
Have you told Sir about everything?
Silence. Then it was followed by Officer 8's angry growl.
What? You never told him? What our job? You are supposed to tell him the truth!
Tila nagkagulo na ang mga officers ni Lukas sa kabilang silid. Sloven just kept on listening.
Fine. We are going to work this out. Just don't forget to destroy your copy of the memory card!
"Damn," he muttered and quickly turned off the app.
She has a copy of the file! What is going on?
Sinugod nito ang sports bag na nasa loob ng cabinet at mabilis na nagbihis. Kailangan niyang malaman ang dapat malaman, pero mas magiging madali yata iyon kung gagamitin niya ang isa sa mga nakakamatay niyang asset...
Pagkabihis, mabilis niyang tinawagan ang numero ng babaeng nag-text sa kanya.
"Hello," he spoke with a chuckle. "Finally, you need me now."
Pero ang totoo si Sloven ang may kailangan sa babae.
***
A.N.
Hello, guys! I am baaaack!
Yung mga Tagalog thoughts ni Sloven, isipin niyo na lang na Russian language ang gamit niya d'un hahaha :D Hindi naman siya marunong mag-Tagalog eh hahaha :D
Anyways, what can you say about Sloven? Is he the good, the bad or the yummy? HAHAHA :D
Chapter Twenty-Eight is coming soon. Ayoko mag-promise na tonight ko siya mapa-pub, but I will be writing it now :)
Salamat sa patuloy na pagbabasa, pagvote at pagcomment. I will reply to your comments soonest. :)
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro