Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-Nine

"Lukaaaas!"

Lumalayo na ang helicopter mula sa kinabagsakan ni Lukas nang tinangka nito na tumalon para makaakyat kasama niya. Nilamon na ng malakas na alon ang lalaki kaya naman napalunok si Risha at nag-aalalang inangat ang kamay para maakyat ang lubid na tali.

I have to talk to Sloven! I have to tell him to come back for Lukas!

Natatakot siya noong una na baka mahulog dahil sa paggalaw ng sasakyan nila habang nakalambitin siya, pero kinailangan na niyang lunukin ang takot at akyatin si Sloven para masabihan ito.

Her arm finally reached inside the helicopter. Strong arms pulled her up, but before she could even speak or look at anyone of them a man gagged her mouth with a handkerchief. Mabilis na nagpumilit na makawala si Risha mula sa kung sinong nagtayo sa kanya na nakapuwesto sa likuran niya at hawak siya sa mga braso habang tinatalian siya ng panyo sa bibig.

Sino kayo? Bakit niyo ako nilalagyan nito sa bibig?

But her voice would not come out, only her muffled screams. Hinablot na siya sa braso ng maskuladong lalaki na nagbusal sa bibig niya at ginapos, kaya naman napaharap siya sa lalaking kanina lang ay nasa likuran niya.

The sunlight gave him a glowing effect, like an angel that descended from the skies. Her eyes narrowed at that thought because Risha knew one thing for sure. Dahil sa ginawang panggagapos at pagbusal ng mga ito sa bibig niya, malakas ang kanyang kutob na hindi maganda ang gagawin ng mga lalaki sa helicopter na iyon.

The man stepped closer, revealing a much clearer view of his face-- he had the same blue ocean eyes, the looks of a model with piercing eyes and his platinum blond hair.

Ito ang lalaki na nagbigay sa kanya ng cellphone number noon sa may parking lot!

Sloven! her mind declared.

Nakangisi sa kanya ang lalaki kaya lalo siyang nakadama ng pag-iinit ng ulo.

Huwag kang ngumisi-ngisi diyan! Help Lukas!

"Don't look so mad now, babe," anito sa kanya. "We will see the Major soon."

Soon? Hindi mo siya ililigtas? Bakit? Pakawalan niyo ako!

Nagpumilit siyang manlaban at kumawala pero tila bakal na tanikala ang mga braso ng maskuladong kalbo na kasama ni Sloven. Hinila na siya ng maskuladong lalaki pakandong dito para magapos siya ng mga braso nito kahit na nakaupo na sila. Napapikit na lang siya ng mariin, Risha growled under her throat angrily as she continued to struggle herself free from him. Her legs waved wildly as she tried to squirm away from him.

Tinalikuran na siya ni Sloven at tumingin ito sa dagat.

If only I can escape from this hold, I will push that Sloven!

What are you even thinking, Risha? Why trust this stranger?

Oh, right. Dahil akala mo may gusto siya sa iyo kaya wala siyang gagawing masama, 'di ba? Bullshit!

"Don't worry, Major--" biglang salita nito gamit ang megaphone kaya naman napatigil si Risha.

Kausap ba niya si Lukas? Kung ganoon... he's alive! Lukas! Lukaaas!

Sumuko na rin si Risha sa kasisigaw sa pangalan ng lalaki dahil kahit anong lakas niya ng boses eh hindi pa rin iyon maririnig ng lalaki lalo na dahil sa ingay ng sinasakyan nila.

"--she made it and she's fine," patuloy ni Sloven. "And see you soon, Major Verlin!"

Napapikit na lang si Risha. Magkikita pa tayo, Lukas. Please, save me... save me, Lukas.

***

Matapos makapagbayad ng piyansa nang dumating na sila Officer 8, pinakawalan din si Lukas ng mga pulis.

Natuyo na ang damit niya na basa ilang oras lang ang nakakaraan dahil sa paglusong niya sa dagat. The police saw him trying to get into the helicopter but Lukas did not mention anything about the real reason.

He didn't even know who to trust aymore.

Habang nasa loob kasi siya ng kulungan, kung saan-saan na napadpad ang isip niya, hanggang sa humantong siya sa konklusyon na baka naman kasabwat ni Risha ang kung sino mang Sloven na iyon. 

So it means the memory card will be returned to the Russian Army? But what if not? What if that Sloven is a crook?

Tahimik lang sila ni Officer 8 sa loob ng taxi. 

"Officer 8?" Lukas decided to talk to him in German to avoid the taxi driver from understanding their conversation. "Naaalala mo pa ba nung hinabol ko si Lucia sa Tondo?"

"Yes, Sir," lingon nito sa kanya. "What about it?"

"Ang totoo, nahuli ko siya."

Bakas ang gulat sa mukha ni Officer 8 sa narinig. Ang pagkakaalam kasi nila, hindi naabutan ni Lukas ang babae.

"Ang sabi niya sa akin, huwag ibibigay ang RSF sa mga Russian. Siyempre, tinanong ko siya kung bakit. Pero hindi niya alam ang sagot. May nagmamanman daw sa kanya at nagsasabotahe sa mga communication gardgets niya kaya hindi siya makapag-report sa Private Eye tungkol sa misyon niya."

"Sir, bakit niyo siya pinakawalan?" hindi mapakali kaya sumingit na ito. "Marami tayong dapat malaman! Baka naman may alam siya, kinakailangan lang niya ng konting pananakot para magsalita!"

Lukas raised a hand. "Patapusin mo ako, okay? Sinabihan ko siya na bumalik na ng Germany, dahil tayo na ang bahala sa RSF. I told her we already know where it is and we will keep it for her. Pinabalik ko siya para papuntahin niya sa akin ang boss niya. Sinabihan ko siya na kailangan ko makausap ang kung sino mang nag-uutos sa kanya dahil kung hindi, dadalhin natin ang RSF sa Germany para maibalik na sa Russia." He let out a sigh before he continued. "Kaya ko siya pinakawalan. Tapos paggising ko kaninang umaga, aba, wala na si Risha! Kaya sinundan ko siya sa Acuaverde."

"At pumunta ka doon, Sir, ng walang helmet? And you broke the traffic rules?"

"This is an emergency, okay? Kailangan kong makuha ang memory card sa kanya!"

"Sir, calm down," mahinahong tugon ni Officer 8 nang nagtaas na ng boses si Lukas. "May gusto akong ipaliwanag muna sa iyo."

"What is it?"

At nagsimula nang magkuwento ang kanyang subordinate.



For some reason, Risha managed to contact Officer 8 from his suite at Cosmos Hotel. Gusto raw nito makipagkita sa kanya sa basement parking lot ng condominium na tinutuluyan nito. Mabilis namang pumunta ang subordinate ni Lukas. Medyo nag-aalala rin ito dahil panigurado na tungkol kay Lukas ang dahilan ng pagtawag ng babae sa kanya.

When he reached the meeting place, he saw her standing beside her Eon wearing nothing but a white silk lingerie. Napalunok si Officer 8.

Did she call me for a one night stand? 

Naka-ilang dasal din si Officer 8 para masigurado na magkakaroon siya ng lakas ng loob na tanggihan ang seksing babae. May asawa na siyang tao at ayaw niyang magpatukso rito. Lalo na at alam niya na lumalandi rin ito sa boss niya, base na rin sa pagkakakwento sa kanila ni Lukas.

"Thank you coming," tipid itong ngumiti sa kanya.

"Uh... Wha-what is the matter?"

Shit! Why stammer in front of this woman?

She extended her hand, trying to hand something to him. Kaya naman nilahad ni Officer 8 ang palad. Pagkabigay sa kanya ni Risha, doon lang niya nakita na ang nasa palad niya ay ang itim na memory card.

"That is the memory card that you are looking for."

Binalik niya ang tingin sa dalaga. "You are giving this back to us? Why? Why not give it to Sir?"

"Because I want to make a deal with you," ekis nito ng mga braso. That made her boobs look bigger, but since she laid it straight to him that she called him in order to make a negotiation, Officer 8 ignored the lusty aura the woman has.

"Tell me about it, Miss Risha," tugon ng lalaki habang dali-daling binulsa ang memory card.

"I have a copy of the file inside that memory card."

Nanlaki ang mga mata niya, damang-dama iyon ni Officer 8. Alam niya na malaking problema ito dahil dalawa na ang kopya ng RSF. Ibig sabihin hindi lang isang kopya nito ang poproblemahin nila na huwag mapunta sa maling tao kundi dalawa na!

"Why? You don't realize how important the file is, do you? Making another copy of the RSF will only put it more at rish of being accessed by the wrong people!"

"Chill," ngisi nito. "No one will know there's an extra copy but you and me. I gave you back the memory card so that you will seal this deal with me; and I saved a copy of that file for myself just in case you'll reject my offer."

He rolled his eyes. Matalino nga talaga ang babae, tila hindi ito pumapayag na basta-basta na lang na hindi nakukuha ang gusto. He sighed in resignation.

"Fine," panlalaking pamewang nito, "what is that offer, Miss Risha?"

"I am giving you back the RSF because I want you to do me a favor. I want you to let me be with your Major for the rest of the week."

"Why? I mean... he's just with you because--"

"Because he wants the memory card, okay? And lately, I have been noticing him checking my cabinets and drawers. I know that he's searching for that memory card around my whole unit." She rolled her eyes and continued. "Your Major is smart, Mister, but I am not letting him get away with it. If he thinks he can cheat on our deal, well he's wrong."

"So... So what do you want me to do again?"

"Just let me be with Lukas for the rest of the week. Can you do that? Just pretend that you still didn't have the memory card."

"What if I don't want to do that?"

"Then, you know what I will do with the second copy of the RSF."

"Damn," hindi na napigilan ni Officer 8 na mapamura. "Fine. But after one week, delete it, okay?"

"I know how to keep my side of the deal, Sir. I hope you will do the same," ngiti nito sa kanya. "Just give me a chance to make him love me."



Lukas balled his hand into a hard fist.

"Pinagkanulo niyo ako sa kanya?" ngitngit nito, ni hindi makatingin ng deretso sa katabi niya.

"Sorry, Sir," seryosong tugon nito, nakatutok na rin ang mata nito sa unahan ng sasakyan. "Ginawa ko lang iyon dahil natatakot ako na baka ikalat ni Risha yung ikalawang kopya ng RSF."

Ibig sabihin, matagal nang nasa amin ang memory card! That bitch! Pinapahirapan lang pala niya kami dahil lang sa kaartehan niyang ito!

Why do you have to make things so hard, Risha? You are even making it hard for me emotionally. Fuck!

"Binura na ba niya ang kopya niya ng RSF?"

"Nung tinawagan ko siya kaninang umaga, hindi pa raw niya nabubura, pero sa tingin ko nabura na niya yun."

Napailing si Lukas. "No. Sa tingin ko hindi."

"Ha?" halos napasigaw a ang kanyang katabi sa taxi na nakahinto na dahil sa traffic. "Paanong hindi? Tatawagan ko siya ulit at--"

"Hindi mo na siya matatawagan. Hinabol ko siya sa Acuaverde pero sumakay siya sa helicopter ng isang Russian at tumakas na sila."

"Ano?"

Tumango-tango si Lukas habang minamasahe ang espasyo ng kanyang balat sa pagitan ng mga mata. "Hindi ko sinabi sa mga pulis kanina ang totoong nangyari. I told them that I am planning to escape from them with my girlfriend but I failed. 'Yun lang."

"Sir... paano mo nasabing Russian yung kasama niya?"

"He spoke to me using a megaphone. Halatang-halata sa accent ng pananalita niya kung taga-saan siya. He said we will meet again." Sinapo nito ang ulo. "Fuck. I don't know what to think. Kung ano ang gagawin nila kay Risha, kung... fuck. Sana naman huwag nila pagbintangan si Risha na nagnakaw nung RSF."

"So it means, you are assuming that he's from the Russian Army."

"Yes, Officer 8. Who else would give a fuck about the RSF but the German and the Russian Army, right?"

"Well, remember Lucia? Agent siya ng Private Eye. At hindi nagtatrabaho para sa gobyerno ang Private Eye, Sir."

"Fuck," bulalas nito. "Right. Wala rin namang sinabi si General na makakatulungan natin sa misyon ang Private Eye. At si Lucia ang nagnakaw ng RSF kay Rheinhart!"

"Tama, Sir!" sang-ayon ni Officer 8 na kasabay niya na unti-unting napapagtagni-tagni ang mga pangyayari.

"We have to find a way to communicate with Lucia, Officer 8. I need to talk to her boss A.S.A.P. If they are involved here, it means they know something more than what we are informed about. Asisgn Officer 4 for that."

"Yes, Sir."

Dinampot na ni Lukas ang cellphone na nakapatong sa tabi ng kinauupuan niya sa taxi na iyon at ina-assemble ulit. Nabasa kasi iyon nung lumusong siya sa dagat kaya kinalas niya at pinatuyo. He pressed the ON button.

"Work, you little shit," he murmured, pertaining to the phone.

Ilang segundo lang ay umilaw na ang screen nito.

Time to get this mission done.

Napapikit siya nang sumingit sa alaala niya ang masayang mukha ni Risha.

And get Risha back.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro