Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Three

Pagkalabas nila ng building, dumeretso na sila sa parking lot ng NBI.

Binuksan na ni Risha ang pinto sa driver's seat, pilit na binabalewala ang presensya ng lalaki pero papasok pa lang siya sa kotse niya ay sumingit na ito at pumasok sa loob. Nagulat na lang si Risha nang okupahin ni Lukas ang shotgun seat. 

Namewang siya at napatitig dito.

Pumunta lang naman ng NBI si Risha kasi nandoon daw ang pinsan niya na si Jamer. Gusto lang niyang bigyan ng thank-you-treat ang pinsan-- a box of cookies-- pero heto at may asungot pa siyang nakuha kapalit niyon.

"Get out of my car!" she gritted.

"I thought nasa car shop ang sasakyan mo," komportableng sandal ni Lukas sa leather seat at pinilit na ipatong sa dashboard ang mga paa nito, pero dahil masyadong cramped ang Eon-- ang uri ng sasakyan na dala ni Risha-- binaba na lang nito ang mga binti at umayos ng pagkakaupo.

"So? I have three cars, now get out!"

"Arrogant bitch," ngisi nito. "I need a free ride. Hanggang sa Cosmos Hotel lang ako."

She narrowed her eyes. "Cosmos Hotel? How dare you! Nagpapahatid ka sa akin sa hotel? What makes you think I will take you there?"

"Just do Jamer a favor. Dahil sa iyo kaya imbes na sa kanya ako sasabay, sa iyo pa ako napunta."

Risha reluctantly took a seat and slammed the car door close. Binuhay na niya ang sasakyan.

"Sino ka ba? At paano mo nakilala si Major Kuya?"

"Why?" he took a sidelong glance at her. "Don't tell me, kapatid mo si Jamer."

"Of course not! Pinsan nga niya ako, 'di ba?"

"Ang sweet mo namang pinsan, bringing him a box of cookies and all that, arrogant bitch.

Napahampas na lang siya sa manibela ng sasakyan. "Stop calling me that, baka hindi kita sa Cosmos ibaba kapag pinagpatuloy mo iyan."

"Wow, scary," sarkastikong tawa nito. "Himala at magkamag-anak kayo ni Jamer. Jamer is a cool guy, you know. Has he ever mentioned to you that he had been to Germany?"

"We have relatives in Germany, he doesn't have to mention that--" gagantihan sana ni Risha ang pagtawag nito sa kanya ng arrogant bitch pero wala pa siyang maisip na pang-insulto sa lalaki.

"Well, we became classmates in elementary," pagkukuwento ni Lukas. "Both of us wanted to be soldiers. I am glad we both got what we wanted."

"Eh 'di congrats," Risha groaned as her car made a turn before they got caught by the red stop light.

Mula sa pagkakatingin ni Lukas sa bintana, binalingan nito si Risha. "You sound bitter, frau. Seems like somebody never got what they wanted."

Inirapan niya ito. "Shut up, gago."

Mailap ang mga mata na binalik niya ang paningin sa kalsada. Hindi pa rin siya makaka-get-over sa pag-reject nito sa kanya sa bar. How that crushed her pride easily.

Isang lalaki lang ang hindi niya nakuha. And Risha was fine with it. Alam naman niya sa sarili niya na hindi pa siya noon marunong mag-ayos at pangit naman talaga siya.  Now there's the second man who rejected her, and she was feeling crushed that easily.

Hindi kasi siya sanay sa ganoon eh. Hindi na siya sanay makatanggap ng rejection. Everybody were supposed to love her, the new her.

Pero ang lakas ng loob ng katabi niyang German para tanggihan ang pang-aakit niya.

Worse, he already saw her without a make-up. Nakakapagtaka nga lang na nakilala pa rin siya nito.... Risha rolled her eyes at that thought. Oo nga pala, nakilala daw siya nito dahil sa kulay ng buhok at suot niya.

"Tell me, arrogant bitch, "patuloy lang ni Lukas, "have you got what you always wanted?"

Tamang-tama at red light sa susunod na intersection kaya inihinto ni Risha ang sasakyan. Napatulala siya sa kawalan. That question sort of caught her off-guard.

Have you got what you always wanted?

"You won't be so arrogant if you got it, you know," ngisi ni Lukas. "Alam mo ba ang ibig sabihin ng pagiging arrogant? You want people to think you are so important. That you are the right person for everything. I am sorry pero ganyan ang impression ko sa pagkaka-approach mo sa akin sa bar last night. So, so arrogant. I am half-drunk too, so I have been kind of harsh for calling you an arrogant bitch."

"But you are still calling me an arrogant bitch," she hissed. Hindi pa rin niya ito nililingon, naka-focus ang mga mata niya sa stoplight.

"Because you are still an arrogant bitch," tawa nito. "Look at you, ihahatid mo ako sa Cosmos hotel. If you really hated me for what happened last night, pinakaladkad mo na ako sa labas ng kotse mo. But you didn't. Because you are arrogant, you want people to think that you are important."

"I am important," mariin niyang sagad. Her fingers impatiently tapped on the steering wheel.

"If that's the case, then you don't have to be arrogant. There's no need to shove it into people's faces. Unless, no ones thinks that you are important, kaya gusto mong ipamukha iyon."

Hindi na niya napigilang mapatingin dito. Kitang-kita ang inis at galit sa mga mata nito.

"Bakit ba pinagsasasabi mo ang mga iyan sa akin?"

Lukas shrugged. "Sorry, arrogant bitch, I can't help being direct to the point. That's my attitude. At sa Germany, hindi pwede ang paligoy-ligoy."

"Pero wala ka sa Germany, nandito ka sa Pilipinas. Kaya kung wala kang sasabihing maganda, shut your German mouth."  Binalik na nito sa kalsada ang paningin.

"Okay," tawa nito. "I thought that might help, you know. Para next time na may gusto kang akitin sa club eh, tumalab naman."

She threw another glare at him. "I am not desperate, okay? I can always find another guy in case some guys never realize what a catch I am."

Lalo lang ito natawa. "Ang sakit mo magparinig, ha?"

"Look who's being arrogant here," she rolled her eyes and stepped on the gas, "huwag kang mag-feeling."

Nanlaki ang mga mata nito at lumapad ang ngiti sa mga labi. "So hindi lang pala ako? Ilan na ang nag-reject sa iyo?"

"Shut up!"

Iligaw na niya kaya ito? Iwanan niya kaya ang lalaking ito sa Manila Bay? Baka sakaling matuto na itong manahimik.

Pero huli na, nasa tapat na sila ng Cosmos Hotel.

"Dito na lang," Lukas grunted. Kahit abala pala ito sa pang-iinis sa kanya, aware pa rin pala ito sa mga dinadaanan ng sasakyan niya.

Risha parked in front of the tall hotel building. Abot-langit ang pasasalamat niya at matatahimik na rin sa loob ng sasakyan dahil bababa na ang madaldal na lalaki.

Lukas opened the door for himself and gave Risha one last look.

"Listen, arrogant bitch, tell Jamer that I will visit him before he goes to Basilan."

At sinara na nito ang pinto. Mabilis na pinaharurot ni Risha ang sasakyan paalis.

As if sasabihin ko iyon kay Jamer. Sino ka ba para gawan ko ng pabor?




Kinagabihan, natagpuan na lang ni Risha ang sarili na nakaupo sa Starbucks. Dumating na si Jamer, nakasimpleng jeans ang lalaki at puting shirt.

"I like the cookies," upo nito katapat niya sa ilalim ng isang umbrella. "Tinawagan mo na lang sana ako para alamin iyon."

"Hindi iyan ang pag-uusapan natin," Risha sweetly smiled, "but I am glad you loved the cookies, Major Kuya!"

Jamer rolled his eyes. Alam na siguro nito na may hihingiin siyang pabor kapag ganitong pa-sweet ang boses at pag-ngiti niya.

"Well, what is it that you want?" he groaned. Jamer already knew that he was bound to be doomed. Once Risha displayed her sweet-side, she gets anything she wants.

"I want to know stuff about the German guy," she sipped her frappe.

Napangisi si Jamer. Kung iyon lang naman ang hihingiing pabor ng pinsan, kaya nama nitong ibigay.

"Oh, Lukas?" napasandal ito. "Don't tell me you want to add him in your collection."

Risha laughed, trying to sound sweet and feminine, and she always did that perfectly when she wants to. 

"Sort of," she giggled. "He looks huge."

Jamer rolled his eyes. "Well... Lukas is not that type of guy, Risha."

She gave him the puppy-eye look. "Come on, Risha.. . Not that look!"

"What do you mean?" simangot nito. "He hates women?"

"Well..." napabuntong-hininga si Jamer. "Sort of... Hindi naman talaga hate. Ayaw lang niya ng relationships."

"Bakla ba siya?" she blurted out.

She looked so cute it only made Jamer laugh.

"Geez, I know Lukas, hindi iyan."

"Then why can't I have him? Help me, Jamer."

"No can do," iling nito. "Sorry, Risha. But once he found the locket, he's going back to Germany."

"Locket?" naningkit ang mga mata nito. "What locket?"

Jamer gasped. Puta, nadulas ako!

"W-Wala... Wala!"

Risha slowly raised her arms. Nagbabanta na ito na pag-eekisin niya ang mga braso at hindi iyon magugustuhan ni Jamer. Sa oras na nakatingin na siya ng masama rito at naka-ekis na ang mga braso, world war III na ang peg nilang magpinsan. Gagawin ni Risha ang lahat para pasakitin ang ulo nito.

No one would want to know what Jamer was going through when Risha gets mad. Walang makaka-take sa lahat ng nararanasan ni Jamer kapag nakakaaway nito ang babae.

"Please, Risha, ayokong magisa na naman ni Tito," banggit ni Jamer sa mayamang business tycoon na tatay niya.

"Hmph," her arms were getting close.

"It's an important locket, okay?" napipilitang sagot ni Jamer. He leaned closer to lower down his voice and still be audible for her. "A locket that has a memory card inside. It contains an important file. Iyon lang ang ipinunta dito ni Lukas sa Pilipinas. Please, Risha don't tell anyone about this!"

Hindi na tinuloy ni Risha ang pag-ekis sa mga braso. She leaned closer to Jamer and smiled sweetly. Para bang walang nangyari.

Minsan talaga nakakabwisit ang convincing powers ng babaeng ito, inis na naisip ni Jamer. Sumandal na ito sa kinauupuan at pinag-ekis ang mga braso.

"How does the locket look like?" ngiti niya sa pinsan, walang kaide-ideya sa naisip nito.

"Made of gold," sagot nito. "May round pendant na may naka-ukit na R sa gitna."

Nakita nito ang panlalaki ng mga mata ni Risha pero ilang saglit lang ay bumalik na sa pagiging sweet ang mukha niya. She has to, she needed to hide her reactions.

"I see," she chirped. "Now let's set that aside. Tell me more about Lukas, please."

"I already told you, hindi nga siya interested sa--"

"Don't worry. I'll make him become interested. Just answer me or I will call daddy--"

Namutla siya sa sinabi nito. No way she was going to call her dad to get him! "Oo na, okay? I will tell you!"

Risha giggled. Even soldiers like her cousin have no right to reject her. She would never ever allow that.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro