Chapter Thirty-Two
Risha hugged herself as they plunged into the thick snowy woods.
Katabi niya sa paglakad si Sloven na nakahanda ang hawak na shotgun. Tinitigan niya ito mula sa ilalim ng hood na kanyang suot. His steps were slow and sure, making deep marks on the sand. Dahan-dahan itong lumilingon-lingon, alertong ginagala ang mga mata sa paligid.
Hihintayin ko lang na may makita siyang target. He will be too distracted to notice my escape in that situation.
"Are you alright?" baling sa kanya ng lalaki.
"Yeah!" sagot niya rito habang patuloy sa paghangin ng malakas. "This snowing is getting a little bit too harsh. Let's head back to your house!"
"No," ngisi lang nito. "Why, are you feeling cold?"
"A little," sipsip ni Risha sa sariling pang-ibabang labi habang naglalakad, pakiramdam niya kasi nanunuyo na ito sa sobrang lamig.
Narinig lang niya ang mahinang pagtawa ng lalaki. Ang impression niya sa mga Russians ay serious-types at nakasimagot tulad ng role ni Dolph Lundgren sa ilang movies nito. Pero marahil psychopath nga ang kasama niya na nangha-hunting kung kailan masama ang panahon kaya palatawa ito o ngisi ng ngisi.
Her eyes shifted from his annoying face to the shotgun he was holding. Risha felt the hard lump on her throat.
If he's a psycho, I really need to get out of here...
Bigla na lang inalis ni Sloven ang pagkakatitig nito sa kanya. May napansin yata ang lalaki na galaw mula sa mga halaman kaya alerto nitong tinaas ang hawak na shotgun at tinutok doon.
Nabuhayan ng loob si Risha. Ito na ang pagkakataong hinihintay niya!
Palinga-linga na siya sa paligid, naghahanap kung saan ang magadang direksyon na tahakin para sa kanyang pagtakas. Muli niyang binalingan si Sloven. Dahan-dahan na itong naglalakad pasulong, nakatutok ang hawak na baril sa ispesipikong direksyon.
"Stick close," he murmured. "I think I found something."
As if I will do that, titig lang ni Risha sa lalaki nang walang kagalaw-galaw mula sa kinatatayuan.
Nang nakalayo-layo na ito ng kaunti, dahan-dahang umatras si Risha at kumaripas ng takbo papunta sa mga puno sa kanan niya. She covered her mouth as she ran to make sure she would not make any sound. Habang tumatakbo, panay ang lingon niya.
Hindi niya ako nakita! nakangiti siya habang nasa isip iyon. I'm free!
Nagpatuloy pa siya sa pagtakbo ng mabilis, minsan ay napapatid pa siya ng makapal na kumpol ng snow o nasasabit sa mga kalat na sanga pero nagpatuloy pa rin siya. Dahil na rin sa pagod kaya kitang-kita na ang hininga niya na binubuga ni Risha sa bawat paghingal niya.
Walang patawad ang kalikasan. Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng niyebe at ang pag-ihip ng malamig na hangin. Habang tumatagal ay bumabagal na ang pagtakbo ni Risha, inaatake na siya ng kakaibang pagod at paghihirap sa paghinga.
Napayuko tuloy siya pagkahinto niya at napa-ubo.
"Bakit ba kasi ang lamig dito?" yakap niya sa sarili bago pilit na tinuwid ang katawan. Napatingala siya pero saglit lang dahil sa pagbagsak ng snow flakes sa mukha niya na nagpanginig sa kanyang katawan.
Naghanap siya ng susunod na daan na tatahakin, pero puro mga punong nababalot ng niyebe lang ang tumambad sa kanya.
Nasaan na ako? nagtataka niyang tanong sa sarili bago humakbang ng kaunti at inikot ang sarili para matingnan ang buong paligid.
Ang sabi ni Sloven maraming mababangis na mga hayop raw dito...
Risha bit her lower lip and hugged herself tighter. Diyos ko, hindi ko alam kung saan na ako pupunta.
Bago pa kumawala ang hikbi sa kanyang mga labi, nilunok iyon ni Risha. Pinigilan niya ang nagbabantang pagpatak ng kanyang mga luha.
Bakit ang tagal mo dumating, Lukas?
Tumingala ulit siya at nakita ang mga nagtataasang puno bago niya natanaw ang napaka-puting langit na mahamog tingnan.
Makikita mo kaya ako rito?
Hindi na niya napigilan ang mapahikbi bago sumalampak ng upo sa lupang nalalatagan na ng makapal na snow. Wala na siyang pakialam kung gaano pa iyon kalamig. She hugged her legs and cried.
"Gusto ko na makauwi..." mahina niyang iyak.
Pinikit niya ng mariin ang mga mata habang unti-unting bumabalik ang pagiging kalmado niya.
"Gusto ko na makauwi, gusto ko na makauwi," she murmured to herself before she stood up slowly.
Nilingon niya ulit ang paligid habang pinupunasan ang mga luha.
"I have to help myself," she said, looking around until she found a promising spot for her. "Doon ako pupunta."
Risha breathed in deeply and made another run.
Just imagine that this is like your morning run. Running without a care in the world while listening to some good 80s song through your earphones, Risha.
Sa kanyang pagtakbo, inikot ni Risha ang mga mata sa paligid, pilit na tinatandaan ang mga lugar na kanyang nadadaanan. Sa bawat pagliko na kanyang gagawin, nag-iiwan siya ng palatandaan. Ang kanyang palatandaan? Hinahampas niya ang halaman para bumagsak ang mga snow na bumabalot sa dahon nito para maging kapansin-pansin iyon. Then, she would continue running.
Risha ran and ran.
May dulo ang gubat na ito, Risha, cheer niya sa sarili. Just keep running!
Napahinto siya nang sa pupuntahan niyang direksyon, nakita niya si Sloven na nakatalikod.
Shit!
Dahan-dahan siyang umatras at nagtago sa likuran ng mga halaman bago tumakbo sa ibang direksyon.
Ilang oras na siyang tumatakbo.
Nasaan ba ang dulo ng gubat na ito? pagod niyang luhod kasabay ng pag-ubo.
Nanginginig na ang kamay niya sa lamig, nagbitak-bitak na rin ang mga labi niya. With her breathing shallowing, Risha though her lungs was probably freezing too.
Huminga siya ng mas malalim pero dahil sa malamig na hangin lang ang nalalanghap niya, napapahak siya.
"Damn" she hoarsely muttered.
Tinukod niya ang mga kamay sa hita at napayuko.
"Lukas..." iyak niya.
Risha felt her warm tears making their traril along her cheeks. Napasinghot na rin siya dahil sa tuloy-tuloy na pagluha.
"I am so tired... so, so, tired..." nahihilo niyang usal na tila unti-unti nang nawawala sa sarili.
Unti-unti na nagiging blurry ang paligid niya. Ang puti ay naging mas maputi, nagmistulang liwanag ito na parang gusto siyang bulagin. Pagkapikit ni Risha hindi na niya nalaman pa ang mga sumunod na nangyari.
***
Nagpakawala na naman ng ubo si Risha bago siya tuluyang bumalik sa ulirat. Her eyes was welcomed by the sight of a pale-white flesh.
Yes. Flesh.
Skin and tight chest muscles and...
Lukas? nanlalaki ang mga matang titig niya sa dibdib ng kung sinumang nasa harapan niya. Nananaginip lang ba ako na kinidnap ako at--
Mabilis na inangat ni Risha ang paningin at kulang na lang ay sumigaw siya sa kakaibang gulat at takot na kumuryente yata sa kanya kaya lalong nagising ang diwa niya.
She saw the platinum-haired man staring down at her with his clear blue tired eyes.
"You exhausted me, Miss," he hoarsely murmured to her, putting a strand of her hair on the back of her ear.
"Exhausted?!" tulak niya kaagad dito at tila umikot ang paligid sa naramdaman niyang vertigo dahil sa pabigla-bigla niyang pagbangon sa kama.
Diyos ko! Anong exhausted! May nangyari ba sa amin? She was already wearing bigger-sized pajamas colored white with blue stripes. Oh no, bakit ganito na ang suot ko?
Umupo na rin si Sloven. "Of course, bitch, you just ran away so I have to run around and search for you. Do you really think you can escape from me in the woods?"
Pagbalik niya ng tingin sa lalaki nakita niya ang bahid ng pagkaseryoso sa matapang nitong mukha.
"Is that all that exhausted you?" nagdududa niya pa ring tanong sa lalaki. Kasi naman, bakit nakayakap ito sa kanya nung nagising siya? Bakit iba na ang suot niyang damit? Bakit nasa iisa silang kama?
"Of course, what else?" ngisi nito.
Bwisit! Kahit magkaiba kami ng lahi mukhang nage-gets niya ang iniisip ko!
"Wala!" hablot niya ng kumot mula sa lalaki dahilan para tumambad sa kanya ang katawan nito.
"What do you mean with wala?" kunot-noo nitong tanong bago nakasinghap dahil sa pag-agaw ni Risha ng kumot mula dito.
Napasigaw si Risha sa nakita. The man wore nothing but white briefs!
"The nerve!" tili niya rito. "Yumayakap-yakap ka sa akin na iyan lang ang suot mo!"
"I don't understand what you're saying, but don't be upset, okay?" his hand gestures signalled her to calm down, but that did not work for Risha.
"Don't be upset? Are you trying to rape me?"
"I am not!" angil nito. "Don't think like that, okay? I am a kidnapper and my own country's rebel but not a rapist!"
"Oh really? Who changed my clothes?"
Natigilan ang lalaki. His hands dropped as his gaze was nailed on her face with his mouth dropped open in shock.
"You did?" hindi makapaniwalang tanong ni Risha sa lalaki.
He remained silent.
"Get out!" she shoved him away as she continued screaming. "Get out! Get out!"
"How dare you, woman! I just rescued you in the woods! You lost your consciousness there and in danger of getting a frost bite if I did not come earlier!"
Hindi man lang niya natinag ang lalaki sa pagtulak niya pero patuloy pa rin iyong ginagawa ni Risha. "Just get out of here! Leave me alone!"
"Fine, woman!" tayo na nito sa sahig katabi ng kama. He shrugged his shoulders and gave her a look. He really seemed offended. "Just stop thinking of malicious things about me!"
"Whatever!" balot ni Risha ng kumot sa sarili. "Leave!"
***
A.N.
Hello :D
Pasensya na sa "Radio Gaga" hahaha, alam ko hindi lahat fan ng 80s pero iyan lang ang naiisip ko na kanta na pwedeng sabayan ni Risha sa pagtakbo. The kind of running that makes you feel like you are really running, but feeling hopeful at the same time. Ahh, basta hahaha :D
Tell me your thoughts about this chappy. Sa tingin niyo ba may sa bastos talaga ang Sloven na ito o inosente lang talaga siya? XD
At tikman ang Solyanka sa susunod na chapter ng Attention! :D Naku, yung ibang readers mukhang mandadaya at magreresearch na ngayon kung ano yung Solyanka, hahaha! XD
with flying kisses,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro