Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-Seven

"Saan mo gusto magkape?" tanong sa kanya ni Misha nang makalabas na sila ng headquarters.

Nakatuon lang ang paningin ni Lukas sa nilalakaran habang inaayos ang pagkakasabit ng kanyang coat sa balikat. Malapit nang magkatapusan ng Abril, tapos na rin ang tag-lamig sa Germany kaya naman maganda na ang kulay ng mga puno at damo sa paligid.

Lukas did not reply. Pinagbuksan na lang niya ng pinto si Misha nang nakarating na sila sa pinaparadahan nitong sementadong parking space sa tapat ng building bago umikot at inokupa ang driver's seat.

"Bakit tayo nandito?" baba ng babae mula sa kanyang sasakyan nang iparada iyon ni Lukas sa parking lot ng isang grill restaurant.

"I messaged Officer 8. Dito raw sila kakain, kaya dito tayo."

"I invited you for a coffee, Major," sara ni Misha sa pinto ng sasakyan niya. Lukas just checked if she closed it before he walked ahead.

Pagkapasok pa lang sa restaurant nasa bungad na ang table ng lima sa kanyang mga officers.

"Sir!" bati sa kanya ng mga ito na halos sabay-sabay na nagsipagtayuan.

Lukas gave them a loose smile and squeezed himself between Officer 8 and Officer 5.

"Dito ka, Miss Misha!" alok ni Officer 8 kay Misha na napabuntong-hininga na lang bago umupo sa tabi nito.

They made their orders and Lukas just ate silently as his officers talked.

"Ako naman," patuloy ni Officer 8 sa pagsasalita dahil nagkukwentuhan na sila kung saan nanggaling ang pangalan na binigay sa kanila ng mga magulang nila, "pinangalanan nilang Gunther dahil ang meaning daw n'un, warrior."

"Wow!" kantyaw ng mga kasamahan nila pero nanatiling mababa ang mga boses para hindi magambala ang iba pang kumakain sa restaurant na iyon. "Gunther the warrior!"

"Ikaw, Misha?" pa-cute na titig ni Gunther sa dalagang katabi nito. "Bakit ka tinawag na Misha?"

She just sipped her mineral water and carefully put the glass back on the table. Ni hindi niya halos nagalaw ang barbecue na in-order niya.

"Well, ang pagkakatanda ko, may sha sa dulo ng pangalan namin ng kapatid ko dahil Russian ang nanay namin."

Lukas who seemed uninterested suddenly lifted up his eyes and gazed at her.

Risha... is half-Russian? 

"Akala ko," singit ni Lukas, "half-German kayo. May mga kamag-anak daw kayo rito sa Germany, hindi ba?"

Sumilay ang patabinging ngisi sa mga labi nito. "Looks like Risha told you a lot of things about her." Nang hindi na nagkomento pa roon si Lukas, doon na sinagot ni Misha ang tanong niya. "May kamag-anak kami sa Germany, pero sa father's side namin iyon. At saka, wala siyang dugong German, nakapag-asawa lang ng German ang kapatid ni Papa. Kaya nung maliit pa kami, nagbabakasyon kami dito sa Germany. Papa and Tita Melinda are very close to each other."

"I see," binalik na ni Lukas ang tingin sa steak nito na nangangalahati na.

"You miss Risha?" tanong naman ni Misha sa kanya.

Narinig niya ang panunukso ng mga subordinates niya.

"Alam mo, Sir," ani Officer 8. "Dapat magkuwento ka naman kung ano ang nangyari sa inyo ni Miss Risha. Nakaka-intriga, hindi ba?"

Napatingin siya sa mga kasamahan na puro sang-ayon sa gustong mangyari ni Officer 5.

"Oo nga, isang linggo mo rin siyang nakasama, Sir," paniniko sa kanya ni Officer 8. "May nangyari ba?"

"Yes, meron," walang gatol na sagot ni Lukas. Hindi naman awkward para sa mga German ang sexual topics. "She's attractive alright."

"Well," Officer 8 shrugged his shoulders, "why didn't it work out then?"

He shot a narrow-eyed suspicious stare at him. "Paano mo nasabing hindi nag-work out?"

"Risha did not manage to make you stay, Sir," mahinang tawa nito. "Just like the other girls you used to date before."

"Oh," sandal ni Misha sa kinauupuan. "So, marami rin palang naging girlfriends itong si Major."

"Yes, Miss Misha," pasimpleng akbay ni Officer 8 dito. "Ang se-sexy pa nila. Magaganda at halos perpekto. May model, may anak ng business tycoon, pero wala. They did not manage to tie him down."

Misha crossed her arms. "Mahirap palang ilagay sa tahimik si Major."

Lukas let out a groan. "Come on, guys. Ang topic kanina 'di ba kung bakit yung pangalan natin ang pinangalan sa atin ng mga magulang natin?"

"Tapos na iyon, Sir," tawa ni Officer 3. "Ikaw na ang topic."

He just rolled his eyes. Sanay na siya sa kakulitan ng mga ito at pakiki-usyoso.

"Alright, alright," he surrendered. "Ano pa ba ang gusto ninyong malaman?"

Si Officer 12 naman ang nagsalita. "Well, Sir, sagutin mo na lang ang tanong ni Gunther the warrior."

Nagbungisngisan ang mga officers maging si Misha. She even playfully slapped Officer 8's arm. Natawa na lang din si Gunther the warrior sa mga ito.

"Why it did not work out?"

"Yes!" halos chorus ng mga ito. Pinagtinginan na ng mga kumakain sa restaurant na iyon ang table nila dahil medyo nagiging maingay na sila.

"You learn from past experiences, you know," panimula ni Lukas, nakatuon na ang mga mata nito sa baso niya ng tubig. "Kaya naman hindi nagwo-work out ang past relationships ko eh dahil sa trabaho ko. Kung saan-saan ako napupunta at hindi pa sigurado kung kailan ako uuwi. May mga oras na kailangan kong mag-cancel ng date o umalis kaagad kasi, alam niyo na. Duty calls."

Tahimik lang na nakinig sa kanya ang mga co-officers at yung iba ay nakikinig habang kumakain. Kaya naman malayang nagkuwento si Lukas.

"It's tiring being nagged at, you know? Receiving a lot of distracting phone calls and messages. Tapos lagi ka pang aawayin at sasabihin na lagi kang walang oras para sa kanya, para sa relasyon ninyo. So the time came that I realized that getting into a relationship is not worth it anymore. I mean, bakit ko pa hahanapan ang sarili ko ng stress? Mas malala pa sila sa nanay ko eh."

Napabungisngis ang ilan sa kanila. Natatawang napailing-iling lang si Misha.

"Doon lang, Sir, sumuko ka na sa paghanap ng Mrs. Mikhail?" usig ni Officer 8 para magkwento pa siya.

Lukas just shrugged his shoulders. "Hindi naman sa sumuko. Tinanggal ko lang siya sa priority ko. Kung darating naman iyon, eh 'di darating 'di ba?"

"So what about Risha? Hindi kayo nag-work out dahil nagger siya?" singit ni Officer 5.

Tinapunan niya ito ng tingin. "Nagger? She's... she complains."

"Ooh..." tumango-tango ito.

Mahinang natawa si Lukas at tinusok ng tinidor ang isang piraso ng hiniwang steak.

"But she doesn't complain about other people. She complains about herself."

Napatitig sa kanya si Misha at naramdaman niya iyon kaya napalingon siya rito saglit. It was as if what he said caught her attention.

Lukas continued. "She complains about how ugly she is. She complains about feeling so unloved by her father. Nagrereklamo siya sa kakarampot na atensyon na binibigay sa kanya ng tatay niya. She complains a lot about herself."

"Insecurity issues?"

"Probably," he sighed. "Most probably."

"And you don't want an insecure woman?" Misha chimed in.

Natawa lang si Lukas at binalingan ito. "No, Misha. In fact, her imperfections did not become a turn-off for me, but a challenge that I want to face. I don't know with me. I just have this feeling that I am very willing to fix every broken part of her and see her happy when I accomplished that."

That made her smile widely. "Then... then why didn't it work out?"

"I don't want to fail," tipid na sagot ni Lukas bago uminom ng tubig.

Ayoko na matulad siya sa mga nakarelasyon ko dati. I cannot sacrifice my duties as a soldier for a girl who wanted nothing else in this world but to feel loved, a girl who wanted her beloved's full attention on her.

Attention... I can only give that to Risha for a very short time. Iyon ang gusto niya mula sa mga taong minahal niya na pinagkait nila... at natatakot ako dahil kahit ako hindi ko iyon kayang ibigay ng buo sa kanya.

Germany needs me. My mother needs me. My subordinates... inisa-isa niya ang mukha ng mga kasama niya sa table na iyon, they need me too. 

"Paano mo nasabing magfe-fail ka? Sinubukan mo na ba?" tanongni Misha na nagpatigil sa kanya mula sa akmang pagtuloy sa pagkain ng steak. 

Sinubukan na ano? Na dalhin sa next level kung ano man ang namamagitan sa amin ni Risha?

His gaze fell on the table, blankly staring at it while his memories made a flashback. He remembered her saying,  "Maybe, just maybe, you might want to take this to the next level..." as she cried on Intramuros with the view of the Pasig river at the buildings on the other side.

And his response?

"I don't see it the way you do, Risha."

She believed that they might work out. He didn't.  

***

The day finally came.

Huminga ng malalim si Risha nang napahinto siya sa pagsusuklay ng buhok. Nakaupo siya sa dresser, sa harap ng salamin kaya naman hindi niya napigilan na isa-isahin ang pagpunsa hitsura niya. Her eyes looked more narrow and wide because she was still feeling gloomy. Kasing tamlay ng maputla niyang balat ang platinum blonde na buhok na unat na unat dahil sa kanyang pagkakasuklay. Nakapagbihis na siya, suot ang kulay itim na bestida na binili ni Sloven para sa kanya.

Magkikita na kami ulit, pagpapalit ng isip niya mula sa pagsa-side comment tungkol sa hitsura niya sa pag-aalala para sa muli nilang pagtatagpo ni Lukas.

I don't know what to do anymore. Masyado na akong nagiging pabigat sa kanya at sa misyon niya.

Pinakamahirap isalba ang taong nawalan na ng pag-asa sa buhay. At alam ni Risha na kung ililigtas siya ngayon ni Lukas, medyo huli na ang lahat. Nawalan na siya ng pag-asa.

Alam niya na kaya niyang iligtas ang sarili. Pero para saan pa? Ano naman kung makatakas siya mula kay Sloven? Babalik siya ng Pilipinas kung saan hindi naman siya masyadong pinapansin ng kanyang pamilya at tuluyan na rin niyang hindi makikita pa si Lukas dahil kapag ligtas na siya, panigurado na babalik na ito ng Germany at ipagpapatuloy ang buhay na para bang hindi nangyari ang lahat ng ito.

Look at the consequences of what you did, Risha. Playing with men to get even, now Lukas is giving you the karma you deserve.

Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Sloven na nakasuot ng itim na catsuit. He stood behind her, gave Risha's reflection a good look with a satisfied smile from his lips, before he patted her back, pressing his forefingers on it.

"I placed a chip on your back," yuko nito para ipatong ang baba sa balikat ni Risha. Nakatitig ang asul nitong mga mata sa mga mata niya sa repleksyon ng salamin. "That chip will help me hear everything that you and the Major are talking about."

Nahigit niya ang paghinga. Kahit na wala pang nangyayari sa kanila ni Sloven, tila pinapamukha na nito sa kanya na ito ang may kontrol sa kanya, na hangga't hostage siya nito, pagmamay-ari siya ng lalaki at gagamitin sa kahit anong pamamaraang gusto nito.

"Today is your first step to freedom. Tell the German where you kept the RSF, take it and give it to me, do you understand, darling?"

She nodded. Nginisihan niya ito para ikubli ang panibagong kaba na umahon sa kanyang dibdib.

Papakinggan niya ang lahat ng pag-uusapan namin ni Lukas. Aalamin niya ang mga plano nila. Malalaman rin niya kaagad kung nasaan ang RSF kapag nag-usap na kami ni Lukas. Smart move, Sloven. 

"Good, darling," he grinned back. "Now let me kiss you."

Hindi na niya nagawang tumanggi. Bago pa siya nakasagot, hinawakan na siya nito sa baba para maipirmi ang kanyang ulo. Lumapat na ang labi nito ng mariin sa kanyang pisngi.

Sloven quickly stood straight and went to the door. 

"Let's go, darling, time to meet your Major!" masigla nitong lingon sa kanya nang hindi pa siya sumunod rito.

Risha stood up and inhaled deeply.

Help me, God.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro