Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-One

Kinabukasan, nasa living room na sa unit ni Risha lahat ng mga subordinates ni Lukas na nasa Pilipinas pa at si Misha Geld.

They agreed to have a meeting there when he met Misha yesterday.

"Hello, guys," upo ni Misha sa carpet. Ito ang huling dumating at hindi nito tinanggap ang pag-alok ni Officer 8 ng upuan para kanya.

"Hi," bati ni Lukas at ng iba pa sa kanya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Five months ago, I was in a relationship with a Russian spy."

"Uh wait," singit ni Officer 5, "no offense meant, ha? Pero hindi kami interesado sa love life mo?"

Binatukan ito ni Officer 8.

"May kinalaman iyon sa problema natin, okay?" depensa ni Misha.

"Oh really?"

"Let her talk," matalim na titig ni Lukas dito bago binalik ang tingin kay Misha. "Go on."

"Okay. I was in a relationship with a Russian spy. Dahil doon naging komportable siya na sabihin ang lahat-lahat sa akin. Kasama na roon ang plano niya na nakawin ang RSF."

"Okay," ayos ni Lukas ng pagkakaupo sa pagitan nila Officer 5 at Officer 2 sa mahabang sofa na iyon. "Who is that Russian spy?"

Napayuko si Misha at pailalim na tinitigan sila Lukas. "Sloven Markov."

Naalala niya ang lalaking may platinum blond na buhok sa helicopter. He spoke with Russian accent. Could that man be Sloven? Hindi pa niya nababanggit kay Misha ang engkwentro nila at ang pagkidnap nito kay Risha.

The woman let out a sigh. Nage-gets naman ni Lukas kung bakit tila hirap na ito magsalita. Tulad nga ng kwento nito, naging karelasyon niya si Sloven. She surely felt something for that man.

"Paano niya nalaman ang tungkol sa RSF?" usig ni Lukas para may maisip na sabihin si Misha.

"He works for the Russian government, so most probably he already heard about that."

"I see," tango ni Lukas.

"He surely made a way for this mission to be entrusted to him. The Russians became impatient about the memory card. Alam kasi nila na habang tumatagal na wala sa kanila iyon, mas lumalaki ang risk na mapunta ito sa masamang nga tao."

"Ano ba ang plano ni Sloven na gawin sa memory card?"

Misha gulped and lowered her eyes on the carpet. "He was planning to destroy the Russian government using it. "

***

Sloven was polishing his shotgun when he heard a knock on the door.

Nakakulong lang ang lalaki sa library room ng mansyon nito. Bukod sa mga naglalakihang built-in bookshelves, may mga nakabitin din na mga putol na ulo o sungay ng mga na-hunting niya noon na mga hayop tulad ng oso at usa. The fireplace was cracking with its delicious, warm fire burning in it.

It was a cold snowy season in Russia and for him it was the best time to go out and hunt. Gustong-gusto niya ang challenge sa paghunting sa ganoon. Alam niya na nagtatago ang mga hayop kapag malakas ang niyebe at mahirap makakita pero iyon ang nagpapa-excite sa kanya.

Pumasok na ang kanina ay kumatok sa pinto niya.

It was his loyal big and muscled guard, Bruno, wearing his neat white uniform.

"Sir," anito sa wikang Russian, "kasama ko na siya."

Excited na lumingon si Sloven at sumilay ang ngiti sa mga labi nito nang tumambad sa kanya si Risha. Nakasuot na ito ng puting winter jacket at pants na magkaterno. Nakailalim sa mabalahibong hood nito ang kanyang buhok.

"She looks great, Bruno, you can leave us alone now."

"Yes, Sir," the huge guy nodded before he left. 

Pagkasara nito ng pinto, nanatili lang na nakatayo si Risha kung saan ito iniwan ng tauhan ni Sloven. Pinagpatuloy naman niya ang paglilinis sa baril.

He must admit it to himself, the woman looked stunning no matter what she wears. Kahit na balot na balot ito ngayon ng winter jacket, parang kasing-ganda pa rin siya nung bikini lang ang suot niya. Napailing tuloy siya.

Damn, Sloven, don't be carried away.

Sa tagal ng pagmamanman niya noon kay Lukas at sa babae, alam ni Sloven na malamang may sekswal nang namagitan sa dalawa.

Now that makes me wonder.... Is she so good in that aspect?

"Bakit ganito ang pinasuot mo sa akin?"

"What?" lingon nito sa babae. "Can you stop speaking in your native tongue? It makes me think that you are cussing me."

She rolled her eyes. "I said where are you taking me, bastard." Namewang pa ito. "And I'd rather make you aware that I am cussing you, I will enjoy your reaction a lot."

Ngumisi lang siya. Ang lakas rin naman talaga kasi ng loob ng babae na sagut-sagutin siya.

"Here's my reaction," nilaparan pa nito ang ngisi sabay kasa sa shotgun gamit ang isang kamay, "are you enjoying it now?"

She just rolled her eyes.

Tumayo na si Sloven at siuot ang hood ng suot na puting winter jacket at pants. Para silang kambal ni Risha dahil sa magkaparehong suot na size lang ang pinagkaiba.

"We are going outside. We will go out hunting in the woods."

"Oh really?" pagtataas nito ng kilay. "Aren't you afraid that I might be able to escape?"

Nagustuhan niya ang panghahamon sa tono ng pananalita nito. Alam naman niya na maiisipan ng babae na tumakas, pero dahil sa ganoong klaseng tanong mula rito, napagtanto ni Sloven na marunong din ito mag-isip. She wanted to know how risky her planned escape would be.

Akala siguro nito, hindi niya mare-realize kung para saan ang tanong na iyon.

She was wrong about that.

Humakbang siya palapit dito at yumuko ng kaunti para mailapit sa babae ang kanyang mukha.

"Why should I be afraid? You should be afraid for yourself. If you try to escape, it's either the wild animals here will hunt you for food." At dinikit na niya ang gilid ng shotgun sa pisngi ng babae. "If not the wild animals, then I will be the one hunting for you. Understand?"

"I knew it," ngisi lang ng babae sa kanya.

At hindi iyon nagustuhan ni Sloven.

***

"So it's Sloven," patuloy ni Lukas, "he will destroy Russia using the information he will get from the RSF."

"Exactly," tango ni Misha.

"Pero bakit?"

Natigilan ang babae ang dahan-dahang umiling. "I... I don't know. Hindi niya sinasabi iyan sa akin."

"Pero bakit ninakaw ninyo kay Rheinhart ang memory card?" Lukas leaned forward, looking more interested with the story behind their mission. "It was supposed to be delivered to Russia soon."

"May kasabwat kasi si Sloven sa Russian Army," titig sa kanya ng babae. "At kahit ako, hindi ko pa alam kung sino iyon. Kaya hindi tayo makakasigurado na safe ang RSF doon. Kaya nagpulong kami sa Private Eye. Hindi man kami nagtatrabaho para sa gobyerno ng Germany, tulad ninyo iisa lang ang hangarin namin, ang kaligtasan ng lahat. We devised a plan to steal the memory card and take it to the Philippines."

"At.." Lukas clasped his hands, "at... pinatabi mo iyon kay Risha dahil kapatid mo siya?"

Misha chuckled lowly and shook her head. "No. She doesn't have a single clue about it. Pinatabi ko lang sa kanila ang memory card dahil sila lang ang kilala ko dito sa Pilipinas."

"Magkapatid ba talaga kayo?" his eyebrows almost crossed. "Hindi ka kasi nababanggit ni Risha. Wala ka rin sa family reunion."

Natawa lang ito. "How can I go there? Eh matagal na akong itinakwil ng pamilya ko?"

Hindi siya makapaniwala sa narinig. "What? Paanong itinakwil."

"Ganyan naman sila  eh," ekis nito ng mga braso. "Mas mahal nila ang kapatid ko. Ni hindi nga nila ako hinanap noong nawala ako sa Germany. I was six years old, unable to speak Deutsche when I got lost in Germany." Napatingala na ang babae at tumitig sa kisame. "Papalapit na noon ang winter dahil sa lamig ng hangin. I don't remember a lot, really. All I know is that I am lost, no one understands a word I say and I cried a lot. Recently ko na lang nalaman kung sino sila, sino si Risha, sino ang mga magulang ko..."

Huminto ang mga mata nito sa mga mata ni Lukas. Her watery eyes stared at him. 

"I made a lot of research and made Lucia keep an eye on my sister. I feel sad for Risha, you know, like me, she lacks a lot of attention from our parents... from our father. Kaya bilang pakonsuelo, I gave her the locket as a gift."

"Pakonsuelo?" Lukas gritted, clenching his fist. Muntik na talaga siyang maawa sa babae eh, pero nag-init bigla ang dugo niya sa huli nitong sinabi. "Pakonsuelo mo kay Risha ang locket? Misha, you just put your sister's life in danger!"

Napayuko na lang ito. "I did not mean for that happen, Major. Maniwala ka sa akin. I gave that locket to her for us to have a reason to meet again. I want to be with my sister after our mission. Gusto ko siya makilala, makausap--"

"What the fuck, Misha!" putol ni Lukas sa pagpapaliwanag nito. "In the first place, hindi mo dapat dinadamay ang isang tao na hindi naman involved dito! Tingnan mo ngayon ang nangyayari! She won't be kidnapped by the Russians if she doesn't have the RSF!"

It was Misha's turn to be upset. "She's kidnapped?" Napahampas ito sa katabing table. "Paano nangyari iyon? Aren't you supposed to be with her all this time?"

"She went away from me, okay? It's a long story!"

"Calm down," pagitan ni Officer 8 sa dalawa.

"Officer 8," baling ni Lukas sa kanya. "Nasaan na ang memory card? Yung original na copy ng RSF?"

Nagulat man ito sa biglaang tanong ng Major, mabilis na sumagot ito. "Dala na ni Officer 1. Two days ago ko pa siya pinabalik sa Germany para masigurado na safe ang RSF."

Tumango-tango si Lukas, minasahe nito ang sentido. He should calm down. Kailangan niyang mag-isip ng maayos. Kahit na nasa Germany na ang RSF, hindi iyon magiging safe dahil sa kasabwat ni Sloven.

"Give them a call," baling niya sa katabing si Officer 2. "Abisuhan ninyo si Officer 1 at ang General natin na huwag itu-turn over ang RSF sa Russian Army hangga't hindi natin nalalaman kung sino ang kasabwat doon ni Sloven. We should save Risha first."

"Ano?" angil ni Officer 8. "Sir, sinet-aside na nga natin itong misyon natin last week dahil inuna natin ang babaeng iyan at ang mga kalokohan niya. Ngayon uunahin na naman natin siya?"

"Hindi naman talaga siya dapat nadadamay dito, eh," baling ni Lukas kay Misha para patamaan ito. "Isa pa, alam niya kung nasaan ang extra copy ng RSF tulad ng kinuwento ninyo sa akin. We need her to know where it is. Para masira na natin. Kailangan din natin ipaalam kina General ang sitwasyon natin. We need their help. Hindi natin kakayaning pagsabayin ang pakikipag-deal kay Sloven at ang pag-iimbestiga kung sino ang kalaban sa Russian Army."

"If you say so, Sir," Officer 8 groaned before he stood up. "Bakit hindi ka na lang magfocus sa pagligtas sa babaeng iyon, Sir? Kami na lang ang bahalang tumapos sa misyon natin."

"Hindi mo ba ako naiintindihan, Officer 8?" angil niya sa subordinate niyang tumayo na at patungo sa pinto palabas ng unit.

"I don't," baling nito kay Lukas. "May mas madali naman kasing paraan eh, Sir. Ibalik na lang natin ang RSF sa Russia. Bahala na sila sa sarili nilang mga problema. Simple lang naman gawin iyon, hindi ba?"

"Paano kung makuha iyon ng kung sino mang taksil sa Army nila? Eh 'di nanalo si Sloven, ganoon ba ang gusto mong mangyari?"

"Paano kung hindi ganoon ang mangyari, Sir?" sagot nito. "Paano kung yung mabait sa Army ang makakuha? At kung sila Sloven naman ang makakuha, eh 'di ayos lang din naman, hindi ba? Papakawalan na niya si Risha dahil nakuha na naman niya ang memory card eh."

Napatayo tuloy si Lukas at hinablot ito sa mga braso. "Bakit ganyan ka mag-isip, ha? Officer 8?"

"All the Russian Army did was intimidate us, Sir," he gritted. "We only serve our own country. Kung ang balak lang ng Sloven na iyon eh sirain ang buong Russia, labas na tayo roon, 'di ba?"

"We serve our country, Officer 8," he answered lowly, releasing the subordinates shoulder. "Tama ka riyan, pero sa mga puso natin, nakatanim ang pagiging responsable, maaalalahanin at pagmamahal na hindi lang nakakulong sa iisang bansa, na hindi lang limitado na hanggang sa Germany lang... Kaya gusto kong maging maayos ang misyon na ito, hindi iyong basta-basta na lang natin tinapos. And as your commanding officer, you will do exactly what I tell you--"

Tumitig lang si Officer 8 sa kanya.

Lukas hissed, "Get.Your.Ass.Back.On.Your.Seat."

Ilang segundo pa silang naglaban ng titigan bago ito sumuko at bumalik sa kinauupuan kanina.

***

A.N.

Uyyy,  Tuesday pa lang pala ngayon hahaha :D May pasok pa pala ako sa work, napasarap ako sa pagtatype hahaha :D Mamayang gabi na lang ulit ;) Enjoy this chapter <3

ANA xoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro