Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-Five

Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang naging pulido ang plano ng German Army.

Risha was kidnapped by a Russian, who e-mailed Lukas the very next day that happened. Sloven wanted the memory card in exhange of Risha's freedom. Hindi niya muna ito sinagot. Kahit na alam niyang walang gagawing maganda ang lalaking iyon, pinagpalagay na lang ni Lukas na magiging ligtas si Risha sa poder nito. Malabong saktan ito ni Sloven lalo na at may kailangan ito sa kanila.

Nakarating na noon si Officer 1 sa Germany at nasabi sa General nila ang buong sitwasyon, tulad ng inutos ni Lukas rito. Nakatanggap siya kinabukasan ng command na bumalik sa headquarters kaya wala na siyang choice pa kundi ang mag-book ng flight pabalik ng Germany kasama sina Misha at ang kanyang mga subordinates.

And after their daily meetings, they finally formulated a plan to catch Sloven and the traitor within the Russian Army. Medyo delikado ang sitwasyon dahil una sa lahat, hindi sila dapat na nangingialam sa pamamalakad ng ibang bansa, pero sila rin ang malilintikan kapag naibigay nila ang RSF sa maling tao.

Nag-set na ang General nila ng araw kung kailan iha-hand over ang RSF. Dadalo ito sa Victory Day celebration at doon na iaabot sa heneral ng Russian Army ang memory card. Sumang-ayon naman ito na sa totoo lang ay abala dahil nung nakaraang buwan pa lang ay pinaghahandaan na ng mga ito ang gaganaping selebrasyon.

Kaya naman heto at nakaharap si Lukas sa kanyang laptop. He lifted his eyes and met the expectant looks from some of his subordinates. Misha stood a few feet behind him, her eyes focused on his laptop screen like Officer8 who stood beside her.

Binuksan na ulit ni Lukas ang e-mail na pinadala sa kanya ni Sloven.

Pinasadahan niya ulit iyon ng basa. His eyes stopped on the phrase I will set a meeting for you and your girlfriend once a week.

Ibig sabihin, makikita na niya muli si Risha. Isang beses sa isang linggo. That made him inhale deeply. Sa tuwing naiisip niya kasi ang dalaga, naaalala lang niya ang mga maiinit na tagpo sa pagitan nila at lagi iyon humahantong sa nag-iisang katanungan na laging gumugulo sa isip niya.

What made Risha think that they could take their kind of relationship to the next level?

Rumehistro na naman sa kanyang alaala ang pamamasyal nila sa Intramuros, ang concern ng babae sa mga matatanda sa home for the aged at ang pagkislap ng mga mata nito dahil sa pamamasa ng mga ito nang makita nila sa restaurant ang lalaking nag-reject nito sa kanya.

Ang pag-iyak nito sa harapan niya nang nagkaroon sila ng komprontasyon sa Intramuros.

"Lukas, magta-type ka ba o ano?" mataray na basag ni Misha sa katahimikan dahil natagalan si Lukas sa paggalaw.

"I will type, okay? Iniisip ko pa kung ano ang sasabihin ko," walang lingon niyang sagot rito.

Kahit anong gawin ko, magku-krus at magku-krus pa rin ang mga landas natin. At mukhang mananatiling ganoon... pero pagkatapos nito... magkita pa kaya tayo ulit, Risha?

Nagsimula na siyang mag-tipa.

***

"Bruno," tawag ni Sloven sa malaking mama na naninigarilyo sa may terrace ng silid na iyon.

Humarap ito at humakbang pabalik sa loob ng silid ni Sloven na puno ng bookshelves at mga nakadisplay na mounted trophies. Nakasindi ang mga ilaw ng chandeliers sa silid. The lighted fireplace made the room warmer, fighting the coldness from the outside. Tumigil na nga ang pag-ulan ng niyebe pero kapag nasa Russia ka talaga, hindi agad-agad nawawala ang lamig sa klima. Mas lumamig pa sa labas ng silid na iyon dahil papagabi na.

"Yes, Sir?"

Nakaupo si Sloven sa malambot nitong sofa, nakatungtong ang mga paa sa mesa habang may hawak na mug ng kape. He wore his white wooly sweater underneath his brown coat.

"Sabihin mo nga sa akin, mali ba ang naging kalkulasyon ko sa Major?"

"Paano mo naman nasabi iyon, Sir?"

"Hindi man lang niya kasi sinagot yung e-mail ko. Dalawang linggo na ang nakakaraan, I don't think this Risha will be useful for me."

"Ano na ang plano niyo, Sir? Pakakawalan niyo na siya?"

Umiling ito. "No. I like that woman. Hindi siya tulad ng mga tipikal na nakikidnap na nagwawala at nagmumukmok. Nakikisama siya sa akin."

"Sa totoo lang, Sir, iyon ang kinatatakot ko sa babaeng iyon. Kakaiba ang kilos niya."

"Alam ko, Bruno, kaya nga tumagal siya ng dalawang linggo rito dahil baka sa oras na pakawalan ko siya, ikapahamak pa natin. She looks smart. Sa tingin ko, nakikisama lang siya sa akin para maka-survive," tawa nito bago sumipsip ng kape.

"Iyon naman pala, eh. Bakit hindi na natin siya ligpitin?"

Dahan-dahang nilayo ni Sloven ang mug mula sa mga labi. His eyes narrowed, gazing at the crackling flames in the fireplace before he lowly replied to his trusted man.

"Tell me, Bruno, why would you kill an angel like that?"

"A-Angel?" kunot-noo ng lalaking madalang lang magpakita ng malambot na facial expression.

"Yes, Bruno," ngisi nito. "I've been, you know, sexless for some months. Maybe, Risha will do really great in bed."

Pinili na lang ni Bruno na ibaling ang mga mata sa terrace kung saan tanaw niya ang mga puno at ang papadilim na kalangitan.

"Well, Sir, hindi naman sa nagiging killjoy ako, pero hindi ako sumasang-ayon."

"Bakit naman?" lingon ni Sloven rito.

"Dahil sa tingin ko, nadadala ka lang sa pagiging mabait ng babaeng iyon. Alalahanin mo na nasa panig siya ng mga kalaban natin. Maaaring desperado na rin siya na makaalis dito kaya kahit katawan niya ay gagamitin niya para lang mabilog ang ulo mo."

Natawa lang ito. "Sheesh, Bruno, sa tingin mo ba ganoon ako ka-tanga?"

Binaba na ni Sloven ang mga paa at pinatong sa mesa ang mug. He stretched his legs before standing up to face him.

Inekis nito ang mga braso. "Ilang babae na ang dumaan sa akin, Bruno. Risha won't make any difference from them."

***

Risha let out a gasp when the door opened.

Mabilis niyang pinulot ang hinubad niyang night gown at sinuot iyon.

"What's the rush? Don't be so greedy with the nice view."

"Nice view ka diyan?" harap niya kay Sloven nang naisuot na niya ang damit. Buti na lang iyon pa lang ang natatanggal niya, hindi pa kasama ang puting panty at nakatalikod siya nang dumating ito.

"I have a good news for you," sandal nito ng patagilid sa hamba ng pinto. Hindi huminto sa paglalakbay ang mga mata nito sa kanyang kabuuan. Huminto ang mga mata nito sa kanyang mga mata. "You knight in shining armor finally replied."

Her jaw dropped. Lukas replied?

Dalawang linggo na ako rito, bakit ngayon lang niya ako naalala?

Hindi man lang niya ba naisip na baka kung ano na ang ginawa sa akin dito ni Sloven?

Hindi man lang ba siya nag-worry para sa akin? Kung natatakot ba ako, kung tinatrato ba ako rito ng tama, kung nakakakain pa ba ako?

Bakit ngayon lang?

Kahit hindi niya nakikita ang sarili sa salamin, alam ni Risha na lumukot ang mukha niya sa narinig na balita. Gumuhit na ang pagsakit ng kanyang ulo at tila nagbabanta ang kanyang mga mata na maglalabas na ito ng balde-baldeng mga luha.

"You are lucky," patuloy ni Sloven. "If the Major did not reply I was planning to--" umiling na lang ito, tila napagtanto na hindi magandang sabihin sa kanya kung anuman ang gusto nitong sabihin. "Never mind."

Tumango-tango lang si Risha.

"He probably misses you. Maybe I should start setting a meeting for you."

"Okay," mahina niyang sagot dito.

Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Mr. Platinum Blond nung nanahimik ito at tumitig sa kanya na tila ba may gusto itong basahin sa mukha niya.

"Tell him that I've been good to you, okay? There's no need for him to be mad at me. And that all I want is the memory card. You are a couple, I think the two of you can work it out on how to meet my small demand."

Sloven was really a man of business. Ni hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa sa kung ano ang gusto nitong mangyari.

"I will..."

Pagkasara ni Sloven ng pinto nung umalis ito, nanghihinang napaupo si Risha sa paanan ng kanyang kama. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Sinubsob niya ang mukha sa mga palad at humikbi.

She was a fool for not believing that Lukas would ever rescue her.

But she would be more foolish if she would believe that he will save her because love was the reason.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro