Chapter Sixty
Umalis na si Lukas sa parking lot na iyon. Nakabuntot sa kanya si Misha, bakas ang pag-aalala sa mukha nito.
"Are we just going to leave?" tanong nito sa kanya. "Lukas, it's my sister who's missing!"
"I know!" angil niya rito.
Hindi lang niya napigilan ang pagtataas ng boses dito. Alam niyang nawawala si Risha. Hinanap nila ang dala nitong sasakyan at mag-gagabi na nang matagpuan nila itong nakaparada sa GUM store. There was no clear evidence about where she went, only the McDonald's take out she dropped on the ground.
I told her to stay in the car and wait for us! hilamos nito ng isang kamay sa mukha.
"Ano ba ang nagustuhan mo sa ex-boyfriend mong kidnapper?" baling niya kay Misha.
"Kidnapper?" react nito.
"Siya lang naman ang pwedeng dumukot kay Risha, okay?" bumalik na ito sa loob ng sasakyan na hiniram nila at pinaalis si Gunther mula sa driver's seat nito. Bago isara ang pinto, tiningala niya ang mga ito. "Pupuntahan ko si Sloven. I need backup."
"What?"Misha raised her hands. "Lukas, ang nasa plano, sabay-sabay tayong pupunta!"
"I can't waste time. Baka kung ano na ang gawin niya kay Risha," he gritted as his eyes shifted on the side of the steering wheel. Pinihit na nito ang susi para bigyang buhay ang makina ng kotse. "I am armed, so don't worry that much. Just tell everyone that we should act now."
Hindi na niya hinayaan na makapag-protesta pa ang mga ito sa kanya. Sinara na niya ang pinto at pinaharurot ang sasakyan.
Na-trace na ng Russian Intelligence ang tirahan ni Sloven kaya naman alam na ni Lukas kung saan pupunta. He used the map application on his phone to direct him where to go.
You are now taking things personally, Sloven. You're going to get hurt really, really bad, you'll see.
Makalipas ang isang oras, tinahak na ng kanyang sasakyan ang sementadong daan na puro mga nagtataasang mga puno ang nasa magkabilang gilid. Lukas glanced at his phone and saw the arrow sign directed to his left side.
Binuksan niya ang bintana para matitigan ito ng mabuti. Papasok na sa gubat ang daanang iyon at hindi na sementado. Mukhang mahihirapan din siya na paikut-ikutin ang sasakyan para lang maiwasang mabangga ang mga puno.
Minani-obra na ni Lukas ang manibela para iliko papunta roon ang sasakyan. He drove slowly also to make sure that the car would not make any disturbing sound. The forest was cool and quiet.
The ambience of the new surroundings made him feel poetic, Birds chirping would make anyone think that this place is peaceful, but if a devil lives within its depths, then this must be just a trap to lure in innocent souls.
Inihinto niya ang sasakyan nang matanaw na niya ang pinakataas na parte ng mansyon. Kahit na madilim na dahil sa pagpatak ng alas-sais ng gabi, nakita niya pa rin iyon dahil sa malamlam na dilaw na liwanag ng ilaw nito.
"Got you," patay niya sa makina ng sasakyan, bago kinapa ang baril sa tagiliran niya at bumaba ng sasakyan.
He sneaked and hid behind each tall tree he would pass by, until Lukas reached the front porch of the mansion. Umupo siya at sumilip mula sa likuran ng isang puno. Nakita niya ang isang sasakyan at mga kalbong lalaki na naglalagay ng mga gamit sa likuran nito.
Aalis na sila! Naalarma siya sa napagtanto. Mabuti na lang pala at hindi ko pinagpabukas ang pagpunta rito!
His eyes scanned the mansion. Saan ako papasok?
Natanaw niya ang gilid ng mansyon kung saan liwanag na nanggagaling sa bintana nito. Mababa lang ang bintana at malaki. Kung madidiskartehan ni Lukas ang pagbukas nito, makakapuslit na siya sa loob. He nodded his head and pulled out his gun.
His eyes shifted from the men in front of the house to the side wall with window. Nang pumasok na ang dalawang lalaki, sinamantala na ni Lukas ang pagkakataon para mabilis na makatakbo papunta sa pader.
Napabuga siya ng hininga nang napasandal siya sa pader katabi ng malaking bintana. He put down his gun, his left hand pulled out his phone to help him see the reflection of what was inside that window.
May malaking sofa, may fireplace, carpet at TV. Wala namang tao sa silid na iyon kaya binulsa na niya ang cellphone at dahan-dahang sinilip iyon. Then he faced the window. Kinapa niya ang gilid-gilid nito pero mukhang nasa loob ang pangbukas nito.
Umatras siya ng kaunti para tingalain ang buong pader. Sa taas nito ay may tila sementadong bubong. His eyes narrowed, realizing that the shape of that roof looked more like a terrace floor.
Nandoon kaya si Risha?
Risha looked outside the open French doors. Tanaw niya ang madilim na langit sa labas nito, ang mga puno na tila malalaking anino na nakikisayaw sa mahinang ihip ng hangin. Binalik niya ang tingin sa nakakandadong pinto.
Gaano katagal ako ikukulong dito ni Sloven?
Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa kama at humakbang palapit sa mga French doors patungo sa balkonahe ng silid. Humawak siya sa railing nito na gawa sa marmol at sumilip sa baba.
Ang taas dito, kabado niyang atras para tapunan ng tingin ang mga kumot sa kama. Umabot kaya sa baba ang mga kumot dito?
Bumalik siya sa kwarto at hinila ang kumot, inunat iyon at tinali sa isa pang kumot na nakapatong lang sa kama na iyon. Nilatag niya ang mga ito sa sahig at napa-iling na lang.
"I need more."
The panic was almost gnawing away her sanity as she looked around. Risha, dalian mong maghanap!
Sinugod niya ang mga drawer at kabinet sa silid, lahat ng mga gawa sa tela na naroon ay hinila na niya at tinali sa lubid ng mga kumot na una niyang ginawa. MInsan ay napapatingin siya sa pinto, abot-langit ang kaba na baka biglang pumasok si Sloven at mahuli siya.
Come on! Get tied! She let out a grunt as she knotted a thick scarf on the cloth rope. Pero ayaw talagang humigpit ng pagkakatali nito kaya naman bwisit niyang initsa iyon sa kung saan.
Tumayo siya ulit at nagliwanag ang kanyang mukha nang mapansin niya ang bed sheet.
Oh, yes! This one! hila niya sa bedsheet kaya nag-tumbling-an ang mga unan sa kung saan-saan.
Nung sa tingin niya ay mahaba-haba na ang lubid na nagawa niya, binitbit na iyon ni Risha papunta sa balkonahe at tinali sa railing nito. Sumilip ulit siya sa baba para makasigurado na walang katao-tao bago niya ito binagsak. Medyo nagsayaw ang lubid pago dumikit ang dulo nito sa lupa at naglikha ng pabilog na porma.
This is it! ngiti niya nang marinig ni Risha ang pagbalibag ng pinto sa likuran niya.
"Sloven!" she gasped as he locked the door and charged toward her.
He grabbed her arm and dragged her with him.
"Hey! You're hurting me!"
"We have to go now! Hurry!" walang-lingon na utos nito bago siya binitawan sa tapat ng pinto.
"Why? What happened?"
Tinulak ng lalaki ang kama pakanan hanggang sa halos dumikit na ito sa pader ng silid. Inangat ni Sloven ang carpet kaya tumambad ang isang maliit na trapdoor. Mabilis siya nitong binalikan at hinila para pumasok kasunod nito sa trapdoor.
Fuck! Bakit hindi ko nadiscover ang pintong ito? tingin ni Risha sa hagdang inaapakan nila ni Sloven pababa.
Pagkababa nila ng hagdan, sinalubong si Risha ng malamig na hangin. Nasa likuran na sila ng mansyon. Sloven gabe her a tug before pulling her with him.
"Let's go here," hingal nito.
Sa sobrang dilim ng paligid, hindi niya maintindihan kung bakit parang alam na alam pa rin ng lalaki kung saan sila dapat pupunta. Naaaninagan pa naman ni Risha ang paligid, pero alam niya na maya-maya lang ay mas lalalim pa ang gabi, lalong didilim sa gubat na iyon.
Napatili siya nang may nagpaputok sa kanila ng baril.
Napalingon siya kaya naaninagan niya ang lalaki sa balkonahe ng iniwanan nilang silid.
"Lukas!" hiyaw niya bago naramdaman ang masakit na pagbaltak sa kanya ni Sloven.
"Shut up! Or I'll kill that German!"
"No!" pagpupumilit niya na makawala sa pagkakahawak nito.
"Don't make me hurt you, woman!" galit na sigaw nito sa kanya bago siya binaltak ulit. "Let's go here, woman! Don't make me shoot your legs so you'll stop trying to run away!"
They were already running away from him when Lukas managed to open the door and reached the balcony. Nagpaputok siya ng baril at tila natigilan ang mga ito. Hindi niya naiwasan ang pagkulo ng kanyang dugo nang makita niya ang panlalaban ni Risha kay Sloven at ang walang ingat nitong pagbaltak sa dalaga.
"No one hurts my woman," he hissed under his breath before he noticed the rope made of cloths tied on the balcony.
Sumampa siya at binaba ang balkonahe gamit ang lubid na iyon. Tumalon na siya nung malapit-lapit na siya sa lupa at dali-daling hinabol ang mga ito. Sloven's men had been easy for Lukas to terminate, this time, he would be putting an end into Sloven's life.
He was so fuming mad he could really do that.
No one kidnaps my woman and gets away with it. No one! nagngangalit pa rin ang lalaki habang hinahabol ang mga ito. Kahit na gusto niyang paulanan ng bala si Sloven, tinigil na niya ang pagbaril para may matira pa siyang bala at para hindi mapuruhan si Risha.
Napatingala siya at nakita ang malaking bangin na nakaharang sa direksyon na pupuntahan nila Sloven.
"Sloven!" humihingal niyang tawag dito. "You have nowhere else to go! That cliff... that cliff is too steep to climb and you know it!"
Nanatiling tahimik ang paligid. Napahinto siya sa pagtakbo nang nawala na ang mga ito sa kanyang paningin.
"Come on, Sloven, come out," alertong ginala ni Lukas ang paningin sa paligid. Punong-puno ng mga nagtataasang puno at mga halaman sa gubat na iyon.
"I can forgive you for trying to steal the RSF," patuloy niya, "but not for taking my girl."
Narinig niya ang paghakbang ng lalaki para harapin siya. Lukas turned to his right and saw Sloven, standing there and staring at him straight to the eye. Behind him, there stood a big muscled bald man, holding Risha tight.
"I can forgive you for not doing your part of our deal, but not for trying to take her from me."
"She's mine in the first place, Sloven," tutok nito ng baril sa Russian. "You only took her so that you can get the RSF from me."
"But I didn't got it, Major. So, the RSF is yours then, the girl is mine."
"Never," matalim na titig niya rito.
"Bruno," lingon ni Sloven sa kasama nito. "Take Risha to the helicopter."
"No--" magpapaputok na sana si Lukas ng baril pero doon lang niya napansin na kanina pa pala siya tinututukan ni Sloven ng hawak nitong baril. Nakaangat lang ang baril nito hanggang sa bewang kaya hindi iyon nakita kaagad ni Lukas.
Sloven met his eyes and gave him a devilish grin. "I think you already saw what's coming for you if you try to shoot me, German."
Hindi na umimik pa si Lukas. Pinanood niya ang pagkaladkad ni Bruno kay Risha paalis.
"Lukas! Iligtas mo ako!" iyak ng babae sa kanya bago ito tuluyang nawala kasama ng alalay ni Sloven.
Binalik na niya ang tingin dito. "What are you planning to do now, Sloven?"
"May the best man win," atras nito para tuluyan nang maitaas ang hawak nitong baril na nakatutok sa kanya.
Lukas lifted his other hand to support his arm. Medyo nangalay na rin kasi siya dahil kanina pa nakatutok dito ang hawak niyang baril.
"How many bullets do you have, Lukas?" anito.
"Five," awtomatiko niyang sagot.
"I've got eight," ngisi nito. "This means you will definitely lose."
Naningkit lang ang mga mata niya sa sinabi nito.
"But, I know how to play fair. And if I were to win Risha in a fight against you, I want to win her fair and square."
Natahimik ito saglit bago iniharap sa kanan nito ang baril at nagpaputok ng tatlong beses. Pagkatapos ay mabilis niya iyon tinutok pabalik kay Lukas. "Now, I only have five bullets left."
"We take turns in shooting and see who's the last one with a bullet left?" alanganin niyang ngisi rito. Hindi niya kasi maintindihan kung anong klaseng laro ang gusto nitong mangyari.
"No, Lukas. We will play Russian Roulette."
Naramdaman niya ang pag-ihip ng hangin. Lukas began to wander where his back-up were and how long would it take before they found him and Sloven.
"Russian Roulette was supposed to be played using a revolver," hakbang ni Sloven pakaliwa kaya naman lumakad sa kanan niya si Lukas. "But, with you holding a glock pistol and me, a Sig Sauer, that sounds impossible, don't you think?"
"What with the Russian Roulette?" lakad niya paikot, kasabay ng paghakbang ni Sloven. "Why don't we just get this over with?"
"Easy, tiger," tawa nito. "We won't be able to finish this fight if we just mindlessly shoot each other."
"So what now? Because I am already itching to pull the trigger," bored niyang sagot kay Sloven habang hinihilig sa kaliwa at kanan ang ulo para ma-stretch ang nangangalay na niyang leeg.
"We will shoot four bullets anywhere we want," anito. "And shoot one of it to one another."
"At the same time?"
Umiling ito. "Nope. Anytime we want to. That's what makes this game a Russian Roulette, Major. You'll never know which bullet will be shot to you. Will it be the first bullet? The second? Or maybe it's the last."
"I am not the type who plays games."
"Remember, we can only shoot one bullet to each other."
"What makes you think I will play this game with you?"
"Because if you managed to shoot me once, I will be still alive enough to call Bruno and tell him to release Risha because you won."
"What makes you think that I will believe you, huh, Sloven?"
Tinawanan lang siya nito. "Because there is nothing else that you can do, Major. If I die without telling Bruno what to do, he will be left with no other choice but to kill Risha."
"Fuck you," he muttered. Wala na talaga siyang choice, kailangan niyang makipagsapalaran para mailigtas si Risha. Isa pa, kung maiisahan niya si Sloven, masusuko niya ito sa mga awtoridad ng Russia.
"On three," ani Sloven, "one, two--"
Nagsimula na silang magpaputok ng baril.
Nakita niya na pinaputok iyon ni Sloven sa ere na nakagambala sa mga ibon kaya nagsipag-liparan ang mga ito. Siya naman ay bumaril sa lupa malapit sa paanan nito. Tinawanan lang siya ng lalaki.
"Trying to shoot me, Major?"
"No," anito. "I am not yet using that one bullet for you."
"One, two--" bilang ulit nito bago sila sabay na nagpaputok.
Binaril ni Lukas ang malapit na puno, si Sloven naman ay bumaril sa likuran nito.
"Having fun, Major?" nanghahamong tanong nito habang naglalakad papunta sa kanan nito, sinabayan ito ni Lukas.
"You, where are you going?"
"Just looking for a comfortable spot," sagot nito. Habang naglalakad, nagbilang na naman ito. "One two--"
Nanlaki ang mga mata ni Lukas nang itutok na nito ang hawak na baril sa kanya at kinalabit ang gatilyo nito.
***
A.N.
Malapit na talaga. Malapit naaaaaaa hahaha :D
Love,
ANA xoxo
P.S. I really don't like writing action scenes that much wohoho! <3
P.P.S. HAPPY VALENTINES, dear readers! <3 <3 <3
P.P.P.S. May maximum number of chapters ba ang Wattpad? Kasi, hindi na ako makapag-add ng chapter sa Attention T^T salamat sa sasagot.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro