Chapter Nine
Risha proudly grinned while her friends wore shocked faces. Napanganga si Therese, natulala si Miranda at si Victoria naman ay nanlaki ang mga mata at napailing-iling.
Nakaupo silang lahat sa living room ni Risha. It was a Sunday and they usually relax in their own houses on that day of the week but Risha called for her so-called emergency meeting.
"I am telling you," pagbibida pa ni Risha sa mga kaibigan. "This broken hip is because of the sexiest thing he did to me last night."
Napangisi si Miranda at umiling-iling. "I don't believe you. Nakita namin ang pagwo-walk out mo sa kanya sa club."
"Then I will show him to you tomorrow," Risha narrowed her eyes. Nanunukso ang hitsura nito, nag-aasar. Bakit ba ayaw siyang paniwalaan ng mga ito? Siya si Risha Guinto! Kahit sinong lalaki na gustuhin niya, nakukuha niya. Hindi pa ba sanay ang mga ito?
Oh, right. She got any guy she wanted except that someone.
"Talaga lang ha?" Pang-aasar din ni Miranda.
"Talagang-talaga," she scoffed. Kumuha na siya ng fries sa table sa gitna ng living room na iyon.
Natahimik saglit si Risha dahil naalala niya ang lalaking iyon. Ang lalaki na parte ng nakaraan niya. Ang lalaki na never naging sa kanya...
Sumilay muli ang isang ngisi sa kanyang mga labi. Bakit nga ba inalala pa niya ang taong iyon?
He was nothing but a part of her past. A bad record for her reputation as Miss-Have-It-All.
"Eh 'di abangan natin iyan bukas," patuloy ni Miranda. "Bring your boyfriend with you tomorrow night. We are going to watch a movie, last full show."
"Yeah," sang-ayon na lang ni Victoria at kasunod na nito si Therese sa mga tumango-tango.
"We will bring our dates," dagdag pa ni Miranda.
"Deal," sawsaw ni Risha ng french fry sa ketchup.
"Oh, Sir? Bakit dala ninyo ang mga gamit niyo? Tuloy pa rin ba ang alis natin pabalik sa Germany?" tanong sa kay Lukas ni Officer 8.
Palabas na siya ng hotel na tinutuluyan niya at ng ilan sa kanyang mga subordinates.
Bored na sumagot si Lukas. "I already told you, doon na ako sa babaeng iyon titira."
Napabungisngis si Officer 8. "Grabe, Sir, malakas din ang tama sa iyo ng babaeng 'yun, no?"
"Tama? Baka kalandian ang pinaiiral niya," he scoffed.
She just wants me to be her toy. To make fun of me.
"Well, Sir, sabihin niyo lang po kung kailangan niyo kami. Hindi kami aalis ng Pilipinas ng hindi ka kasama."
"Talagang hindi!" bulyaw niya rito. "Dahil kapag umalis kayong mga kutong-lupa kayo, hindi lang kayo made-demote, sisiguraduhin ko na hindi na kayo makakapagsundalo kahit kailan, naiintindihan niyo?"
Napa-atras ito at namutla sa mga sinabi niya. "Y-Yes! Y-Yes, Sir!"
"Good!"
He quickly rode the Uber taxi he just contacted hours before. Nagpahatid na si Lukas papunta sa condominium building kung saan nakatira si Risha.
Iyon kasi ang huli nilang pinag-usapan, kailangan niya rin na tumira kasama si Risha. Akala talaga ng babaeng iyon nakakatuwa ang pananakot nito kay Lukas na may gagawin itong hindi maganda sa memory card kapag hindi niya sinunod ang mga kagustuhan nito. Inis na inis na talaga si Lukas sa babae.
Lalo na at naisahan siya nito. Saan na nga ba napunta ang strategical thinking niya at nauto siya nito? Now, that woman had his virginity and Lukas could not still get over that.
Oh yes, he liked that. Oh yes, he felt good when they did that. Pero pagkatapos ng lahat ng iyon, heto at abot-langit ang pagsisisi niya.
Natagpuan niya ang sarili na pinipindot ang doorbell sa tabi ng pinto ng unit ni Risha. She opened the door and welcomed him with a big smile.
"Hi! Finally! Come in!"
Lukas rolled his eyes and walked in. Binaba niya ang malaking sports bag sa carpet at lumingon sa paligid.
"Where's my bedroom?" seryoso lang niyang tanong sa babae.
"In my room," ngiti nito.
Pinanlakihan niya ng mata ang babae. "And where are you going to sleep?"
"In my room, malamang," she crossed her arms.
"We are going to sleep in one room for one week?"
"Yes," tango nito, tuwang-tuwa sa gulat na reaksiyon niya.
"Damn. Why?"
"Because you are my boyfriend, right?"
"Just a boyfriend, not your husband," binitbit na nito ang bag. "I will be sleeping here in the living room."
"Okay, sleep here, Lukas and forget about the memory card."
He narrowed his eyes on her. "Bitch."
Tinawanan lang siya ng babae.
Hindi na naglabas ng mga gamit si Lukas kinagabihan. Nilabas lang niya saglit ang toothbrush at toothpaste na baon niya para magsepilyo sa banyo sa silid ni Risha. Naghilamos na rin siya at pagkalabas ng banyo, naka-bathrobe lang si Risha na nakaupo sa kama. Nakasandal ito sa headboard ng kama at nagi-scroll sa cellphone nito. Napaangat ang paningin ni Risha para sulyapan siya sa pagkakatayo niya saglit sa may pinto ng banyo. Naka-striped boxers na lang ang lalaki at nakalantad ang dibdib at abs nito. He knew that Risha tried to hide her excitement by returning her eyes on the cellphone screen but he caught her grinning.
Nakasabit lang ang tuwalya ni Lukas sa leeg niya. He sat on the other side of the bed. Pinunasan ulit niya ang mukha bago tiniklop ng maayos ang ginamit na tuwalya at pinatong iyon sa sports bag na nasa sahig katabi ng kama.
Humiga na siya at kinumutan ang sarili. He heard some clicking and felt movements on the other side of the bed, but he chose to ignore it
"Lukas," narinig niyang tawag ng babae, doon lang siya dahan-dahang dumilat.
Malamlam na ang dilaw na ilaw sa silid. Dapat ma-relax siya roon, pero hindi. Pakiramdam niya eh gagapangin siya ng babae.
"Lukas?" tawag ulit nito sa kanya.
Nanatiling nakatalikod kay Risha si Lukas sa pagkakahiga nito.
"Yeah?" he groaned.
"My friends want to meet you," humikab na ang babae. "Movie night. Tomorrow."
"Okay," he rolled his eyes.
"We should convince them na boyfriend talaga kita."
"Uh-huh. Can you English that?" sagot nito sa barok niyang pagi-Ingles.
"I said, we have to convince them that you are really my boyfriend."
"Wow," he snickered in disbelief. "How?"
"Just be sweet. And we should call each other in some sweet endearments."
"Anong endearments naman?"
"Uh, I will call you babe. You will call me..." narinig niya ang pagbungisngis nito. "Call me sexy babe."
"Wow," sarkastikong tugon ni Lukas.
"Good night, babe."
Pumikit na si Lukas pero ilang minuto pa ang nakalipas ay gising pa rin siya. Iminulat na niya ang mga mata at dahan-dahang umikot para humarap sa katabi nito sa kama.
Risha was already breathing slow and steady as she slept facing him. Her mouth parted a bit.
Nilapat niya ang daliri sa lower lip nito at hinila iyon pababa bago pinakawalan ang labi nito.
Isang nakakalokong ngisi ng nagpa-unat sa mga labi niya.
"You are a dangerous being, I'd rather call you Bio-hazard."
Inulit niya ang paghila sa labi nito pababa bago iyon pinakawalan ng daliri niya. Dahan-dahang bumangon na si Lukas mula sa pagkakahiga sa kama.
Sasamantalahin na niya ang pagtulog nito at hahalughugin ang buong unit para mahanap kung saan nito tinago ang memory card.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro