Chapter Forty-Three
He shaved his head and it wasn't that helpful. Lagi siya nagsusuot ng sumbrero para kontrahin ang lamig sa Russia lalo na kapag gabi. Pero sa paglipas ng mga araw, tinatanggal na iyon ni Lukas kasi hindi na kailangan.
Summer na.
Berde na ang mga puno, wala nang bahid ng snow sa kalsada at nabawasan na rin ang tila nagyeyelo sa lamig na ihip ng hangin. Nakangiti na ang Haring Araw at masasabi talaga na maganda na ang panahon para magdiwang.
Nakatayo siya sa Red Square plaza, nakahalo sa dami ng tao na nagkukumpulan para panoorin ang huling practice ng mga sundalo para sa paradang gagawin nila sa selebrasyon ng Victory Day.
Mula sa malayo, may natanaw siya na pamilyar na mukha. His eyes narrowed as he began walking. Wala siyang pakialam kung sino man ang kanyang mabangga, ang mahalaga ay huwag mawala sa kanyang paningin si Risha.
Nakangiti lang ito na nanonood, nasa kanyang tabi si Sloven at nakaakbay habang kinakausap si Risha.
They looked happy. Why? tila may kung anong galit ang bumabalot sa kanya. Risha, you dumb bio-hazardous bitch, this is your chance to escape! Maraming tao at makakatakbo ka palayo sa Sloven na iyan!
Binilisan niya ang mga hakbang, naririnig niya ang pagtawag sa kaniya nila Misha na kasama niya sa panonood pero hindi niya man lang nilingon ang mga ito.
I have to get her now. Then this mission will be over. Sloven will have no choice. Mapipilitan siya na makipag-coordinate sa kung sinuman na kasabwat niya sa army para kunin ang RSF. At pareho silang mahuhuli ni General.
Pumuwesto siya sa likuran ng mga ito at nung saktong nalingunan siya ni Risha, mabilis niya itong hinablot! Kahit nagkabangga-bangga na siya, wala siyang pakialam. Kailangan niyang mailayo si Risha. Nilingon niya ito. She was also running along with him. Pero minsan ay napapalingon ito sa likuran niya.
Nakarating na sila sa likuran ng St. Basil's Cathedral. Mabilis niya itong sinuksok pasakay ng sasakyan pero kumalas ito mula sa pagkakahawak niya sa braso nito.
"Come on, Risha, tumakas na tayo--"
"No, Lukas," iling nito. "Please, hear me out."
Namewang siya, medyo hinihingal pa kaya naman naghabol muna siya ng hininga bago binalik ang mga mata sa dalaga. Nakasuot ito ng puting hanging blouse at puting low-waist jeans. Nakalugay ang unat at mahaba nitong platinum blonde na buhok.
"Ano ba na naman? Saka mo na sabihin iyan kapag malayo na tayo kay Sloven--"
Namilog ang mga mata nito. "Wait. Nagpasemi-kalbo ka? What happened to your hair?"
He rolled his eyes. "Pwede ba, Risha? Tara na bago pa niya tayo--"
"Lukas!" hablot nito ng kamay mula sa kanyang pagkakahawak. "Please, hear me out. Hindi mo ako pwedeng itakas ngayon."
"Ano?" hindi niya napigilan ang pagtataas ng boses. "Why not? Fuck, Risha! I came here for you and now you're telling me that you don't want to be saved?"
"Paano yung kopya ko ng RSF, Lukas?"haplos nito sa braso niya. "Kukunin at kukunin iyon ni Sloven kahit na maitakas mo pa ako mula sa kanya. Hindi matatapos ang problemang ito."
"Pero mababawasan," he gritted, grabbing her arms to pull her close. "Dahil wala nang magagamit si Sloven na panakot sa amin para hulihin siya."
"Have you destroyed my copy of RSF?"
"No! How the fuck can I do that? Hindi mo pa nga sinasabi sa akin kung nasaan iyon!" Hindi na niya napigilan ang pagbuhos ng emosyon. "Let's go now, okay? O baka naman gusto mo na talagang sumama sa lalaking iyon!"
"Don't you understand? I can be your witness against Sloven. Habang tumatagal ako na kasama siya, mas nakikilala ko siya at nalalaman ko lahat ng mga plano niya!" napahilamos na ito ng kamay sa mukha. "I can help you, Lukas. I want to help, I will be your spy. Sloven sends you videos and pictures, right? May iniwan akong clue sa video na nasa banyo kami at--"
"No," iling niya, "it's you who doesnt' understand, Risha! My mission is to bring the RSF back to Germany, then you took my attention and everything got mixed up! Gumawa ka pa ng kopya ng RSF! Fuck, Risha! You are the one who's making this mission take a nosedive! Kaya tayo nandito ay dahil sa iyo! Kaya rin ako nandito, iyon ay dahil sa iyo! Officer 8 was right! Hindi ka na sakop ng misyon namin! Wala na kaming pakialam kung gustong bombahin ni Sloven ang buong Russia o kung ano man ang plano niyang gawin! But I am here because I want to save you! You don't understand how I feel every night, thinking what could that Russian Sloven be doing to you when I am not around!"
Humihingal na siya sa sobrang enerhiya na kinonsumo sa kanyang katawan ng paninigaw niya sa babae. Naluluhang tinitigan siya nito bago nagsalita sa tila nanghihina nitong boses.
"Are you jealous?"
"No. I hate you, Risha," padabog niyang bitaw sa mga braso ng dalaga. Ni hindi malaman ni Lukas kung bobo lang ba talaga ito o talagang nagmamaang-maangan lang. "I just hate that you don't need me anymore. You are obviously enjoying your life with that Russian while I am here, losing my mind trying to save someone who doesn't want to anyway. Don't be so unfair to me, Risha. You are hurting me."
The Verlin wall was broken. After a long time of sturdily protecting his heart, the wall finally crashed down and his tears fell.
Risha raised her hand to touch his face. Lukas wanted to step back. Ni hindi nga niya alam kung ano nang parte ng katawan ni Sloven ang hinawakan ng mga kamay na iyon.
Have she held his hands? Have her arms embraced him? Have her lips kissed him?
The photos and that one video that Sloven sent always haunted Lukas.
"Trust me, Lukas," she whispered when she successfully hugged him around his neck after she tiptoed. "I am only doing this to help you."
Yayakapin na sana niya ito pero bigla na siyang binitawan ng dalaga. Her eyes were teary as her lips crushed against his. Lukas kissed her back, slow and gentle. But things were only sweet when they are short-lived, like their kiss. Humiwalay na si Risha at humakbang paatras.
"Yung mga videos na ipapadala ni Sloven, watch them, okay? Kaya mo naman siguro gawin iyon. You are the strong Lukas Verlin Mikhail, named after the Berlin wall, a wall so strong it divided a country into two for so many years."
"Don't... don't do this, Risha."
"Wala ka bang tiwala sa akin? I will be very careful. Nakukuha ko na ang tiwala ni Sloven, okay? He wants to play with your feelings, Lukas, kaya huwag kang magpapa-apekto d'un, please? Sakyan mo na lang siya. Magfocus ka kung paano niyo siya mahuhuli. Use my clues as I guide. Makikita mo iyon sa mga picture at video na ipapadala ni Sloven. I will make sure na hindi niya mahahalata na nagbibigay ako ng clues."
"This is my job," he gritted.
"That's what Sloven always say. Na trabaho niya rin ang ginagawa niya."
Napatitig siya sa babae. "Is he working for someone?"
"After this chaos, I'll tell you for whom Sloven is working."
Akmang lalayo na si Risha kaya mabilis niya itong hinablot sa kamay.
"No," humigpit ang kapit niya kay Risha pero pinadulas lang nito ang kamay para makalayo sa kanya.
"I am reckless, arrogant and bio-hazardous, babe," ngisi ni Risha kahit halata na napipilitan lang ito. "Have faith in me."
Tumango lang si Lukas, hindi mapigilan ang pagluha. It was so demasculating for him but it made him feel better than not crying at all.
"I will leave clues for you."
He believed in her. Kahit alam niya sa sarili na posibleng nagsisinungaling lang ang dalaga. After all, who would want to love a man like him? He was only handsome, but his short attention span was a turn-off. Sloven actually looked cool. Maalam sa pagporma at tuso, marunong gumamit ng utak.
Pero mas pinili niya na panghawakan ang mga sinabi ng dalaga.
Tumalikod na si Risha at tumakbo palayo sa kanya. Tuluyan na itong nawala nang humalo na ito sa mga tao na nanonood ng practice parade.
***
A.N.
Good evening, guys!
This is the latest update for Attention! Tell me your thoughts about this! <3
Sa Saturday na ang next update (new chapters) kasi hindi talaga ako makakapag-UD this Friday. :"D
love,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro