Chapter Forty-Seven
Hindi makapaniwala si Risha na nakatayo sila ngayon ni Sloven sa tapat ng pintuan ng isang silid sa mental institution kung saan ilang taon nang naka-confine ang kapatid nitong si Anya.
"She's harmless," Sloven murmured, leaning a little bit closer to her as they stood side by side. "That's why the people here allows me to enter her room."
Risha nodded. Deretso lang ang tingin niya sa pintuan na may maliit na bintana kung saan tanaw niya ang loob ng silid. Nakita niya ang puting kama, ang gray na mga pader pero wala si Anya room. Nagsalubong ang mga kilay niya at bago pa siya nasabi sa kasama ang pagtataka, nabuksan na ng isa sa mga nurse na nag-assist sa kanila ang nakakandadong pinto.
May sinabi ito sa salitang Russian na sinagot naman ni Sloven na walang naintindihan si Risha kaya naman binaling na lang niya ang atensyon sa bukas na pinto.
Hindi ko alam kung bakit sinasakyan ni Sloven ang kung anumang sinusulsol sa kanya ni Anya. Nasa maayos pa naman siyang pag-iisip. Alam naman niya na nababaliw na ang kapatid niya kaya bakit? Bakit gusto niyang gawin ang mga inuutos nito?
"Let's go," biglaang hablot ni Sloven sa kamay niya kaya napapitlag si Risha.
He suddenly lowered his head and smiled shyly. "Sorry. I shouldn't be really touching your hand, right?"
"Right," tango ni Risha sabay tago ng mga kamay niya sa bulsa ng puting mabalahibong coat na suot niya.
Nauna nang pumasok si Sloven sa silid at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto para makapasok si Risha. She stepped in and looked around. Natagpuan na rin niya sa wakas si Anya, nakatayo ito sa harap ng bintanang may railings at salamin.
"Anya," narinig niyang tawag ni Sloven dito kaya napatingin siya saglit sa lalaki bago pinanood ang paghakbang nito palapit sa dalaga.
Mabilis itong lumingon, tinamaan ng liwanag mula sa bintana ang platinum blonde nitong buhok na sa sobrang haba ay umabot na hanggang sa bewang. Maputla ang dalaga na tila nagmana sa tangkad ng kuya nito. Dark circles touched the spaces around her ice blue eyes. Her cracked lips spread across her face into a weak smile.
"Brat," she spoke hoarsely, stepping closer to Sloven.
Hindi na ito pinagod pa ng lalaki. Mabilis itong lumapit kay Anya at niyakap ng mahigpit.
"Ya sozhaleyu, chto eto bylo nekotoroye vremya," ani Sloven habang hinahagod ang likod ng dalaga.
Inangat na ni Anya ang mga kamay para gantihan ng mahigpit na yakap ang kapatid nito. Nagsalita ito ng Russian na hindi pa rin maintindihan ni Risha kaya naman nanatili siyang nakatayo sa pwesto niya at pinapanood ang dalawa.
She felt a shock that shot up her whole body when Anya laid her eyes on her. Nakita niya ang gulat sa ekspresyon ng mukha nito at sa maliit na pag-awang ng mga labi nito. Dahan-dahan itong humiwalay kay Sloven kaya naman napansin ng lalaki na nakatitig ito kay Risha.
Risha heard her name when Sloven spoke to Anya. Sa tingin niya, pinapakilala na siya ng Russian spy sa kapatid nito.
"I am Anya," titig lang nito sa kanya.
"I apologize," Sloven grinned awkwardly, "my sister doesn't know a lot about the English language, you know, so..."
"It's alright," magalang na tango ni Risha.
"Oh shit," kapa ni Sloven sa bulsa ng coat nito, "have I brought the necklace box?"
Naalala ni Risha ang binili nitong pasalubong para sa kapatid. Dahil sa pagiging dakilang usisera niya, kinuha niya iyon mula kay Sloven para tingnan tapos naiwan niyang nakapatong sa dashboard ng sasakyan nito.
"Oh sorry," she bit her lip because of the inconvenience she caused, "I think I forgot to hand it back to you. I put it on the car's dashboard."
"Fine," tapik ni Sloven sa balikat ni Risha. "I'll go get it."
"Wait!" nasa tinig niya ang pagtutol pero tuluyan na itong nakalabas ng silid.
Binalingan niya saglit si Anya na parang multong nakatitig sa kanya. Nawalan na naman ng buhay ang mga mata nito, tila isa itong manika na walang bahid ng emosyon sa mukha. Pagkatapos, nilingon niya ang nurse na sinasara ulit ang pinto ng silid.
Calm down, Risha. May kasama kang... baliw. Yes, baliw. Pero nakabantay naman sa pinto sa labas 'yung nurse... He will come to your rescue if ever Anya gets out of control and...
"Are you my brother's girlfriend?"
"What?" gulat na lingon niya sa dalaga na nakaupo na sa gilid ng kama nito.
Ngumiti ito at tinapik ang space sa kama sa tabi nito. "Come here," anito sa tila pabulong na boses.
Hindi malaman ni Risha ang mararamdaman. Ayaw niyang ipahalata rito na ilag siya, pero hindi yata iyon maikakaila ng paninindig ng mga balahibo niya sa buong katawan.
Anya's smile was creeping her out. Nakangiti nga kasi ito pero tila nagbabanta ng lagim ang mga mata nito. At hindi ordinaryo ang pagkakangiti ng dalaga, mas mataas ang pagkakaangat ng isang sulok ng labi nito kaysa sa isa. Her white flat teeth flashed before her like a predator's.
"Come on, sit."
Kabado niyang tiningnan ulit ang saradong pinto. Kung sakaling saktan siya ni Anya, at least, she already knew in which direction to run.
"Anya," upo niya sa tabi nito. "You can speak English."
She placed her point finger across her lips and shushed. "Don't tell, Slov." Inangat nito ang kutson ng kama at nilabas ang isang aklat na may Russian na titulo. "I have been reading this for some time. It helps with English."
"Good. Now I can talk to you... Can I ask something?" bulong niya rito.
"What is it?"
"What's the... what's the big deal with wanting to wipe out everyone here in Russia. And... and why are you doing this?"
"Doing what?" ngisi lang nito.
"Like what I said, you want your brother to destroy the whole Russia. What is wrong with you?"
Nagkatitigan lang sila ni Anya na hindi nawala ang nakakakilabot na ngisi sa mga labi.
Damn! nasapo ni Risha ang noo. What is wrong with her? Bakit ko naisipang tanungin ng ganoon ang taong obvious namang may sira sa pag-iisip?
Narinig niya ang mahinang pagtawa ng dalaga na tila mas nagpalamig sa silid.
"I loved Ivanov, Risha," sagot niya rito. "On New Year's Eve, Ivanov invited me into one of the cabins... you know," mas lumapad ang ngisi nito, "to do what we usually do."
Lumalim ang pagkunot ng noo ni Risha. Hindi niya napigilan na mas lumapit ng pagkakaupo kay Anya. Ito na kasi iyon eh, nabibigyan na ng kasagutan ang lahat ng katanungan na gumugulo sa isip niya-- kung para saan ang RSF at ngayon naman ay kung ano ang dahilan sa likod ng lahat ng mga nangyayari sa kanila ni Sloven at Lukas.
"What do you usually do?" mabilis niyang bulong habang nakatitig sa walang buhay na mga mata ni Anya.
Bumungisngis ito. "Wild things. Things that we should not do."
"Why not?" napalunok siya sa tanong na iyon. Sana ay kumagat si Anya at sagutin iyon.
"Because Ivanov is already married, silly you!" tawa nito. "You don't know Ivanov? Oh he's so famous, Risha... A very great soldier. Also heartless."
Tumango-tango siya. So, kasama niya si Ivanov nung gabing iyon. Ang kwento sa akin ni Sloven, si Ivanov ang host ng party sa yate... Binalik niya ang paningin sa mukha ni Anya. Kung ganoon... set-up ba ang party na iyon? Para masolo siya ni Ivanov?
To do what they usually do... so it means... hindi lang isang beses nangyarin yung wild things na tinutukoy ni Anya.
Naramdaman niya ang pagnginig ng sariling mga labi nang ma-realize kung anong klaseng wild things ang tinutukoy ng kausap niya.
They... they have an affair...
"I thought Ivanov is such a romantic. He's so great in doing it. He can make a woman happy in bed."
Risha nodded.
"But that night," mabilis na nagbago ang nakatawa nitong anyo. Nagsimula nang manlisik ang mga mata nito, "Ivanov brought his dirty little friends!"
Napailing na lang si Risha. Nagsimula nang umiyak si Anya.
"They gagged me!" sigaw nito. "They roped me! They burned my skin with cigarettes!"
Alertong pumasok ng silid na iyon ang nurse pero nagtaas ng isang kamay si Risha para pigilan ito sa tangka na gapusin si Anya.
Nagsimula na itong magwala kaya napatayo si Risha mula sa kinauupuan niya.
"I want you to kill them all! Kill them all! Leave no one alive! They look at me like a slut! Evil people don't deserve to live, Risha!" sigaw pa nito na tila ba napakalayo ng kausap nito. Sinimulan na rin ni Anya na sabunutan ang sarili, ang hablutin ang sariling katawan na para bang kinakalmot-kalmot ito. "I only loved Ivan! I loved him! What is so wrong with that!?"
"P-Please, Anya--"
"Don't look at me!" she hissed, bending her body as if she was leaning forward, getting ready to lunge at Risha.
"Look," Risha extended her arms. "Calm down, Anya, Sloven will be back soon--"
Natigilan ito. Her eyes burned a scary gaze into her before she murmured, "Ivan?"
"H-Huh?"
"I... I know, Ivan," alanganing napatawa si Anya.
Naramdaman niya ang paghablot ng nurse sa kamay niya pero tinabig lang iyon ni Risha.
"I know... Sloven is coming soon... We must hurry..."
"Anya! This is me, Risha!"
"Ahhh!" tili ni Anya kasabay ng pagbagsak ng nakataas nitong kamay.
Nagising na kasi ito mula sa kung anong paghahalusinasyon at inambahan ng kalmot si Risha.
Isang kalmot na tumama sa humarang na braso ni Sloven.
"Are you alright?"
Nasa loob na sila ng kotse ni Sloven mga isang oras ang nakakalipas matapos magwala si Anya. Hinaplos niya ang braso ng lalaki pero nagpumitlag lang ito, dahilan para mapasandal si Risha sa gilid ng kinauupuan niya sa sasakyan nito.
"Don't touch it, okay?" Sloven hissed. "I'm glad that the nurse managed to cure this scratch."
"That's just a scratch."
"My sister's scratch," he gritted his teeth. Tinapunan siya ng lalaki ng matalim na titig. "Tell me, Risha, how did you do that?"
"D-Do... Do what?"
"You made my sister talk. She never talked to me. The only time she talked was on her birthday last year. She wanted everyone here in Russia dead."
Risha narrowed her eyes. "That's all? You don't have any strong motive to do this but just because Anya said that... you are willing to do it blindly?"
"Anya is all that I have," hawak nito sa manibela ng sasakyan. "I will do anything... everything she wants."
"Even if it will put your honor and reputation and safety at stake?" Hindi niya makapaniwalang tugon sa sinagot nito. "Sloven, this is crazy! You're sister is also crazy, okay! That's why you put her in mental hospital in the first place! She has gone nuts!"
"Stop talking like that about my sister!" he roared.
"I am just telling the truth because maybe, that will bring you back to your senses!"
"Idiot woman!"
Nagsimula nang magpapalatak ang lalaki sa salitang Russian kaya napa-ungol na lang si Risha sa inis.
Sumapit na ang gabi kaya naman nagsimula na sa paghahanda sila Lukas. Binalikan nila ang napag-usapang plano at aksyong gagawin kapag nakapuslit na siya sa Kremlin Grand Palace. Nilinaw na nila ang mga dapat linawin bago tuluyang nagkanya-kanya ng bihis. Sinuot na ni Lukas ang itim na catsuit, ang kanyang earpiece na may connected microphone at ang kanyang robber's mask na kulay itim rin.
"I am ready to go," anunsiyo niya sa mga kasamahang si Gunther at Misha pagkalabas ng banyo.
"Then let's go," ani Misha bago sinipat ang suot na relo. "May dalawang oras pa tayo bago magsimula ang party."
***
A.N.
To all my avid readers... may party tayong dadaluhan bukas, and... and.. oh yeah hahaha :D
Tell me your thoughts about this chapter in the comments below. ;) Pasensya na rin kasi late na ng gabi ko nakumpleto ito. Masyado nahirapan ako na ibalik yung flow ng thoughts sa utak ko, pagoda lang aketch sa werk hahaha :D
After you read this chappie, tulog-tulog rin ha? Good night, hombres y mujeres! <3
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro