Chapter Forty-Nine
Risha slowly stepped inside the open doors of the Kremlin Grand Palace's ballroom. The doors were gold in color with detailed carved designs on it. Iginala niya ang mga mata sa paligid na nabusog sa glamorosong disenyo ng ballroom, ang makintab na sahig na brownish gold ang kulay ng mga tiles, ang nagkikislapang mga chandeliers at mga puting kurtina. Napangiti siya sa dami ng mga tao na katulad niya ay mga naka-gown ang mga babae, ang mga lalaki naman ay matitikas sa suot nilang mga suit.
Na-miss ko ito... Ang pagpunta sa mga parties. This is a different kind of party though... Hindi pa ako nakakapunta sa party na mismong ang presidente ang host. At presidente pa ng Russia ang makakasama ko sa party na ito. Wow.
Naramdaman niya ang pagyuko ni Sloven para bumulong sa tainga niya. "Just enjoy the party, okay?"
Risha nodded. "I will, Sloven."
"Good. I don't like it to be obvious that you are my hostage, because if that happens, you know who will suffer for it."
Natigilan siya sa pagbabanta sa tono ng lalaki na may-ari ng braso kung saan nakapulupot ang isa niyang braso.
"Lukas?" she slid that name slowly out of her mouth.
"I am glad you know."
Where is Lukas? Nage-gets ba niya ang mga clues na pinapakita ko sa kanya sa mga pictures na pinapadala ni Sloven?
Pumasok na ang dalawang guwardiya na naka-uniporme sa ballroom na iyon at inanunsiyo ang pagdating ng Russian President na na-gets lang ni Risha nung sabihan siya ni Sloven na maghanda sa pagsalubong dito.
Tumayo ang lahat sa magkabilaang side ng daan mula sa pinto patungo sa kalagitnaang ng ballroom. Inabangan nila ang muling pagbubukas ng mga pinto kung saan niluwa nito ang presidente ng Russia na nakasuot ng itim na tuxedo. Katabi nito ang German Army General na nakasuot ng uniporme nito.
Nang nagsimula nang magpalakpakan ang lahat, nakipalakpak na rin si Risha.
Doon na tuluyang nagsimula ang party, nagpatugtog na ang live band ng masiglang musiko at nagsipag-upuan naman ang iba sa mga table nila para mag-inuman at magkwentuhan. Sloven assisted her toward the other side of the room where the Russian President's table was.
Nakipagkamay si Sloven sa pangulo at sa katabi nitong heneral ng German Army. At kahit wala siyang maintindihan sa palitan ng salita ng presidente at ng lalaki, alam ni Risha na nagkakamustahan ito at pinapakilala siya sa mga ito.
"Offer them a handshake," lingon sa kanya ni Sloven kaya naman sumunod kaagad si Risha.
"Nice to meet you, Mr. President," she gave him a firm hand-shake.
Pagkabitaw ng pangulo sa kanyang kamay, kinamayan naman niya ang heneral ng German Army.
Alam niya ang tungkol sa misyon ni Lukas... Pero ano kaya ang gagawin niya rito sa party? Ibibigay na ba niya ang RSF sa mga Russian?
Tinapunan niya ng sulyap si Sloven na mukhang nawiwili sa pakikipag-usap sa pangulo.
At itong si Sloven... bakit pinaunlakan niya ang imbitasyon na dumalo sa party na ito? Hindi ba dapat focused siya na kulitin si Lukas para makuha na niya ang RSF?
Maliban na lang kung... kung ang RSF na dala ng heneral nila Lukas ang kukunin niya.
Tapos, kukunin niya rin ang kopya nung kay Lukas... para nga naman wala nang matira para sa Russia... At magsisimula nang magkagulo...
Nagulat si Risha nang ikawit ni Sloven ang braso niya sa braso nito. Tumatango-tango na ang lalaki na tila nagpapaalam sa pinakamakapangyarihang tao sa kanilang bansa at sa heneral na kasama nito. Alanganin tuloy siyang ngumiti at nagpaalam sa mga ito.
Sloven pulled her through the crowd.
"I have to find Ivanov," anito sa kanya. "Just to check if what you told me earlier was true."
Isang matalim na tingin ang binigay niya sa lalaki. "What? This is not the right place to interrogate him about that, Sloven."
"You want me to stop this craziness, right?" ngisi nito sa kanya. "Then I must be convinced that I should be giving Ivanov what he deserves instead of destroying the whole Russia."
Napabuntong-hininga na lang siya. "Fine. Let's search for Ivanov."
Hindi ko rin gusto ang kakahinatnan nito kapag nagkaharap sila ni Ivanov. One way or another, Sloven will end up killing somebody... Why is it so hard for some people to forgive?
Well, may kapata-patawad nga ba sa ginawa ni Ivanov sa kapatid niya?
Ginabayan siya ng lalaki papunta sa table nila at pinaghila siya ng upuan. Pagkaupo ni Risha, nagpaalam na ito.
"Stay here," bilin nito sa kanya. "And don't you dare to try to escape. I have ways to get you back."
She just nodded. "I am not planning to get away."
Kinabahan siya dahil baka hindi maging kakumbinsi-binsi para sa Russian ang ngiti niya. Sa huli ay tumango na lang ito.
"Good. I'll be back."
Adjust your camera, Gunther.
Inayos ni Gunther ang kwelyo ng suot na coat at hinarap ang dibdib sa direksyon kung saan nakaupo ang heneral ng German Army.
Good, Gunther.
"Nilapitan na ng kalapati ang agila," bulong ni Gunther, palihim nitong nilapit ang labi sa mouthpiece na nakakabit sa kwelyo ng polo na nasa ilalim ng kanyang coat.
Kalapati ang codename nila kay Sloven, ang agila naman ay para sa kanilang heneral.
Saan sila pupunta? Sundan mo.
Hindi na tumugon pa si Gunther, dahan-dahan itong sumingit sa mga taong nagdadaanan at mga nakatayo lang habang nagdadaldalan para makita niya ng mas mabuti sila Sloven at ang kanilang heneral na tumayo na mula sa kinauupuan nito.
He's coming with Sloven, ani Misha pero alam ni Gunther na si Lukas ang kausap nito dahil silang tatlo naman ang magkaka-konekta ng mga communication devices. Si Misha ang nakakapanood sa loob ng sasakyan ng mga nakukunan ng camera na suot ni Gunther at naka-conceal sa coat nito. Lukas, where are you?
"Nasa tapat lang ako ng kinauupuan ng Russian President," halos bulong ni Lukas habang nakadapa sa kisame.
Dahil sa dalang mini electric drill, nakapaglagay siya ng butas sa kisame para makasilip sa silid kung saan ginaganap ang salu-salo.
Wait for Gunther's report. Sinusundan na niya ang dalawa, kung saan sila papunta.
"I hope General will stay alert."
He will. He's the big boss, Lukas. Alam na niya ang gagawin.
"Sorry," he muttered. "I still feel responsible for whatever that might happen to him. Ako ang kumaladkad sa kanya sa misyon na ito eh."
Sir, Misha, they went inside the men's room.
"What the fuck," gapang ni Lukas habang tina-tap ang touch screen na wristwatch para hanapin sa larawan ng blueprint doon ang daan papunta sa pinakamalapit na men's room.
"Sa dinami-rami ng lugar bakit sa men's room pa?"
Para kay Lukas, mahirap dumiskarte kung sa kulong na silid niya bubulabugin ang dalawa kung sakaling may hindi magandang gawin si Sloven.
Wait. May pumasok pa na ibang tao sa men's room. Baka napadaan lang sila roon.
"Well--"
Makalipas ang ilang minuto, nagsalita muli si Gunther.
They went outside. By the garden. Nasa ilalim sila ng light post. Nag-uusap na sila.
"Find Risha for me. Itakas niyo siya. Ako na ang bahala kina Sloven."
We cannot leave you alone, Sir. Back niyo kami 'di ba? Maraming nagkalat na security dito.
"I know," buntong-hininga niya. "Basta itakas niyo na si Risha. Sasama naman iyan sa inyo."
Natahimik na si Gunther, mukhang sinimulan na nito ang paghahanap kay Risha, kaya naman naghanap na ng exit si Lukas mula sa kisame. Ang exit na napili niya? Ang men's room.
Mabilis siyang bumagsak sa loob ng isang cubicle at bago pa naka-react ang lalaking nagsasara na ng zipper ng pantalon nito, tinusok na ito ni Lukas ng mga daliri sa batok para mawalan ito ng malay. He propped the unconscious man on the toilet bowl and took all his clothes, leaving him with nothing on but his shoes, socks, undershirt and white briefs.
Lumabas na siya sa cubicle na suot ang itim nitong amerikana. In-adjust niya ang neck tie na itim sa harap ng salamin. He unconsciously lifted his hand to comb his hair with his fingers, realizing that he already shaved his head so he let out a groan. Sinipat niya ang wristwatch na may arrow signal na nag-flash sa screen para ituro kung saan ang direksyon papunta sa hardin. At natagpuan na nga niya ang dalawa.
Bago pa siya nahuli ng matalas na paningin ni Sloven, mabilis na nagkubli si Lukas sa likuran ng mataas na halaman na katapat ng isa sa mga poste ng palasyo ng Kremlin.
Risha secretly followed Sloven. Pero nahirapan siya dahil sa dami ng tao. Nang nawala na ito sa paningin niya, inatake na siya ng kaba. Panigurado malilintikan na naman siya. Hindi na rin niya kasi alam kung saan dadaan para makabalik sa table nila. Kapag nalaman nito na umalis siya roon, baka kung anu-ano na namang paninigaw ang marinig niya mula rito.
Bahala na, aniya sa sarili habang tinatambol na ng kaba ang kanyang dibdib.
May nag-alok sa kanya ng kamay na lalaki para sumayaw kaya hinayaan na lang niya ito. Habang panay ang pagsasalita nito ng Russian sa kanya, inabala naman ni Risha ang sarili sa pagtingin-tingin sa paligid.
Saan kaya siya pumunta? Ano kaya ang inasikaso niya?
Sloven stopped walking when they reached the garden. Madilim ang langit dahil sa paglalim ng gabi. Nakangiti sa kanya ang heneral nang ibalik niya ang paningin dito.
"Where is the general?" tanong ng German sa kanya.
"He can't actually make it here, he's sick," tugon ni Sloven. He shoved his hands inside the pockets of his coat. "He appointed me to get the RSF from you and turn it over to him."
"Well..." titig nito sa kanya bago binaba ang mga mata habang sinusuksok ang mga kamay sa bulsa. "How sure am I that he really appointed you to take the RSF?"
"I am Sloven Markov," pakilala niya rito. "One of the best spies of the Russian Intelligence. General Ivanov and I also personally know each other. We are friends, Sir."
Tumango-tango lang ito. Nakakainis naman itong taong ito. Ibigay mo na lang sa akin ang RSF!
Lumingon-lingon ito sa paligid habang nilalabas ang maliit na plastic case mula sa bulsa nito-- isang puting lalagyan ng memory card. Nilahad na ni Sloven ang kamay para hintayin ang pag-abot nito ng RSF.
"Tell Sir Ivanov that next time, he should learn to keep his own stuff."
"It is not his fault. He just got promoted a month ago."
"Oh," anito, pinatong na sa palad ni Sloven ang case ng memory card pero hindi pa rin iyon binibitahan. "I see."
Alertong lumingon si Sloven nang may kung sinong sumugod sa kanila. Awtomatikong hinanda ni Sloven ang mga kamay para balyahan ng sapak ang taong iyon, dahilan para mabitawan ng heneral ang case ng memory card at mahulog iyon sa bagong tabas na Bermuda grass.
Mabilis si Lukas, yumuko ito kaagad at bumanat ng sweep kick nang madaklot mula sa damuhan ang memory card case. That sweep kick reached the general's and Sloven's legs, making them drop on the ground before Lukas managed to spring back inside the ballroom.
May ilan siyang nabangga bago niya binagalan ang paglalakad at pasimpleng nilingon sila Sloven sa labas. Hindi niya ito masyadong makita dahil sa kapal ng mga tao na nakaharang. Sinuksok ni Lukas ang memory card case sa bulsa ng suot na coat.
Sigurado ako na mahihirapan siyang maghanap ngayon sa akin. Hindi rin siya pwedeng gumawa ng eksena rito sa dami ng security sa paligid.
Napangisi sa isiping iyon si Lukas bago inadjust ang mouth piece na nakakabit sa sinuot nitong coat.
"The dove is down," usap niya kina Gunther at Misha. "Where's Risha?"
I can't still find her, maikling tugon ni Gunther na dumagdag sa tensyon na nararamdaman niya dahil sa kaalamang hinahanap na rin siya ni Sloven.
Siya na lang ang maghahanap sa babae. Inisa-isa niya ang mukha ng mga babaeng nasasalubong niya nang naalala ni Lukas ang litrato ni Risha na pinadala ng kanyang kalaban. Naka-puti itong gown. Kaya naman bukod sa pag-isa-isa sa mga mukha ng mga kababaihan sa party, sinigurado niya na puting gown ang suot ng mga ito.
Risha gasped when someone stole her away from the arms of her dance partner.
"You're just too good to be true," bulong ng kung sino sa tainga niya na nakikikanta sa tugtog. "Can't take my eyes off of you."
Nilayo niya ng kaunti ang sarili para matitigan ang mukha ng lalaking kasayaw. Her eyes widened at the pleasant surprise holding her close to his body.
"Lukas!" she exclaimed, her smile was making her face glow.
"And I thank God, I'm alive," sabay pa nito sa kanta, nakangiti sa kanya.
Hindi na niya napigilan pa ang sarili na yakapin ito. "Lukas!" But her happiness was short-lived. Humiwalay ulit siya sa lalaki at puno ng pag-aalala na tinitigan ito sa mga mata. "Bakit... Bakit ka nandito? Paano ka napunta rito? May sapat na akong clues, pero wala pa akong madadala o maipapakitang ebidensya kasi hindi ako makapag-voice record man lang oh--"
She felt him rubbing her back before he kissed the top of her head. "Shhh... Okay na ang mission, ang pagtakas na lang ang po-problemahin natin."
Tiningala niya ito, pilit na pinipigilan ang sarili na maluha. Lukas was finally holding her in his arms. The long wait was over... she was finally saved!
"Then let's run--"
Akmang itutulak na niya si Lukas palayo para hilain ito palabas ng ballroom pero hinapit lang siya nito, dahilan para bumangga siya sa matipuno nitong dibdib. Her soft body pressed tightly against his rock hard body, making her feel his muscles and the throbbing of his bulge under his tight pants.
Damn! Even in situations like this Lukas was still so... pinutol na niya ang isiping iyon bago pa siya lunurin nito sa pagde-daydream at paglalaway sa lalaking kasayaw niya.
"We are in a very secured place," lapit ni Lukas ng mga labi nito sa kanyang tainga. "Sigurado ako na ayaw ni Sloven na gumawa ng eksena sa kampo ng kanyang kalaban. Tayo rin dapat, huwag tayong gumawa ng eksena. Hindi tayo pwedeng basta-basta na lang tumakbo. We will dance, liebe, we will dance until we reach doors over there. Tapos lalabas na tayo na parang wala lang."
Risha nodded her head before resting it against Lukas' chest. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa lalaki. "Okay, Lukas, let's do that."
"Okay. Kailangan mong humiwalay sa akin."
Napatingala siya sa sinabi nito. "Bakit?"
Sinalubong siya ng pag ngisi nito. His grin always made her automatically smile back to him.
"Because we have to dance fast if we want to get out of here fast."
And so they did. They danced quickly. Sinabayan nila ang masiglang tugtog ng Can't Take My Eyes Off You. Hindi malaman ni Risha kung bakit sa kabila ng seryosong mukha ni Lukas, siya ay nasa magaan na mood. Natatawa siya sa bawat pag-ikot niya, sa bawat paghapit nito sa kanyang bewang bago siya nito ulit pakawalan para paikutin at pahakbangin.
For the first time in her life, she finally experienced a night dancing like a princess. A handsome prince was twirling her around a grand royal ballroom, underneath the sparkling chandeliers.
Pero mabilis siyang hinapit ni Lukas sa bewang na hindi tugma sa ritmo ng kanta. Napalapat tuloy ang mga kamay niya sa dibdib nito at nilipat ni Risha ang paningin mula sa mukha ng lalaki papunta sa direksyon kung saan nakatuon ang atensyon nito.
It was Sloven marching toward them!
"Takbo! Risha, takbo!" Lukas muttered as he pulled her by hand and they both made a run for their lives.
A.N.
Takbuhan na this! HAHAHA XD
Tomorrow will be an ultimate update :D Abangan ang marathon nila Risha at Lukas :D <3
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro