Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Forty-Four

"Saan ka nanggaling?" tanong sa kanya ni Gunther na unang nakahanap sa kanya sa tabi ng kanilang sasakyang nirentahan na nakaparada sa likuran ng St. Basil Cathedral.

Umiling lang si Lukas na tapos na noon sa pagpunas sa mga luha niya. "May nakalimutan lang ako dito sa kotse."

Bumaba ang tingin ni Officer 8 sa mga kamay niya, alam ni Lukas na napansin nito ang panginginig ng mga iyon pero mas pinili na lang nito na manahimik.

"Ayos ka lang, Sir?"

"Oo naman," tama niya ng mga mata rito. "Bumalik na tayo sa hotel. May naisip akong gawin na makakatulong sa atin sa pag-rescue kay Risha."

Sumulpot si Risha sa living room na may bitbit na isang bowl ng popcorn nang nadatnan niyang bumubungisngis at napapailing-iling si Sloven. Tapos na sila noon maghapunan at nagyaya ang lalaki na manood sila ng DVDs pero sa halip na bagong salang na bala ang pinapalabas sa flat screen TV, nakita niya na nanonood pa ito ng balita.

"What's on the news?" tanong niya habang umuupo sa tabi ng lalaki na naka simpleng shirt na puti at puting pajamas. Nakasuot rin siya ng puting tank-top at puting pajamas.

Sloven wanted them to dress identically for he believed they were soul mates, and soul mates were supposed to be the same other half of one another. Weird belief of Sloven that Risha just rode along with.

"Well," dakot nito sa bowl na hawak niya ng popcorn, "the general from the German Army just arrived tonight to join the celebration of Victory Day."

Nanlaki ang mga mata niya habang pinapanood ang matikas na lalaki na nasa late fifties na nito at nakasuot ng uniporme. Kitang-kita ang kaseryosohan sa mukha nito na tila ba hindi pakikipagdiwang ang tunay na dinaluhan nito.

Lukas... Ano na naman ito? You can't bring your whole army here. This is Russia!

"Isn't it funny?" Sloven continued. "A German guy joining the Russia's celebration of his own country's defeat against us? I don't know if he's trying to be nice or he just wanted to be a laughingstock at the event."

Tinitigan niya ulit ang heneral na pinapalabas sa TV. "I... I believe it is so humble and noble of him to come here and join the celebration."

"Prrft, yeah, right," ngisi lang nito habang ngumunguya ng popcorn.

"Hey," hawak niya sa braso ni Sloven. "Aren't you scared? He must be here to return the RSF to the Russian Army, too."

Nilingon siya nito at kapansin-pansin na hindi man lang nagbago ang masayang ekspresyon sa mukha nito. "Yeah, so? You have another copy that Major Verlin will give me, so I don't care if Russia's going to get the original copy."



"I-pause mo diyan."

Dahil sa inutos ni Lukas, ini-pause ni Gunther ang video na nagpe-play sa laptop. Ito yung video na pinadala ni Sloven sa kanya kung saan nasa banyo sila ni Risha.

"What now, Sir?"

"Banyo. Box ng sabon," he murmured before returning on Gunther's side. Nakaupo lang naman ang subordinate niyas sa kama, kalong ang laptop. "Risha hid her copy of the RSF in a soap box."

"Soap box?" halata na hindi ito makapaniwala. "Sir, bakit ka magtatago ng importanteng bagay sa karton ng sabon?"

"Exactly," masayang turo niya rito. "Walang matinong tao ang makakapag-isip na magtatago ka ng ganoong kahalagang bagay sa isang karton ng sabon."

Kinuha na niya ang cordless phone sa bedside table para tawagan ang mga tauhan niya na naiwan sa Pilipinas. "Now, we will see if my assumption is right." Lukas paused when his call was answered. "This is Major Lukas. May lead na ako kung saan ninyo makikita yung memory card. Tanda niyo pa ba kung saan ang condo ni Risha?" Pause. "Yeah, right. Check the bathroom. Open every soap box in there."

Pagkatapos, inisa-isa na nila ni Gunther ang mga litratong pinadala ni Sloven.

"That one was sent days ago," ani Lukas, nakasilip sa laptop kahit na nakatayo siya sa tabi ni Gunther. "May dala siyang paper bag ng GUM store."

Naalala tuloy niya ang pamamasyal niya at pagtitig  sa monumento nila Minin at Pozhavsky.

"Damn. Nandiyan din ako sa Red Square sa mismong araw na iyan. Next photo, Gunther."

Tumambad sa kanila ang litrato na nakatanaw si Risha sa bintana. May tinuturo siya sa labas na mga punong nagtataasan.

"They are not residing in the city," Lukas was processing the clue in his head.

"I agree, Sir. Mukhang nasa gubat sila. Masyadong makapal ang mga puno sa labas ng bintana, wala ring makikitang kalsada."

A silence fell between them. Napakamot na lang ng ulo si Gunther.

"Pero malawak ang Russia, saang gubat kaya sila nagtatago?

Napangisi na lang si Lukas. "Buti na lang natuloy ang pagbisita rito ni General. We will need him."

Mabilis na tinawagan ni Lukas ang boss. "Good evening, Sir. This is Major Lukas, Sir."

Major, good timing. Kakarating ko lang dito sa hotel. Ano na ang balita?

"I will need some help from you, Sir."

Regarding the RSF? May lead ka na ba kung saan natin ha-hunting-in ang Sloven na iyan?

"Yes, Sir. Pero kailangan namin ng confirmation na doon nga siya nagtatago, Sir. At ikaw lang ang may kapasidad na gumawa niyon. Pwede ka ba magrequest kay Mr. President na ipasyal ka sa Russia via helicopter?"

Helicopter? You want me to check Russia in an eagle's eyeview?

"Exactly," tango ni Lukas. "At dahil wala pa rin tayong lead kung sino ang kalaban sa Russian Army, I suggest that we give the memory card to the President of Russia itself."

Narinig niya ang mahinang pagtawa ng heneral na medyo ikinabahala niya.

"Sir?"

Tumawa pa ito ng kaunti bago siya nito sinagot, Sorry, Major. I just find our situation funny... A German Army General taking orders from just a Major? But of course, like what you said, I am the only one who has the capacity. I will roger on that command, Major Lukas.

Alanganing napangiti na lang siya nang napagtanto na tama ang sinabi ng heneral. "Sorry, Sir. Uhh... T-Thank you, Sir!"

Thank you. Guten Nacht, Heer Lukas.

"Guten Nacht, Sir."

Kinaumagahan, nakatingala si Lukas sa langit habang suot ang earpiece na ka-match ng chip recorder na sinuot ng kanilang heneral bago sumakay sa helicopter katabi ang presidente ng Russia na naging magiliw naman sa pagtanggap sa kanya sa kanilang bansa.

"Nakasakay na sila ng eroplano," anunsiyo ni Lukas kina Misha at Gunther na magkatabing nakaupo sa damuhan sa picnic grounds ng Gorky Park.

May kung anong pinag-uusapan ang dalawa at mukhang si Gunther lang ang nage-enjoy kaya tumikhim si Lukas. Mabilis na kumupas ang ngiti ng blond na sundalo, si Misha naman ay napa-eyeroll na lang kay Gunther bago tumingin sa Major.



"Where are we going?" tanong ni Risha pagkalabas niya ng silid. Nakapagbihis na siya ng itim na sleeveless turtleneck top at jeans. Naghihintay sa tapat ng pinto ng kanyang kwarto si Sloven, nakasuot ng itim na long-sleeved turtleneck shirt at jeans.

"Just some quick shopping," ngisi nito. "We are invited to the private party of the President at the Grand Kremlin Palace. It will be a formal party."

"Private party? For what?" nakangiti niyang tanong dito. May mabibigay na naman kasi siyang clue kay Lukas.

"For the Victory Day celebration," tugon nito habang tinatahak na nila ang hallway palabas ng mansyon. "After the parade, there will some public coverage, everyone will have their rest and resume the celebration at eight in the evening."

"That sounds gradious,"Risha clasped her hands.

"Of course," akbay sa kanya ng lalaki na balewala na lang sa kanya. "The President is so discreet but behind the masquerade of being tough is a man who knows how to throw a party."

"So you've been in his other parties before?"

"Of course," mayabang nitong ngisi, "I work for the government. I work for the place I badly want to destroy."

Napayuko na lang si Risha bago nagkunwari na impressed dito. "That's really smart of you, Sloven. You are able to make them think that you're their ally."

"Well, like what they said," he shrugged, "bring your friends close and your enemies closer."

Nilapit nito ang mukha sa kanya bago siya nito mabilis na nilapatan ng halik sa mga labi. Then, Sloven let her go to open the door for her. Napatitig na lang si Risha sa lalaki, nanlalaki ang mga mata sa gulat.

He kissed me?

She really wished that did not happen.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro