Chapter Fifty-Two
Mas pinili na lang ni Lukas na palabasin sila Gunther at Misha sa silid niya bago pa may kung anong pagtatalo ang mamagitan sa magkapatid. Wala naman kasi siyang ideya na may kung anong tensyon pala ang namamagitan sa mga ito.
"I swear," harap sa kanya ni Misha bago pa niya sinara ang pinto. "I have no idea how I tormented, Risha. She's the one who took away everything from me. Gusto ko lang makipag-ayos dahil ngayong matanda na ako, may malawak na akong pang-unawa sa mga bagay-bagay."
Tumango na lang siya at napapikit sa mga sinabi ni Misha. "Let her take some rest, Misha. Nagulat lang siguro siya sa bilis ng mga pangyayari."
"I understand."
Sinara na ni Lukas ang pinto.
Nanlaki ang mga mata ni Misha nang ma-realize na si Lukas at Risha lang ang naiwan sa iisang silid.
"Hey!" katok niya sa pinto. "Hindi ka pwedeng matulog katabi si Risha! Hoy!"
"Tama na," dahan-dahang pihit sa kanya ni Gunther paharap dito. "Hayaan mo na lang silang dalawa doon, okay? Hindi naman pwedeng sa kwarto ko matulog si Risha, baka naman magpatayan kayo kapag nilagay kayo sa iisang kwarto."
"Shut up, Gunther," tabig niya sa kamay nitong nakahawak pa sa braso niya bago siya dumeretso sa hotel room niya katabi lang ng silid ni Lukas.
Risha tugged off her dress, letting it fall on her feet. Naging maagap naman si Lukas at inabutan ang babae ng coat niya. Risha took it as he bent down to pick up her gown and hang it on one of the dining table's chairs. Nilingon ulit niya ang dalaga na nakaupo na sa gilid ng kama pero nakatanaw sa bintana.
Walang ingay na humakbang siya palapit dito at hinawakan sa mga balikat bago ito tinabihan. Niyakap niya ang mga braso rito.
"Sorry," he whispered in her ear. "I thought you will be glad."
"Why is she even here?" buntong-hininga ni Risha. "Bakit pa siya nanggugulo sa buhay ko? Gusto niyang kunin si Papa sa akin? Then go. Pero bakit pati ikaw kukunin din niya?"
"What?" layo niya rito para titigan sa mukha. "Anong kukunin niya ako?"
"Simula nung nawala siya, nawala na rin sa akin sila Papa. Wala silang ginawa noon ni Mama kundi ang hanapin siya, alalahanin siya palagi kung nasaan na kaya siya... kung buhay pa ba siya... kung kumain na siya..."
"Risha," seryosong titig niya rito. "That's natural. Magulang sila at anak nila si Misha. Natural na mag-alala sila, natural na mabaliw sila sa kakahanap sa kanya."
"Eh paano naman ako?" lingon ni Risha na may namamasa nang mga mata. "Anak nila ako, Lukas. Buti pa nga si Mama, nung kalaunan, na-realize niya na dapat na siyang mag-move on sa pagkawala ni Misha pero si Papa?"
He pulled her close, putting her head over one of his shoulders.
"You are old enough to understand why your parents became like that, Risha," hinigpitan pa niya ang pagkakayakap dito. "They love you, but they also love your sister. Your sister needs them during those times more than you need them. Isipin mo, ikaw ligtas ka na kasama nila palagi. Pero ang kapatid mo, wala silang ideya kung nakakakain pa ba siya, kung nasa ligtas ba siyang lugar o baka may umaabuso na sa kanya."
"That makes sense," mahina nitong sagot.
"Yeah, so how come you are still tormented with that?"
"Because my dad never showed me that kind of love."
"Risha... your dad still loves you..." halik niya sa tuktok ng ulo nito. "Alam mo ba kung ano ang mga sinabi niya sa akin noon sa family reunion ninyo?"
"What?" yakap sa kanya sa wakas ng babae sa mga bewang niya.
"Ang sabi niya, mangako ako na lagi akong naririto para sa iyo kapag kinailangan mo ako. Kasi sa totoo lang, nagsisisi siya sa mga naging pagkukulang niya sa iyo, sa mga panahon na hindi ka niya nabibigyan ng sapat na atensyon... hiniling niya sa akin na sana maibigay ko sa iyo ang mga bagay na hindi niya naibigay sa iyo, Risha. You see? He really loves you, it's just that... he's also a father."
Nanatiling tahimik lang si Risha kaya napabuntong-hininga na lang siya.
"Fine," hiwalay ni Risha sa kanya para titigan siya sa mga mata. "I'll give me and Misha a chance."
"You should, Bio-Hazard," mahinang tuktok niya sa ulo ng dalaga kaya napanguso ito. "Kapatid mo iyon, okay?"
"Oo na!" pagtataray nito sa kanya. "Huwag ka lang niya mahawak-hawakan ulit sa kamay!"
Ano? Hinawakan siya ni Misha sa kamay? Kailan nangyari iyon?
Nagsimula na sa pagsampa sa kama si Misha at gumapang sa kabilang dulo nito para humiga. Naghila na rin ito ng kumot, hudyat na balak na talaga nitong matulog.
"Hoy, Risha!" tabi niya sa babae sabay hila na rin ng kumot. "Kailan niya hinawakan ang kamay ko? Wala akong naaalala!"
Tinalikuran na siya ni Risha at nagtalukbong na ito ng kumot. "Tse! Don't me!"
"Anong don't me?" yakap niya sa bewang ni Risha para mahapit ito ng mas malapit sa kanyang dibdib. "Wala naman talagang nangyaring gan'un."
Hindi na siya sinagot ni Risha. Pumikit na lang si Lukas at niyakap ito ng mas mahigpit.
Someone's playing with my hair.
Nanatili siyang nakapikit para pakiramdaman ang paligid. Sigurado na talaga si Risha sa suspetsa niya nang may mga daliring humagot sa ulo niya at nag-angat sa dulo ng kanyang buhok.
Someone is reallu playing with my hair.
She lifted up her fingers gently and dropped them one by one on something... hard. She tapped her fingers again.
Hard cloth.
Risha pressed her palm against where her hand was. Pinadulas niya iyon pababa at hindi niya napigilan ang pangingibabaw ng kung anong kuryosidad sa isip niya dahil tila may kakaibang hugis ang dinadausdusan ng kanyang palad.
And it went lower, finding a softer spot on whatever her hand was touching.
Then, something hard again. She gave it a squeeze.
Hard. Soft... This one is hard and soft...
Dinilat na niya ang mga mata at awtomatikong dumako ang kanyang mga mata sa kung ano ang hawak-hawak ng kanyang kamay.
"What is your hand doing on my dick?"
Mabilis niyang tiningala si Lukas.
"Ay!" alis niya kaagad sa makasalanan niyang kamay at bumangon na si Risha. "Oh my God! I don't know!"
"Oh really? Ano ba iyang kamay mo, dick-magnet at hindi mo namamalayang may nadidikitan na?"
"Oh, Lukas!" she gritted, shame was making her face bright red. "How dare you call my hand a dick-magnet!"
He chuckled lowly as he slowly sat up. "I've been watching you while you sleep, Dick-Magnet."
"That's creepy!" sagot niya rito na parang naiirita para lang takpan ang pagkahiya niya. She gave her hand a stare. What are you doing so early in the morning, you naughty thing!
"But seriously, beautiful girl, you look better when you sleep," hila nito sa kanya para mapakandong sa lalaki. "Hindi ka mabunganga."
"Hoy," lingon niya rito para magkalapit ang kanilang mga mukha. "Hindi ako mabunganga!"
He just smiled and gave her lips a gentle press against his lips.
"Okay. Hindi ka nga siguro mabunganga, maingay ka lang magsalita."
"I am not!" depensa niya agad.
"I can't stop touching this hair," hagod ni Lukas sa buhok niyang magulo pa mula sa pagkakatulog niya. Hindi tuloy napigilan ni Risha ang mapangiti.
"Do you want to know what shampoo I am using?" biro niya rito.
"Nah," hila pa nito sa kanya palapit dito. Her back pressed on his hard chest. "I just want to know what magic you are using to attract guys like me and Sloven."
"Shut up," palo niya rito. "I am not trying to attract Sloven."
"So tell me, hindi talaga attracted sa iyo si Sloven? Inaasar lang talaga niya ako?" halik nito sa leeg niya na medyo naghatid sa kanya ng kiliti. "Wala talaga siyang ginagawa na intimate sa iyo?"
"Wala--" naputol ang pagtawa niya nang maalala niya ang pagnakaw ni Sloven ng halik sa mga labi niya at ang paghawak nito sa kamay niya noong nasa mental hospital nila na agad rin namang binawi ni Risha.
"Are you okay?" putol ni Lukas sa maikli niyang flashback.
"Wala," alanganing tawa niya. Ayaw niya naman bigyan ng dahilan si Lukas para mag-isip ng kung anu-ano na namagitan sa kanila ni Sloven. At bakit naman niya kailangang ipaalam iyon sa lalaki? Para naman kay Risha, wala lang ang mga iyon dahil wala naman siyang nararamdaman para kay Sloven. She was not in love with him.
Pero nakakaawa si Sloven, may kung anong lungkot na rumehistro sa mga mata niya nang maalala niya ang nagiging reaksyon nito kapag si Anya na ang pinag-uusapan. Kung gaano ito ka-malumanay makipag-usap sa kanyang kapatid. He's doing something against his own will because he's clouded by pain and desire to avenge for Anya. In this situation, he's suffering too.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro