Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fifty-Three

Nakailang mura si Sloven habang hinuhubad ang puting coat. Inihinto ni Bruno ang sasakyan sa garahe at nilingon siya.

"Ayos ka lang ba?" wala man bahid ng emosyon sa mukha ng kalbong lalaki, kita naman sa mga mata nito ang pag-aalala.

"Yes," he hissed the letter s in his reply as he tore his white polo to expose the deep bleeding cut he got from the bullet. Buti na lang at dumaplis lang iyon, pero may kalaliman pa rin at masakit ang dulot nito.

"Doon na tayo sa loob."

Pagkagamot ni Sloven sa sarili niyang sugat, nagpaiwan na siya kay Bruno. Dala ang isang bote ng alak, umupo siya sa carpet nang nakasandal sa paanan ng sofa at doon tinungga ng tinungga ang alak.

None of the action-packed events of the night danced in his mind. Instead, all he saw was a woman in her white gown, dancing, smiling, laughing...

She was dancing with that German guy. And Sloven didn't know, he knew he was not licensed to, but he felt so hot-tempered. Hindi na talaga siya nakapagtimpi at hindi na niya tinantanan ang paghabol sa mga ito. Kaya lang, dahil sa ginawa nilang gulo, naalarma na ang buong security sa Kremlin. Hinabol na siya ng mga ito. Buti na lang at mabilis si Bruno na nakarating para sunduin siya.

"She's probably having another wild sex with that German," he muttered, feeling Bruno's presence in that room.

Tumayo lang si Bruno malapit sa kanya at pinagmasdan siya. "I told you, she's just being nice because she wants to stay alive."

Sloven nodded. "No. She's just really nice."

"Kailangan na nating umalis dito, Sir. Paniguradong sinabi na ni Risha sa German kung saan tayo nagtatago."

Umiling-iling si Sloven. "Walang aalis sa atin dito. Hihintayin ko ang pagbabalik ni Risha."

Tumungga pa siya ng alak. Alam niya na babalikan siya ni Risha. Nagkaroon na ito noon ng pagkakataon na takasan siya, nung kinuha ito ni Lukas sa Red Square, pero mas pinili nito na balikan siya. May pakiramdam si Sloven na babalik ulit ang dalaga sa kanya.

She needed something from him, Sloven could feel it.

"Sir," tumigas na ang tinig ng alalay niya. "Mag-focus tayo sa tunay nating mga motibo. Kailangan natin ang RSF. Kailangan natin i-dessiminate ang mga lihim ng Russia para masira ang Russian Army. May kliyente na tayo mula sa US government na gustong bilhin ang kopya ng RSF. Maging sa Iraq."

Sloven got tired of drinking. He poured the beer on the carpet. "You know what, Bruno? Tama si Risha. I should stop this craziness."

"Ano?" gulat na bulalas nito.

Tiningala ito ni Sloven, napangisi siya dahil parang binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang alalay.

"Tama si Risha. Si Ivanov ang may kasalanan sa amin ni Anya, hindi ang buong Russia. Kaya bakit ko kailangang idamay ang mga inosenteng tao?"

Napailing ito. "Sir--"

"Shut up, Bruno," duro niya sa alalay gamit ang bote ng alak bilang panturo. "Hindi na natin kukunin ang RSF. We will target Ivanov and also get Risha from that German."

"Sir! Delikado ang babaeng iyon! Ikakapahamak lang natin ang makasama siya! Alam naman natin kung kanino siya nakapanig!"

"I don't care!" singhal niya kay Bruno nang nakatayo na siya. "I like that girl! That girl puts sense into my brain and I want that girl by my side! Kaya gagawin mo ang gusto ko, Bruno, tutulungan mo ako na kunin siya mula sa German na iyon, naiintindihan mo?"

Naiintindihan ni Risha kung bakit nakaupo siya ngayon sa isa sa mga silid ng Kremlin palace, sa isang malaking lamesa kaharap ang mga nakakataas sa Russian Army, ang pangulo ng Russia at ang heneral ng German Army. Katabi niya si Lukas na nakasuot na ng gray na uniporme nito.

Pinagkasunduan na Ingles ang gagamiting lengguwahe sa buong pagpupulong para magkaintindihan ang lahat. Pinagkukuwento ngayon siya ng mga ito tungkol sa mga natuklasan niya tungkol kay Sloven.

Nakagat na lang ni Risha ang pang-ibabang labi.

Sino sa kanila si Ivanov? Paano ko sasabihin sa kanila na siya ang dahilan ng mga pinaggagagawa ni Sloven? Baka ikapahamak lang din ito ni Anya... baka mas maging magulo lang ang lahat. Kahit na dapat makulong si Sloven, ayoko naman na maalerto si Ivanov at pagbalingan niya si Anya at Sloven ng galit...

"Miss Risha, we don't have all day," the Russian President spoke sternly with his eyes intently staring at her.

Hindi lang ito ang nakatitig sa kanya. Lahat ng nasa silid na iyon ay naghihintay sa kung ano ang sasabihin niya. Maging ang sekretarya ng pangulo ay medyo nakababa na ang suot na eyeglasses at nakatuon ang mga mata nito sa kanya.

Nilingon niya si Lukas. Ito lang ang may mas maamong mga mata sa silid na iyon, nakatingin sa kaniya na tila gustong palakasin ang loob niya. Tinitigan ni Risha ang kanyang mga kamay na nakapatong sa mga hita niya.

How she wished Lukas would hold her hands. Baka mas lumakas pa ang loob niya kung gagawin iyon ng lalaki.

Pero nangibabaw yata rito ang pagiging propesyonal sa harap ng mga kasama nila sa silid. He remained sitting straight and firm.

Parang naririnig na niya ang pagpintig ng sariling puso. Palipat-lipat na sa bawat mukha sa silid na iyon ang mga mata niya.

"I..." sa wakas ay may nailabas na siyang kataga, "I... I found out that... that Sloven will use the RSF to destroy Russia."

"Why?" the Russian president leaned forward, looking interested but at the same time, deadly serious. "Sloven Markov is one of our best secret agents. He works for the Russian Army too. Why would a loyal young man like him want to destroy the country he used to protect with his own life?"

Napayuko si Risha. Paano ko sasabihin ang tungkol kay Anya?

"Come on, Risha," narinig niyang bulong ni Lukas. "You said you can help us with this and I believe you can."

"No whispering Major Mikhail!" the military man on the left side of the Russian president growled.

Napako ang mga mata ni Risha sa sundalo na iyon. Tantya niya ay nasa singkwenta na ang edad nito.

"It will be much better if Sloven personally tells you about his motive."

"Why, Miss Risha?" usig ng pangulo.

"Because..." lumunok siya, pilit na iniignora ang kung anong kilabot ang hatid ng pagtitig sa kanya ng sundalong sumuway kay Lukas kanina lang. Her eyes focused on the president. "Because, he's the only one who knows the whole story. All I know is that... he's doing it for his sister."

"For his sister?" Lukas hissed.

Nagmamadali na sa paglakad si Risha pabalik sa sasakyan nila. Hindi naman siya tinantanan ni Lukas na tila nadismaya sa konti ng impormasyon na nilahad niya sa meeting.

"Mag-usap nga tayo, Risha," hablot nito sa braso niya kaya napihit siya nito paharap. Tiningala niya ang lalaki. "Bakit hirap na hirap ka magsalita? Anong ginawa sa iyo ni Sloven? Sinaktan ka ba niya? Natatatakot ka ba?" Napabuntong-hininga muna ito bago siya binalikan ng tingin. "Alam ko, malaki ang tiwala mo sa sarili mo. You already said it before that you are reckless. You already convinced me that you are not scared. Pero sabihin mo sa akin kung may kinatatakutan ka ngayon, Risha. Kasi okay lang iyon, eh. Kahit ako nakakaramdam din ng takot, natatakot ako sa maraming bagay kahit hindi halata. Are you scared Sloven will come and take you again?"

"I am not," malumanay niyang sagot..

"Then why is it hard for you to speak?" tumaas na ang tono ng pananalita nito. "Sabi mo alam mo na ang lahat. May sapat ka nang impormasyon, physical evidence na lang ang kulang! Bakit parang wala naman kaming napala?"

"You don't understand how I feel, Lukas," kawala niya mula sa pagkakahawak nito sa braso niya. "For once, Lukas, just for once, isipin mo naman sana ang nararamdaman ko bago iyang misyon mo!"

"I care about you! Kaya nga tatapusin na natin ito, 'di ba? You have to help me, help us, Risha. Magtulungan tayo, okay?"

Nasapo na lang ni Risha ang noo at napailing-iling. "Delikado. Hindi na tayo dapat nakipagtulungan sa Russian Army eh."

Natigilan si Lukas. Tila may kung ano itong naalala kaya natahimik ito.

He gently held her shoulders. "Risha," malumanay na ito. "Sabihin mo nga, kasama ba sa meeting natin kanina ang kasabwat ni Sloven sa Russian Army?"

Napapikit si Risha ng mariin. "Oo... I think I just saw him sitting there with us."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro