a t a r a x i a
Bumungad sa'kin ang putok ng confetti. "Happy birthday, Jade!" Kasabay niyon ang pagbukas ng mga ilaw at ang pagtanggal sa telang nakaharang sa mga mata ko.
Ilang minuto na ang lumipas at wala pa rin siya. Mukhang hindi talaga siya pupunta. Tumigil ako sa pagta-type sa cellphone nang mapansin kong papalapit sa'kin si Mommy.
I immediately smiled at her. "Thank you for this, mom."
"Walang anuman, anak," marahang hinawakan ni Mommy 'yong balikat ko, "You're finally eighteen, Jade."
Pumunta kami sa may 'di kalayuang mesa. "H'wag kang magdrama, mom. Being eighteen doesn't mean that I," I averted my gaze, "will leave you."
She gently smiled at me. "I know that, anak." Biglang nagbago 'yong timpla ng mukha niya. "Si Earl nga pala, nasa'n na?" nilibot niya ng tingin ang paligid, "Paniguradong walang maisuot 'yon, ano?"
I glared at her. "Mom, please. It's my birthday."
She gently touched my curly hair. "Exactly. Birthday mo pero nasa'n ang Earl na 'yon?"
"Nagsabi naman siya, e. He told me he can't come because of . . . errands."
"Errands? What kind of errand is more important than his girlfriend's birthday?" She scoffed. "Hindi talaga kita maintindihan pagdating sa lalaking 'yan."
Ngumiti ako nang peke. "Some things are just unexplainable, mom. Besides, I've told you countless times that I don't care about his family's income. Hindi mo naman ako pinalaki nang gano'n mag-isip."
"Hindi rin kita tinuruang sumagot nang gan'yan pero," muli niyang hinawakan 'yong balikat ko, "I'll let this pass. Happy birthday again. Pupuntahan ko lang 'yong iba pa nating mga bisita."
Tumango na lang ako. Saktong pag-alis niya, tumunog ang cellphone ko. Si Earl.
Tumayo ako at saka lumabas ng venue. "Where are you? Kanina pa ako nagti-text sa'yo."
Umubo siya. "Nandito na ako. Hindi ka pa ba nag-iimpake, J?"
"Parang hindi ko kaya, Earl. Everyone just seems so," I glanced at everyone—including my mom—inside. ". . . happy. Ayokong masira 'yong gabi nila. Baka hindi kasi kayanin ni Mom. Can't we just postpone this?"
"Postpone? Nababaliw ka na ba? Matagal na natin 'tong binabalak, J! Ngayon ka pa ba aatras?"
Sabi ko na nga ba, 'yon ang sasabihin niya. Unti-unti kong naramdaman 'yong pag-init ng mga mata ko, kasabay ng panlalamig ng mga palad ko.
"I'm just concerned. Baka puwede ko kasing kausapin si Mom. That would be better than doing . . . this."
"E sa magiging anak natin, hindi ka ba concerned?"
"Shit, Earl. Ano ba? Of course, I am concerned! Kaya nga ako pumayag sa planong 'to, 'di ba?"
Bumuntong-hininga siya sa kabilang linya. "Mahal mo pa ba ako? Baka nagkakagan'yan ka kasi 'yong bata na lang ang iniisip mo."
"Earl . . . of course, I love you. Ang akin lang kasi, puwede ko namang kausapin nang maayos si Mommy. I swear to God she just might change her mind about us when she learns that—"
"Na ano, may anak na tayo? Nakikita mo naman kung pa'no niya ako tingnan, 'di ba?"
"Earl . . ."
"Jade, hihintayin kita rito hanggang ala-una. Alam ko namang hanggang mamaya pa 'yang party niyo. Ngayon, kung ayaw mong pumunta, ayos lang. Maiintindihan kong hindi mo kayang iwanan ang buhay mo d'yan, kapalit ko."
"Earl, h'wag namang ganito! You're being unfair!"
"Hindi ako unfair. Kung kaya kong iwanan ang pamilya ko para sa'yo, kaya mo rin. Nasa sa'yo na lang 'yan kung gagawin mo. Sa'yo nakasalalay kung ito na 'yong huli nating pag-uusap," bumuntong-hininga siya, "Bye, Jade."
He hung up.
Just . . . shit. Now what am I supposed to do?
I glanced at everyone for the second time. Everyone looked so stunningly elegant just for one night—for my birthday party. Am I supposed to feel loved because they all prepared for this? Or mad because just like any other occasion, they are using this as an opportunity to flaunt their riches?
The longer I stared at those people, the faster I realized that I don't know them at all. I blinked away the tears.
Hindi ko naman kasi mga kaibigan 'yong mga pumunta. Business partners sila ni Mommy.
Suddenly, I can't feel anything . . . at all. Despite the empty feeling, I entered the venue once again. Everyone looked at me with adoration. They smiled as if they knew me their whole life.
I faked a smile.
Tama si Earl.
I have always been a Barbie doll. This has been my plastic dollhouse and I think it's finally time to get out.
THE party ended one hour ago. It's only twenty minutes before one in the morning. I had made up my mind hours ago but I still can't do it.
Parang may kung anong pumipigil sa'kin. Alam ko namang tulog na si Mommy kasi paniguradong napagod 'yon sa pakikipag-usap sa mga business partners niya. 'Yong mga kasambahay din naman, tulog na.
Pinikit ko ang mga mata ko at saka bumangon para mag-impake. Agad kong kinuha 'yong maleta sa loob ng cabinet. Mabilisan kong tinupi 'yong mga damit ko bago ilagay sa maleta.
Natigilan ako nang biglang lumiwanag ang buong kuwarto. "Jade . . ."
"M-mommy . . . I can exp—"
She clutched her chest. "I do not need your explanation! Alam ko kung anong nakikita ko!" Napaupo siya sa gilid ng kama.
I rushed towards her. "Mom, are you okay?"
Mabilis niyang hinampas 'yong kamay kong nakapatong sa balikat niya. "Layuan mo ako! You are a disgrace to this family!"
"M-mom, I'm sorry. It's just that Earl and I made a terrible mistake."
"Stop making your world revolve around that boy! Walang kuwenta 'yong lalaking 'yon!"
"No, he's not worthless! He loves me and that's something you never did so please . . . just let me go with him," I pleaded. "I am not a trophy, mom."
Her eyes widened in shock and in . . . pain. I just stood up—frozen in place—as I watched her fall. "Yaya Lin!"
"I'M sorry! I didn't mean to! Mom, please don't die on me." I held her hand tightly.
A man dressed in white stopped me. "Ma'am, you are not allowed to go inside. We'll just inform you if something happens."
"Please do everything you can," I dropped down on my knees, "Please, I made a mistake!"
"Miss, I assure you, gagawin po namin ang lahat." Lumuhod siya at tinulungan akong tumayo. Matapos 'yon ay pumasok na siya sa loob ng ICU.
Blangko. Wala na naman akong maramdaman. Kasalanan ko 'to, e.
"Ma'am, ano po bang nangyari?"
Tiningnan ko lang si Yaya Lin at saka umiyak nang umiyak. Kasalanan ko 'to. Ang selfish ko. Kung inisip ko si Mommy, hindi mangyayari 'to. Mamamatay siya dahil sa'kin.
Matapos ang isang oras, lumabas na 'yong doktor na nakausap ko kanina. Bakas sa mukha niya ang lungkot. Hindi na niya kailangang magsalita kasi alam ko na.
"I'm so sorry but your mother didn't make it."
Ako 'yong naturingang anak niya pero ako ang pumatay sa kanya. Kasalanan ko 'to. Alam kong bawal siyang magalit dahil sa kondisyon niya pero anong ginawa ko? Sinunod ko pa rin ang gusto ko. Sinunod ko ang gusto naming mangyari ni Earl.
Si Earl nga pala. Kailangan ko siyang makausap.
PUMUNTA ako sa napagkasunduan namin. Wala sa sarili akong naglakad papunta sa kinatatayuan niya. Nakasuot siya ng simpleng asul na t-shirt at maong na pantalon. Ang guwapo pa rin niya sa paningin ko.
Pero ito na ang huling beses na makikita ko siya.
Napalitan ng ngiti 'yong pagkunot ng noo niya. "Akala ko, hindi ka na pupunta," hinagkan niya ang noo ko, "Nasa'n na 'yong mga gamit mo?"
Hindi ko siya nakayanang yakapin pabalik. "Earl, wala na si Mommy."
Binitawan niya ako. "A-ano? Bakit? Anong nangyari?"
"Inatake siya."
"Ayos ka lang ba, J?" Hinawakan niya 'yong magkabilang balikat ko. "Sabihin mo lang kung anong kailangan mo."
"I'm breaking up with you, Earl." Napayuko ako.
Pilit niya akong tinitingnan sa mata. "B-bakit?"
"K-kasalanan ko kasi," sumandal ako sa dibdib niya, "kasalanan ko 'to."
"Kasalanan mo ang alin, na inatake siya? Hindi mo naman kasalanan. Halika na," hinawakan niya 'yong mga kamay ko, "Magsisimula tayo ng—"
I cut him off. "No, I'm not going with you."
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Because of you, my mother died. Kung hindi ako nagpadala sa mga sinabi mo, buhay pa sana siya ngayon. Hindi ko kayang takasan 'to." Nagpumiglas ako nang muli niyang hawakan 'yong mga kamay ko.
"Pero J . . . ito 'yong matagal na nating gusto, 'di ba?"
Pilit kong pinigilan 'yong panginginig ng mga kamay ko. "Hindi, Earl. Ikaw na lang ang may gusto nito. I love you but I'm sorry. I'm breaking up with you."
"Pareho naman nating hindi inasahang mangyayari 'to kaya bakit mo 'ko iiwan?"
"Tama si Mommy—pinaikot ko sa'yo ang mundo ko. I'm living in a fake world that I made you my escape," I sighed, "I shouldn't have done that. Sinakal mo kasi ako at hinayaan lang kita. Pasensya na kung nasasaktan kita sa pinagsasabi ko kasi ngayon ko lang napansin. I'm sorry."
"Jade . . ."
"I'm sorry."
I walked away from him. Despite the pain, I felt free . . . at last.
—
ataraxia: /a-tuh-RAK-see-a/; peace of mind; a pleasure that comes when the mind is at rest; tranquility, serenity
—
Author's Note:
Dedicated to GLIMPSE_Society. This is my entry for your Level 5 Task. Anyway, I was inspired by Reese Lansangan's St. Petersburg and For the Fickle. 'Yon po 'yong nasa media section. Sobrang preeettty ng mga kanta niya pero I'm sure maraming makaka-relate. Thanks for reading. :)
-f
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro