Atarah: Bagwis ng Haraya
Disclaimer:
This story is written in both Filipino and English.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Plagiarism is a crime!
Read at your own risk!
≪•◦ ❈ ◦•≫
Sa lupang sinilangan, mga diyos at diyosa'y masisilayan. Ang kanilang mga gawa'y inyong mamamasdan, masasaksihan ang hiwaga ng kanilang kapangyarihan. Mula sa kaitaasan ng Kaluwalhatian, patungo sa kailaliman ng Karimlan, matutunghayan ang kwento ng mga makapangyarihang nilalang. Sama-sama nating tuklasin ang hiwaga ng mga anitong hinirang.
ATARAH: BAGWIS NG HARAYA
≪•◦ ❈ ◦•≫
Sinopsis
SI ATARAH ay isang taong sanay mamuhay maralita. Isa siyang dalaga na sa simula pa lamang nang magkamalay sa mundong ginagalawan—na kung saan kung hindi siya kikilos ay hindi magkakaroon ng laman ang kaniyang kalamnan—ay natuto nang makibaka at gumawa ng sariling pagdaloy ng kaniyang tadhana.
Maaga siyang namulat sa reyalidad at hirap ng buhay na naging dahilan kaya naman nang may kaunting liwanag na sumilip sa madilim niyang kinasasadlakan, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa na bitiwan ang kung ano ang kaniyang nasa likuran upang sunggaban iyon na sanang magsisilbi niyang kinabukasan.
Subalit, hindi lahat nasusunod sa kagustuhan ng tao. Ang liwanag pala na iyon ay panandalian lamang na tila paghahabol sa hangin—walang kabuluhan. Matapos noon, isang mahabang pagkalito na lamang ang tumalima sa kaniya. Ano na nga ba ang nangyayari?
≪•◦ ❈ ◦•≫
HINIRANG NA MGA ANITO
#1 | Diyang Harana
@Mahriyumm
#2 | Aguhon ni Tadhana
@lostmortals
#3 | Anitun Tabu
@SinisterSnow
#4 | Silot ng Panahon
@RonRaViolet
#5 | Tikatik ng Alabok
@Geksxx
#6 | Atarah: Bagwis ng Haraya
@xiwven
#7 | Ulayaw ng Ikatlong Buwan
@itspastelcream
#8 | Mayari
@Missmaple
#9 | Silakbo ng Marahuyo
@hikariwanders
#10 | Bahala Na
@_gabriyel
#11 | Dakilang Dayang
@sensitivelysweet
#12 | Orasa: Pagbalik ng Panahon
@Penguin20
#13 | Tawaghit ng Karimlan
@goluckycharm
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro