Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XIII

Tila nanghihina akong bumalik sa hacienda, ang aking isipan ay umiikot lamang kay Jerome. Nag-aalala ako, lalo na't nalaman pa ni Alejandro na isang espiya ang aking minamahal. Ano ang maaaring ginawa ni Alejandro sa kanya? Ang tanong na ito ay parang kutsilyong paulit-ulit na tumatama sa aking dibdib.

"Ashley Camillia!"

Nanginig ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang malakas na boses ni Ama. Alam kong huli na ang lahat—nalaman na niya. Nais kong magtago, ngunit alam kong hindi ako makakatakas. Nanghihina man ang aking mga binti, pinilit kong bumangon at lumapit sa pintuan ng aking silid.

"Ama..." Mahina kong pagtawag, tila naipon na lahat ng takot at kaba sa aking dibdib. Ngunit nang makita ko siyang papalapit, ibang-iba ang anyo niya ngayon. Ang dati kong tagapagtanggol, ang ama kong laging mahinahon at mapagmahal, ngayon ay nag-aapoy sa galit. Hindi ko makilala ang taong nasa harapan ko.

"Punyeta ka!"

Tila nabingi ako sa lakas ng sampal na dumapo sa aking pisngi. Napasalampak ako sa malamig na sahig, habang ang mukha ko’y parang namanhid sa sakit. Ramdam ko ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi, ngunit higit pa roon ang hapdi ng mga salitang binitiwan niya.

"Ama, mahal ko siya. Alam ko kung sino siya, pero hindi niya ako sinaktan kahit kailan!" sagot ko habang pinipigilan ang luha. Ngunit tila lalong nagdilim ang mukha ni Ama sa aking sinabi.

"Mahal? Iyan ba ang rason mo?! Pinili mong ibigay ang puso mo sa isang taong walang ibang layunin kundi pabagsakin tayo?!" Itinulak niya ako pababa sa upuan, habang siya’y tumayo sa harapan ko, nanginginig sa galit. "Wala kang ideya kung anong kahihiyan ang dinulot mo sa pangalan natin, lalo na kay Alejandro."

Nang marinig ko ang pangalan ni Alejandro, tila nabalot ako ng takot. Napansin ko ang bahagyang pagtaas ng kanyang kilay, na para bang isang mabigat na usapin ang dala ng pangalan niyang iyon.

"Si Alejandro... alam mo bang sinisira mo ang kasunduan natin? Siya ang dapat mong pakasalan, ngunit ano ang ginawa mo? Pinili mong sumama sa isang traydor!"

"Ama, hindi ko kaya! Hindi ko kayang pakasalan si Alejandro! Hindi ko siya mahal—"

Biglang sumiklab ang galit ni Ama, at muli niyang sinigawan ako. "Hindi mo siya mahal? At ano ang pagmamahal na iyon, hija? Pagmamahal na naglalagay sa atin sa kahihiyan? Pagmamahal na nagdala ng traydor sa ating pamilya?"

Bago pa ako makasagot, biglang bumukas ang pinto, at pumasok si Alejandro. Ang kanyang malamig at matalim na tingin ay tila isang espada na tumatama sa akin.

"Don Enrique, huwag mo nang pagalitan ang iyong anak," aniya habang dahan-dahang naglalakad papalapit. "Ako na ang bahala sa kanya."

Hindi ko maiwasang mapaatras habang ang kanyang mga mata’y nakatutok sa akin. Ang ngiti niya’y nakakatakot, puno ng panunuya at galit.

"Camilia, hindi mo ba alam kung gaano kahalaga ang pangalan ng pamilya mo? Ang iyong mga aksyon ay parang dumi sa ating kasunduan."

"Alejandro, tigilan mo na!" sigaw ko, ngunit mabilis siyang lumapit at hinawakan ang aking baba nang mahigpit.

"Hindi mo naiintindihan, Camilia," sabi niya habang unti-unti akong inilapit sa kanya. "Hindi lang pangalan ang sinira mo. Sinira mo rin ang tiwala ko. Pero huwag kang mag-alala, babawiin ko ang lahat ng nawala."

Lumingon siya kay Ama, ang kanyang ngiti ay nagmistulang pahiwatig ng mas masamang balak. "Don Enrique, hayaan niyo akong itama ang pagkakamali ng inyong anak."

"Gawin mo ang nararapat, Alejandro," sagot ni Ama na puno ng pagkasuklam.

Tila binagsakan ako ng langit at lupa. Walang nagtatanggol sa akin. Muli akong sinulyapan ni Alejandro, at isang nakakatakot na ngiti ang bumalot sa kanyang mukha.

"Camilia, gusto mong malaman kung ano ang nangyari sa espiya mong mahal?" bulong niya habang inilapit ang kanyang mukha sa akin. "Nahuli ko na siya. At ngayon, bihag ko na si Jerome."

Hindi ko napigilan ang aking mga luha. "Hindi... Alejandro, pakiusap, huwag mo siyang saktan!"

"Huli na para sa mga pakiusap," sagot niya, sabay bitaw ng nakakatakot na tawa. "Ang pagmamahal mo sa kanya ang nagdala sa kanya sa kapahamakan."

Sa puntong iyon, alam kong hindi na ako makakatakas. Ang pagmamahal ko kay Jerome ay nagdala ng delubyo hindi lamang sa akin kundi pati sa kanya.

Ilang gabi ang nakalipas, ang aking silid ay naging pugad ng hinagpis. Bawat sulok nito’y saksi sa aking mga luha at pagdarasal—na sana’y makalaya ako mula sa rehas na ito, at na sana’y muli kong makita si Jerome.

Walang araw na hindi ko isinumpa ang aking ama. Paano niya nagawang ipagkasundo ako sa isang halimaw? Habang ako’y nagdurusa, siya’y patuloy na tinatamasa ang kanyang mataas na posisyon. At ang galit ko kay Alejandro—hindi ko na mabilang kung ilang pasa ang iniwan niya sa aking katawan. Paulit-ulit niya akong pinapahirapan, tinatakot, at parang hayop na tinatrato. Ang bawat haplos niya’y parang apoy na sumusunog sa aking pagkatao.


"Señorita..."


Napatingin ako sa pintuan nang marinig ang mahinang pagtawag ni Sonya. Nanghihina akong ngumiti at marahang tumango, hudyat na maaari siyang pumasok sa aking silid. Agad siyang lumapit, at sa paghawak niya sa aking kamay, hindi niya napigilang umiyak.

"Hindi ko kayang makitang nag kakaganto ang aking alaga. Simula bata ka'y anak na ang turing ko saiyo señorita." Mahina niyang bulong dahilan upang mapa hikbi ako, naalala ko ang mga panahon na si Sonya ang nag aalaga sa akin tuwing wala ang ama at ina. Kung paano niya ako ituring na anak ay tila nakakagaan sa pakiramdam.

"Alam kong kayo'y magkasintahan ni Jerome, masaya ako nang malaman ko ang bagay na iyon noong nakaraang taon. Doon ko nakita na ang aking señorita ay tila nagkaroon ng buhay, muling ngumiti." Mapait akong napangiti, tila muling naalala si Jerome kung paano kami unang nagkakilala. Pinili ko na lamang titigan at pakinggan si Sonya habang siya'y umiiyak sa aking harapan.

"Hindi ko alam kung paano, tinulungan ko si Jerome nang gabing iyon upang makatakas kayo. Ngunit, nahuli siya ng nga bantay ng Gobernardor-heneral." Tila nanghihina ako nang marinig ang bagay na iyon, mas lalong nabahala ang aking puso.

"Alam niyo po ba kung nasaan si Jerome?" Nanginginig kong tanong, tila umaasa na sana'y alam ni Sonya. "Nakataas siya noong Isang gabi señorita." Tila nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang balita na iyon. Aking hiling na sana'y ako nalang ay kaniyang talikuran. Gusto kong siya'y maging masaya. Sobra-sobra na ang kaniyang pinaglalaban, ang kalayaan ng mga pilipino, at ang kalayaan ng kaniyang minamahal. Hindi ko na kaya pang makitang siya'y nahihirapan.

"Salamat nay Sonya sa lahat." Mahina kong bulong at lumapit sa kaniya upang siya'y yakapin ng mahigpit. Si nay Sonya ang totoong tao na ako'y mahal, at nagmamalasakit sa akin.

Biglang naputol ang aming pag-uusap nang makarinig kami ng ingay mula sa labas. Malalakas na yabag, sigawan, at tunog ng baril ang nag-echo sa buong hacienda. Agad akong tumayo at lumapit sa bintana.

Mula roon, nakita ko ang kaguluhan sa labas—mga rebolusyonaryo, sa pangunguna ni Jerome, ang sumugod sa bakuran. Bitbit nila ang kanilang mga sandata—mga gulok, itak, at ilang baril. Sa kabila ng dami ng mga Guardia Civil at tauhan ni Alejandro, walang pag-aalinlangan ang kanilang mga kilos.

"Jerome…" mahina kong sambit, habang ang puso ko’y parang sasabog sa kaba.

"Señorita, manatili ka rito!" sigaw ni nay Sonya, ngunit hindi ko siya nagawang sundin. Sa kabila ng takot, pilit kong binuksan ang bintana upang mas makita ang nangyayari.


Sa gitna ng kaguluhan, nakita ko si Jerome—ang kanyang mukha ay puno ng tapang, habang tinuturo niya ang direksyon sa kanyang mga kasama. Ang bawat galaw niya’y nagpapakita ng determinasyon na iligtas ako.

"Señorita, kailangan nating magtago!" sabi ni nay Sonya habang pilit akong hinila papalayo sa bintana. Ngunit hindi ko na nagawang umalis.

Biglang tumingin si Jerome pataas, at nagtagpo ang aming mga mata. Sa sandaling iyon, tila huminto ang oras. Ngunit bago pa man ako makapagbigay ng senyales, isang putok ng baril ang umalingawngaw, dahilan upang mapayakap ako kay nay Sonya.

"Kailangan nating magmadali, señorita," sabi niya, nanginginig na rin sa takot.

Habang tumitindi ang labanan sa labas, alam kong ang gabing ito ang magpapasya sa aming kapalaran. Ito na ba ang katapusan o ang simula ng aming kalayaan?

Halos hindi ko na naririnig ang mga tunog ng putukan mula sa ibaba. Habang ako at si Sonya ay tumatakbo papunta sa kaniyang silid, hindi ko maiwasang mag-alala. Hinahatak ako ni Sonya nang mabilis, at hindi ko alam kung paano ko matitiis ang takot na nararamdaman ko.

“Hindi tayo pwedeng lumabas, Señorita. Baka madamay tayo sa putukan,” mahina niyang sinabi, at tumango na lamang ako sa takot, hindi makapagsalita. Nasa dulo ng silid ni Sonya, tiyak akong mahihirapan si Alejandro na hanapin kami. Hindi naman niya alam ang bawat sulok ng mansyon, at sana’y ito na ang magbigay sa amin ng pagkakataon.

Habang nakatago kami, ang tanging naririnig ko na lang ay ang sigawan mula sa labas—ang tinig ng kalayaan, ang mga kalaban na nagsisigawan sa gitna ng gulo, ang amoy ng alikabok na bumangon mula sa mga putok, at ang matinding takot na nagmumula sa mga yapak ng mga guardia civil. Halos sumabog ang aking dibdib sa takot, ngunit patuloy akong nanatili sa tabi ni Sonya, umaasa na ligtas kami.

Biglang napatigil kami ni Sonya nang marinig ang pagbukas ng pinto. Napatingin kami, at doon ko nakita si Jerome. Hindi ko na kayang maglakad, at nang makita ko siya, tila nalumpo ang aking katawan. Ang suot niya ay duguan, at ang kaniyang mukha ay puno ng mga pasa at sugat. Tila binugbog siya ng mga kalaban, at ang katawan niya ay puno ng marka ng paghihirap. Ang pagod na lumabas sa mata ni Jerome at ang mahirap niyang lakad ay nagsabi ng lahat.

“Aking binibini,” ang mga salitang iyon ang nagpatigil sa lahat ng aking nararamdaman. Hindi ko na kayang pigilin ang sarili ko at tumakbo palapit sa kaniya. Niyakap ko siya ng buong lakas, habang ang mga luha ko’y bumagsak sa kanyang mga balikat. Hindi ko kayang isipin kung anong sakit ang naranasan niya para makarating sa akin, at hindi ko kayang tanggapin na siya’y nasaktan.

“Anong ginawa nila sa ‘yo? Sinaktan ka nila, tama?” mahinang tanong ko habang hinahaplos ang kaniyang mukha. Tiyak na ang mga pasa at sugat na iyon ay dulot ng mga kamay ni Alejandro. Kung nahuli siya, alam kong tiyak na pahirap ang inabot niya.

“Ayos lang ako, binibini,” ang sagot ni Jerome, ngunit ang tingin niya’y hindi tumitingin sa aking mata. “Ang pinakamahalaga sa akin ngayon ay makasama ka.”

Pinagmasdan ko siya, at sa kabila ng lahat ng sakit na nararamdaman niya, ngumiti siya sa akin. “Hinding-hindi ko iindahin ang lahat ng ito, para sa iyong kalayaan. Para sa ating pagmamahalan.” Hindi ko na kayang pigilin ang sarili ko at naramdaman ko na lamang ang init ng kanyang mga labi sa aking noo.

“Mahal, ang iyong pagsugod…” Mahina kong bulong. Hindi ko na kayang magtanong ng iba, pero ang gusto ko lang malaman ay paano niya nagawang magtulungan at makalapit sa akin, sa kabila ng lahat ng panganib.

“Sila ay aking mga kapatid sa kalayaan,” sagot niya, at naramdaman kong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. “Tinulungan nila akong sumugod dito, lalo na nang malaman nilang narito ang hayop na Gobernador-Heneral at ang iyong ama.”

Nakita ko ang pag iwas ng mata ni Jerome nang banggitin ko ang aking ama. Alam kong hindi madaling pag-usapan ang tungkol sa kanya, kaya’t nagpatuloy ako sa paghaplos sa kanyang mukha. “Gawin niyo ang dapat niyong gawin,” sabi ko, at naramdaman kong muling nabukas ang isang pinto ng katotohanan sa aking puso. Alam ko na ngayon na tinalikuran ko na ang aking ama—ang isang taong walang malasakit sa mga mahihirap, ang isang taong katulad ng mga Kastila na nananakit sa mga indio.

“Aking mahal,” sagot ni Jerome, habang tinitingnan akong masuyo. “Diba’t sinabi ko sa ‘yo, kahit anong gawin mong pag-iwas, hahanap ako ng paraan upang ikaw’y bumalik sa akin?”

Hindi ko na kayang pigilin ang ngiti ko. Tumango ako at naramdaman ko ang pag-aalala ko na parang nawawala. “Ganto kita kamahal, aking binibini,” wika niya. “Gagawin ko ang lahat para sa ‘yo.”

Tumingin siya sa akin ng may tapang sa mata. “Tara na’t tumakas na tayo.”

Sa mga salitang iyon, handa na akong kalimutan ang mundong ito, at magsimula ng panibagong buhay—kasama si Jerome, ang lalaking labis ko nang minamahal.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro