Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

VII


Isang bagay ang aking napagtanto, sa mundong ito may mahirap ang mga indio, may mayayaman—at kabilang ako sa mga iyon. Lumaki akong hindi napagtanto, na baka may nahihirapan din pala, na hindi ko naiisip na hindi pantay ang pagtingin ng mga taga-espanya. Marahil ang aking naranasan ay pagtanggap ng respeto mula sa mga taga-espanya, pero hindi ko naisip na may mga tao rin palang pinapahirapan, at tinatrato bilang mababa. Sa mga mata nila, ang itsura, ang posisyon, at ang pangalan mo ay may ibang kahulugan.

"Mga wala kayong kwentang mga indio!"

Ngayon ay kita ko ang pagiging malupit ng Espanyol sa kapwa ko Pilipino. Tila na nanghihina akong masaksihan, kung paano nila pag buhatan ng mga kamay ang mga musmos na bata, ang mga mata nila puno ng galit, at sa bawat palo, isang pag-iyak na parang musika ng mga sugatang kaluluwa. Samantalang, ang mga matatanda ay tila nagmamakaawa, ang mga mata'y may luha, naguguluhan kung paano nila ipagtatanggol ang kanilang mga anak sa harap ng isang makapangyarihang nilalang. Ang sakit na kanilang nararamdaman ay hindi lang pisikal; ito’y isang sugat sa kanilang dignidad, at sa kanilang pagkatao.

"Binibini, tayo'y umalis na." Ramdam ko ang mahinang paghatak sa akin ni Jerome sa kaniyang tabi. Naluluha ko siyang tiningnan habang siya'y seryosong nakatingin sa akin.

"Kayo dalawang indio anong tinitingin tingin niyo dyan?!" Narinig ko muli sa aking likuran ang matalim na dila ng isa sa sundalong kastila. Mahigpit ang hawak sa akin ni Jerome at hinarap niya ako sa kaniya upang yakapin.

"Mukhang isang rica filipina ang dilag na iyong kasama, base sa kaniyang kasuotan." Rinig ko ang pag ooberba sa akin nang mga kastila. "Wag ka na lamag kumibo binibini, hindi maaring makarating ito sa iyong ama." Mahinahon niyang unsad at naramdaman ko ang tila pagtapik niya sa aking likod na tila ako'y pinapakalma.

"Aba mukhang naka tagpo nang isang mayamang dalagita ang indio na ito!" Rinig na rinig ko ang mahihinang katyawan ng mga kastila kay Jerome habang siya ay patuloy ang pagtakap sa akin upang itago ang aking mukha. Ramdam ko ang gigel sa bawat salitang kanilang inusad, tila gusto ko silang pagbantaan na ipabibitay ko sila sa aking ama dahil sa kanilang pagbabanta sa amin.

"Tumigil ka na Gonzales, pinapatawag na tayo ng Teniente Alvarez." Tila naka hinga ako nang maluwag nang marinig ang ilang kastila na lumapit, narinig ko ang mga yapak paalis ng mga kastila habang inuusad nila na kami'y ma suwerte.

Ka agad na akong lumayo kay Jerome nang maramdaman nang tuluyan ng nakaalis a na mga kastila. Napatingin ako kay Jerome siya ay seryoso ang tingin sa akin. "Binibini, pasensya na at tila nadala kita sa kapahamakan sa pagdala ko sayo rito." Marahan siyang yumuko, at hinawakan ang aking kamay mahina niyang itong pinisil-pisil na tila hinihintay na siya'y aking patawarin.

"Hindi ako galit Jerome, maari mo ng ilayo ang kamay mo sa aking kamay." Nakita ko ang pag silay nang ngiti sa kaniyang labi. "Ito ba ang sinasabi mong Plaza del Mercado?" Mahina kong unsad habang tinitingnan ang paligid.

Una nang bumunggad sa akin kanina ang mga inaapi ng kastila, kaya't akong napababa sa kalesa at tila napatulala na lamang sa aking nasaksihan. Inikot ko ang aking mata sa paligid, ito at mukhang ordinaryong pamilihin ngunit tila lahat ay nagkakagulo kapag ang nga kastila ay paparating na.

"Ito ang Plaza del Mercado binibini, ang lugar kung saan madalas narito ang mga inaapi." Malungkot na lamang akong napatingin sa mga musmos sa paligid. "Ibang-iba ang pamilihan na ito, sa pamilihan sa Obando kung saan ang pamilya namin ang namumuno." Bilang si ama ang alkalde mayor ay nakita kong maayos aming bayan, tila walang ganitong kaganapan. Narinig ko ang mahinang pag tikhim ni Jerome at seryoso akong tiningnan.

"Ka'y ganda nang singkit mong mga mata binibini, ngunit ang iyong mga mata ay tila bulag pa sa katotohanan." Taas kilay kong tiningnan si Jerome, "ibig mong sabihin ay ano?" Masungit kong pagtatanong, ngunit sinuklian lamang niya ako nang seryosong tingin.


"Binibini, maniniwala ka ba na mismong ang iyong ama ang gumigipit sa bawat tao sa inyong bayan?" Ka agad akong umiling sa kaniya, kilala ko si ama hinding-hindi niya magagawa ang mga bagay na iyon. "Hindi na ako magbibigay pa ng komento." Unsad niya at ka agad na akong tinalikuran, at muling nag simulang mag lakad.

Nang mahanap naman ang kalesa ay ka agad na niya akong inalalayan upang makasakay, nang siya na ang sasakay ay laking gulat ko nang siya'y tumabi sa akin sa halip na sa unahin siya sumakay upang patakbuhin ang kalesa.

"Ako'y napapagod na kakapatakbo, hayaan mo muna akong magpahinga sa tabi mo binibini." Mahina niyang unsad, tila nanigas ako sa aking kinauupu nang maramdaman na siya'y sumandal malapit sa akin.


Ako'y nag aalala at mag gagabi na rin, at tiyak magkakagulo sa aming mansyon kapag nakarating kay ina na hindi ako dumalo sa kaarawan ng Gobernardor-heneral ng Calumpit. Tatanggapin ko na lamang ang masasabi sa akin na masasakit na salita, importante ngayon'y tila nabuo ang isang parte ng aking utak, at nagkaroon akong ng kamalayan sa mga bagay.

"Jerome, bakit ninais mo sa aking ipamulat ang aking mata sa mga bagay? Bakit pumayag kang maintindihan kita?" Mahina kong pagtatanong, sinilip ko ang kaniyang mukha at tila siya'y seryoso na naman. "Bukod sa iniibig kita binibini, nais kong magkaroon ka ng kamalayan sa kung ano ang totoong mundong ating kinabibilangan." Napagtanto ko na masyado akong kinulong ng aking mga magulang, kaya't nila isa akong inosenteng musmos na bata sa kung ano ang kalagayan ng aming bansa.


"Ikaw binibini, bakit tila mas gusto mo akong intindihin?" Napatigil ako sa kaniyang tanong, tila nagiisip ang aking dila nang sagot sa kaniyang tanong. Ngunit tila naputol ang aking dila nang makitang nakatitig siya sa akin. "Bakit? Masama ba?" Masungit kong pagtatanong upang mapawi ang kaba na aking nararamdaman, nakita ko ang mahina niyang pagtawa. "Hindi masama, nagagalak ako binibini na mas pinili mo akong pakinggan at intindihin." Napaiwas na lamang ako ng tingin nang makita ang kaniyang ngiti.


“Bakit mo ako iniibig?” biglaan kong tanong, tila hindi mapigilan ang pag-usisa sa aking isipan mula sa kanyang pag-amin kanina. Ang salitang "iniibig" ay malalim at puno ng bigat—isang damdaming hindi maaaring ipagkait ngunit hindi rin basta-bastang mararamdaman. Paano nga ba maaring umibig nang ganoon kabilis?


“Alam ko ang iniisip mo, binibini. Tila mabilis ang lahat para sa iyo. Ngunit papatunayan ko sa iyo na ako’y seryoso sa aking winika. Iniibig kita, Ashley Camillia, at iyon ay aking patutunayan,” sagot niya, puno ng pagtitiyak. Ang bawat salitang binibigkas niya ay tila hinugot mula sa kalaliman ng kanyang puso. Ramdam ko ang kanyang sinseridad, ngunit hindi iyon sapat upang tuluyang maniwala ang aking puso.


“Binibini, kung sa iyo ay mabilis ang lahat, para sa akin ay tila ilang daang taon na ang nakalipas. Hindi ang araw ng iyong kaarawan ang una kong pagkakita sa iyong kagandahan. Tila nagkataon lamang ang lahat noong araw na iyon,” dagdag niya, ang kanyang tinig ay puno ng pagkukumpisal. Napatingin ako sa kanya, puno ng kuryosidad, habang hinihintay ang kanyang susunod na sasabihin.


“Matagal na kitang nasisilayan mula sa malayo, binibini. Siguro’y labing-anim na taong gulang ka pa lamang noon. Ako’y natalaga ng aming pinuno na mag-espiya sa iyong pamilya, lalo na sa iyong ama. Hindi ako lumalapit sa inyo, ngunit palagi kitang pinagmamasdan. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog sa iyo—sa kung paano ka ngumiti, sa kung paano ka mag sungit at mag suplada sa iba. Kakaiba ka, binibini.” Mahaba niyang lintanya, ang kanyang mga salita’y puno ng emosyon na tila bumalot sa akin.


Hindi ko alam kung paano tumugon. Ang katotohanang minamanmanan niya ang aking pamilya ay dapat magdulot sa akin ng galit, ngunit ang kanyang pagsasabi na ako ang nagbigay-liwanag sa kanyang madilim na mundo ay tila nagpapabigat sa aking puso.

“Hindi ko alam kung dapat ba akong magagalak o magalit,” simangot kong sagot, ngunit narinig ko ang kanyang mahinang pagtawa—isang tugon na tila nagpapakalma ng aking damdamin.

“Mula noon, hanggang ngayon, ikaw at ikaw pa rin ang hinahanap ng aking puso,” sabi niya, habang ang kanyang mga mata ay tila nagsasabi ng higit pa kaysa sa kanyang mga salita.


Bago pa ako makapagsalita, naramdaman ko ang bahagyang pag-alis niya sa tabi ko. Tumayo siya at tumingin sa malayo, tila may mabigat na iniisip. “Ngunit alam kong hindi sapat ang mga salita, Ashley. Kailangang may gawin ako upang patunayan sa iyo ang aking damdamin,” aniya.

Hinaplos niya ang kanyang dibdib, saka tumingin sa akin. “Handa akong suungin ang anumang panganib, kahit buhay ko pa ang kapalit. Kahit ang kalayaan ko, Ashley, ay kaya kong isakripisyo, para lamang makamit ang iyong tiwala.”


Hindi ko alam kung bakit, ngunit naramdaman ko ang bigat ng kanyang mga salita—tila isang pangako na hindi na maaring baliin. Sa sandaling iyon, naramdaman ko ang kakaibang tibok ng aking puso, isang damdaming hindi ko maipaliwanag.


Narinig ko ang bahagya niyang paghinga bago muling tumingin sa akin, ang kaniyang mga mata ay puno ng katiyakan. “Aking binibining Ashley Camillia, hindi ko lamang nais na ito’y masabi sa iyo ng basta. Gusto kong makita mo ito sa bawat kilos, maramdaman sa bawat pagkakataon, at malaman sa bawat araw.”

Nagpatuloy siya, bahagyang tumigil sa harap ko, “Hindi ko hinihiling na paniwalaan mo ako ngayon, pero ipapangako ko sa sarili ko na bawat araw, ipapakita ko sa iyo kung gaano ka kahalaga sa akin. Liligawan kita, binibini, hindi dahil sa gusto ko lamang. Gagawin ko ito dahil naniniwala akong ikaw ang sagot sa lahat ng tanong ko sa buhay. Huwag mo akong tanggapin ngayon—hayaan mo lang akong patunayan na karapat-dapat ako sa pagmamahal at tiwala mo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro