Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

V


Araw nang sabado nang matanggap ko ang isang imbitasyon mula sa Gobernardor-heneral ng Calumpit para sa kaniyang kaarawan na ipagdiriwang kinabukasan.

"Ika'y dadalo señorita?" Pagtatanong ni Sonya habang siya ay nasa likod ko marahang sinusuklay ang aking buhok. "Importante ang kaarawan ng Gobernardor-heneral, ako ay dadalo. At isa pa ay kita ko ang galak sa mukha nila ina nang malaman na ako'y inimbitahan." Naramdaman ko ang pag hinto ni Sonya sa pagsusuklay sa aking hanggang beywang na buhok, pumunta siya sa aking harapan at yumuko ng kaunti.


"Kung ganon ay mag handa ka na ng iyong susuotin señorita." Tumango-tango ako sa kaniyang sinaad. Naalala ko kanina nang mabalitaan ni ina ang imbitasyon ay nag patawag na siya nang mga criada upang mamili ng mga mamahaling saya para sa isusuot ko sa kaarawan ng Gobernardor-heneral.


"Ano kaya ang makakainam na isuot bukas, señorita? Marahil ang bagong sutlang saya mula sa Tondo?" tanong ni Sonya, napasimangot ako dahil hindi ko gusto ang mga saya na gawa nila, tila makakati sa katawan.

"Sana hindi ayon ang mapili ni ina," maikling sagot ko, ngunit ang isip ko ay wala roon.

Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at lumapit sa bintana. Ang liwanag ng araw ay tumama sa hardin, at mula roon ay tanaw ko ang mga manggagawang abala sa kanilang gawain. Isa sa kanila ang agad na pumukaw ng aking pansin-si Jerome, na abala sa pagtatanim. Tanaw ko na suot na naman niya ang camisa de chino.


"Sonya," bigla kong sambit, "kung ako'y magpapasyang lumabas ngayong hapon, anong oras kaya ang hindi abala sa ating mga tao?"


"Señorita? Kayo po ba'y may balak na lumabas? At saan naman po?" Puno ng pagtataka ang kaniyang tinig.

"Balak ko lamang maglakad-lakad sa mga taniman," sabi ko, itinatago ang tunay kong dahilan. "Gusto kong makita kung paano nila napapanatili ang kagandahan ng ating mga lupain."


Napangiti si Sonya, ngunit alam kong may bahid ito ng pag-aalinlangan. "Kung iyan po ang inyong nais, señorita, maaari kayong magpahatid sa mga manggagawang narito sa malapit. Siguraduhin ko pong ang inyong lakad ay ligtas."


Napatingin akong muli kay Jerome. Alam kong hindi tamang makialam sa buhay ng isang tulad niya, ngunit tila mayroong puwersang nagtutulak sa akin na lumapit.

"Sige, Sonya. Ako ngayon ay pupunta na." Nakita ko ang pagka taranta ni Sonya marahil sa biglaan kong pag dedesisyon. Ngunit wala na siyang magawa nang ako'y bumaba na mula sa aking silid, at kaagad lumabas nang aming mansyon.


"Jerome!" Malakas kong tawag sa kanya, nakita ko na siya'y napatigil sa kaniyang ginagawa, ngunit nang makita ako ay nakita ko ang kaniyang ngiti at kumaway sa akin. "Umayos ka señorita hindi ganyan ang akto nang isang babae." Madiin ang pananaway sa akin nang matandang craida ni ina dahilan upang mapasimangot ako.

"Hayaan mo na po manang Dolores, nagagalak lang ang inyong alaga na ako'y masilayan." Hindi ko namalayan na si Jerome ay nasa akin ng harapan, narinig ko ang pag singhap ng criada ni ina. "Malokong bata, mapupugutan ka talaga ng alkalde mayor sa ginagawa mo sa kaniyang unija hija." Palihin akong napa irap sa sinabi ng criada ni ina. Tila nakakainis ang kaniyang mga pinagsasabi, tila may ginagawa kaming masama ng Jerome na ito.

"Binibini, masama ang pag irap sa nakakatanda." Tiningnan ko na lamang nang masama si Jerome sa aking harapan, ngunit ngiti lamang ang binigay niya sa akin.

"Tila nagagalak ka atang makita ako, binibini. Sabagay at lagi ka namang ganiyan, kinagagalak lagi ang aking prensenya." Tila mahangin niyang pahayag, dahilan nang kina iling ko. Isang buwan ko nang kakilala si Jerome, nag simula lahat sa aking kaarawan at ngayon'y naging kaibigan ko siya.

"Sa isang buwan na ika'y aking kilala, labis paring nakakainis ng pasensya ang iyong presensya." Pagkokomento ko, narinig ko na lamang ang kaniyang pagtawa. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya habang siya ay tumatawa. Aking naalala sa kung paano sa loob nang isang buwan kami naging magkaibigan.

Isang linggo ng hapon, ang buong mansyonay tahimik dahil pahinga ng mga trabahante, at wala rin ang ama at ina. At dahil sa pagiging abala ko sa mga salo-salo at mga kaganapan sa bahay na sunod-sunod, bihirang makalabas.

"Binibini, labas tayo." Napataas ang aking kilay sa biglaang pag-aaya ni Jerome, Isang linggo pa lamang kaming nagkakausap tila kung maka aya na siya. Ngunit sa huli ay sabik din akong sumama.

Dumaan kami sa isang maliit na pook kung saan maraming tindahan na nagbebenta ng mga lokal na produkto.

Habang tumatawa kami sa isang vendor na nagtitinda ng mga pabango, nagdala siya ng isang maliit na buklo ng mga bulaklak at iniabot sa akin. "Para sa'yo," aniya, sabay ngiti.

Nagulat ako. At tila naghahanap ako ng mga salitang ipapaliwanag, ngunit tumawa siya ng bahagya.

"Para sa'yo lang," sagot niya ng tahimik. Iniiwasan niyang tumingin sa aking mata, ngunit ramdam ko ang sinceridad ng galak na nararamdaman ko.

Nawala ang kaba ko at tinanggap ko ang bulaklak. "Kagaya ng aking pangako, dadalhan kita ng tulips binibini."

Isang hapon, habang ang araw ay nagsisimulang magtago sa likod ng mga bundok, nakita ko si Jerome na abala sa paghuhukay ng lupa sa kanilang maliit na hardin. Ang mga kamay niya ay marumi at puno ng pawis, ngunit nakangiti siya, at ang kanyang mga mata ay puno ng kasiyahan.


Bilang isang mayamang anak ng may-ari ng hacienda, hindi ko inakalang makikialam ako sa mga simpleng gawain ng mga tao sa tulad niyang kalagayan. Ngunit naroon ako, nakatayo sa tabi ng hardin at pinagmamasdan siya habang nagtatanim ng mga bulaklak.

Kuryoso lamang akong nakatingin sa kanya. "Sonya maari mo na akong iwanan dito." Kita ko ang pag aalinlangan ni Sonya ngunit siya ay yumuko at umalis sa aking harapan. Konting lakad na rin naman ay nasa loob na ako nang mansyon.

"Jerome," tawag ko nang medyo malakas upang marinig niya ako, "bakit ka nagtatanim? Pahinga na kaya ng mga trabahante." Tila pilit kong ginagawang natural ang tono ng aking boses, kapag papatak na ang paglubog ng araw ay alam kong pinagpapahinga na ni ama ang mga trabahante kaya't ganon din ang ginagawa ko ngayon.


Tumingin siya sa akin, at ang mga labi niya ay bahagyang ngumiti. "Wala lamang akong magawa, binibini." Simple niyang pahayag, ka agad kong tingnan ang kaniyang tinatanim hindi ko alam kung anong klase ng bulaklak iyon, ngunit ang mga kulay nito ay matitingkad-pula, dilaw, at kahel-na para bang kumikinang sa ilalim ng araw.


Nakangiti siyang nagpatuloy sa paghuhukay, hindi alintana ang dumi sa kanyang mga kamay. Hindi ko rin mapigilan ang mapansin ang kakaibang saya sa mukha niya. "Anong klaseng bulaklak iyan?" tanong ko, dahil kakaiba ito sa bulaklak na palagi niyang binibagay sa akin. Ngunit tila nakita ko ang mga bulaklak na iyon na tinitinda sa bayan.

Pinagmasdan ko siyang huminto at ngumiti sakin, "Ito ay sampaguita binibini." Napatango tango ako at tingnan siya muling mag tanim. "Nakikita ko iyan sa bayan, malamang si ina ang nagpatanim niyan paborito niyang bulaklak iyon."


Ang mga mata ko ay hindi maiwasang magtama sa kanya, ngunit ngayon ay seryoso na siya habang siya'y nagtatanim.

"Puwede bang magtanim din ako?" tanong ko, hindi ko alam kung bakit, ngunit gusto ko sanang maranasan kung anong pakiramdam ng makialam sa mga gawaing tulad nito. Nang makita kong siya ay napatingin sa akin, tinaasan ko na lamang siya ng kilay.

Nakita ko ang mahina niyang pagtawa nang makita ang ekpresyon ko, "ka'y sungit na binibini." Sasagot pa sana ako nang ibigay niya sakin ang isang hablong tela, nakikita ko ito na sinusuot dito ng ilang babaeng hardinera. "Panakip-kamay binibini, hindi ko gugustuhing maputikan ang malambot mong mga palad." Napairap na lamang ako.



Habang kami ay nagtatanim ng mga gulay sa maliit na hardin, natutunan ko na sa kabila ng lahat ng yaman at luho, may mga bagay pa rin na hindi kayang bilhin ng pera. At sa maliit na sandaling iyon, sa isang hardin na puno ng mga bagong tanim, natutunan kong magpatawad sa sarili at yakapin ang mga simpleng karanasan sa buhay.

Habang tinatanaw ko ang kanyang mga mata na kumikislap sa ilalim ng sinag ng araw, naisip ko, baka sa mga simpleng sandali na ito, doon mag-uumpisa ang isang bagong kabanata sa aking buhay.

Isang umaga, at tila mas banayad ang simoy ng hangin. Isang araw na wala sa kahon ang mga pangyayari sa aming mansyon, ngunit sapat upang magbigay ng ilang saglit na may kakaibang kahulugan.

"Binibini, gusto mo bang subukan ito?" tanong ni Jerome habang iniabot ang isang sariwang kamatis na kakapitas lang mula sa taniman. Hindi ko alam kung bakit, ngunit may kakaibang saya akong nadarama tuwing naririnig ko ang kaniyang boses.

Tumingin ako sa kaniya at pilit na itinatago ang ngiti. "Sigurado ka bang maaari kong kainin ito nang hindi hinuhugasan?" biro ko habang maingat na inaabot ang kamatis mula sa kaniyang kamay. Nakita ko ang pag awang nang kaniyang labi at saka pinalitan nang ngiti. "Hindi na masungit ang binibini, marunong na siyang magbiro." Napasimangot na lamang ako sa kaniyang inusad.

Nagpatianod siya sa tawa, isang tunog na bihira ngunit tila musika sa aking pandinig. "Subukan niyo, binibini. Wala pang lason ang mga tanim dito," tugon niya, ang kaniyang mga mata'y nagniningning sa masayang pagbibiro.


Ilang saglit pa, naroon kami sa ilalim ng lilim ng puno, si Jerome abala sa pag-aayos ng isang sirang kahoy na bakod habang ako'y tahimik na nakaupo sa malapit, nagmamasid. Paminsan-minsan, dinadampot ko ang maliit na basket ng prutas upang tumulong, ngunit mas madalas akong mahuli niyang nakatingin lamang sa kaniya.

"Binibining Ashley, baka gusto niyong magpahinga sa loob," sabi niya, ang kaniyang tinig puno ng pag-aalala nang makita niya akong nag-abot ng ilang prutas.

Umiling ako. "Ayos lang ako rito. Mas gusto kong magpalipas ng oras dito sa labas," sagot ko, sabay tingin sa malayong tanawin, pilit na itinatago ang aking pagkailang. Mas gusto ko rito, kesa kasama ang mga criada na tila tatalon na sa bangin kapag ako'y kanilang natitigan.


At may mga sandali ring hindi ko inaasahan-ang mga di sinasadyang pagdikit ng aming mga kamay habang inaabot ko ang isang basket ng prutas, o ang simpleng pagtango niya bilang tugon sa aking mga tanong. Ang mga maliliit na bagay na iyon ay tila puno ng kahulugan, at bagama't hindi ko maipaliwanag kung bakit, lagi akong nag-aabang ng mga pagkakataong ito.

"Binibini, tila malalim ata ang iyong iniisip?" Napatingin ako sa kaniya nang makita siyang nakatitig sa akin na tila ako'y sinusuri. "Manahimik, nag iisip lamang ako nang ireregalo sa Gobernardor-heneral ng Calumpit." Pag papalusot ko, hindi ko kayang sabihin sa lalaking ito na ang munti naming alaala nung mga nakaraan ang aking naiisip, nagiging mahangin siya. Mahirap na't inisipin pa niya na ako'y nagkakagusto sa kaniya.


"Narinig ko nga binibini ang kaarawan kinabukasan ng Gobernardor-heneral. Ako ang maghahatid sayo bukas." Napasimangot na lamang ako at tumango, siya rin naman talaga, dahil si Ellias ay palagi nang kasama nila ina at ama, kaya't si Jerome na rin talaga ang palaging naghahatid sa akin.

"May pininta ako sa aking canvas, sa aking silid. Ayon na lamang kaya ang iregalo ko?" Pang hihingi ko nang opinyon sa kaniya, ngunit nakita ko ang pag seryoso nang kaniyang mukha. "Sa akin mo na lang regalo, kaarawan ko noong nakaraang nakaraang buwan." Kung ganon ay Siyembre ang kaniyang kaarawan-ngunit ang kapal naman talaga ng mukha ng lapastangan na ito.


"Bakit naman kita hahandugan ng regalo?" Masungit kong pahayag, nakita ko kung paano mag dikit ang kaniyang kilay. "Nais ko ang iyong pininta, nakita ko na iyon nang ako'y nakapasok sa iyong silid." Napataas ang aking kilay sa kaniyang sinaad, pinapatapon nga sa akin nila ina iyon dahil hindi raw maganda ang aking pininta. Iyon ay larawan ng mga pilipino na aking nakita noon, sila ay mga naka puting damit, at may pulang panyo sa kanilang leeg. "Binibini, ang iyong pinta ay sumisimbolo sa kalayaan ng ating bansa." Seryoso ang kaniyang ekpresyon habang sinasabi iyon na tila alam na alam niya kung ano ang aking pininta.

"Sayo na lang kung ganoon. Pinapatapon lang sa akin ni ina iyon, kaniyang winiwika na mga espiya ang aking mga pininta." Nakita ko ang kaniyang muling pag ngiti, "walang bawian binibini, akin na lamang ang pininta mo na iyon."

"Binibini, tara sa Malolos don ka mamili nang reregalo mo sa Gobernardor-heneral na iyon." Napangiti akong tumango, at sumama sa kaniya. Ako ay sumakay na kalesa at kami na'y umalis.


Sumaglit lamang kami sa Malolos, at napadesisyunan ko na lamang bilhan nang isang panulat ang Gobernardor-heneral, ang aking binilhing panulat ay gawa sa mamahaling materyales, sa tingin ko ay gawa iyon sa pilak.


Pagkauwi namin ay agad na rin akong nag handa upang natulog, matinding galit ang aabutin ko kay ina pag nalaman niyang gising pa ako.


Naalimpungan ako nang ako ay makaramdam ng uhaw, tumayo ako sa aking kama at sumilip sa aking bintana. Sobrang dilim na pala, mahihirapan akong makatulog nito lalo na't ako'y naalimpungatan.


Nang tumingin ako sa ibaba ay nahagip nang aking mata ang isang lalaki, kilala ko ang kaniyang kasuotan-si Jerome iyon. Ngunit, ano namang ginagawa ng lapastangan na ito nang ganitong oras sa labas? Ang mga guardia civil ay nag iikot nang ganitong oras, at aking nabalitaan nang kung sino man ang mahuli ay binibitay sa harap nang simbahan.

Dali-dali akong lumabas sa aking silid, at maingat na bumaba sa aming hagdan, sunod ay akin ring mainangat na binuksan ang aking pintuan. Napasimangot ako nang napagtantong naka suot lamang ako nang manipis na saya dahil ako'y matutulog na.

"Jerome!" Nanlaki ang aking mata nang makita ang isang lalaki na may suot nang pulang panyo sa kaniyang pulsuan. Muli akong napa pasok sa loob nang aming mansyon. Ngunit rinig ko ang yapak nang dalawang tao papalapit sa aming mansyon.

"Kamusta ang pananatili mo rito?" Rinig kong tanong nang lalaki na mukhang iyong mag pulang panyo. "Ayos lamang, may ilang impormasyon akong nakuha mula sa anak nang alkalde mayor." Napataas ang aking kilay sa aking narinig, boses ni Jerome iyon. At anong sinasabi niyang nakakuha ng impormasyon?

"Mabuti naman kung ganoon, ituloy mo lang ang pag e-espiya sa mga Montermayor. Makakarating sa pinuno ang binigay mong impormasyon ngayong gabi. Salamat kaibigan."

Aalis na sana ako nang marinig ang pagbukas nang pintuan, nakita ko ang mukha ni Jerome na seryosong nakatingin sa akin.

Napagtanto ko ngayon na isa siyang espiya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro