Jerome Cervantes
"Kapatid, hinahanap ka ni pinuno."
Tumigil ako sa ginagawa, ang malamlam na liwanag ng buwan ay tumama sa aking mukha habang ako'y napalingon sa tumatawag. Ang bawat tunog ng dahon na naglalagas at ang huni ng mga kuliglig ay tila nagpapaalala sa akin ng tahimik ngunit delikadong buhay na mayroon kami. Tumango na lamang ako, hinubad ang salakop na suot, at iniabot ito sa kasama kong nakabantay sa aming kampo.
"Ako na magbabantay, Jerome." Mahinahong sabi ni Sandro, kasamahan ko sa kilusan. Ang mga gabi rito ay hindi kailanman naging payapa. Sa bawat hampas ng hangin, naroon ang pakiramdam na may paparating-mga Kastila, mga traydor, o ang tiyak na kamatayan. Ngunit hindi ito dahilan para umatras. Kalokohan lang na lalo na ngayon pinaghahanap ang mga rebolutsunaryo dahil sinasabing kami raw ay kalaban ng gobyerno.
Tsk, mga Kastila, pati ang kapwa naming Pilipino ay binulag at nilason ang isipan. Ginawa kaming kalaban ng sarili naming bayan-rebolusyonaryo daw, kalaban ng batas. Kalokohan.
Pagdating ko sa kubol ng Supremo, hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na pumasok.
"Supremo," mahinang bati ko habang nanatili akong nakatayo, matikas, at hindi natitinag. Tumitig ako nang diretso sa kaniya. Sa harap ko, si Andres Bonifacio, ang pinunong nagmulat sa akin mula sa pagkakabulag. Sa edad na labing walo, siya ang nagsiwalat ng masakit na katotohanan ng ating bayan.
"Hindi man lang marunong gumalang na bata." Seryoso lamang ako, kahit kailan ay hinding-hindi ako yumuyuko kahit kanino. Hindi ako nagpakita ng emosyon. Kahit kailan, hindi ko kailanman itinuring na kailangang yumuko sa sinuman-ni sa Supremo. Ang respeto ay hindi nakikita sa pagyuko, kundi sa paninindigan.
Tahimik akong umupo sa gilid habang siya'y abala sa binabasa. Ang ilaw ng gasera ay nagbibigay ng anino sa kaniyang mukha, nagpapakita ng lalim ng bawat iniisip. Hindi ko mawari kung papuri ba o malasakit ang nararamdaman ko sa harap niya. Siya ang dahilan kung bakit nandito ako-hindi para mabuhay, kundi para lumaban.
Aking naalala nung labing walang taon ako nang makilala ang supremo, siya'y nakilala ko sa aking bayan-ang Iloilo pinaliwanag niya ang kaniyang plataporma, at sa kagustuhan kong ipaglaban ang kalayaan ay hindi na ako nagpatinag at sumali.
"Kamusta ang pag e-espiya mo sa hacienda ng mga Montermayor?" Napailing na lamang ako senyales na wala pa akong napapala. Isang linggo pa lang, at hindi pa ako maaring gumalaw. Ang utos lamang sa akin ay mag masid. "Wala parin. Mukhang malinis ang Alkalde." Pag babanggit ko, sa isang linggo lagi lamang nasa loob ng tahanan ang mga Montermayor, wala man lang akong mapala. Sa isang linggo kong nagmamasid, tila walang kahina-hinalang galaw sa kanilang pamamahay. Isang perpektong larawan ng isang huwarang pamilya, ngunit alam kong sa ilalim ng maskara ay naroon ang baho ng kasakiman.
"Tiis lang, may makikita rin tayong baho." Tumango na lamang ako, maganda ang pamamalakad ng Alkalde sa bayan ng Obando. Maayos ang bayan na iyon, pero hindi parin kami nakakasigurado lalo na't kahit anong ani ng mga magsasama ay tila hindi sila umuunlad.
"Magbabantay ako ulit bukas." Seryosong kong wika at umalis na sa kaniyang kubol. Bawat espiya ay may iba't-ibang pamilya na binabantayan, nagkataon na ako'y naatasan sa bayan ng Obando. Mga tatlo na rin ang napagbasak kong pamilya, nilabas ang mga ebidensya ng kanilang pagiging sakim. Ang misyon ko'y malinaw: hanapin ang katotohanan at ipakita ito sa liwanag.
Kinabukasan, maaga akong pumunta sa puno ng mangga upang magmasid sa hacienda ng Montemayor. Walang bago. Tahimik ang buong lugar, animo'y abandonadong mansyon. Kung hindi ko lang nakikita ang mga utusan nilang abala sa paligid, iisipin kong wala talagang nakatira sa loob.
Tahimik akong nakaupo sa isang sanga ng mangga, seryosong nagmamasid. Ilang linggo na akong ganito-nagbabantay, naghihintay ng pagkakataong mapabagsak ang Alkalde. Ngunit hanggang ngayon, wala pa rin akong nakukuhang matibay na ebidensya. Nakakainip.
Biglang napukaw ang atensyon ko nang makita ang isang babae na tumatakbo palabas ng hacienda. Agad akong napaisip. Anak ba iyon ng Alkalde? Sa lahat ng araw ng pagmamatyag ko, ngayon ko lamang siya nakita.
"Señorita!"
Tahimik ko siyang sinundan ng tingin habang tumatakbo, hinahabol ng isang matandang babae na mukhang utusan. Nang tuluyan na siyang makalabas sa kanilang hacienda, agad akong nagtakip ng mukha upang harangin siya.
"Lapastangan!"
Napatigil ako nang makitang madapa siya sa aking harapan. Kakababa ko lamang sa punong na aking inaakyatan pagkatapos ay nakita ko na siyang nakasalampak sa damuhan. Seryoso lamang akong nakatayo sa kaniyang harapan habang siya'y nakayuko.
"Lapastangan ka! Tinulak mo ako!" Tila napatigil ako nang marinig iyon, bakit ako ang pinagbibintangan niya?! Napamaang ako sa akusasyon niya. Ako? Tumulak? Wala naman akong ginagawa! Kakababa ko lang, at ako na agad ang may kasalanan?!
"Susumbong kita sa ama ko!" Dagdag pa niya. Napalunok ako. Patay. Kung malaman ito ni Supremo, malamang mapapatay ako bago pa makapagsalita.
Walang sabi-sabing hinawakan ko ang kanyang baba, at hinarap siya sa akin. Ang aming mga mata ay nagtagpo, at sa isang saglit, nahirapan akong huminga. Ano ito? Bakit ganito? Isang anghel, hindi ko kayang lisanin ang kaniyang mga mata. Nakaka sira ng ulo.
Itim ang kaniyang bagsak na mahabang buhok na dumadaloy sa kanyang likod. Ang mga mata niyang singkit, na may kakaibang ningning. Ang ilong niyang matangos ngunit hindi masyadong matalim, at ang mga labing -mapupula, parang mga rosas na namumukadkad. May mukha siyang hindi mo malilimutan, hindi mapapantayan. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, pero alam ko lang na may kakaibang kabighanian siyang hatid. Nakakabighani.
Walang anuman sa paligid ko-tanging ang hitsura ng babae ang umiiral sa aking isipan.
Ngunit sa halip na mapahanga rin siya, ibinalik niya ako sa realidad gamit ang isang malakas na sampal.
"Lapastangan talaga! Ngayo'y pinagnanasaan mo pa ako sa isip mo!"
Muli akong napahinto at napangiwi habang iniinda ang malakas na hampas ng binibini sa aking braso. Kung makahampas siya, parang hindi binibini!
"Ka'y sungit na binibini, tumayo ka dyan gamutin natin yang sugat mo." Seryoso akong tumitig sa kaniya habang pinagmamasdan lamang siyang nakasalampak parin sa damuhan, ang mga mata niya ay tila puno ng galit at inis. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kuryente ang nararamdaman ko sa tuwing magtatagpo ang aming mga mata.
"Ang sama ng ugali mo! Lapastangan! Lapastagannnn!" Napahinto na lang ako nang magsimula siyang sumigaw. Napagod na lang ako at napahinga ng malalim. Ano bang binibini ito?!
"Tayo mo man lang sana ako." Madiin niyang wika, hindi na lamang ako nagsalita at binuhat niya paupo sa puno. "Wag kang magreklamo, ikaw tumulak sa akin." Pamimintang na naman niya, tiningnan ko na lamang siya ng masama at nilabas ang mga gamit ko pang gagamot.
"Parang sinadya mo talagang itulak ako, may dala ka pang kagamitin pang gagamot." Nakanguso siyang tinuro ang aking mga gamit, kahit na inis na inis na ako, pinili ko pa rin na magpasensya, hindi ko maipaliwanag kung bakit. Bakit ba ako nagpapa-apekto sa isang binibini na ito?
"Una, hindi ako tumulak sayo." Pagsisimula ko, ka agad siyang umiling hindi tinatanggap ang aking sinasabi. Ayaw pang tanggapin na siya ang may kasalanan bakit siya nadapa. "Sige na po, ako na ang tumulak sayo. Pasensya na po aking binibini." Nilambutan ko ang aking boses habang nakatitig sa kaniya, doon ko nasilayan ang kaniyang matamis na ngiti. Nakaka sira ng ulo.
"Mabuti naman umamin ka na." Hindi ko mapigilang mapatulala, anong ngiti yan? Bakit nakakabighani?
"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Gamutin mo na ko!" Nawala ang aking mga iniisip nang tumaas ang kaniyang kilay. "Masungit na binibini." Mahina kong bulong at saka na hinanda ag dahon at tela pang ayos sa sugat niya.
"Paano ko malilinisan ang sugat mo?" Pagtatanong ko nang maalalang naka saya nga pala siya. "Ah, ganto." Seryoso akong tumitig sa kanya nang itaas niya ang saya niya at nilabas ang kaniyang tuhod.
"Oh ano? Alam kong kalapastangan ito, iyong gamutin, mayayari ako ni ina nito. Saka kasalanan mo naman yan." Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya at nagsimula akong magtrabaho sa kanyang sugat, pakiramdam ko'y tanging ang mga mata na lamang niya ang nararamdaman ko sa bawat galaw ko.
Nang matapos ko siyang magamot, ay walang sabi-sabi na tumayo siya sa aking harapan. Imbis pasasalamat, nakatanggap lamang ako ng irap.
"Masungit na binibini."
Lumipas ang mga linggo, at wala pa ring pagbabago. Patuloy na umiikot ang aking mga araw, hindi ko siya muling nasilayan. Ang mga tanong ko ay naiwan na lang sa aking isipan. Hanggang sa isang araw, isang tahimik na araw na may malalim na hangin, napagdesisyunan kong bumisita sa hacienda ng Montemayor. Hindi ko alam kung bakit, pero may isang pakiramdam na bumangon sa akin at nag-udyok upang pumunta roon.
"Anak? Bakit ka naparito?"
Mahina akong tumawa nang makita ang gulat sa mukha ni tatay. Walang kalatoy-latoy, palihim akong umakyat sa hacienda ng Montemayor upang bisitahin ang maliit na tahanan ni ama rito. Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi ko alam kung anong aasahan ko, ngunit isang bagay ang sigurado-nararamdaman ko na may kailangang mangyari.
"Upang magpahinga? Nakakapagod nakahiga lang ako sa puno ng mangga." Ka agad na akong humiga sa maliit na banig ni tatay. Pinagmamasdan ang maliit niyang tahanan, aking nakita na nakasabit sa maliit niyang aparador ang kwintas ni nanay.
"Hinahanap-hanap ko ang presensya ng iyong ina." Mahinang bulong ni tatay, tahimik lamang akong pinakinggan siya, hindi sanay sa kung anong pwede kong sabihin. Aking naalala nang magpaiwan si nanay sa Iloilo, kasama ang aking mga kapatid na babae. Napatingin na lamang ako sa kisama, parang naririnig ko pa ang boses ni nanay, pero alam kong ang aming laban ay higit pa sa pangarap ng magkasama kaming lahat.
"Makakasama rin natin sila, pagtapos ng digmaan." Madiin kong tugon, kung para sa kalayaan ay handa ko munang gawing matigas ang aking sarili. Naniniwala akong babalik kay nanay na ako'y matagumpay na napalaya ang aming bansa, at hindi ko hayaan na mapako ang aking mga pangarap dahil lang sa takot.
"Halos tatlong buwan ka ng nag e-espiya, hini ka parin pinapakilos ng supremo." Pinagsawalang bahala ko na lang ang sinasabi ni tatay, may tiwala ako sa supremo natitiyak kong may plano siya, at kung wala gagawin ko ang aking plano.
"Ang anak ng Alkalde..." Mahina kong sambit, huling kita ko siya noong araw na iyon. Tatlong buwan na ang nakakalipas, at gusto ko siyang muli masilayan.
"Ang anak ng Alkalde? Maayos ang batang iyon, lagi akong binabati tuwing magdadala ako sa kaniya ng mangga. Laging nanghihingi sa akin dahil kaniya raw paborito." Palihim na napakunot ang aking noo, mabait? Masungit ang binibining iyon.
"Kaso nga lang laging pinagbabawalan lumabas." Nakuha ang atensyon ko sa bagay na iyon, ramdam ko ang paghigpit ng panga ko, nakakaramdam ako ng galit. "Bakit bawal?" Madiin kong tanong, kaya pala ay tumakas lamang siya noong una naming pagkikita.
"Ayaw ng ina at ama niya, laging kinukulong sa mansyon nila." Tila nandidilim ang mata ko sa galit, anong karapatan nila?
"Kung ano man ang plina plano mo anak ay wag mo ng gawin. Ramdam ko ang galit sa iyo. Sumunod ka na lamang sa supremo." Tumango na lamang ako, hindi ako maaring gumawa ng kahit ano. Mas nakaka sira ng ulo lalo na't tila may nagtutulak sa akin na gawin ang aking isang plina plano.
Napabuntong hininga na lamang ako. Napatingin ako kay tatay nang may i-abot siya sa aking papel.
"Ramdam kong gusto mong masiliyan ang sènorita. Binigay niya sa akin ang imbitasyon na iyan para sa kaniyang ika labing anim na kaarawan."
Pinagmasdan ko ang imbitasyon, hindi ko mapigilang palihim na mapangiti. Ang imbitasyon ay may kaniyang ngalan.
"Ashley Camillia Montermayor."
Kinagabihan, nakasuot ako ng isang barong na hineram ko sa isa sa aking mga kapatid sa kalayaan. Isang mamahaling barong ito, hindi na nakakapagtaka, dahil anak siya ng Alkalde ng Cavite. Ang tela nito ay ibang klase-malasutla at may mga burdang pinong pinili, tila may disenyong ipinagmalaki na nakikilala lamang sa mga may kaya. Hindi ko masasabing komportable ako sa suot ko, ngunit itinataguyod ko na lamang ang aking lakas ng loob upang hindi magmukhang maliit sa harap ng mayaman nilang pamilya.
Tahimik akong pumasok sa loob ng mansyon ng Montemayor, at agad na bumungad sa aking paningin ang engrandeng lugar. Hindi na nakakagulat. Ang mansyon nila ay napakabigat sa mga mata ko, halos parang ipinagmamalaki ang yaman at impluwensya nila. Mula sa mga garganteng haligi na nakatayo sa harapan hanggang sa magarbong mga bintana, tila ang bawat bahagi ng gusali ay nag-aanyaya ng isang uri ng pagpapakita ng kapangyarihan. Ang mga marmol na sahig ay kuminang sa liwanag ng mga kandila at mga salambaw, bawat hakbang ko ay dumiduyan sa malamlam na liwanag na iyon. Sa mga pader ay nakasabit ang mga dibuho ng mga ninuno nila-mga mukhang matikas, tila nakatanim ang mga mata sa bawat galaw ng kanilang mga anak.
Nasa likod ng lahat ng karangyaan ay ang nararamdaman kong kabuntot ng pasakit at sakripisyo ng mga indio. Ang mansyon na ito, at ang mga materyal na bagay na nagiging simbolo ng kanilang mga tagumpay, ay tila galing sa pawis at dugo ng mga hindi nakakaalam kung anong halaga ng pagpapahirap ang kanilang tinitiis. Sa loob ng lahat ng karangyaan, ako'y hindi makatingin nang diretso. Isang misteryong kumukumpleto sa kabuuan ng kanilang makapangyarihan na posisyon sa ating bayan-isang posisyon na tanging ang mga may kayang tulad nila ang may kakayahang magtaglay.
Seryoso akong nagmamasid sa mga tao sa mga tao sa paligid, nilabas ko ang aking pañuelo upang hindi ilantag ang aking mukha.
"Kamusta!"
Napalingon ako sa gilid ko nang maramdaman ang malamig na kamay sa balikat ko. Seryoso ang aking tingin nang makita ko siya. Ang binibini-siya na hindi ko inaasahan na muli kong makikita-nakatayo sa aking harapan, ang mga mata niyang kumikislap sa ilalim ng ilaw ng mga salambaw. Bahagya niyang tinaas ang kilay.
"Ano iyan? Bakit tila may takip ang iyong mukha?" Ramdam ko ang kuryosidad sa boses niya, ngunit nanatili akong seryoso. Hindi ko alam kung bakit, pero habang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin, nagkaroon ako ng kaba.
"Baka mabighani ka lang sa akin kapag inalis ko ito." Mahina akong napatawa nang makita ang pagsinghap niya. Nakaka sira ng ulo hindi ko magawang maging seryoso at malamig sa kaniya.
"Lagay mo na lang sa mukha mo iyan." sabi niya, at isang mabilis na simangot ang sumunod sa kanyang mga labi. Hindi ko maiwasang mapangiti. Mabilis mainis at mag-sungit ang binibini.
"Pero sa ngayon mag usap muna tayo, upang makita naman nila ina na may kinakausap ako sa kaarawan ko." Tumango na lamang ako sa kaniya, at hinayaan siyang magsalita nang magsalita. Kahit paraan ng kaniyang pagsasalita, naka sira ng ulo.
"Wala man lang akong kakilala na inimbitahan, puro mga ginang at ginong na hindi ko kilala ang nandito." Nakita ko ang kaniyang pagsimangot habang nililibot ang mata sa paligid. Mukhang tama siya, halos lahat ng nandito ay matatanda, mukhang ang ama pa niya ang may kaarawan.
"Pagkatapos ikaw lamang ang aking nakita na hindi naman matanda kaya ikaw ang nilapitan ko." Pagpapaliwanag niya, napatitig na lang ako sa kaniya.
Tumingin siya sa akin, at tinaas ang kaniyang kilay. Ang binibining si Ashley Camillia Montemayor, nasa mismong harapan ko ngunit hindi ako kilala. Nakakaasar. Mas masungit pa rin siya kaysa sa unang beses kaming nagkita, pero bakit parang mas nagiging kaakit-akit siya?
Huminga ako ng malalim at sinubukn iiwas ang tingin ko sa kaniya ngunit hindi ko kaya.
Napatigil ako sa gitna ng bulwagan nang marinig ko ang pagtugtog ng musika. Isang marahang himig na nagpaindak sa ilang mga bisita. Maraming nagsisimula nang magsayaw, ngunit nagulat ako nang humarap siya sa akin, tangan ang isang pilit ngunit matamis na ngiti.
"Sumasayaw ka ba, ginoo?" tanong niya habang bahagyang iniangat ang kaniyang kamay-isang imbitasyon na hindi ko inaasahan. "Tanggapin mo na! Nakatingin sa akin ang aking ina." Pagsusungit niya dahilan upang mapatawa ako.
Nakaka sira ng ulo, sobrang nakakabighani siya ngunit sinusubukan kong magpanggap na hindi apektado. "Kung sasayaw ang binibini, sino ba naman ako para tumanggi?"
Nagkatitigan kami habang dahan-dahan kong hinawakan ang kaniyang kamay at inilapit siya. Sa gitna ng mga taong umiikot sa paligid, naramdaman kong parang kami lang dalawa ang naroon.
Malamig ang kaniyang palad, ngunit parang apoy na gumapang sa balat ko. Lalong lumalakas ang tibok ng puso ko habang ang katawan niya ay dahan-dahang sumasabay sa akin. Nakatitig siya sa akin, pilit kong iniwasan ang titig na iyon-pero mahirap.
"Jerome, kontrolin mo sarili mo," bulong ko sa utak ko. Pero paano? Nandito siya-mabango, maganda, masungit, pero sadyang nakakabaliw.
"Ang lalim naman ng iniisip mo," puna niya, bahagyang nakakunot ang noo habang umiikot sa ilalim ng braso ko. "Mukhang hindi ka sanay sa ganito."
"Sa pakikipagsayaw o sa pakikipag-usap sa'yo?" balik ko, na may halong ngisi.
Ngumiti siya nang bahagya, at para akong binatukan ng langit. Ang ganda ng ngiti niya, isang bagay na hindi ko alam kung dapat kong kamuhian o gustuhin pang makita araw-araw. Dumaan ang ilang segundo ng katahimikan habang patuloy kaming sumasabay sa musika.
"Alam mo, parang may kakaiba sa'yo," wika niya, at dumilim ng bahagya ang kaniyang mga mata. "Hindi mo pa rin sinasabi ang pangalan mo."
Nagkibit-balikat ako, patuloy na ipinapaikot siya, kahit pilit kong tinatago ang kaba sa dibdib ko. Nang tumigil ang tugtog ay ka agad siyang bumitaw sa akin. Simagot niya akong tiningnan.
"Ano ngang ngalan mo?" Pagtatanong niya, hindi ko muling mapagilang mapangiti. Tahimik na ako at pinipilit tingnan siya ng malamig, ngunit ang kaniyang pagiging kuryoso, hindi na kinakaya ng aking labi ngumiti.
"Tagal ah, alis na ako ginoo."
Napatigil ako nang tumalikod siya sa akin basta-basta hindi man lang ko pinagsalita. Ngunit sa kabila no'n, ako'y patuloy paring nakangiti.
"Jerome Cervantes ang aking ngalan, at tayo'y muling magkikita aking pangako." Mahina kong bulong sa hangin.
______
I dedicate this story to my one and only love
To my dear, husband, this story is my special gift to you. It's my way of showing how much you mean to me and how much I appreciate everything you do. You're my inspiration in every word I write. Thank you for being my strength and my constant source of joy. I love you so much!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro