Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IX

"Señorita! Ika'y nasaan na naman?!"

Mahina akong tumawa habang nagtatago sa loob ng aking aparador. Salamat na lamang at wala itong masyadong laman kaya't ako'y kasya. Sa tuwing hinahanap ako ni Sonya, tila lalo akong naaaliw.

"Ang señorita, kung kailan tumanda na ay lalo pang nagiging pasaway," narinig kong sabi ni Sonya, at hindi ko mapigilang mapasimangot. Porket hindi niya ako makita ay kung ano-ano na ang pinagsasabi!

"Nay Sonya, ako na po ang maghahanap sa binibini."

Agad akong napatigil sa pagtawa nang marinig ang pamilyar na tinig ni Jerome. Nagsilbing liwanag ang kaniyang boses, at napangiti ako nang marinig ang sagot ni Sonya, "Mabuti pa, hijo. Sayong-sayo nagpapakita ang batang iyon."

Habang papalayo ang yapak ni Sonya, dahan-dahan akong lumabas mula sa aking taguan. Ngunit hindi ko inaasahan ang pagbungad ni Jerome sa akin. Magkadikit ang kaniyang dalawang makapagal na kilay na tila handa akong sermonan.

"Ang aking ginoo," bati ko sa kaniya habang nilalapitan siya. Itinaas ko ang aking mga daliri at marahang hinawi ang kaniyang magkadikit na kilay. "Huwag kang masyadong magseryoso, Jerome."

"Hindi na ata 'masungit na binibini' ang itatawag ko sayo," sagot niya habang nakakunot pa rin ang noo. "Tila mas bagay na 'pasaway na binibini'."

Nakanguso ko siyang tiningnan, pero kita ko ang dahan-dahang pag-usbong ng ngiti sa kaniyang mga labi.

"Ika'y pawis na pawis, binibini. Bakit sa aparador mo pa kasing ninais magtago?" tanong niya habang inilabas ang isang tela mula sa kaniyang bulsa. Marahan niyang dinampi iyon sa aking noo upang punasan ang pawis ko.

"Ayaw kasi akong tantanan ni Sonya, mahal," pagsusumbong ko sa kaniya, na parang bata. Lagi na lang akong bantay-sarado dahil madalas akong nawawala sa kaniyang paningin. Kaya't naisipan kong siya'y pagtaguan, upang hindi siya makahalata na lagi akong kasama ni Jerome, nang sa gayon din ay isipin ni Sonya na siya'y akin lamang pinaglalaruan.

"Hmm... mahal?" mahina niyang bulong habang iniisip ang salitang iyon. Tumango ako sa kaniya at ngumiti.

"Aking nabasa na iyon ang tawagan ng magkasintahan. At isa pa'y gusto kitang tawaging mahal," paliwanag ko.

Napangiti ako nang maramdaman ko ang marahang pagyakap ni Jerome. Pinalibutan niya ako ng kaniyang mga braso at dumampi ang kaniyang labi sa aking noo.

"Aking mahal, aking iniibig, aking sinisinta, aking palangga, aking iniirog," mahinang sabi niya, ang bawat salita'y tila musika sa aking pandinig. Wala akong ibang nagawa kundi ang yumakap sa kaniya ng mahigpit at itago ang nag-iinit kong pisngi sa kaniyang dibdib.

"Mahal kita, aking Ashley Camillia," bulong niya, ang boses niya'y tila humaplos sa aking puso. Ilang buwan na kaming magkasintahan, ngunit bawat sandali'y parang bago pa rin sa akin.

"Lubos kitang minamahal, aking mahal," sagot ko, ang tinig ko'y puno ng damdamin.

"Señorita!"

Nanlaki ang aking mata nang marinig ang sigaw na papalapit sa aking silid. Agad kong tinulak si Jerome palayo sa akin, ngunit isang ngisi ang bumungad sa kanyang labi bago pa siya makalayo.

"Señorita! Pinagtaguan mo na naman daw si Sonya." Tumigil ako sa aking kilos nang makita si Dolores na nakatayo sa pintuan. Mabuti na lamang at magkahiwalay na kami ni Jerome nang dumating siya.

"At anong ginagawa ng hardinero na iyan sa iyong silid, Señoria?" Kita ko ang pagtaas ng kanyang kilay nang mapansin si Jerome sa aking tabi. Pero hindi ako nagpahalatang naiirita.

"Pinatawag ko siya upang ipa-alis ang aparador sa aking silid. Bakit? Kaya mo bang buhatin ito?" sagot ko nang may bahagyang ngiti sa aking labi, pero may diin ang bawat salita. Kita ko ang pagbagsak ng balikat ni Dolores habang yumuko, ngunit halatang pigil ang kanyang iritasyon.

"Hindi naman sa ganoon, Señorita," sambit niya, na tila pilit na nagpapakumbaba.

"Buhatin mo na 'yan pababa, Jerome," masungit kong utos, ngunit hindi ko napigilang mapansin ang bahagyang ngisi ni Jerome. Halatang sinasadyang ako'y asarin.

"Ako ba ang pinagdidiskitahan mo, Dolores? O ang trabaho ko bilang Señorita ng bahay na ito?" patuloy ko habang tinitingnan siya nang diretso sa mata. Hindi na siya sumagot at tumalikod na lamang, napilitang umalis nang walang nagawa.

Pagkaalis niya, napatingin ako kay Jerome na abala na sa pagbuhat ng aparador.

"Nakakatuwa ka, mahal," sabi niya habang tumatawa nang mahina.

"Anong nakakatawa? Kung gusto niya ng away, bibigyan ko siya ng laban," sagot ko habang nakataas ang kilay.

Lumapit siya sa akin, binaba ang hawak niyang tela, at marahang pinunasan ang pawis sa aking noo. "Ang tapang mo, pero napaka-ganda mo pa rin kahit galit," wika niya habang nakangiti.

Napaikot ang mata ko, ngunit hindi ko napigilan ang bahagyang ngiti sa aking labi. "Huwag mo akong bolahin, Jerome. Kunin mo na lang iyan at dalhin sa ibaba."

Ngunit bago siya tuluyang lumabas, lumingon siya muli at ngumiti. "Ikaw talaga, binibini. Ang hirap mong suwayin." Tila ba may biro sa kaniyang tono, ngunit nahuli ko rin ang bahagyang lambing sa kaniyang mga mata bago niya isinara ang pinto.

Habang naglalakad ako patungo sa hardin, agad kong natanaw si Jerome. Ngunit ang saya ko’y napalitan ng inis nang mapansin kong hindi siya nag-iisa. Isang binibini na hindi pamilyar ang kasama niya, suot ang magarang saya na tila ipinamumukha kung gaano siya kaganda.

Ang kanyang tawa ay malinaw na naririnig kahit malayo ako. Parang ang saya-saya niya habang kausap si Jerome. Ngunit nang masdan ko ang mahal ko, tanging tango lamang ang sagot niya sa mga sinasabi ng babae.

Tinignan ko ang dalaga mula ulo hanggang paa. Maganda siya, iyon ang hindi ko maitatanggi. Ang kanyang buhok ay maayos na nakaayos, at ang kanyang mga mata ay tila puno ng kinang habang nakatingin klsa aking mahal!

Napansin kong bahagya siyang tumawa, sabay dampi sa braso ni Jerome. Dampian ng braso? Aba! Napaka-kapal naman ng mukha niya!

Hindi ko mapigilang kumuyom ang aking mga kamay. "Ano bang ginagawa niya diyan?" mahina kong bulong sa sarili.

Nang makita ko ang pilit na ngiti ni Jerome, lalo lamang nadagdagan ang inis ko. Ngumiti? Bakit ka ngumiti? Akala ko ba hindi ka palangiti sa ibang tao? Pero kahit pilit ang ngiti niya, dapat sa akin lang iyon!

Hindi ko na napigilan ang kumuyom ang aking mga kamay. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi habang pinapanood sila. Hindi ko alam kung bakit, pero ang mga yapak ko’y biglang bumigat. Hindi na ako makapagpigil.

"Mahal,” mahinang kong tawag, ngunit sapat para mapatingin sila pareho. Nang magtama ang mga mata namin ni Jerome, nakita ko ang kakaibang kislap sa kaniyahg mata ngunit ako'y naiinis parin!

"Aking binibini," bati niya, ngunit ang atensyon ko’y nakatuon sa babaeng kasama niya. Tinaasan ko siya ng kilay, sabay itinagilid ang ulo na tila tinatanong kung anong ginagawa niya rito.

Tiningnan ko ang babae mula ulo hanggang paa. "At sino naman ito, mahal?" tanong ko, pilit pinipigilan ang inis sa tono ko, ngunit madiin kong binigkas ang salitang mahal. Gusto kong ipamukha sa kanya kung sino ang mas nakakaangat. Nakita ko ang gulat sa mata ng babae ngunit siya'y tinaasan ko lamang ng kilay.

Bahagyang namula ang dalaga. "Ah… ako po si Binibining Clara, anak ng may-ari ng kalapit na hacienda," sagot niya, sabay yuko nang bahagya.

"Binibining Clara," sagot ko, pilit kong ginawang matamis ang ngiti ko. "Ano naman ang inyong pakay rito sa aming hacienda?"

"Ah… napadaan lamang po ako at nakita ko si Ginoong Jerome," sagot niya, tila nahihiya ngunit hindi umaatras.

"Napadaan ka na? Pwede ka nang umalis," mariin kong sabi, sabay taas ng kilay. Hindi ko na tinago ang inis ko. Hindi ko kailangan ng tila mga itsurang unggoy sa aming hacienda! Tumalikod na ako at hindi na siya tinignan.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jerome mula sa aking likuran. "Ang aking binibini, nagseselos ka ba?" Nakasimangot ko siyang tiningnan, at hindi na pinansin.

Hindi ako nagsalita habang pabalik na ako sa mansyon. Hindi ko rin siya tinignan. Ang bigat ng pakiramdam ko, pero mas mabigat ang inis ko. Bakit parang hindi siya naapektuhan? Parang wala lang ang lahat habang ako, heto, naglalakad na tila gustong magtago mula sa mundo.

"Mahal," mahinang tawag niya mula sa likod ko. Hindi ko siya nilingon.

"Aking binibini," ulit niya, mas malambing ang tono. "Pansinsin mo na po ako pakiusap. Hindi ko naman po kinakausap ang babaeng iyon." Mahina niyang bulong, nakakainis!

Huminto ako sa paglalakad, pero hindi pa rin ako lumingon. Ramdam ko ang mga yapak niya papalapit, at bago ko pa man mapigilan ang sarili ko, tumigil siya sa tabi ko.

"Mahal," bulong niya, sabay hawak sa aking kamay. Hindi ko siya tiningnan, pero hindi ko rin inalis ang kamay ko.

"Wala akong pakialam," mariin kong sabi, kahit ang totoo, hindi ko alam ngunit tila naiiyak ako. Edi ako'y umamin na! Na ako'y nagseselos!

Ngumiti siya, naramdaman ko iyon kahit hindi ko siya tinitingnan. "Kung wala kang pakialam, bakit tila ang aking binibini ay may butil ng luha sa kaniyang mga mata?"

Napatingin ako sa kanya, ang mga mata niya’y nagbibiro, pero ang ngiti niya’y puno ng lambing. "Jerome, kung nais mo lang akong inisin, mabuti pa ay—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang yumuko, hinawakan ang magkabilang kamay ko, at marahang isiniksik ang ulo niya sa pagitan ng mga ito. Tila bata siyang humingi ng tawad.

"Mahal," bulong niya, ang tinig niya’y banayad. "Hindi ko gustong magalit ka. Alam mo namang ikaw lang ang mahalaga sa akin."

Tahimik akong nakatitig sa kanya, pero naramdaman kong unti-unting lumambot ang inis ko. "Bakit mo siya kinausap?"

"Hindi ko naman siya kinausap ng may iba pang ibig sabihin," sagot niya, marahang itinaas ang ulo niya upang tingnan ako. "Hindi ko siya pinapansin mahal, at nagtatanim lamang ako."

Hindi ko alam kung anong sasabihin. Ramdam ko ang init sa mukha ko habang ang kanyang mga mata’y tila nakikiusap na patawarin ko siya.

"Hayaan mo na iyon," dagdag niya, mas malambing ang tono. "Kung gusto mo, magpapakita ako ng mas malinaw na pruweba. Gusto mo bang paulit-ulit kitang halikan dito, ngayon na po?"

"Jerome!" sigaw ko, napapikit sa sobrang kaba. Pero bago pa ako makagalit nang husto, tumawa siya—iyong tawa na tila kaya niyang tanggalin lahat ng inis ko.

"Isang halik lang, aking bimibini. Para patawarin mo na ako," bulong niya, pero ramdam ko ang kalokohan sa kanyang tono.

"Huwag kang—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil marahan niyang idinampi ang labi niya sa aking noo. Napapikit ako, hindi dahil galit ako, kundi dahil hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Patawarin mo na po ako, mahal," bulong niya, ang kanyang tinig ay puno ng lambing. "Hindi ko hahayaang magalit ka nang matagal sa akin."

Hindi ko mapigilan ang ngiti sa mga labi ko. Pero syempre, hindi ko iyon ipapakita agad sa kanya. "Tumigil ka na, mahal. Nakakahiya."

"Hindi ako titigil hangga’t hindi mo sinasabi na napatawad mo na ako," sagot niya, sabay tingin sa akin na parang bata. "Sige na, mahal. Napatawad mo na ba ako?"

Tumango ako nang bahagya, ngunit bago pa ako makapag-isip nang maayos, hinila niya ako sa isang mahigpit na yakap. "Salamat," bulong niya, sabay halik sa tuktok ng aking ulo. "Mahal kita, aking binibini. Lagi mong tandaan iyon."

Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Pero ang puso ko? Tila ito na ang sumagot para sa akin.





Kinabukasan ay ang sikat ng araw na tumagos sa aking bintana, ay ginising ako mula sa mahimbing kong tulog. May kakaibang katahimikan sa buong bahay, ngunit naramdaman ko rin ang magaan na simoy ng hangin na tila may dalang bagong balita.

Habang nagbibihis, narinig ko ang pagkalembang ng kampana mula sa labas. Agad akong tumakbo patungo sa bintana, at doon ko nasilayan ang isang karwaheng pumarada sa tapat ng hacienda.

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking labi nang makita ko ang pagbukas ng pinto ng karwahe. Bumaba mula roon ang aking ama't ina, dala ang kanilang pagod ngunit masayang presensya.

Mabilis kong inayos ang aking sarili at tinungo ang hagdan, hindi na alintana ang anumang mga gawain na dapat kong tapusin. Sa wakas, muling kumpleto ang aming pamilya.

"Ama!" Tila isang bata akong tumakbo papunta kay ama upang salubungin siya ng yakap. Naramdaman ko na lamang ang mainit na yakap ni ama.

"Hija, ako'y nagagalak na ika'y muling makita." Malambing na wika ni ama at muli niya akong niyakap. Ka'y tagal na wala si ama, siguro'y mag-iisang taon na siyang nawala sa aming mansyon.

"Kamusta ang hacienda ama sa Calumpit?" Pagtatanong ko. Sa aking pagkakaalam, sa hacienda namin sa Calumpit nanirahan ang aking ama at ina. "Maayos, naalagaan at naayos ni Mang Lucio ang ating hacienda kaya't nung kami'y pumunta roon upang doon manirahan, malinis ang hacienda." Napangiti ako sa aking narinig. Naalala ko, bata pa lamang ako, lagi na akong dinadala ni ama sa Calumpit, marahil doon ang kaniyang bayang kinalakihan.

"Ngunit ama, ako'y nagtataka. Bakit tila isang taon kayong nawala?" Aking pagtatanong. Tila hindi ko masyadong naisip na isang taon na pala ang pagkawala ni ama, marahil masyado akong masaya sa presensya ni Jerome sa aking tabi.

"Nagkaroon lamang kami ng kasunduan ng Gobernador-Heneral ng Calumpit." Nang marinig ko ang Gobernador-Heneral ng Calumpit, napaiwas ako ng tingin. Naalala ko na hindi nga pala ako dumalo sa kaarawan ng Gobernador-Heneral, mabuti na lamang at ilang buwan nakauwi si ina, tapos non at nakalimutan na niya ng tuluyan.

"Ang iyong ama ay tatakbong Gobernador-Heneral ng Obando." Pag-singit ni ina sa aming usapan. Napangiti ako nang marinig ang balita na iyon. Tataas na rin ang posisyon ni ama, sigurado akong mas makakatulong siya sa iba. "Kung ganoon ay nagpatulong ka ama sa Gobernador-Heneral ng Calumpit?" Nakangiting tumango si ama. Doon ko napagtanto na baka kaya siya'y nawala ng isang taon dahil kinukuha niya ang loob ng Gobernador-Heneral ng Calumpit upang maging kasundo niya.

Naalala ko na napag-usapan namin ni Jerome ang bagay na iyon. Mas mataas ang posisyon ng Gobernador-Heneral kaysa sa Alkalde Mayor; mas malaki ang kontrol kung mas mataas ang posisyon. Naalala ko na winiwika ni Jerome na ang isang Gobernador-Heneral ay tinalaga ng mga kastila, at hindi maaaring basta-basta lamang tumakbo. Siguro isa ito sa mga dahilan kung bakit kinukuha ni ama ang loob ng Gobernador-Heneral ng Calumpit upang matulungan siya sa nais niyang posisyon.

"Ikaw, hija, anong pinagkakaabalahan mo noong wala kami ng iyong ina?" tanong ni ama, puno ng kuryosidad sa kaniyang tono habang isinandal ang kanyang likod sa upuan. Napaiwas ako ng tingin nang masulyapan ang matalim na tingin ni Ina, tila binabasa ang laman ng aking isipan.

"Kung ano ang ginagawa ko noon, ganoon pa rin ngayon," sagot ko nang may pigil na ngiti. Napansin ko ang pag-silay ng ngiti ni ama, tila nagagalak sa kanyang narinig.

"Kung hindi ako nagkakamali, pagpipinta, pagbuburda, at pagbabasa ng mga libro pa rin, hindi ba?" aniya habang tumango-tango. Ngumiti akong tumango bilang tugon, kahit na ang totoo, bihira ko na lamang magawa ang mga iyon.

Sa halip, madalas akong nasa hardin, kasama si Jerome. Doon, nagbabasa ako ng mga libro, ngunit siya ang nagbibigay paliwanag sa mga mahihirap na bahagi. Minsan pa nga, siya ang nagtuturo sa akin, at kahit papaano, nagiging mas kawili-wili ang mga oras dahil sa kanya.

"Nakarating sa akin na napapadalas ang paglabas mo sa hacienda," singit ni Ina sa kanyang striktong boses, na nagpawala sa ngiti ko. Hindi ko mapigilang mag-simangot, sabay tingin kay Ama na tila nanghihingi ng tulong.

"Ako lamang po ay bumibili ng aking mga kagamitan, Ina. Hindi ba't winiwika ninyo na ako'y bumili ng mga babagay sa akin? Para kung makita ako ng Gobernador-Heneral, ay mapuri niya ako," sagot ko, pilit na binabalanse ang aking tono upang hindi mahalata ang pag-aalala. Sa totoo lang, nagulat ako na nalaman niya ang mga paglabas ko, ngunit nagpapasalamat ako na iyon lamang ang nakarating sa kaniya.

"Ikaw naman pala, Ramona. Hayaan mo na ang ating anak," wika ni ama sa kanyang malambing na tono, sabay tapik sa kamay ni Ina. Napangiti ako sa sinabi niya, tulad ng dati. Si Ama ang palaging kumakampi sa akin laban sa pagiging striktong perpekto ni Ina.

Pagkatapos ng hapunan, niyaya ako ni Ama sa balkonahe. May dala siyang luma ngunit maayos na kahon. Sa unang tingin pa lang, alam ko na kung ano iyon-ang chessboard o tinatawag na ajedrez na madalas naming laruin noong bata pa ako.

"Ikaw, hija, mukhang masyado ka nang abala sa kung anu-anong bagay. Naalala mo pa ba ang hilig mo rito?" tanong ni ama habang binubuksan ang kahon at sinisimulang ayusin ang mga piyesa.

Ngumiti ako, pilit na itinatago ang kaba sa dibdib ko. "Oo naman, ama. Pero hindi na ako sigurado kung kaya pa kitang talunin," sabi ko nang may biro, kahit ang totoo ay tila may bigat sa mga salita niya na hindi ko mawari.

Habang naglalaro kami, tila normal lang ang lahat. Ngunit habang tumatagal, napapansin kong tila may ibang gustong iparating si ama.

"Alam mo ba, hija, ang ajedrez ay parang buhay. Kailangan ng tamang diskarte at tamang panahon para sa bawat galaw," sabi niya habang inaayos ang kabayo niya sa isang posisyon na agad kong napansin.

"Parang gusto mong sabihin na may mga plano ka na hindi ko pa alam, ama," sagot ko, sabay abot sa reyna ko para kontrahin ang galaw niya.

Ngumiti siya, ngunit ang tingin niya ay tila nagtatago ng isang lihim. "Ang mga magulang, anak, ay palaging naghahangad ng pinakamabuti para sa kanilang mga anak. Hindi mo man makita ngayon, pero balang araw, mauunawaan mo rin."

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang mag-isip kung ano ang ibig niyang sabihin.

Habang naglalaro, hindi ko maiwasang magtanong. "Ama, bakit parang ang dami mong sinasabi tungkol sa mga plano at diskarte? Mayroon ka bang hindi sinasabi sa akin?"

Napatingin siya sa akin, at kahit saglit, nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata. Ngunit agad din niyang itinago iyon sa likod ng kanyang tipid na ngiti. "Hija, hindi mo kailangang mag-alala. Ang gusto lang namin ng iyong ina ay ang maayos ang iyong kinabukasan."

"Maayos?" tanong ko, habang inaabangan ang sunod niyang galaw. "Ama, hindi ba't ako ang dapat magdesisyon kung ano ang maayos para sa akin?"

Tumigil siya, hawak ang kabayo, ngunit hindi pa ito inilalagay. Tumingin siya sa akin, at sa unang pagkakataon, nakita ko ang bigat ng kanyang posisyon bilang isang magulang. "Anak, hindi lahat ng laban ay kayang mapanalunan ng reyna. Minsan, kailangan niyang magtiwala sa hari at sa buong hukbo para sa kanyang kapakanan."

Tila naglalaro lamang kami ng chess, ngunit ramdam kong may mas malalim na nais iparating si Ama. Para sa kanya, ang buhay ko ay isang laro ng chess-at tila hindi ako ang gumagawa ng sarili kong mga galaw. Sa kabila ng aming tawanan at malambing niyang mga salita, hindi ko mapigilang mag-isip kung ano ang iniisip nilang mag-asawa para sa akin.

Pagkatapos ng laro, lumabas si Ina at tinawag ako. Ngunit bago ako pumasok, hinawakan ni Ama ang aking kamay. "Hija, alalahanin mo-lahat ng ginagawa namin ay para sa ikabubuti mo."

Ngumiti na lamang ako kay ama."Sana nga, Ama," sagot ko nang mahina.


Dumaan ang mga linggo at tila wala namang nagbago sa aming hacienda. Laging abala si ama at ina, at halos araw-araw ay nararamdaman ko ang kanilang lambing, lalo na kay ama. Ngunit ngayong araw, iba ang pakiramdam ko dahil lahat ay abala para sa aking ika-labing walong kaarawan na gaganapin mamaya.

Sinamantala ko na ang pagkakataon at lumabas patungo sa hardin. Nais ko sanang magsigaw, ngunit bigla ko siyang nakita-si Jerome, tumambad sa aking harapan. At bago ko pa man maipaliwanag, naramdaman ko na lang ang mahigpit niyang yakap.

"Mahal ko..." Mahina niyang bulong, at naramdaman ko ang kanyang baba na dumapo sa aking balikat. "Ako'y nanabik sayo, mahal. Ilang linggo na ang lumipas, hindi ko man lang kayang mayakap ka." Ang malambing niyang boses ay nagdulot ng ngiti sa aking mga labi.

"Ang aking mahal, narito na ako. Huwag ka nang malungkot," sagot ko, at lalo kong naramdaman ang kanyang mahigpit na yakap. "Mag-iisang taon na tayo, palangga," napangiti ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko namalayan na halos isang taon na pala kaming magkasintahan. Kapag kasama ko siya, ang mga oras ay tila hindi na mahalaga-ang tanging mahalaga ay ang saya ko sa kanyang piling.

"Sa isang taon na ikaw ay aking kapiling, ako'y lubos na nagpapasalamat sa Maykapal. Binigyan ako ng isang masungit na binibini," biro niya, at napasimangot ako sa kanyang sinabi, pero hindi ko na naiwasang magngiti nang makita ko ang matamis niyang ngiti.

"Alam mo mahal, tumakas ako kay ama. Walang pumapansin sa akin sa loob ng mansyon, lahat sila'y abala," pagsusumbong ko sa kanya, at narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Mamaya ay ang celebrasyon ng iyong kaarawan, binibini. Ikaw ay labing walong taong gulang na." Napasimangot ako at napaisip-hindi ko namalayan na ako pala'y tumatanda na.

"Regalo para sa aking iniirog, maligayang kaarawan." Napatigil ako nang maramdaman ko ang isang bagay na ipinatong sa aking leeg. Nang tumingin ako, nakita ko ang isang kwintas na iniabot niya sa akin.

"Nahihirapan akong maghanap ng tamang salita para iparating kung gaano kita pinahahalagahan," patuloy niya, ang mga mata niyang seryoso. "Ang kwintas na ito ay hindi perpekto. Hindi ko kayang bumili ng magagarang alahas, pero ang bawat bahagi nito ay ginawa ko ng buo kong puso, at sana, kahit na ang simple nitong disenyo, ay magdala sa iyo ng kaunting kaligayahan."

Nanginginig kong tiningnan ang kwintas. Ang aking puso ay parang tumigil sa mabilis na pagtibok nang makita ko ito. Hindi ko inasahan ang isang simple ngunit eleganteng kwintas na yari sa tanso, may medalyon na may sacred heart na inukit ng maingat. Ang mga detalye ng mga bulaklak na nakapalibot dito ay nagbigay sa akin ng matamis na alaala-alaala naming dalawa ni Jerome na nabuo.

Hindi ko napigilang magtaka. "Jerome," nagsimula akong magsalita, ngunit ang mga salitang nais kong sabihin ay nauurong. "Pinag-ipunan mo ito?"

"Oo," sagot niya, ang mga mata niyang puno ng seryosidad. "Dahil gusto kong magbigay ng isang bagay na makakabit sa kasaysayan, hindi lang sa iyo, kundi sa atin-isang simbolo ng pagmamahal na magtatagal."

Tila nanlambot ako sa kanyang mga salitang iyon, at hindi ko na napigilang magngiti. "Salamat, mahal kita," mahina kong bulong sa kanya. "Higpit na mas mahal kita, aking Ashley Camillia."

Dumaan ang hapon at kami'y magkausap lamang, nagdadama sa pamamagitan ng paghawak kamay at pagyayakap. Wala kaming pakialam sa paligid, ang tanging mahalaga ay ang isa't-isa.

"Mahal, tila mukhang simple lang ang iyong celebrasyon?" tanong ni Jerome, marahil ay napansin niya ang simpleng disensyo ng mansyon, na ibang-iba sa mga nakasanayan kong engrandeng handa tuwing kaarawan ko.

"Simpleng handaan lamang ang gaganapin. Ako, si ina, si ama, at isang hindi ko kilalang bisita lang ang magsasalo ngayong kaarawan ko." Ngumiti sa akin si Jerome at hinagkan ang aking noo. Kung sana'y maaari siyang sumama sa hapag kainan at sumama sa celebrasyon ng aking kaarawan.

Kinagabihan, nag-ayos na ako ng aking sarili dahil malapit nang dumating ang mga bisita. Hindi man engrande ang aking kaarawan, tiyak ay pinaghandaang mabuti ang aking kasuotan.

Suot ko ang isang mahahabang damit na pina-perpekto ng aking ina, isang ballet na puting saya na may makulay na mga burda sa paligid ng himpit at sa mga manika ng manggas. Ang mga burdang floral na nakalagay sa katawan ng gown ay tila sumasalamin sa kalikasan, isang pagninilay sa mga handog ng ating bayan. Sa bawat hakbang ko, ang mga manipis na tela ng aking saya ay umaalon sa hangin, at ang tunog ng aking mga sapatos na gawa sa makinilya at silk ay nagbibigay ng tamang tunog ng aking mga paggalaw.

Sa aking leeg ay may nakabitin na kwintas, ito ang binigay ni Jerome kanina. Hindi ko gustong tanggalin sa akin, dahil kahit siya'y hindi imbitaso ngayon ay tila gusto ko paring maramdaman ang kaniyang presensya sa aking tabi.

Ang aking buhok, ay hinayaan ko nalamang na naka bagsak. Nang ako'y matapos na, kaagad na akong bumaba upang salubungin ang bisita. Ang mga hakbang ko'y may kabang hatid, tila may pakiramdam akong may malalim na dahilan ang pagdalaw ng lalaki, pero hindi ko pa alam kung anong uri ng bisita siya.

Napatigil ako nang makita ang bisita, nakaupo siya sa harap ni ama. Tila ang kanyang hitsura ay may hatid na awtoridad, at ang mga mata niyang matalim ay nagmamasid sa paligid, masusing sinusuri ang bawat detalye ng aming tahanan. Kaagad akong naglakad patungo sa kanilang kinaroroonan upang saluhan sila sa lamesa. Pero bago pa man ako makalapit, narinig ko ang malumanay na tinig ni ina mula sa aking likuran.

"Hija, baka naman pwedeng pabilisin mo nang kaunti. Nakakahiya sa bisita natin," wika ni ina, ang tono ng kanyang boses ay puno ng disiplina. Naalala ko na naman ang kanyang mga pag-aalala, kaya't mabilis kong itinuwid ang aking sarili at iniiwasan ang anumang pag-aalinlangan sa aking kilos.

Aking pinagmasdan ang bisita mula sa malayo. Siya ay may taas na umaabot sa anim na talampakan, matikas ang postura, at ang suot na damit ay nagpapakita ng kanyang katayuan-isang puting amerikana na may gintong burdang detalyeng sumasagisag sa katungkulan ng isang mataas na tao. May ngiti siya sa kaniyang mga labi, ngunit sa bawat kurba ng kanyang labi, may kakaibang lamig at tigas na tila nakakatakot. Hindi ko masyadong matukoy kung ang ngiti na iyon ay magaan na pagpapakita ng kabutihan o kaya naman ay isang manipis na tabing sa malupit na intensyon.

Ang kanyang kasuotan ay may mataas na klase, ngunit hindi ko magawang tignan ito nang may pagkagusto. Hindi ito kaakit-akit sa aking mga mata. Ang damit niyang matigas at walang buhay ay nagpapaalala sa akin ng malupit na awtoridad na taglay niya. Ang hitsura niyang walang pagpapakita ng anumang emosyon ay nagpapaalala sa akin na siya ay hindi isang ordinaryong bisita lamang.

"Hija ito ang Gobernardor-heneral ng Calumpit, si Alejandro de la Cruz." Napatingin ako kay ama nang marinig iyon, ngumiti na lamang ako sa Gobernardor-heneral. Nakuha ng atensyon ko ang Gobernardor-heneral nang siya'y tumikhim ng malakas na tila may sasabihin.

"At ako ang iyong mapangasawa."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro