IV
Naalimpungatan ako nang maramdaman sa aking pisnge ang mainit na sinag nang araw sa aking bintana. Napakalaki ng bintana sa aking silid-gawa sa makakapal na salamin at kahoy na inukit pa ng mga bihasang karpintero mula sa kabilang bayan.
Wala akong ganang napatingin sa aking pintuan nang marinig ang katok mula rito, gustuhin ko pa sanang matulog kaso mukhang nandyan na si Sonya.
"Señorita, maganda ang umaga," bungad sa akin ni Sonya, habang marahang nilalapit ang tray ng mainit na tubig at malinis na tuwalya sa tabi ng aking kama. "Panahon na para magising, mahal na señorita." Napa simangot na lamang akong umupo sa kama. Pinagmasdan ko si Sonya na naghahanda ng aking mga kagamitan pang linis.
"Ilang taon ka na ulit dito Sonya?" Kuryosi kong tanong, ngayon kasi ay kitang-kita ko ang balat niya na tila tumatanda na. "Simula nang ika'y pinanganak señorita." Magalang na pag sagot ni Sonya. Naalala ko pa na siya ang lagi kong kasa-kasama dahil wala lagi ang ina at ama, kahit siya'y criada maituturing ko siyang pamilya.
"Kamusta ang iyong kaarawan kahapon? Narinig ko sa iba na ika'y napagalitan señorita." Napasimangot ako nang maalala kung paano ako sigaw-sigawan ni ina kahapon.
"Nagwala lamang sa ina pagkatapos mapahiya sa kaniyang mga kumare." Sagot ko habang inaalala na kaya nagalit si ina ay dahil hindi na ako bumaba sa aking silid. Nakatulog na rin ako at nagising na lamang nang tapos na ang handaan, at nagising na lang din sa hiyaw ni ina.
"Ngunit nandyan naman ang ama, napagtanggol na naman ako sa ina." Ngumiti na lamang si Sonya sa akin, mabuti na lang talaga ay kakampi ko si ama. Kumilos na muli si Sonya, at marahang dinampihan ng tuwalya na basa ang aking mukha upang ako'y hilamusan.
"Ang inyong damit po, Señorita," inilalapit niya ang isang magarang bestida na gawa sa pinong piña at burdadong sinulid na pilak. Ang bawat tahi nito ay patunay ng kayamanan ng aming pamilya. Pagkatapos kong magbihis, ibinalot ni Sonya ang aking buhok sa isang maganda't masalimuot na estilo, at inilagay sa leeg ko ang perlas na kwintas na ipinasa pa mula sa aking abuela. Ang aking kasuotan ay higit pa sa marangya-ito ay simbolo ng pamilyang kinabibilangan ko, isang paalala ng bigat ng pangalang Montemayor.
Bumaba ako sa hagdanan patungo sa malaking comedor. Ang mesa ay puno ng masasarap na pagkain-mainit na ensaymada, sariwang prutas, at tsokolate na niluto mula sa pinong cacao na inangkat mula sa ibang bansa. Naghintay si Sonya sa tabi habang nilalagyan ng mga tagasilbi ang aking plato.
"Magandang umaga po, Señorita," sabay-sabay na bati ng mga tagasilbi. Tumango lamang ako bilang tugon, isang kilos na natutunan ko sa mga nakaraang taon. "Señorita, ang Don at Doña Montermayor ay nasa isang pagpupulong ngayon sa Malolos." Paghahayag nang criada ni ina, hindi ko na lamang siya pinansin at humigop na lamang ng mainit na tsukolate.
"Señorita!" Napasimangot ako nang marinig ang malakas na boses ni Mang Hulyo, ang namamahala sa aming hardin, at aming taniman. "Ka'y aga-aga mong sumigaw Hulyo!" Pag saway sa kaniya ni Sonya. Ngumiti na lamang ako kay Mang Hulyo nang makitang may dala siyang mga bagong hinog na manga.
"Salamat dito mang Hulyo." Pagpapasalamat ko, kaagad na lamang siyang ngumiti sa akin. "Pahanda mo rin ang karwahe kay Ellias, gusto kong mamasyal sa bayan." Nakita ko ang pagda-dalawang isip ni Sonya ngunit kaagad akong tumikhim sa kanya upang wag na akong pigilan. Minsan lamang ito, buong araw wala ang ina at ama sa mansyon.
"Señorita, bawal kang lumabas. At isa pa'y may sakit si Ellias hindi ka maihahatid sa bayan." Bago pa makasagot si mang Hulyo ay sumabat na ang criada ni ina. Singit nag singit hindi naman siya ang kausap! Malungkot ko na lamang tingnan si mang Hulyo.
"Ako na maghahatid sa binibini sa bayan." Napa irap ako nang makita ang dumating, ang estrangherong nag ngangalang Jerome. Isa pala siya sa trabahante namin, hindi ko napapansin. Kagaya kahapon ay naka suot parin siya ng camisa de chino.
"Tamang-tama señorita, itong aking anak na bahala sa iyo." Ngiting-ngiti na pinakila sakin ni Mang Hulyo ang kaniyang anak na si Jerome. Sa kadahilanang gusto ko talagang pumunta sa bayan ay pumayag na lamang akong kasa-kasama ang Jerome na ito.
Habang naglalakad papuntang aming kalesa ay kasabay ko si Mang Hulyo at ako'y kaniyang inaalaayan. "Alam mo señorita, ayang anak ko sobra ang pagiging magalang, tamo't ka'y kisig pa na bata. Sa akin talaga magmamana." Mahina akong napatawa, masasabi kong ayos si mang Hulyo ngunit ang anak niya ay tila nakakairita.
"Labing pitong taon ka na señorita diba?" Dahan-dahang akong tumango kay Mang Hulyo, ipa pares ba niya ako sa kaniyang anak? "Ang anak ko ay dalawang pu. Apat na taon lamang ang deperensya, maari mo siyang gawing nakakatandang kapatid." Nagkatingnan kami ni Jerome sa sinabi ng kaniyang ama, nakita ko ang pag sasalubong ng kilay niya habang ako ay napatango na lamang.
"Ama, hindi ko na kailangn ng nakakabatang kapatid." Pagrereklamo ni Jerome, nakita ko ang sobrang pag dikit ng kilay niya. Hindi na lamang ako umiimik, saktong nakarating kami sa kung saan naka pwesto ang kalesa. Agad na akong sumakay sa alalay ni Jerome, at siya naman ay sumakay sa harapan upang takbuhin ang kabayo.
Wala akong imik habang siya ay nagpapatakbo, pinagmamasdan ko na lamang ang nalapad niyang mga balikat, at ang kaniyang likod. Naalala ko naguusap kami kagabi nang bigla akong dalawin nag antok, at hindi ko na mapigilan iyon. Hindi naman siguro niya ako ginalaw kagabi? Bukod sa isang kalapastangan na ang pagsasama ng isang babae at lalaki sa isang silid, at kalapastangan pa lalo ang aking ginawa ang hayaan ang aking sarili makatulog habang may lalaki sa aking silid.
"Humihingi ulit ako nang tawad kagabi sa pag tambay muna sa iyong silid. Umalis na rin ako kagabi nang makatulog ka, saktong wala ng guardia civil na nagbabantay." Pagpapaliwanag niya, nakahinga naman ako nang maluwag don.
"Hindi ko alam na rito ka pala nag tra-trabaho." Pag iiba ko ng usapan. "Kahapon lang din ako nagsimula binibini." Kaya pala bago lang din sa akin ang kaniyang mukha. Hindi na lamang ako nagsalita, at tumingin sa daan.
Ngunit habang papunta kami sa bayan sakay ng kalesa, napansin kong bigla siyang tumigil sa harap ng isang masikip at makipot na eskinita. Bumaba siya mula sa kalesa at lumingon sa akin.
"Binibini, kailangan nating dumaan dito. Mas mabilis at mas kaunti ang tao," sabi niya habang maingat na inaayos ang kabayo.
"Ano? Dumaan sa makipot na daan na iyon? Napakarumi kaya!" reklamo ko, ngunit alam kong wala akong magagawa. Hindi ko nais na makita ako ng masyadong maraming tao sa bayan, kaya’t napilitan akong bumaba ng kalesa.
Inilahad niya ang kamay niya upang alalayan ako. Tiningnan ko ito sandali, tila nagdadalawang-isip kung tatanggapin ko ba ang alok niya. Ngunit sa huli, iniabot ko rin ang kamay ko sa kanya. Mainit at magaspang ang kanyang palad, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, tila hindi ko nais bitawan ito.
Habang naglalakad kami sa makipot na daan, ramdam ko ang init ng araw na tumatama sa aking balikat. Napansin ko rin ang pagdikit ng damit ko sa balat dahil sa pawis. "Jerome, siguraduhin mong hindi tayo magtatagal dito," sabi ko, pilit na pinipigilan ang pag-ikot ng mga mata ko.
"Malapit na tayo, Binibini," sagot niya, ang boses niya’y kalmado. "Huwag kang mag-alala, nasa tabi mo lang ako."
Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kiliti ang hatid ng sinabi niya. Sa kabila ng aking pagka-inis sa init at alikabok, ang kanyang presensya ay tila nagdudulot ng kakaibang pakiramdam.
Sa gitna ng daan, biglang may dumaang kariton na puno ng gulay, dahilan upang mas lalo pang lumiit ang espasyo. Agad niya akong hinila palapit sa kanya upang hindi ako masagi ng kariton.
"Mag-ingat ka," sabi niya, habang hawak niya ang magkabilang balikat ko. Ang lapit namin ay halos magdikit na ang aming mga mukha. Ramdam ko ang init ng hininga niya, at sa sandaling iyon, tila tumigil ang oras.
"Ako’y maingat," sagot ko, pilit na itinatago ang kabog ng aking dibdib. Ngunit hindi ko maiwasang mapansin kung paano siya tumitig sa akin—isang tingin na tila sinasabing may nakikita siya na ako mismo’y hindi nakikita.
"Lumayo-layo ka nga sa akin." Inis kong pahayag, at saka inikot ang aking mga mata. Ngunit narinig ko na lamang ang mahina niyang pagtawa.
"Masungit na binibini."
Pagkatapos ng ilang saglit, lumuwag din ang daan, ngunit nanatili siyang malapit sa akin, waring tiniyak na wala nang mangyayari pa. "Binibini," sambit niya, habang patuloy kaming naglalakad, "hindi kita iiwan kahit sa masikip na lugar tulad nito."
Tumingin ako sa kanya, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, isang bahagyang ngiti ang sumilay sa labi ko.
"Siguraduhin mo lang," sagot ko, ngunit sa loob-loob ko, naramdaman ko ang kakaibang saya na tila bago pa sa akin.
Maya-maya ay nakarating na kami sa bayan nandon halos lahat ng mga tao upang mamili. Tiyak papagalitan ako kapag may magsasabing nakita nila ako rito. "Binibini, tara may kainan dito na malapit." Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Jerome, maingat ang paghila niya sa akin ngunit hindi ako sanay na may kadikit ang aking palad, lalo na't isang estranghero.
"Tigil! Mamasyal ako kung saan-saan mo ko hinahatak." Suplada kong saad at inalis ag magkadikit naming palad. "Binibini, papakainin muna kita saka ka mamasyal. Nakita kong hindi mo ginalaw ang almusal mo." Mahaba niyang lintanya dahilan para rumesponde ang tyan ko na tila siya ay gutom na.
"Pangalawa binibini, maraming tao sa bayan. May magsasabi sa Alkalde Mayor na nahuli rito ang anak niya, baka ay manginig ka na naman sa takot." Napasimangot ako nang maalala ang kagabi, kung paano niya ko nakitang manginig nang tawagin ako ni ama ng pasigaw. Gusto ko man siyang supladuhan ay hindi na ko umimik at nakasimangot na lamang na sumunod sa kanya.
"Pagkatapos nating kumain babalik tayo sa bayan, ganong oras ay kokonti na lamang ang mga tao." Seryoso ang kaniyang mukha habang sinasabi iyon kaya't tumango na lamang ako.
Pumunta kami sa isang kainan, amoy na amoy ko ang mabangong sabaw roon. Parang kumalam ang tyan ko. "Hijo! Mabuti at bumalik ka rito." Isang matandang babae ang bumati sa amin nang kami ay nakapasok sa kainan.
Habang nag uusap at nag kakamustahan sila ay tahimik akong umalis at umupo sa gilid na pwede naming kainan. Medyo marami ang tao sa kainan, ngunit nakikita ko na ang iba ay nakatingin sakin marahil natataka bakit ako narito, ngunit pagkatapos nila akong tingnan ay hindi na sila muli tumitingin.
"Dalawang bulalo nay." Wika ni Jerome at umupo siya sa aking harapan. "Masarap ang pagkain dito binibini, masasabi kong ligtas." Nakangiti niyang wika, habang hihanda ang serbisyas na gagamitin namin.
"Siguraduhin mo, anong binili mo? Anong bulalo?" Pagtatanong ko, dahil hindi pa kahit kailan man naluluto iyon sa mansyon kaya't hindi ako pamilyar. Saktong dumating ang ang bulalo, at ilapag ito sa aking lamesa. Mukha namang masarap.
"Ang bulalo, binibini, ay isang uri ng sabaw na karaniwang ipinagmamalaki ng mga tao dito sa ating bayan. Ang mga buto ng baka'y niluluto ng matagal upang maglabas ng kanilang natural na lasa. Sa loob ng sabaw, may mga gulay tulad ng mais, pechay, at repolyo na nagbibigay dagdag na sarap. Ang sabaw, mainit at malasa." Tinikman ko ang sinasabi niyang bulalo dahilan para mapangiti ako dahil ito ay masarap! Siguro ay magpapaluto ako nito sa mansyon.
"Bakit Jerome ang pangalan mo? May lahi ka bang amerikano?" Kuryoso kong biglang tanong, mahina siyang tumawa at umiling sa akin. Nakasimangot akong pinagmasdan ang kaniyang itsura, kagabi pa lamang napagkamalan ko na siyang amerikano.
Bukod sa maputi ang kaniyang balat, ang kanyang buhok ay kulay tsokolate, medyo magulo, wari'y bagong gising lamang ngunit ito ay bumagay sa kanya. Ang mga hibla ng buhok na dumidikit sa kanyang noo sa mga gilid ng kanyang mukha ay nagbigay ng lalong kakisigan sa kaua, hindi masyadong maayos ngunit may natural na kagandahan na parang hindi siya nag-aalala kung magulo man ito.
"Ikaw? Bakit Ashley pangalan mo?" Pagbabalik niyang tanong na nagpabalik sakin sa realidad, inirapanko na lamang siya. "Pinangalan sakin ni ina, may naging kaibigan daw siya noon na amerikana na ang pangalan ay Ashley." Kahit madalas laging galit si ina ay na kwento niya sa akin ng bagay na iyon noong musmos pa lamang ako. Rinig ko ang mahina niyang pagtawa dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Ganon din ang aking ama at ina, nagkaroon sila ng sundalong amerikano na kaibigan. Doon din ako pinaglihi ni ina sa sundalo na iyon." Kung ganon ay parehas lang pala kami na galing sa amerikano ang ngalan. "Tadhana siguro ito." Nakangiti kong saad, nabasa ko ang ganto sa libro tawag nila rito ay tahana.
Nakita ko ang pagseryoso nang kaniyang mukha, "tadhana?" Muli niyang ulit sa sinabi ko, tumango na lamang ako sa kanya. "Tadhana ito, hindi ako naniniwala sa na nagkakataon lang ang mga bagay." Malalim at seryoso ang tingin niya sa akin, nakatitig lang siya sa akin dahilan para mapasimangot ako.
"Kung ganon, tayo ay naka tadhana?" Seryoso niyang tanong tila importanteng sagutin ko ang bagay na iyon.
"Nakatadhana maging magkaibigan." Sagot ko at saka ngumiti. Napagtanto ko, ngayon pa lamang ako nakukipag usap ng ganto. Baka naka tadhana kami maging magkaibigan. Nakita ko ang bahagyang pagkasimangot niya, na tila hindi siya kumbinsido sa sagot ko.
"Binibini, bago pa man tayo nagkausap, nasilayan na kita." Napa kunot ang noo ko sa kaniyang biglang pag iiba ng usapan ngunit pinakinggan ko na lamang siya. "Ika'y maganda, at lalo kong nagustuhan noong nag usap tayo tila kahit papaano nakila kita. Isang masungit na binibini." Sinamaan ko siya nang tingin sa kaniyang sinasabi ngunit napaiwas na lang din ako ng tingin.
"Binibini," dagdag niya habang tinitigan ako, "nais kitang makilala nang higit pa."
Hindi ko alam kung bakit parang nag-init ang mukha ko sa sinabi niyang iyon. Napatingin na lang ako sa ibang direksyon, ngunit hindi ko napigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro