Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9

Nagising ako mula sa balikat ni Joaquin at nadatnan na mayroon ng mga bituin sa taas. Nakatulugan ko pala ang sobrang pagod ng mata ko kaiiyak. "Good evening. How's the little boss curls' sleep? " Rinig ko sa boses ng katabi ko kaya napalingon ako.








"I'm starving." Hindi lang pala nakakapagod umiyak, nakakagutom din. Humikab ako bago tumayo para umunat. Ganoon din ang ginawa niya at nauna siyang bumaba ng ilang hakbang. "What do you like for dinner, then?" tanong nito kasabay ang wala sa sarili kong pagpulupot ng mga kamay sa kanyang leeg at ang paghawak niya sa aking baywang upang buhatin ako pababa.







Napatingin ako ng diretso sa kanya ng ilang sandali, gulat dahil sa ginawa ng aking kalutangan. Ganoon din siya. Hindi ko tuloy malaman kung sino talaga sa amin ang mas wala sa sarili. Nahimasmasan ako agad sa ginawa ko nang makatapak na ako sa mga damuhan, handa nang mag-martsa papunta sa kotse niya.








"K-kahit ano." Agad akong umalis sa pagkakahawak niya. Hindi ako ang may-ari pero mas nauna ako sa sasakyan. Bahala na, basta maialis ko ang sarili ko sa kahihiyan na 'yon. Nang makaupo sa shotgun seat ay hinawakan ko ang aking pisngi and it was flaming hot! I can feel that I'm fucking blushing! What the fuck is this, Keira?!







Umayos ako ng upo nang sumunod na rin siya. "Sigurado na ba 'yan? Hindi na ba magbabago ang isip mo? Girls have a lot of choices in their heads," aniya habang inaayos ang seatbelt sa kanya. "Kahit ano nga. Sagot mo naman, eh. Kung anong kaya mo, sugar daddy," I replied, obviously joking around.









Napatigil siya saglit at nilingon ako. He looked at me with disbelief but it didn't last long and it turned it into a smirk. "Okay, then. Whatever my sugar baby wants," and he teased back. Minsan talaga hindi ko maiwasang maisip na nakahanap na ako ng katapat ko sa mga ganitong bagay.








Hindi nagtagal ang byahe namin kakahanap ng makakainan. Nang may madaanan kaming restaurant ay agad kaming tumigil doon. Isang makaluma ngunit elegante ang aming nadatnan nang makapasok na kami sa loob. Naupo kami malapit sa may fountain. The place was also filled with beautiful music — the melody of the violin, saxophone, and piano all together.









Inabutan na kami ng menu ng isang waiter. Filipino and spanish foods made me drool already even by just looking at it. Nang ilipat ko ang pahina ay mga chinese at american foods naman ang mga nakalista. Sa sobrang sarap sa paningin ko ay hindi ko alam kung ano ang gusto kong kainin kaya si Joaquin na lang ang pinapili ko.









"Tambay ka rin dito, 'no? Siguro kung wala ka sa Diner's ay dito ka naman. Iba talaga kapag mayayaman, mamahalin din ang mga tambayan," sabi ko habang nakatingin sa kanya. Kung museum lang talaga ang bahay nila ay magandang itabi 'yon sa restaurant na 'to. At kung milyonaryo lang din ako ay palagi akong mamamasyal dito!








I kinda like vintage things. It's very sentimental at talaga namang aalagaan mo. I'm also invested in history. Hindi man ako magaling doon pero isa 'yon sa mga interes ko. I like learning about things from the past. Kung papipiliin ako ni Mrs. Risma kung kwento ba ng mga Disney princesses o kwento ni Dr. Jose Rizal, mas pipiliin ko ang kwento ni Dr. Jose Rizal.








At higit sa lahat, gusto ko ang ideya ng pagmamahal noon. Mahirap man pero alam mong totoo. Men during that time treat women like gem. But men now treat women according to their body counts and how much a woman can give. Modern love sucks!










I wonder what's Joaquin's point of view about these kind of things? I've never heard him talk about personal stuffs. Just cars and his career, at ang nangyari sa kaibigan niya. Pero ang tungkol sa kanya mismo ay wala akong alam. Samantalang siya'y marami nang nasaksihan sa'kin. Simula noong naaksidente si Kuya Kenzo hanggang sa iniiyakan kong ex ngayon.









"Eh, ikaw? Kung wala ka sa inuman dito sa Maynila, sa Quezon ka naman. Grabe ang bar hopping mo. Iba talaga kapag manginginom, kahit saan pa ang alak, willing dayuhin," aniya pagkatapos niyang ibalik sa waiter ang menu. Narinig ko rin siyang tumawa. Napabalik lang din ako sa wisyo nang marinig ko ang boses niya ulit.








"Sus, gano'n ka rin naman! Pustahan tayo, baka kung saang-saang bar at club ka na rin nakakapasok kasama ang pinsan mo!" pagaakusa ko agad pabalik. "And I bet you like to mingle with other girls lalo pa't artista ka! Who wouldn't say no to you? Sama mo pa ang pinsan mo ulit!"








"Nadamay pa nga si Raven. Dalawang beses pa." Natawa siya.








"Totoo naman! Runs from your blood 'yan!"








"Mas lapitin 'yon kaysa sa'kin kung alam mo lang." Ngumisi pa siya.









"Sus, pa-humble!" Sa akin ang huling rebat dahil biglang dumating ang order namin kaya hindi na siya nakapagsalita pabalik. Inuna kong kainin ang steak samantalang si Joaquin naman ay appetizer at red wine pa lang ang nilalantakan. Ganitong mas nauna siyang uminom ng alak sa'min ay alam mo na agad kung sino ang mas palainom sa'min.








Pagkalabas ng restaurant ay saktong dumighay ako. Agad akong napatakip sa'king bibig at nag-excuse me. Malakas 'yon, halatang busog na busog ako ulit sa libre ni Joaquin. Pangatlong beses niya na rin 'tong treat sa'kin. Napaisip tuloy ako kung kaylan ako makakabawi sa kanya. I want to return the favor. Besides, I owe him a lot since the beginning.








Naglakad-lakad muna kami. Ang streetlights at ang buwan ang nagsisilbing ilaw namin sa daan. Pakiramdam ko ay nasa sinaunang panahon kami habang naglalakad sa makalumang daanan ng Intramuros. Malapit ang restaurant na pinagkaininan namin dito kaya naisipan na rin naming puntahan ang lugar.








"Ang ganda-ganda talaga rito," sambit ko habang lumilinga-linga sa paligid. May mga kalesang dumadaan, may mga masasayang magka-relasyon ang magkahawak ng kamay habang naglalakad. Mayroon ding mga pamilya na nagpi-picnic at nagpi-picture. That made me miss my parents for a while. At kahit nakakainis o minsan ay nakakasakal, namimiss ko rin na magkakasama kami ng mga kuya ko.








"Si Tito at si Lolo mo, ang tagal na pala nilang hindi umuuwi. Hindi mo ba sila namimiss?" Putol ko sa katahimikan namin ni Joaquin. Nagkibit-balikat siya. "I haven't heard anything from them since the night they left. Maybe they're too busy. If they have time, I'm sure they'll call to check up on me," sagot niya habang sinisipa ang mga maliliit na bato na nadadaanan namin.







Tumango-tango na lamang ako at ibinalik ulit ang atensyon sa paligid. Nang makaramdam na ng pagod ay saktong may papalapit na kalesa. Agad kong hinila si Joaquin doon para sumakay. Maliban sa kumain ay ito ang paborito kong gawin sa Intramuros, ang sumakay ng kalesa. Pakiramdam ko ay isa akong reyna noong sinaunang-panahon kapag nakakasakay ako rito, eh.








"Nakaupo rin," mahina kong sambit pero sapat na para marinig ni Joaquin. Somehow, there's something in me that heals whenever I'm here. The atmosphere, the streetlights, the breeze and the music here calms me. "Ilang beses ka na nakapunta rito?" tanong ng kasama ko.







"I can't count. This is my go-to place."


"Go-to?"






Tumango ako. Kung ang kaibigan kong si Michelle ay ang takbuhan niyang lugar kapag malungkot siya ay ang tulay malapit sa dagat na 'di kalayuan sa paaralan namin, Intramuros naman ang akin. "I used to go here when I want to unwind, when things are falling apart. Sometimes, when I'm happy, too. This is the place where you can easily find me."







"This place is too big. Where's the first option to look for you?"








Natawa ako saglit. Oo nga naman, napakalaki nga naman ng lugar na 'to. Nang madaanan namin ang Fort Santiago ay agad kong itinuro iyon sa kanya. "Familiar ka ba r'yan?" tanong ko na agad niyang inilingan.









"Naku, bagsak ka agad sa Filipino at History kung gano'n," biro ko. "'Yan ang Fort Santiago. D'yan ako madalas maglakad-lakad lalo na kapag gabi. Minsan sinasama ko ang mga kaibigan ko tapos kakain kami kahit taho lang, ayos na," masaya kong sambit.






Napangiti rin siya sa kwento ko ngunit napalitan din ng pag-aalala ang kanyang ekspresyon. "You usually go here at night?" tanong niya muli na tinanguan ko. Gabi talaga ako rito madalas. Ayokong masunog ang balat ko sa sobrang tirik ng araw kapag umaga ako pumunta rito, 'no!







"Hindi ka ba natatakot na baka mapahamak ka rito?"







I scoffed. "I am a taekwondo athlete. I can fight."







"But you still need to be careful. Paano kung may baril ang makakaharap mo?"








Hindi ako nakasagot agad dahil inisip ko rin ang sitwasyon. "Kung gano'n man ang mangyayari, takbo kung gusto pang mabuhay. Kapag nabaril naman, paalam." Nagkibit-balikat ako. Ano nga rin naman kasing laban ng sipa at suntok sa isang baril? Ah, depende pa rin iyon sa self-defense na gagawin ko.







Mayamaya'y nadaanan naman namin ang San Agustin Church at dali-dali kong itinuro ulit sa kanya. "Eh, ayan? Pamilyar ka ba r'yan?" tanong ko na inilingan niya ulit. Bahagya siyang ngumiti dahil sa hiya pero sa kabilang banda ay mukhang interesado rin siya at hindi makapaghintay na sabihin kung anong mayroon sa lugar na 'yon.







"Nako ka talaga! Bagsak ka na. Hindi ko pipirmahan ang clearance mo," biro ko ulit. "'Yan ang San Agustin Church, pinakalumang simbahan sa Pilipinas. Hindi ito nasira o na-damage man lang noong World War Two." Hanggang doon lang ang sinabi ko dahil hanggang doon lang ang alam at ang natatandaan ko.






Mayroon pa sana akong gustong sabihin pero hindi naman na related iyon sa history ng simbahan kundi tungkol sa'kin. I know it's impossible but I want to get married inside that church... Sometimes, I imagined myself walking down the aisle with my brothers beside me and the love of my life waiting for me at the end.






I laughed at my own delusions. Oh, Keira... You know it very well that love isn't for you.






Mayamaya lang din ay nakababa na kami ng kalesa. He offered his hand to help me get off but I refused to reach it. In fact, I just jumped to get off the carriage. Baka maulit na naman ang nangyari kanina sa Dash Racing Circuit. Ako na rin ang nagbayad dahil ako ang humila kay Joaquin dito.






30 minutes kaming inilibot ng kalesa. Kahit saglit lang ay nasulit naman naming dalawa lalo pa't gabi ngayon at mas maganda tignan ang paligid.
Nakakatuwa rin dahil kaunti lang ang tao at hindi kami dinumog. Mas nakakagalaw kami ng maayos. Pero hindi pa rin maiiwasan na kapag may tagahanga siyang nakakasalubong ay nagpapa-picture ito sa kanya. Ako pa nga ang nagiging photographer minsan.






Bumalik na kami sa sasakyan niya na may baong pagkain ulit. Nginata namin iyon habang nasa loob kami dahil kung naglalakad pa rin kami hanggang ngayon ay mapapagastos kami nang mapapagastos. "Thank you for today," sabi ko baka sumubo ng chips.






"You're a good tour guide. Thanks for showing me the place," he complimented.





"Oh, may idea ka na kung paano mag-tour? Gano'n dapat, kwentuhan mo. Kapag may bagong bisita sa bahay niyo, alam mo na ang gagawin. Hindi 'yong ituturo mo lang." I recalled the second time I stepped at their house. Kung may grades lang ang ginawa namin, tiyak na mas mataas ang akin!







Marami pa kaming napag-usapan pero mas madalas ako ang nagsasalita. But glad that he started sharing about himself. Para kaming nagsasagot ng slambook ngayon. From asking each other's favorite color until we reach the real deep conversation.







And everytime he thinks that the topic is a little sensitive, he's always giving me assurance that it's safe and comfortable. Kapag ayaw ko naman ikwento ay hindi niya 'ko pinipilit. Gano'n din ako sa kanya.








"Hey, uhm, can I ask? Hope it won't get a bad impression or idea but did he already touched you kaya niya nasabing..." Hindi niya matuloy ang gusto niyang sabihin pero alam ko naman ang tinutukoy niya. "It's okay if you're not comfortable to—"







"Hindi niya 'ko nagalaw, gago. Kaya nga kami naghiwalay dahil doon. Hinanap niya sa iba ang hindi ko pa kayang ibigay sa kanya. This happened to me before. Well, I guess, history do repeats itself... Inakusahan ka pa niyang taga-salo ng tira-tira. Pasensya na nga pala ro'n."








"You just made the right choice, then. Remember, you're more than just that. I can't believe you keep lowering your standards," asar niya sa'kin kaya binatukan ko pero tinawanan niya lamang ang ginawa ko na parang wala lang sa kanya. "Alam ba ng mga kuya mo 'to?"







"Hindi. Kahit paano may konsensya ako at may natitira pa akong awa sa mga ex ko. Kapag nalaman 'yon ng mga kuya ko, panigurado, pinaglalamayan na 'yong mga 'yon ngayon."






"I see." He shrugged. "Kahit naman siguro kung ako ang magiging kuya mo, baka gano'n din ang gawin ko."







Masyado nang napahaba ang usapan naming dalawa. There's a part of me that felt a little relieved. Hangga't kaya ko ring kimkimin ang lahat ay ginagawa ko pero nang makausap ko si Joaquin tungkol sa mga bagay na hindi ako pinapatulog, tila ba'y gumaan ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro