6
Malalim ang buntong-hininga ko nang makahiga na rin ako. Malinis na rin ang katawan ko at handa ng magpahinga pero ang isip ko ay hindi pa rin. Kumuha ako ng unan na mayayakap at nakatingin lang sa kisame, pinagmamasdan ang malaking chandelier habang malalim ang iniisip.
Bigla akong nagdalawang-isip sa trabaho na pinasok ko ngayon. Kung kilala na ako ng karamihan at mas lalo na ng mga humahanga kay Joaquin, panigurado ay hindi matatahimik ang buhay ko. I can't imagine being followed by everyone again. Being hate by almost every people in the world just because of someone.
Akala ko kaya ng kamalditahan ko ang lahat ng 'yon pero may limitasyon din pala ang pagiging gano'n ko. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako mabilis magpatalo pero dahil sa boses ng mga ibang tao ay tumiklop ako. Ngayon na naibangon ko na ang sarili ko mula sa ganoong mga pangyayari ay ayoko na maulit.
Media treated me so badly even though they really didn't know who I am. And the one I was expecting to protect me from those accusations, rumors, and hate didn't even defend me. In fact, he'd been sleeping with different women during my lowest. Ang tanging prumutekta sa'kin ay ang mga kuya ko... Maliban sa mga kaibigan ay sila na lang din ang mayroon ako.
I can't blame them for hating Jayson and I can't blame them for trusting Joaquin to look out for me. It's just... He's still a part of that spotlight I hate, being a damn famous celebrity who only cares about himself. So, I doubt Joaquin we'll be a different one. Mga karerista, sa una lang sila magaling.
☕
"Ma'am Keira!" Nakita kong kumaway sa'kin si Agatha habang naglalakad ako sa grounds papuntang training ng taekwondo. Hindi pa siya nakuntento sa kaway lang at nilapitan pa niya ako kaya ako tumigil saglit. "Dito ka rin pala nag-aaral, Ma'am! Anong course mo?"
"Business Management, ikaw?"
"Business Administration po. Ang galing! Siguro, meant to be friends tayo, Ma'am. Halos magkalapit lang tayo ng course tapos magkasama pa tayo sa work!" She smiled widely and sweetly at me.
I don't think I can agree with her. Masyado siyang mabait para sa'kin. May mga nakakaaway ako at ayaw ko siyang madamay kung sakali. Pero kahit na ganoon, napangiti ako sa naisip niyang iyon.
She ended up walking with me to the gym. Mahinhin siya kumilos pero ubod naman ng daldal. Her hair is in long black ponytail, color hazel eyes, kayumanggi ang kulay ng balat at matangkad sa akin ng kaunti.
She has this angelic baby face that I'm sure na kahit sino ay mapapalingon kapag dadaan siya. At gano'n na nga ang nangyayari ngayon. I wonder if she's comfortable with this? Kasi ako, hindi, if I were in her shoe, though.
"Ilang taon ka na pala?" tanong ko dahil nahihiya ako sa katahimikan ko ngayon. Kanina pa siya nagsasalita. It's not that I'm uncomfortable around her kaya ako tahimik, sadyang wala lang akong mai-share sa kanya na kahit ano tungkol sa buhay ko. Besides, I don't think it's necessary to tell my experiences. Lahat iyon ay hindi maganda.
"17 pa lang po ako, Ma'am. Mas matanda ka po sa'kin."
"At pinoint out mo pa talaga 'yon." Tumawa ako. Hindi naman ako na-offend dahil expected kong mas bata siya sa'kin. "Oo nga pala, 'wag mo na akong tawaging 'ma'am'. Wala naman tayo sa trabaho." I want her to be comfortable with me as much as I do with her.
"Talaga po ba?"
"At 'wag ka na rin mag 'po'. It's too formal. Nasa labas lang din naman tayo. Masyado mo nang pinaparamdam sa'king tumatanda na talaga ako."
"Ay, sorry po. Hindi po kasi ako sanay, hehe. So, ano po pala ang gusto mong itawag ko sa'yo kung ganoon?"
"Keira na lang."
Tumango-tango ito. "Okay, Keira na lang..."
Tumigil kami sa tapat ng gym saka ako nagpaalam sa kanya. May susunod na klase rin siya kaya tumakbo na ito palayo. Sinundan ko siya ng tingin at nagtaka ako nang tumigil siya para lingunin ako ulit.
"See you at work, Keira!" Kumaway ito sa'kin. Ngumiti ako at tipid na kumaway din sa kanya saka tuluyan nang pumasok ng gym. See you at work, Agatha Ramirez.
☕
"Keira, you'll be joining the tournament next month." Lapit sa'kin ng coach namin. Halos pumalakpak ang tenga ko sa narinig ko. Muli akong napili! "Oo nga pala, Kei, balak ka naming isali sa palarong pambasa sa susunod na taon, kung ayos lang sa'yo?" dagdag pa ni coach na mas lalong ikinatuwa ng buong kaluluwa ko.
Simula high school ay pangarap kong makasali sa palarong pambansa kaya hindi na ako nagdalawang-isip pang pumayag. "Paano kapag loaded ka sa mga schoolworks mo? Ayaw ka rin naming maabala. We know you, Keira. You'll do anything for your studies. Nabalita na rin sa akin na nagta-trabaho ka ngayon. You are indeed a very hardworking lady."
"I'll do anything for my sport also, Coach. Babalitaan po kita kapag maluwag ang schedule ko." Mayamaya'y pinakita niya sa'kin ang kalendaryo sa phone niya at itinuro sa'kin kung kaylan ang date para sa palarong pambansa. It will be around May, summer. Wala na kaming klase kaya sigurado akong makakasali ako.
Kaylangan kong makakuha ng gold medal ulit. Ayoko at hindi ako sanay na mabigo si Coach Alec. Kapag nakakuha rin ako ng gold medal ulit sa palarong pambasa ay sa nationals na ang sunod. Isa iyon sa mga pangarap ko bilang atleta. I'll do everything to achieve that and I won't let anyone take that opportunity from me.
☕
Bago ako lumabas ng university ay doon na ako nagpalit ng susuotin kong damit para sa trabaho. Pinasundo rin ako ni Joaquin sa isa sa mga driver nila gamit ang ibang sasakyan. Just to make sure I'm safe from the crowd. Pagkarating ko sa shop ay saktong kaaalis lang ng sasakyan ni Joaquin. I even saw him went out from the staff door at the back.
Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya rito pero sa nararamdaman ko ay mukhang may ibinilin siya sa mga kasamahan ko. Pansin ko ring mas naging mahigpit ang mga security. Nakabantay sila sa paligid ng shop at nang may mapansin silang may kukuha sa'kin ng litrato mula sa labas ay agad nila itong hinarangan.
Kinabahan ako ng kaunti dahil akala ko ay sasaktan nila 'yong babae pero salamat naman at wala silang ginawang masama sa kanya. The guards just shoo that girl away.
Naka-pwesto na ako sa counter. Yes, I'm the manager and cashier at the same time in this place. May magpapa-picture pa sana sa'kin na babae ulit matapos nitong magbayad pero agad iyon sinaway ng isang saleslady.
"Ma'am, this isn't a museum and our cashier isn't a painting na kukuhaan niyo na lang basta-basta ng litrato. Bawal ho iyan dito ayon sa boss namin. Sana po maintindihan niyo. Maraming salamat po." Rinig ko sa boses ni Agatha na ngayon ay katabi na ng saleslady na nagsaway. Umirap pa iyon kay Agatha bago tuluyang umalis.
Nagpatuloy na ulit sa trabaho ang isang saleslady habang naiwan si Agatha rito sa tabi ko. "Ayos ka lang ba? Hindi ka ba niya binastos o ano?" nag-aalalang tanong niya agad.
"Ayos lang ako. Kung hindi ko pa nga narinig ang boses mo ay hindi ko pa malalaman na kinukuhaan na pala ako ng picture. Baka binabash na ako sa social media nang wala akong kaalam-alam dahil nagta-trabaho ako ng matiwasay." Napailing-iling na lang ako habang inaayos ang paper bags na nagulo ng kaunti.
"Pumunta pala rito si Sir Joaquin kanina, hinahanap ka."
At saka ako napatigil sa ginagawa ko at nilingon siya ulit, kunot na ang noo lalo pa't nakita kong halos mapunit na ang labi niya sa sobrang lapad ng ngiti, halatang kinikilig. "Bakit?"
"Hm, hindi ko alam, eh. Pero nakita ko kanina sa mukha niya na para siyang nag-aalala dahil wala ka pa rito. Nakita ko ring may iniwan siya sa staff room, malapit sa lalagyanan ng mga gamit mo." Impit pa siyang napasigaw na agad kong sinaway dahil nasa trabaho pa kami. Hindi ko na siya natanong kung ano iyon dahil lumapit na siya sa isang customer para i-assist.
It bothered me for four hours 'til we finally had a little break. Dumiretso ako agad sa staff room para makita na kung ano 'yon dahil hindi na ako mapakali pero halos wala naman akong nadatnan na kahit ano doon. Maybe it was one of his tricks at kasabwat niya si Agatha or my brothers were behind this.
Bakit ganito ang iniisip ko? Well, they did asked Joaquin a favor to look out for me. Malay ko rin kung ano pa ang inuutos nila sa kanya. Malay ko rin kung magkano ang natatanggap ni Joaquin sa kanila para sundin sila. I swear to all saints, gaganti talaga ako kapag pinagti-tripan nila ako. Napailing-iling na lang ako at umirap saka ko binuksan ang locker ko roon.
Agad kong napansin ang isang maliit na bouquet na nakasandal sa mga dala kong libro kahapon at nakalimutan kong iuwi dahil sa sobrang pagmamadali makaalis sa maraming tao. It was a lily of the valley flowers. A little smile suddenly plastered on my face when I got to hold it.
Paborito namin ito ni Mommy at madalas din akong bigyan ng ganito ni Daddy noon kapag natatalo ako sa tournament. Pero mas madalas akong makatanggap ng ganito kay Lexi lalo na kapag nagagalit ako. She knows that these flowers calms me.
Walang kahit anong nakalagay doon bukod sa maliit na note na may letra ng pangalan niya at may maliit na smiling face. Baka ito ang tinutukoy ni Agatha kanina. Ang tipid kong ngiti ay napawi na rin. I don't want to put meaning on this. He might be saying sorry just for show.
Boys are boys. They'll give you flowers to show fake sincerity and you're stupid enough to believe it. Then the next days, they'll ruin you like how some insects ruin your garden. The flowers were cute but I'm still not buying it kaya binalik ko ulit iyon sa locker. Wala akong balak dalhin 'yon pauwi. Baka isipin niya'y madali lang akong mauto. Pwes, hindi na ngayon.
☕
"Dinner, Keira!" Masayang salubong sa akin ng Dad niya nang makapunta na rin ako sa hapag pagkatapos magbihis. Everyone was already settled in their seats but one chair is empty. "Si Joaquin po?" tanong ko. Kahit ayaw ko sa kanya, nahihiya pa rin akong kumain na hindi siya kasama. This is where his presence matters to me. Wala kong kasama na kalapit edad ko.
"He's at the pool area again, hija. He needs some time for himself right now," sagot sa akin ng Lolo niya kaya tumango na lang ako. Kahit nahihirapan akong lumunok dahil sa hiya ay successful ko pa ring natapos ang pagkain ko.
I went straight to my room after dinner. Manonood sana ako ng Netflix nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa si Joaquin. Napatayo ako agad at nagtakip ng unan dahil naka-sandong pula at dolphin shorts lang ako! I wasn't even wearing a bra! Pero makapal naman ang sando kaya ayos lang. Putangina, ano bang ginagawa kasi nito rito?
Hindi ko alam kung nakita niya bang nandito ako pero dire-diretso lamang siyang humilata sa kama ko. Napataas ako ng kilay nang yakapin niya pa ang paborito kong unan. "Thanks for the space." He was so comfortable in his position.
"The hell are you doing here?" Nanatili ang unan ko sa katawan nang mapansin kong lalalim na ang tulog niya dahil hindi niya 'ko sinagot ay saka ko iyon inalis sa katawan ko at inihampas sa kanya. "I'm trying to sleep, Keira. The heck is your problem?" antok na antok niyang sambit pero hindi pa rin ako nililingon.
"Umalis ka sa paningin ko."
"Bahay ko 'to."
"Hindi naman kita pinapaalis sa bahay mo. Sabi ko sa paningin ko, lumayas ka. At saka maling higaan 'yang tutulugan mo."
"I own everything here, Keira. I can sleep wherever I want."
"You have your own room! This is mine, you dimwit!" Kinuha ko ang unan na yakap niya dahilan para malingon na niya ako. "Oh, yeah, right. I don't know where my room keys are. I forgot where I put it." Saka siya kumuha ng panibagong unan.
"What?" singhal ko. Kinuha ko ulit ang yakap niyang unan. "Doon ka sa tabi ng Daddy mo matulog, 'wag dito!"
"His room was locked. So as my grandfather's. They were out for a business trip. Their flight is tonight and this is the only room available."
"Sa sala?"
"Walang aircon do'n." Nakapikit pa rin siya at komportable pa rin sa pwesto. Wala na siyang kahit anong yakap. He's even half naked in front of me! Tanging ang maong pants lang ang suot. Namumula rin ang bandang leeg niya at pisngi. He's damn drunk and I'm not allowing any guy sleep with me especially in that condition!
Lumapit ako sa kanya at mahinang inilagay sa mukha niya ang unan na hawak ko. Nang hindi pa rin siya bumangon ay hinampas-hampas ko na sa kanya. "Umalis ka na rito, matutulog na 'ko!" Wala lang sa kanya ang ginagawa ko. Ako na lang din ang napagod.
Tatayo na lang sana ako para hilahin siya pababa ng kama nang bigla niyang hapitin ang bewang ko dahilan nang pagkabagsak ko sa harap niya. Nakapulupot na ang mga braso niya sa bewang at likod ko habang nakadantay naman ang isang binti sa mga binti ko.
"Move or I'll kiss you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro