Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

4

Sumakto ang pagdighay ko sa paglabas namin sa Diner's. Nilibre niya ako buong maghapon. Pakiramdam ko ay abot hanggang kinabukasan ang kabusugan ko ngayon. Siya na rin ang naghatid sa'kin pauwi. Padabog akong humakbang sa hagdan papuntang gate namin at napatigil lamang nang magsalita siya.


"See you never?"

Natuwa ako nang marinig iyon saka siya hinarap. Kumaway na rin ako. "Yes, see you never pero salamat sa libre." Tumalikod na ako sa kanya.


"Never again," aniya para malingon ko ulit, kunot na rin ang noo. I saw him laughed a little, halatang inaasar ako. "Takaw mo. Good night."


"Sweet nightmares." I raised my middle finger at him and rolled my eyes before continuing inside. Halos manglambot na naman ako nang makitang walang kahit ano sa lamesa. I know how to cook. Marunong din akong mamalengke pero 'di sapat ang naiwang pera sa'kin para ro'n.


Ni kahit isang stock ng kahit anong pagkain ay wala rin. Naubos nga pala iyon no'ng huling pagkikita naming magkakaibigan at sa sobrang focus sa sarili ay nalimutan kong mamili ulit. Kasalanan ko ulit, hay...

"Pinaggagagawa mo ba kasi, Keira..." Napasapo na lang ako sa noo at naupo sa harap ng mesa, nagpapasalamat dahil kahit paano ay busog ako ngayon. Sigurado rin akong 'di ako dadalhan ni Kuya Kean ng kahit anong pasalubong pag-uwi nila mamaya.



"Sumbong kita kay Mommy, eh," sambit ko sa hangin habang tinitignan ang maliit na picture frame sa harap ko. It was a picture of our parents. Bagong kasal sila ro'n. Inabot ko iyon at pinagmasdang mabuti. Malapad ang ngiti ni Mommy ro'n habang si Daddy ay masaya ring nakatingin sa kanyang asawa.

The way how my Dad looked at my Mom... Para siyang nanalo ng isang premyo na 'di mapapantayan ng kahit sino o ng kahit ano. May pumatak na kaunting luha sa pisngi ko nang maalala ko na naman ang nangyari sa'kin. Ang ganitong bagay... Sigurado na ako na kahit kailan ay hindi ko mararanasan...


"Training tomorrow morning. Don't forget," sabi ng taekwondo instructor namin bago kami tuluyang i-dismissed. Pagkatapos ko sa training ay agad na dumiretso ako sa eskwelahan nila Gian. Saktong wala na rin silang class. "Aw, walang pera ang future CEO namin. Kawawa naman 'yan." Tawa niya.



"Kaya nga samahan mo na 'ko mag-apply nang magka-pera na tayo ulit, eh!" Binatukan ko siya. Niligpit lang niya ang mga gamit niya saka kami nagsimulang maglakad papuntang sakayan. Tanghaling tapat na nang magsimula kaming bumyahe. Maingay si Gianna at halos hindi nauubusan ng energy samantalang ako'y parang malulusaw na sa sobrang init.



Sa sobrang ligalig niya rin ay natatamaan na lang ako ng mahabang bag niyang itim. Hindi ko alam kung ano ang tawag do'n basta gamit pang architecture 'yon. "Malapit na ba tayo?" tanong ko na sa kanya. Siya kasi ang nakakaalam.

"Isang liko na lang." Turo niya. Nang sundan ko ang daliri niya para makita iyon ay lalo akong nanghina. Ang layo pa ng lilikuan namin! "Siguraduhin mong isang liko na lang talaga 'yan kung hindi, babaliko na sa'kin 'yang mga buto mo! Kanina pa tayo naglalakad, what the fuck ka!"

Malakas lamang siyang tumawa habang pinagmamasdan akong parang basang sisiw na sa sobrang pawis at init. Nagpahila na lang ako sa kanya dahil parang kaunti na lang ay matatanggal na ang paa ko sa kalalakad. Nang marating namin ang pinakadulo ay saka kami naupo sa ilalim ng mga puno para magpahinga saglit.


"Tubig?" Hingi ko sa kanya pero umiling lang siya. "Wala kang kwenta." Mahina ko na lang siyang tinulak. Nag-retouch na lang ako at nang maging okay na ay saka kami nagpatuloy. Mayamaya'y narating na namin ang aming destinasyon. Nakatayo na kami ngayon sa isang malaking mansyon. May lumapit na ring guard sa amin.

"Ano pong kaylangan nila?"


Imbis na magsalita ay inabot ko na lang ang isang brochure na binigay sa'kin ni Gian. Nang mapagtanto na nandito ako para mag-apply ay pinapasok na niya kami. The place looks like a damn vintage museum when we finally entered. Most of the things are antiques.


Mayroong kasambahay na lumapit sa amin at binigyan kami ng meryenda ni Gian habang naghihintay sa sofa. Dito lang din siya nanahimik sa takot na lang din niyang makabasag siya. Mayamaya'y may matanda nang bumaba mula sa grand staircase at lumapit sa amin. Agad kaming tumayo ni Gian para bumati.


Napako ang tingin niya sa'kin at mukhang kinikilala ako. "Some features of you are familiar, are you Delilah and Kael's youngest child?" Nanlaki agad ang mga mata ko dahil kilala niya ang mga magulang ko. Nawawalang kamag-anak ko ba 'to?



Tumango ako bilang sagot. Ipinakilala ko na rin ang aking sarili. Nagkaroon pa kami ng kaunting pag-uusap hanggang sa mabanggit ko na ring nandito ako para mag-apply. Muntik ko nang maisanaysay ang talambuhay ko sa kanya. Naiwan si Gian sa sofa kasama ang meryenda habang ako ay sumunod na sa matandang lalaki.


Pumasok kami sa isang opisina at doon nagsimula ang interview ko. The man in front of me look a bit familiar, too. Mukhang mga nasa 50s na rin ang edad niya. Naging maayos ang proseso ko. Pagkatapos nang interview ay muli akong bumalik kay Gian na nakaidlip saglit sa sofa. Ubos na rin ang meryenda namin.



I was told to wait here pero 'di rin iyon nagtagal nang tawagin ako ulit. Agad ko iyong nilingon at laking gulat ko nang makita ko ang kasama no'ng nag-interview sa'kin kanina. "Keira, this is my son, Joaquin, and he'll be escorting you to your workplace. May biglaang meeting kasi ako kaya hindi kita maaasikaso ngayon. I'm so sorry, my dear. But I'm glad to tell you that you got the job. O, s'ya, mauuna na muna ako, ha? I'll be back for dinner."


"See you," sabi ni Joaquin nang tuluyan na ring makaalis ang daddy niya. I can't believe this! The old man lately was his grandfather, that was his dad, and his family and my parents were business partners before. They even knew my brothers. Iyon ang sabi sa'kin ng matanda kanina. Paano na 'to?

I'm sure they'll tell them about this. Ayoko pa namang ipaalam sa mga kapatid ko na may trabaho na ako. I want to surprise them. Gusto ko sana na magugulat na lang sila na hindi na ako umaasa sa mga bigay nila. I want to prove them wrong especially the eldest. I want to prove him that I can really stand on my own feet and I can be responsible. That I can clean up my own mess by my own hands. That I can provide myself things by my own money.


Pero paano na ngayon 'yon kung pati ang pagtatrabahuhan ko ay may koneksyon sa kanila? Nakakainis! Halos gusto kong sigawan si Joaquin sa mukha nang mailipat na rin niya ang atensyon niya sa'kin. "Been three weeks since, Keira." Ngumiti ito ng nakakaasar sa'kin. "Looks like the bossy little curls will be working for me now, huh?"


"Correction, I'll be working for your dad and your grandfather. Sila ang magbibigay ng sweldo sa'kin, hindi ikaw."

"Correction, that's our family's business you applied for. I'm one of those men you mentioned who built that place you'll be working at very soon."

Nagpatuloy ang bangayan namin kahit nang simulan na niya akong yayain papunta sa pagtatrabahuhan ko. Naiwang tulog pa rin si Gianna ro'n at babalikan ko na lang pagkatapos ko.

Kalahating nagpapasalamat, kalahating nagliliyab sa inis din ako sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon pero hindi niya man lang ako sinabihan na mga De Vera pala ang magiging amo ko!


"Welcome to Womenscape," ani Joaquin nang makarating na kami sa lugar na tinutukoy niya. Nang makababa ako ng kotse ay isang malaking cute na shop ang bumungad sa'kin.


The colors were pink and white. May mga bulaklak din na nakapaligid sa buong shop. It looks like a little café outside pero nang silipin ko ang loob mula sa glass door ay punong-puno ito ng mga gamit na pangbabae. Who thought that three men were behind this kind of business?

"Parang ang layo naman yata ng itsura ng lugar na 'to sa personality mo." Bumalik ako sa kanya ulit. "Favorite color mo rin ba ang pink?"

"No, dummy. My dad's the one who chose the color for this. Besides, this isn't just a shop for women, there are also some for men inside."

Tumango-tango ako. Sadyang madilim lang talaga sa loob kaya kaunti lang ang nakita ko. "Anong history nito?"

"Is that even necessary?"

"Duh, I'll be working here. Mas maganda kung alam ko rin kung anong mayroon sa lugar na 'to."


"I'll tell you some other time. Let's just proceed to your real purpose here." Tuloy-tuloy siya sa mga sinasabi niya at hindi niya talaga ako hinayaang makadaldal pa. "You're the one who will handle this place starting next week."


Litong-lito akong nilingon siya. "Ako ang magha-handle? Saleslady ang pinasok ko rito, hindi ang pagiging may-ari."


"You clearly didn't read properly what was written in that brochure, huh? We were looking for someone who can handle this place while the manager was still out. Marami nang nag-apply bilang saleslady dito and we've been offering them that position pero ayaw nila dahil hindi raw nila kaya."


"Hindi ba magiging unfair 'yon? Kakapasok ko pa lang tapos biglang ang taas agad ng posisyon ko? Baka isipin nila ay sumisipsip ako sa pamilya niyo, ah! Huy, I want a peaceful workplace!"


"Oh, trust me, Keira. They won't think about you in that kind of way. I believe they'll be delighted instead."


"At paano mo naman nasabi 'yan?"

"Simple, they're also looking for someone who really has the ability to lead or to handle a big responsibility. Sila na rin ang nagsabi noon sa amin na natatakot silang humawak ng malaking gawain. At higit pa ro'n, natatakot sila sa tita ko."


"Let me guess, kamag-anak niyo ang manager nito?"


"Yes at simula nang iniwan niya 'to sa hindi namin malamang dahilan, matagal na rin siyang hindi bumabalik. We don't have any idea where she is right now. It's also hard to handle a lot of family business kaya naghahanap pa kami ng mga tao. And I believe you already experienced handling a business. Your coffee shop, right?"


Tumango-tango ako ulit. "Sige, naiintindihan ko..." Pinagmasdan ko muli ang shop, pinag-iisipan ng mabuti ang mga desisyon na gagawin. Gusto ko sana na ang makukuha ko ay pinaghirapan ko muna pero ayaw ko rin naman 'tong sayangin.


Mayroon na rin naman akong karanasan sa paghawak ng isang negosyo. Pero hindi ko nga lang alam kung kakayanin ba ng powers ko ang isang malaking negosyo kagaya nitong sa kanila.


Well, there's always a first time for everything, I guess? I became my Kuya Kenzo's crew chief before at wala rin akong experience no'n. Sinubukan kong kayanin hanggang sa nagawa ko naman ng maayos. And that includes my brother's life, too. Kung hindi ko nagawa ng maayos ang pagiging crew chief ko na ipinagkatiwala sa'kin ng kuya ko ay baka naaksidente siya ulit...



This time, it includes someone's trust and money. Someone who isn't my family at all so it's more challenging. And I love challenges, so, I'll be taking the job. "Okay, I'll do the best I can." Malapad akong ngumiti sa kanya at inilahad sa kanya ang hinliliit ko. Tinaasan niya lamang ito ng kilay.


"Pinky promise 'to!"

"I know. What are you trying to tell me by that?"


"I'm promising that you can trust me with this job. Ang dugong nananalantay sa'kin ay dugo ng isang Monteza and Montezas are born to do business. I'll take my position responsibly and I assure you that your family can count on me."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro