Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

38

The news is spreading all across the globe about Joaquin working under Ma'am Thea's company. Sa tuwing nakikita ko iyon sa social media ay nanlalamig ang pawis ko. Sumasakit din ang sikmura't para akong masusuka. Inaamin ko naman na mayroon pa rin akong takot o kaba minsan kapag lalabas ako ng bahay. Kahit nga bubuksan ko lang ang phone ko. I'm still scared that I might read death threats or anything hateful.





Please, don't let the world know I'm at the same place as him. Iyon na lang ang palagi kong hinihiling ngayon. My boss might not know what happened between me and his godson but she knows I hate camera exposures.





Muntik niya pa nga akong ipa-billboard no'ng na-promote ako. It was her way of showing how proud she is. Ganoon siya sa lahat ng empleyado niya, maliit man o malaki ang achievements. Ending, hinandaan niya na lang ako. Kaya ang daming gustong mag-apply sa kompanya niya, eh. Taas niya pa magpasahod, hehe. Kahit mag overtime ka, hindi ka lugi.






"Cheers to our hardworking Chief Executive Officer! Belated happy birthday, Keira!" Pinangunahan ni Ate Venus ang pag-cheers ng aming mga baso. Simula kanina ay hindi na nawala ang mga ngiti ko. "Thank you, everyone! Babawi ako sa inyo, I promise!" I raised my right palm before sipping my drink.






"As a tradition, day off will be granted after celebrating an employee's birthday! Have fun everyone!" ani Ma'am Thea at ganoon na nga ang nangyari. Everyone's getting a little wild, like people in my college days. For once, I got to drink as much as I want to without thinking how I will wake up tomorrow for work. Happiest twenties to me.





2:00 p.m...

Ang init, tangina...Sipa ko sa kumot kong makapal at kumuha ng unan para yakapin. Bagsak pa rin ang isa kong mata habang ang isa ay nakamulat ng bahagya, sinusuring maigi ang paligid.






When I saw the vintage-like combination of colors, I'm relieved. Pumikit ako muli upang damahin pa sana ang lambot ng aking higaan nang may mapagtanto ako.






Napakunot ang aking noo at napabalikwas. How the hell did I ended up here? By myself? Napahawak ako sa aking ulo dahil sa pagkahilo. Fuck, hangovers! Inayos ko na ang aking higaan at naghimalos. Napatigil lang ako nang may mapansin akong nakasabit na leather jacket malapit sa shower.







I'm sure as hell that it wasn't mine! I don't wear leather jackets. Dali-dali kong kinuha ang phone ko upang i-text sina Ate Venus ngunit ni isa sa mga kasama ko kagabi ay walang sumagot. Mukhang lahat ay plakda mula sa inuman. "Ay, close sila Ma'am at Kuya Ken, baka kanya 'to..." bulong ko sa aking sarili. Sinimulan ko na siyang i-text, ganoon din ang dalawa.






💌 Kuya Ken:
I didn't pick you up
last night

That's not mine



💌 KEANU:
I don't own any



💌 kelvin pwet:
bakit ka nanungkit ng sinampay
ng kapitbahay???






"Putangina mo..." sabi ko na para bang narinig niya. Napasapo na lang ako sa aking noo. I guess I partied too much last night, I can't even remember what I did! I checked myself once again. Well, at least I'm still alive, though, and I didn't end up in somebody else's bed.







I decided to go downstairs to get my throat something cold and something warm for my tummy. Ito na naman 'yong pakiramdam na parang ginutom at wala akong mainom ng sampung taon. Walang gana ang mga yabag ko pababa. The moment I took the last step, my soul almost left me, making me want to run back into my room.






Who the hell is sleeping on my couch and shirtless?!






I managed not to scream. Nagmadali akong kinuha ang walis sa gilid ng pinto at lumapit sa lalaking natutulog. He looked so damn comfortable! Sa sobrang gulat kanina ay nanghina ang mga tuhod ko at napasandal.





Shit, Keira! Ano bang pinaggagagawa mo kagabi?! Sinong damuho ang kinaladkad ko rito kagabi?!






Napailing na lang ako at muling tumayo. Mas lalong sumasakit ang ulo ko. Naglakad na ako palapit at dahan-dahang tinutusok ang kanyang likuran upang magising. Nakataklob pa ang unan sa kanyang mukha habang yakap niya ito. Ang kapal ng mukha! Nilakasan ko lalo ang pagsundot ko sa kanya ng hawak ko.






"Mom, stop. 10 minutes..." biglaan niyang sambit nang hawiin niya ang dulo ng walis. Naramdaman niya na ang malakas kong pagtusok sa kanya. Hindi na ako nagdalawang-isip at hinablot na sa kanya ang unan na yakap at umamba nang hahampasin na siya ng tambo.







"Sino—" Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap nang tuluyan nang masilayan ang kanyang mukha.







"What the fuck is he doing here?" bulong ko sa aking sarili nang tumalikod ako sa kanya. Pigil na pigil ang kagustuhan kong sumigaw, dinadaan din sa paghinga ng malalim.






"Oh, you're awa—" Napatigil ako sa pagpapakalma ng aking sarili nang marinig ko siyang magsalita muli. At sa gulat, hindi ko sinasadyang tuluyan nang maihampas sa kanya ang walis na hawak ko.







"A-anong ginagawa mo rito?!" Tutok ko sa kanya ng tambo.






"And that's how you greet people — ouch..." Minamasahe niya ang kanyang ilong, medyo namumula rin ng kaunti ang kanyang pisngi. Mukhang sobrang lakas nga talaga ng pagkakahampas ko... Well, hindi niya naman ako masisisi ro'n!






"Answer me! Why are you here?! You're up to something?! You're stalking me?!"






"Pardon?" He looked offended when he finally turned his gaze at me. "Oh, sorry. My bad. I'm not supposed to be here. Where are my manners..." My broom followed him as he stood up and raised his hands, surrendering.







"Take your time to explain yourself. It's not hard to call the police."





"Whoa, chill. First thing's first, I don't have anything to do with you."






"Then why are you here?" Inilapit ko na tuluyan sa mukha niya ang walis. Hindi ko rin alam kung bakit siya natatawa ngayon. "You sure you want to hear it?" Ngisi niya. "If only you knew which one was your car last night..."







"Diretsuhin mo na nang makaalis ka na sa harapan ko."







And he did. He started telling me how fucked up I was last night... "Papasok ako sa kotse ko kagabi when I saw you passed out in my driver's seat. I tried to wake you up, but guess what? You're dead. Tinawagan ko na rin si Ninang at 'yong secretary niya — buong miyembro ng kompanya niyo to be exact but none of them answered either."







Napaiwas ako ng tingin. Kung ganoon, hindi lang pala ako ang bagsak mula kagabi? Parehas kaming hindi sinagot ng mga 'yon, eh... Nabalik ko lang ang atensyon ko ulit sa kanya nang hindi na siya nagsasalita. "Tapos? A-anong sunod na nangyari?"








"Sumuka ka na rin sa loob ng sasakyan. And since I have no choice, I drove you home at sumuka ka ulit. This time, sa akin na."






Nabuhayan ako lalo ng dugo nang maintindihan ko na ang nangyayari ngayon. "Iyong leather jacket..."






Tumango siya. Inunahan ko na rin siya na ako na ako na ang kukuha. Baka may kung ano pa siyang makita sa kwarto ko. Pagkabalik ko sa taas ay kumuha ako ng unan at doon sumigaw dahil sa kahihiyan ko kagabi, nangangakong hindi na rin iinom pa ulit. Nang makakalma ay saka ko kinuha ang leather jacket niya sa banyo. Mayroonn pang t-shirt iyon na hindi ko napansin kanina. 







"Tuyo na." Abot ko sa kanya nang nakababa na ako ulit. 




"Thanks." 




Tumango na lang ako. Habang pinagmamasdan din siyang nagsisintas na ng kanyang sapatos ay kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. "Anong pwede kong gawin para makabawi?" wala sa sarili kong sambit pero bahala na. Ayokong hindi makatulog  dahil lang sa ganoon na nangyari. Maybe by doing something good in return might help. 







"No need. I'm going by the way and apologies." He started walking to the door. "I'll do anything. Please, hayaan mo 'kong bumawi." I stopped him yet he didn't look back. "We'll see about that. Bye, Ms. Monteza," his last words before closing the door. Sinilip ko siya sa bintana at sinundan ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. 






"Yayain mong kumain!" hirit ni Aggy matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari sa akin no'ng isang araw.







"Ayoko nga! Mapagkamalan pa kaming nagdi-date." Irap ko sa kanya. D'yan din kami nagsimula noon and it didn't end well. Isa rin 'yon sa mga alaala na ayaw ko na balikan. 







"Yayain mo ng fubu ulit." Malakas siyang tumawa dahilan upang abutin siya ng braso ko para batukan. "Putangina ka talaga." Sarkastiko akong ngumiti ulit sa kanya at umambang babatukan siya ulit. Hindi pa rin siya tapos tumawa kahit masama na ang tingin ko sa kanya. 







At dahil sa punchline niya na 'yon, sunod-sunod na ang hirit niya. Hanggang sa makauwi na lang kami, hindi nawala ang panglan naming dalawa ni Joaquin sa bibig niya. "Alam mo ikaw, ban ka muna sa mga chismis ko," sabi ko habang dinuduro-duro ko ang teddy bear na bigay ni Aggy. 





Kumuha na rin ako ng isang papel at nagsulat doon — something I hope I won't regret in the end.


Runways, sparkling lights, neverending clicks, and fashion everywhere. You know, isa sa mga pangarap ko noon ay maging isang flight attendant dahil gusto kong malibot ang mundo dahil naiinggit kanila Kuya na kung saan-saan nakakapunta. Then I realized it wasn't really for me. But being where I am right now still makes me travel the world sometimes.







We're currently in Milan, Italy for our fashion week. The last time was in New York and Dubai. Dahil sa mga ganitong events ng kompanya ay nakakapag-out of the country ako hehe... Kung hindi man, minsan nagyayaya si Ma'am Thea lalo na kapag holidays at sagot niya ang lahat ng empleyado na gustong sumama.






At dahil kalalalapag lang din namin, balak kong surpresahin si Kuya Ken dahil nandito siya ngayon upang manood ng event namin sa susunod na linggo. "Proprio al cancello marrone dorato, signore," pagpara ko nang makaliko na ang taxi na aking sinasakyan.







"Grazie," sabi ko ulit nang makababa na. Dali-dali akong nag-doorbell. Bukod sa sabik akong makita ang kapatid ko dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita, takam na takam na rin ako sa pizza na dala ko.






"Keira! È da tanto che non ci vediamo, amore mio! Entra, entra!" Asawa ni Kuya ang nagbukas sa'kin. "Come stai?"






"I'm good, Ate Sel." Pagbeso namin sa isa't-isa. "Kayo po? Nasaan na po pala ang paborito kong pamangkin?"






"Oh, no. He was already asleep before dinner. Tired from the flight since yesterday. Probably jetlag. Sakto lang ang dating mo dahil kakasimula lang namin ni kumain. Magkasunuran lang kayo ng dating ng kaibigan ni Ken." Inakay na ako ni Ate papasok sa loob ng mismong bahay.







Ngayon pa lang ako nakapunta rito kaya naman halos malula ang mata ko sa buong paligid. Parang palasyo! Buti na lang ay nakapagsabi ako kanila Ma'am Thea na hindi ako mananatili sa hotel dahil balak kong dumito na lang sa bahay ni Kuya. Ngunit hindi ko naman inaasahan na ganito kagarbo ang pananatilihan kong lugar! Mas bongga pa sa hotel! 







Sa wakas at nakarating na rin kami sa dining room, mailalapag ko na ang pasalubong ko. Sayang nga lang dahil wala ang pamangkin ko. Paborito pa naman niya ang pizza. Nang matanaw ko si Kuya Ken ay agad akong kumaway habang malapad ang ngiti.







Unti-unti lamang iyon napawi nang mapansin ko na rin ang kasama niya. Mukhang ako yata ang nasurpresa. "Limang minuto lang ang pagitan ng dating niyo..." Rinig kong sabi ni Kuya habang nagpipigil ng tawa. Pinunasan niya ang kanyang labi bago tuluyan akong lapitan.







"Trust me, I didn't know you would show up," bulong niya sa'kin matapos akong yakapin. Pilit na lang akong tumawa saglit, "Surprise." Inangat ko ang aking kamay na may hawak na pizza. Minsan na nga lang ako susurpresa ng mahal sa buhay, may asungot pa.








Nangunguna ang gutom ko kaysa sa inis kung bakit siya nandidito kaya overall, I wasn't affected that much by his presence. "Sir Joaquin, pizza po?" And I managed to say that straight to his face.







"Later, Ms. Monteza." Ngiti niya. Tumango-tango na lamang ako.Bakit palagi na lang sa kainan kami nagtatagpo? Ayaw ba talaga ako ng tadhana enjoyin ang pagkain ko? Gusto talaga lagi akong hirap lumunok, eh!






Matapos naming kumain ay nagtungo na ako sa magiging kwarto ko. Ako lang ang mag-isa kaya masosolo ko ang lahat doon. Or so I thought... "Don't worry, the carpet's warm. I'll take that." Napalingon ako sa boses na iyon. Nanggaling siya terrace, may bitbit pang wine.







Nakuha ko rin naman agad ang gusto niyang iparating. Sa laki ng bahay na 'to, magsasama talaga kami sa iisang kwarto? Wala na akong nagawa dahil nabanggit sa akin kanina ni Ate Sel na nire-renovate ang isang guest room. Iyong isang kwarto naman ay para sa kanilang mag-asawa. Alangan namang makisiksik ako ro'n.







Inaayos din ang kwarto ni Daile — pangalan ng aking pamangkin, kaya kina Kuya siya nakatabi ngayon. Kung pwede sana ay sa pamangkin ko na lang ako tatabi, pero wala, eh. Mukhang hanggang sa pagtulog, ayaw akong patahimikin ng mundo pagdating kay Joaquin.





"Double time! Artists and models, be ready! The show starts in two minutes!" Nagpamewang na ako habang inoobserbahan sila. Nang makita kong handa na ang lahat ay saka ako pumwesto malapit sa entrance kung saan lalabas ang mga modelo mamaya.








"Ma'am Keira, hindi po namin ma-kontak ang stylist ni Sir De Vera." Lapit sa akin ng isang makeup artist.






"Ha?" Napakunot agad ang noo ko. Akala ko naman ay makakahinga na ako kahit saglit man lang dito sa gilid. Umamba na akong babalik sa dressing room nang muling magsalita ang makeup artist namin.






"Pero, Ma'am, nahanapan naman na po namin ng paraan. Mayroong bagong hired photographer ang kompanya natin at nag-volunteer siyang maging stylist muna ni Mr. De Vera."






Hindi muna ako umimik at hinintay siyang matapos. "Pero kasi po, may kaunting problema lang..." Nag-aalangan pa siyang magsabi but I gestured for her to continue. "Hindi niya po gaanong gamay ang gawain ng isang stylist. Kaya kung pwede po sana..." May bahid na ng hiya ang kanyang tono.








Kuha ko ang gusto niyang iparating kaya nagtungo na 'kong tuluyan pabalik sa dressing room  ni Joaquin. Pagkarating ko ro'n ay inaayusan pa rin siya. Nagpakawala na lang ako ng hininga dahil isang minuto na lang ang natitira at maglalakad na siya runway.








"Ma'am Keira, okay na po ba?" Lingon sa akin ng babae. Nagulat ako dahil pamilyar siya sa'kin. Muling nabalik ang tingin ko kay Joaquin at kibit-balikat lang siya. "Aira! Pumwesto ka na ro'n sa labas para sa pagkuha ng litrato! Ano pang ginagawa mo rito?" Sinundo na siya ng head ng production team.







"S-sir, wala pa po kasi ang styl—"






"Sige na, ako na ang bahala. Gawin mo na ang trabaho mo." I tapped her shoulders. Tumango na lamang siya't tipid na ngumiti saka siya nagmadaling lumabas. Dalawa na lang kami ni Joaquin. Nang tignan ko rin ang phone ko ay mayroon na lang kaming 45 seconds para mag-prepare. Agad akong kumuha ng mga gamit sa vanity table para makapagsimula na.







I started putting a little eyeliner on him. Hindi ko rin alam kung bakit ako nanginginig ngayon. I'm used to doing this with any model when they need help. Para bang hindi ko makontrol ang kamay ko ngayon. "Are you tense?" aniya nang maramdaman niyang nagkamali ako sa paglalagay.






"Hindi po." Kumuha ako ng wet wipes upang burahin iyon at nagsimula ulit. "Sorry, I don't know how to put makeup by myself," aniya ulit.







"'Wag ka pong malikot, Sir Joaquin." Seryoso na 'ko. Nang maging maayos na ang kabilang side ay parang naubos ang energy ko sa paglalagay no'n bago ako magsimula ulit sa kabila. Natigil lang ako nang mag-ring ang phone niya. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa kanyang gamit — nagtataka kung bakit ayaw niya iyon sagutin.







"I want to live longer than answer a phone call in the middle of a business with a dragon."





"Excuse me?" Napataas ang aking kilay.





"I can sense you're already mad. Kaya kaysa mabugahan mo ng apoy, I'll just turn my phone off." He clicked the shut down button. Napaawang ang labi ko sa kanyang ginawa. "Teka, eh, paano kung importante 'yan?" laban ko.






"Trust me, you don't even want to listen to phone call excuses." He crossed his arms in front of his chest.





"Sino ba ang tumatawag?" Nagpatuloy na ako ulit. Perfect agad ang kabilang eyeliner ko kaya naman nag-proceed na 'ko sa ibang parte. "Just my stylist," he casually said. Napatigil ako muli at matalim siyang tinignan.







"Your looks can definitely kill me right now." Natawa pa siya. May nakakatuwa ba sa sitwasyon namin ngayon? Umirap na lang ako at nagpatuloy, minadali ko na rin dahil mukhang magpapaliwanag pa siya kung bakit wala ang stylist niya rito.







Konting ayos ng kanyang damit at sa wakas ay tapos na. Nagmadali na kaming lumabas ng dressing room. Nang makarating na siya sa pila niya ay saka ko na siya hinayaan, ngunit nanatili ang tingin ko sa kanyang gawi nang hindi ko namamalayan. "Keira, dito tayo." Hila sa akin ni Ate Venus papunta sa isang gilid.







It's a perfect spot to see the show. One by one, the models started walking down the runway like it was one of the best days of their lives. But my eyes were like a spotlight, stuck to one celebrity and I don't even know if this still feels right. Yes, I've seen him race but never on how he can make the runway like a racetrack on fire.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro