36
Keira Monteza
☕
Falling fast is easy but standing back again is harder yet surely. That kept me motivated for years after stumbling down a lot of times in different ways. Well, I don't have a choice, though. I can always change my technique in the game but I need to play by the rules.
Ganoon naman ang buhay. Pwede mong diskartehan pero kahit kaylan ay hindi pwedeng dayain. Dalawa lang naman ang kahahantungan no'n - mananalo ka sa laban o uuwi kang luhaan. Pero kahit alin man d'yan ang mangyari ay kaylangan mo ring tanggapin. Gaano man kasaya... O kasakit.
"Huy, Dash Racing Circuit mamaya, ah? 8 p.m." Tapik ni Ate Venus sa aking mesa upang kunin ang aking atensyon. Hindi ko pinansin ang sinabi niya kaya naman kumaway siya malapit sa aking mukha. "Hindi nga ako sasama," sagot ko. Isang linggo niya na akong niyayang pumunta sa karerang 'yon. Halos lahat ng ka-trabaho namin ay sasama dahil libre ng boss namin ang ticket.
"Bakit ba ayaw mo? Minsan lang tayo makakanood no'n, oh!" Upo na ni Ate Venus sa tabi ko sabay yugyog sa'kin. Hindi ko talaga kayang sabihin at nababaliw na 'ko kakaisip kung ano pa bang excuse ang pwede kong gawin.
"Huy, Keira, please? Sumama ka na - Ma'am Thea! Ayaw po niya sumama mamaya, oh!" Turo niya sa'kin nang makabalik na ang boss namin galing lunch.
"Why not? Early out ang lahat mamaya, dapat sulitin. Besides, doon din natin kikitain ang bago nating modelo para sa kompanya." Matamis na ngumiti sa amin si Ma'am Thea. Masasabi ko rin na sa lahat ng naging boss ko ay siya ang pinakamabait at sa kompanya nila ako pinakanagtagal. The environment, the salary, everything - is so great here.
"Oh, 'di ba?! Kaya dali na! Malay mo, makahanap ka na ng mapapangasawa mo ro'n!" Tawa sabay hampas sa'kin ni Ate. "Overworked ka lagi, deserve mo ng gwapo!"
Napangiwi na lang ako sa kanya habang si Ma'am ay tumatawa lang din. "Mas gugustuhin kong magtrabaho at magkapera kaysa magkaroon ng sakit sa ulo." Umirap ako at ibinalik na lamang ang aking atensyon sa mga emails na kaylangan kong i-check.
"Huwag magsalita ng patapos," asar din ni Ma'am Thea. Kapag magkakasama kami ay para kaming magkakakapatid na pinagtutulungan ako araw-araw kapag wala ang ibang empleyado namin.
Mayamaya'y nagpaalam na silang mauuna na pabalik sa meeting ulit, leaving me at my office - finally at peace. I opened the blinds of the room and started appreciating the view outside the big windows. Sun is already setting, too. Its colors are my most awaited part of the day.
Sumandal ako at nagpaikot-ikot gamit ang aking upuan. I'm finally here, Mitch... Thank you for the sunsets the sky always brings - it's a reminder of me, well, all of us do, that there's always a good yesterday that helped me get this far and there's a lot more coming.
Pumikit ako at dinama saglit ang payapang katahimikan. Hanggang sa tuluyan na akong nagligpit. Nag-retouch at inayos ko na ang coat ko saka ko sinimulang magtungo sa meeting room namin. Walking down the hallways still feels like the first time I stepped inside this building.
Now, we're here... Keira Denise Monteza, promoted three days ago, and this is my first time entering a room as a CEO.
☕
"GO, 45!" Halos lumabas na ang lalamunan ni Ate Venus kakasigaw. Ganoon din si Ma'am Thea. They even made banners for the racers they're head over heels for. "Hala! Ilang laps na lang panalo na manok ko!" Yugyog ni Ma'am Thea sa'kin. Nagpustahan pa silang dalawa kanina habang nasa sasakyan kami kung sino ang mananalo sa mga crush nilang karerista.
"Valencia is on the lead!" Rinig naming lahat sa nag-aanunsyo. Mas lalong nabaliw si Ate Venus sa gilid ko dahil iyon ang manok niya. "Ma'am Thea, nangangamoy libre!" biro ni Ate.
Habang umiinit ang karera ay mas lalong umiingay ang paligid lalo na nang mayroong nakahabol sa bilis no'ng kareristang Valencia ang apelyido. Kahit wala na akong ganoong pakialam sa ganitong sports ay nag-eenjoy pa rin akong manood. Nakiki-cheer din ako kahit 'di ko na kilala ang mga kasali. Most of them are rookies. The legendaries are watching, too. Fina-flash sila paminsan-minsan sa malaking screen.
Even my brother, Kenzo Monteza, has been seen by, I bet, the whole Philippines a while ago. Crush din siya nitong dalawang kasama ko at no'ng nalaman nila 'yon ay halos mamanhid ang mga braso ko sa kakahampas nila dahil sa tuwa.
Well, I'm used to it, anyway. Kay Aggy pa lang noon ay parang nagkaroon ako ng libreng training kung paano indahin ang mga gano'ng reaksyon.
"Oh my gosh, Ma'am Thea! Is that?" Turo ni Ate Venus sa isang kotse na humahabol sa bilis noong Valencia at ng isa pang kasabayan niya. Masaya lamang tumango si Ma'am Thea sa kanya kung saan hindi ko maintindihan ang kanilang pinag-uusapan.
[Announcer 1: Whoa! Look who's back on track!]
[Announcer 2: We all know him as a monster rookie and we haven't heard from him since!]
[Announcer 1: Looks like the hot wheels miss the track so much, partner!]
[Announcer 2: Indeed. Same baby, same number, same racing energy. Only, it leveled up more. The track is on fire again! Nalagpasan niya na rin si Valencia!]
"Walang kupas ang bilis mo! Go, baby Lykan!" Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang kanyang isinigaw. Pamilyar 'yon. Pamilyar na pamilyar 'yon! Kaya ba "same baby" ang sabi kanina? Ibinaling ko ang atensyon sa malaking screen. Saktong nakatutok iyon sa pamilyar din na sasakyan.
"Let's go, 26!" Napalingon ako sa katabi no'ng naunang narinig ko kanina. Same number. Same racing energy. Halos pausukin niya ang daan... A rookie and they haven't heard anything from him since then?
Since when?
Since five years? If so, I haven't heard anything from him, too, since the last time... Bumibigat na ang aking paghinga. Agad akong naghanap ng daan palabas sa maraming tao. Hindi na rin ako nakapagpaalam kina Ate at dumiretso na lang sa pinakamalapit na restroom.
I locked myself in a cubicle. Naupo lang ako sa toilet habang habol ang aking hininga. Gusto ko na biglang umuwi. Ayoko siyang makita. Hindi na ulit. Sinampal-sampal ko ang aking sarili upang kumalma. "Limang taon na. Para ka namang gago, Kei..."
Mas lalo akong hindi mapakali nang mag-vibrate ang phone ko. Hinahanap na ako nila Ma'am. Tapos na raw ang karera pero iyong ingay ay hindi mo alam kung kaylan huhupa. Hindi pa natinag si Ate Ven sa text lang at tinawagan na ako.
I had no choice but to fix myself and face the world out there. Wala silang alam at ayaw ko rin naman na magkwento kaya kaylangan kong tiisin. Well, I can calmly walk straight. Just not on the same path with him. No. Not ever. Because the last time we bumped into each other, it didn't end well.
☕
Dumiretso ako sa restaurant kung saan ako hinihintay nila Ma'am Thea. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang may makita akong nga naka-uniporme ng pangkarera. Puta. Aalis na sana ako nang biglang kumaway si Ate Venus sa akin. Napapikit na lamang ako at humingang malalim. Tuluyan na rin akong pumasok. Sana wala siya rito. Sana ibang mga tao ang makakasama ko ngayon.
"Oh, Keira! Finally, you're here!" Tumayo si Ma'am Thea at bumeso sa'kin. "We've been looking everywhere for you. Hindi mo sinasagot ang mga texts namin ni Ven. Is everything alright?"
Tumango na lamang ako at pilit na ngumiti. Umupo na rin ako sa bakanteng upuan, sa gitna nina Ma'am Thea at Ate Ven. Inilibot ko ang paningin ko sa mga pagkain na nasa harap namin. Sunod sa mga empleyado at ibang karerista naming kasama kumain. Nang mapagtanto kong wala siya ro'n ay saka ko nilagyan ang plato ko. Makakakain ako ng maluwag sa dibdib!
I'm indeed enjoying every bite not until everyone around me - at the table started calling a familiar name, asking to sit with us. I almost choked myself with the butter shrimp when I heard his voice talked. "Joaquin, congratulations, my dear." Naramdaman kong tumayo si Ma'am Thea. Hindi ko na nilingon kung anong ganap nila sa likuran ko at pilit na lang na inuubos ang pagkain.
"Glad to see you again, Ninang."
At tuluyan na nga akong nabulunan. Pisting yawang hipon! Pero mukhang hindi lang ako ang nagulat. Hindi rin maipinta ang reaksyon ng mga kasama ko nang tignan ko sila. Pero n-ninang... Ninang?!
"Ma'am Thea! Ang tagal na nating magkatrabaho, ngayon ko lang nalaman na inaanak mo ang isang De Vera!" singit na ni Ate Venus.
"Sinadya kong 'wag ipaalam because I want to surprise all of you," Ma'am Thea giggled. "Everyone, I'd like you to meet my godson, Joaquin De Vera. May we all have a toast and be comfortable with each other since you'll be working together soon!"
Nanlaki ang mga mata ko ro'n at nahihirapan na lumunok. Anong working together soon?! Sa lahat siguro ng surprise ni Ma'am Thea sa amin, sa ganito lang ako hindi natuwa! Isa-isa nang pinakilala ni Ma'am ang mga empleyado namin. Parang kaunti na lang ay lumuwa at maging puso na ang mga mata nila habang nakatingin sa bago nilang makakatrabaho.
"And this is Venus Balmes, my secretary."
"Nice to meet you." Naramdaman ko ang pagtawid ng braso niya upang makipagkamayan kay Ate Ven. Napapikit na lang ako muli nang marinig kong hinahanap ako ni Ma'am. Dahil nagtayuan ang lahat, hindi niya ako agad napansin kaya itinuro na lang ako ng isang kareristang kakakilala ko lang kanina.
"Oh, yeah! There you are, Keira!" Tapik sa'kin ni Ma'am Thea sa balikat. Tumayo na lang din ako. Wala na rin naman akong magagawa, eh. Saka ko na siya nasilayan muli. He looked more manly than he was before, only his eyes look cold than ever. It wasn't that welcoming one I saw that night... Well, even hair colors change after all...
"This is our Chief Executive Officer. Keira Monteza," pagpapakilala na sa'kin ni Ma'am Thea. He looked at me from head to toe. Tipid man pero napansin ko ang mapang-asar niyang ngisi kaya napakunot ang noo ko. Anong problema nito?
"Nice to meet you po." I bowed a little instead to show respect kahit takbong-takbo na 'ko paalis ng restaurant. "You too," he replied saka naupo na sa tabi ng mga karerista. Wala man lang siyang kaemo-emosyon nang sabihin niya 'yon, tunog sarkastiko pa. Huh, kung ayaw niya sa presensya ko ngayon, mas lalo ako. Kung pwede lang talaga ako lumipad paalis...
"Wow, you seemed casual. Do you know each other?" singit ni Ma'am Thea sa amin.
"Hindi po-"
"Yes."
Sabay naming sambit. Gulat akong napatingin muli sa kanya habang siya ay abala na sa kanyang pagkain. Palipat-lipat na ang tingin ni Ate Ven sa amin, kunot pa ang noo. "So, ano ba talaga?" natatawang tanong muli ni Ma'am Thea. Hinintay ko kung magsasalita ulit 'tong isang 'to pero hindi na.
"H-hindi po. Ngayon pa lang po kami nagkita ni-Ano nga po ulit pangalan niyo, Sir?"
Napataas siya ng kilay nang tignan niya 'ko ulit. Ibinaba rin naman niya 'yon nang lingunin siya ni Ma'am Thea. "Joaquin," he answered, finally.
"Ni Sir Joaquin." Pilit akong ngumiti sa aking boss nang ibalik ko sa kanya ang atensyon. "Nice to see-meet you po ulit." Saka na ako umupo matapos bigyan ng kaunting kahihiyan ang sarili.
It's been five years... Why am I acting like this? Tapos na ako rito. I shouldn't be affected by his presence. Sanay naman akong nakikita siya sa kahit saan na plataporma, minsan nga nauumay na 'ko. And yet he's here and I can't even maintain eye contact. My hands are shaking like I've seen a ghost after not believing in one.
Fuck it.
Joaquin De Vera, may you drive far away from me after what I did. I don't want to bump into you anymore. Five years were already enough to learn my lesson.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro