29
"Four, five, six... Ladder! I won!" sambit ni Joaquin. Pang-limang panalo niya na 'to sa laro naming Snake and Ladder. "Ayoko na!" Mahina kong inihagis sa kanya ang dice na agad din niyang iniwasan.
"Ayaw mo na talaga. Talo ka ulit, eh." Tawa niya na inirapan ko lang. Pakiramdam ko talaga paborito siya ng mga ahas sa larong 'to! Niligpit niya na ang board saka tumabi sa'kin at ginawan ako ng s'mores. Pagalit ko iyong kinagatan at inirapan ulit siya.
"Better luck next time, grumpy curls." Gulo nito sa aking buhok. Hindi ko na iyon pinansin at nag-init na lang ng marshmallow sa bonfire sa tapat namin. Habang kumakain ay nagbabangayan kami na parang high school dahil lang sa mga nilaro namin.
"Let's play chess tomorrow before we go. If you win, you'll drive."
"Oo, talaga! At papaliparin ko sasakyan mo bukas 'pag ako ang nanalo!"
"'Pag hindi mo napalipad, ikaw papaliparin ko." Tawa niya.
"Gago mo!" Pinakyu ko siya saka kumuha ulit ng panibagong marshmallow at ininit. Marami na kaming naluto. Bumili pa siya ng chocolate milk para sa'ming dalawa. Ang dami naming ginawa buong araw at takang-taka ako kung bakit may energy pa rin siya hanggang ngayon.
We had ice cream, we bought souvenirs for our loved ones, we tried snorkeling, we went fishing, played beach volleyball, we picked up shells and raced using jet skis. Doon lang yata ako nanalo sa kanya. Matapos ang mga 'yon ay bumalik kami ng villa upang mag-shower at tumambay na rito sa tapat ng bonfire na inihanda sa'min.
"Oo nga pala, hindi ko tanda kung nabanggit mo na ba sa'kin 'to o hindi pa. Bakit ka nga ulit tumigil sa pag-aaral?" I open a topic.
"Simple reason, I wanted to help my family as early as I could. Especially, my dad. Oh, and speaking of, sasama ako ulit sa paghahanap sa kanilang dalawa ni Lolo. Magsisimula ulit ako bukas pagkauwi natin. Raven will join us, too."
"Sama ako! Malaki rin ang utang na loob ko sa pamilya mo sa pagtanggap sa'kin."
"Thank you but you don't have to if you have other stuff to deal with. Baka nahihiya ka lang sa'kin magsabi na busy ka."
"Don't worry about my schedules. Worry about the marshmallow you're cooking. Malapit na masunog." I pointed at it using my lips saka lang niya naalala ang ginagawa niya.
"Anong dream school mo pala?" tanong ko ulit. "Mine's Brent International School but I chose to be practical. Kung magkakaanak man siguro ako in the future, ibabawi ko sa kanya. Doon ko siya paaaralin."
Nakita ko siyang napangiti at tumango-tango sa aking sinabi. "I actually don't have any. Basta makapag-aral ulit, ayos na." He shrugged. Bigla kong naalala ang mga certificates at medals niya noong naroon pa ako sa kanila. His school was De LaSalle.
"Also, I haven't decided which course will I take. Siguro kapag nakapili na ako ng talagang gusto ko... There, I'll continue my studies."
"I'm rooting for you." I smiled and lay my head on his shoulder. "By the way, thank you for this. Minsan naiisip ko na pwede tayong mag-tandem. Driver ka tapos tour guide ako. Sideline natin," biro ko.
"Magandang gawain nga 'yan kapag bored." Tumango-tango siya ulit na para bang siniseryoso niya ang sinabi ko.
We spent the night in front of the bonfire 'til we decided to have a walk at the seashore. Kagaya kagabi, nagsisilbing liwanag ng aming daan ang buwan. Mas lalong gumanda ang kalangitan dahil may mga bituin pa sa paligid. Ngunit habang naglalakad ay nararamdaman ko na ang pag-bigat ng aking mga mata. Napahikab na rin ako.
"Let's go back to the villa so you can sleep?" Napansin iyon ni Joaquin.
"Ikaw ba? Baka gusto mo pa maglakad-lakad. Ayos lang naman sa'kin."
"You're groggy already. 'Wag mo na ipilit. Hindi naman mauubos ang buhangin sa beach. May bukas pa," he laughed a little saka umakbay sa'kin. At gano'n nga ang nangyari, naglakad na kami pabalik ng villa.
Pagkabalik ay nag-shower ako agad. Pagkatapos ay ibinagsak ko na ang aking sarili sa higaan. Ibinalot ko na rin ang aking sarili ng malaking kumot at handa na pumikit. Sumunod si Joaquin na katatapos lang din mag-shower. Nagpupunas pa siya ng buhok nang tumabi sa'kin.
"Anong oras tayo aalis bukas?" tanong ko, nanghihina na ang boses sa sobrang antok.
"The early, the better. Don't worry, I'll make sure I'll wake up first." He chuckled.
"If you don't?"
"Then you'll drive."
"Okay, goodnight!" Lumapad ang ngiti ko. Saka ako umayos ng pwesto ulit. Naramdaman ko na rin ang pagpulupot ng kanyang braso sa aking bewang. Parang kaunti na lang din ay mapupunit na ang aking labi sa pag-ngiti. Well, at least, I don't need to pretend this time...
☕
"You ready to go?" Katok sa akin ni Joaquin habang nakatambay ako sa terrace ng villa. I'm still admiring the view and I can't take my eyes off of it. Kapag umalis na rin kami sa lugar na 'to ay babalik ulit kami sa reyalidad.
Kinuha ko ang phone ko upang kunan na lang ng litrato ang view at pinost sa Instagram story: "beach; peaceful and free." After posting I took a deep breath and walked towards him, hugged him and let my head rest on his chest for a while — listening to his heartbeat. "Makakabalik ba tayo rito?" tanong ko habang ang tingin ay nasa dagat.
"I'm your one call away travel buddy. Just tell me when you're free and I'll set." Haplos nito sa aking buhok habang hapit din ako sa bewang. "Oh, wait. I have something for you." Mayamaya'y pumasok siya sa kwarto at pagbalik sa'kin ay mayroon na siyang bitbit na box. "Souvenir." Abot nito sa'kin.
Kinuha ko na iyon at binuksan. Bumungad sa akin ang isang hairband na puro shells ang disenyo at may kaunting mga bulaklak sa paligid. Agad ko iyon sinuot at tumakbo sa harap ng malaking salamin. "Joaquin, ang ganda!" sabi ko habang nakahawak doon.
Kinuha ko ang phone ko ulit at inabot sa kanya upang magpakuha ng litrato habang suot ang bigay niya. "Mirror shot, dali! Sumama ka rito." Hila ko sa kanya sabay pindot ng camera. Ilang click ang ginawa ko bago tignan ang mga iyon sa gallery. "Ayan, the designer and the design!" sambit ko.
"It's handmade. Glad you liked it." Kita ko ang pag-ngiti niya mula sa aming repleksyon. Nanlaki ang mga mata ko at hinarap siya. "'Di nga?!" Kinuha ko ang hairband mula sa aking pagkakasuot at pinagmasdan iyon. "May potential ka, ha? What if mag fashion designer ka?" hirit ko.
"I prefer modeling, though. What if we model together? May potential ka rin." Taas-baba ng kanyang dalawang kilay sa'kin. Siniko ko siya at natawa. That's a nice thought though but I prefer the non-showbiz thing kung ganoon...
Matapos mag-landian sa harap ng salamin ay inayos na namin ang mga gamit sa kanyang sasakyan. Nauna siyang magising kaya siya pa rin ang magda-drive. Ayos na rin siguro 'yon dahil pwede akong matulog. "Bye, beach!" sambit ko nang makaupo na ako sa shotgun seat.
"Safe driving, Steering Wheel." Humalik ako sa kanyang pisngi saka isinandal na ang ulo sa bintana ng sasakyan upang matulog. I heard him mutter something but it wasn't that clear at dahil napapapikit na ang aking mga mata ay hinayaan ko na lang din.
☕
"We're here, sleepyhead." Nagising ako sa pag-haplos ng kamay ni Joaquin sa aking hita. Umunat ako at tumingin sa labas ng bintana at nakitang nasa tapat na kami ng mansyon nila. Lumabas na kami ng sasakyan at tinulungan ang bodyguards na kunin ang mga gamit niya.
"Odd." Rinig kong sambit ni Joaquin kaya napatingin ako. "Hm?" iyon lang ang aking naisagot pero hindi niya yata narinig. Sinundan ko na lang kung saan siya nakatingin at nang mapagtanto kung saan ay natanaw ko ang isang airport taxi.
"Hindi ba may sariling sasakyan ang pinsan mo?" tanong ko na pero bago pa niya ako masagot ay sabay kaming napalingon nang may lumabas na taxi driver mula sa mansyon habang may nakasunod na babae sa kanyang likod. Tumigil ito sa pintuan nang matanaw kami.
Imbis na kumaway ay umirap lang siya sa'min — o parang sa akin lang kaya napatingin ako kay Joaquin. Pero ewan ko rin, baka guni-guni lang na umirap siya. I heard him scoff, even looked a little irritated. "Guess she's back from the dead," he said.
"S-sino 'yon?"
"My dear sweet aunt who left us without any word. Not even a single dot." Hinawakan niya ang kamay ko saka kami naglakad papasok ng mansyon. Napatigil kami nang makita namin siyang nag-hihintay sa sala habang umiinom ng tsaa.
"Ah, my favorite nephew, glad you're home," aniya at tumayo upang bumeso kay Joaquin. Malapad ang kanyang ngiti pero nang makita ako ay bigla ring naglaho 'yon. Kapantay ko lang siya ng tangkad. Her hair is in top knot bun, black pearls, a maroon satin long dress together with a furry black coat, and looks so intimidating yet sophisticated — indeed, she's scary to approach.
The way her eyes looked at me gave me so much of an uncomfortable shiver. Ang kanyang tingin ay parang tumatagos sa pagkatao ko. Para bang may tensyon siya sa'kin. "And you brought a girl," she sounded so sweet. Sumasalungat iyon sa kanyang itsura. "When's the wedd—"
'When did you get here?" Joaquin cutted her off, left her a bit of a schock by his tone.
"15 minutes just before you did, dear. Hope you don't mind having—"
"I don't mind if you take my time for an explanation." He cutted her off again. I squeezed his hand a bit para sawayin siya sa kanyang ginagawa pero hindi niya iyon pinansin at nanatili ang kanyang matalim na tingin sa kanyang tiyahin.
"How disrespectful, Joaquin, cutting me off. I'm still talking." Taas-noong sambit ng kanyang tita.
"So as leaving your family who put a lot of trust in you in the middle of chaos." Pinantayan niya rin ang tingin ng kayang tita. Mahina kong piniga ulit ang kanyang kamay pero hindi pa rin umeepekto. Parang gusto ko na lang siya hilahin palabas ng mansyon pero mukhang hindi rin gagana upang awatin silang dalawa.
"I guess, being disrespectful runs from our blood, then," ani Joaquin nang hindi na nagsalita ang kanyang tita. Saka niya lang din nabitawan ang kamay ko at nagpamulsa. Imbis na patulan ng tiyahin niya ang kanyang sinabi ay ibinaling nito ang tingin sa'kin.
"Someone's boyfriend is being stubborn." Napataas ang kanyang kilay. "I'm sorry you're seeing this kind of family issue, ija. I suggest what if you leave us for a while. I'm going to teach my nephew a lesson." She smiled at us sarcastically.
"Uhm—" Bago pa ako makapagsalita ay mayroon nang malaking g'wardyang humawak sa aking braso upang palabasin ako. Agad akong hinila ni Joaquin pabalik sa kanya at sa kanyang tingin, parang pinapatay na niya ang lalaking humawak sa'kin.
"Don't touch her or I'll make you lose your job, you dimwit," mariin niyang sabi. Siya na ang umakay sa'kin palabas — patungo sa kanyang kotse. "You wait here. When everything goes wrong, never think twice of running to me. Okay?"
Tumango lamang ako. Sa daming tumatakbo sa isip ko ngayon dahil sa nangyayari ay hindi ko na sinubukan pang buksan ang bibig ko dahil baka kung ano ang aking masabi. I don't want to add up. "Hey, are you okay?" Lumuhod ito sa aking harap. He even checked my arm.
"A-ayos lang ako. Ang dapat mong alalahanin ay ang tungkol sa inyo ng tita mo. Wrong timing yata 'tong pag-uwi."
"I'm sorry you had to see that." Yakap nito sa'kin. "I'll just settle things with that woman then I'll be back." Humalik siya sa noo ko bago bumalik sa loob. Isinara ko na rin ang aking sarili sa loob ng sasakyan at naghintay na sa kanya. Tahimik ko na lamang pinagmamasdan ang paligid hanggang sa may mapansin akong bagong sasakyan na naka-park sa tabi ng airport taxi.
Wala akong nakitang lumabas o pumasok mula ro'n but I felt bees in my stomach. Cross-legged and already shaking my foot. Panay din ako tingin sa labas ng bintana bakasakaling may makita pa akong kakaiba pero wala bukod sa sasakyan ng pinsan ni Joaquin. Agad akong bumaba at sinalubong siya. "Rav!' tawag ko kaya siya napatigil.
"Oh, Keira! Si Dominic?"
"Uh, nasa loob, kausap ang tita niya — o niyo?"
"Oh, so the demon is back?" Natawa siya kaya napakunot ang noo ko. Mukhang hindi lang pala si Joaquin ang may sama ng loob sa tiya nila. Hindi na nagpatuloy pa si Raven doon at sinamahan na lang akong maghintay sa pinsan niya.
☕
Inabot kami ng hapon kahihintay. Gutom na kami parehas ni Rav pero ni isa ay walang naglakas-loob na pumasok sa loob upang kumuha ng pagkain. Tinatamad din kami gumastos. Ako ay natatakot sa tita nila, siya naman ay ayaw niyang makita. Napag-isipan naming ikutin na lang ang labas ng mansyon.
Habang nililibot ang paningin ay napansin kong wala na ang dalawang sasakyan — iyong airport taxi at 'yong isa pang kotse na hindi pamilyar sa'kin. Ang tanging nandoon na lang ay ang sasakyan ni Raven. Pagkabalik namin sa harap ng mansyon ay saktong palabas na si Joaquin. Sa wakas!
Agad akong tumakbo sa kanya at yumakap ng mahigpit. Saka ko na lang din naramdaman na basa na ang balikat ko. "Joaquin? B-bakit?" Kumalas ako sa aming yakap. Naupo siya sa steps ng hagdan habang nakasapo ang mga kamay sa kanyang noo. Umupo ako sa kanyang tabi at kinuha ang kanyang kamay upang hawakan iyon ng mahigpit.
Napatingin ako kay Rav at nagtataka rin siya sa nangyayari. "It's hopeless now," mahina niyang sambit. Habang pinapanood ko ang pag-akyat-baba ng kanyang balikat dahil sa pag-hikbi ay humihigpit din ang kanyang hawak sa aking kamay.
"Hopeless? What's hopeless?" singit ni Raven. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.
"The rescuers found their bodies dead at a lighthouse. The police are still investigating what happened. Lolo... My dad... My whole family... They're all gone..." He broke down.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro