28
"Do you have plans this Saturday?" tanong ni Joaquin habang abala ako sa pag-ubos ng frappe ko at sa pag-tapos ng parte ko sa thesis namin. "Matulog," sagot ko, hindi pa rin siya tinitignan.
"Ideal place to sleep?" tanong niya muli saka ako napatigil. Muntik ko na hindi ma-gets pero buti na lang at mabilis ang utak ko ngayon. Nang makatapos na ako mag-type ay isinara ko na ang aking laptop.
"Hmm..." I tilted my head. "Parang masarap matulog sa beach." Nag-simula na akong mag-imagine na nag-rerelax ako sa duyan sa ilalim ng puno at malapit sa dagat. Dinadama ang hangin at mayroong cocktail. Hay, matapos lang talaga 'tong thesis namin ay lalasapin ko lahat ng pahinga na kaylangan ng sarili ko.
"Okay, beach it is." He started scrolling through his phone. Sinubukan ko iyon silipin pero agad niyang iniwas. May pinindot siya saglit at pagkatapos ay ibinalik ang atensyon sa'kin.
"Are your brothers' free on Friday?"
"Bakit?"
"Ipapaalam kita ng maayos."
"H-huh? Saan naman tayo pupunta?"
"To your ideal place to sleep. Oh, and please tell me your schedules so I can plan ahead." He smiled and patted my head.
☕
"Defended!" Tumakbo ako agad kay Agatha nang makita ko siyang naghihintay sa'kin sa labas ng classroom. Nagtatatalon kami sa tuwa habang magkayakap. "Yes, makakainom na tayo ulit!" aniya sabay yugyog sa'kin.
Wala na kaming klase pareho kaya naisipan naming pumunta muna sa madalas naming pinagtatambayan. Tutal maaga pa naman at mamayang gabi pa ako susunduin ni Joaquin sa amin. "Huy, apply ako sa coffee shop niyo sa Sabado. Sana si Kuya Ken ang mag-interview sa'kin," malandi at kinikilig niyang sambit habang nilalaro ang yelo ng milk tea niya.
"Malas mo, may business trip si Kuya ng araw na 'yan." Tawa ko saglit. Bigla siyang bumusangot sa sinabi ko. 'Wag na siyang malungkot, sa libo-libong fans ni Kuya Ken, siya ang pinaka-swerte. Bukod sa kaibigan niya ang pinaka-maganda nitong kapatid, nakaka-interact niya pa kahit kaylan niya gusto.
"Aggy, curious ako. I know you as a very busy person. Bees will bow down to you sa sobrang sipag mo palagi. Matagal na rin tayong magkaibigan pero minsan naiisip ko, paano kaya ang isang Agatha kapag siya na lang mag-isa?"
"What do you mean, Ma'am Keira?"
"Like how do you make time for yourself?"
"Hm, depende kung anong maisipan kong gawin. Minsan nagbabasa ako, minsan gumagala ako mag-isa. Marami at hindi ko alam kung paano ko iyon iisa-isahin. Basta, depende."
"Eh, love life?" Alanganin kong tanong. Pakiramdam ko ay masyadong private ang aking tanong. "Okay lang naman kahit ayaw mong sagutin pero kung tatanda kang dalaga, sasamahan na lang kita," bawi ko agad.
"May crush ako, engineering. J-Jayden Caballero ang pangalan," biglang humina ang kanyang boses. Napahampas ako sa lamesa at muntik nang masamid. "Kilala ko 'yan!" Napaturo ako sa kanya. Napatakip na rin ako ng bibig agad dahil napalakas ang boses ko.
"Kilala ko 'yan," sabi ko ulit pero pabulong na. "Kaibigan namin nila Lexi 'yan no'ng high school. Hanggang ngayon ay may koneksyon pa rin kami sa kanya. Gusto mo ba lakad kita sa kanya?"
Sa lahat ng mga kaibigan ko, si Lexi lang ang pinaka-pamilyar siya. Oras na rin siguro 'to para makilala niya pa ang iba. Sakto dahil isa sa mga plano ko ngayong araw ay puntahan si Mitch kaya niyaya ko siya.
Wala siyang ideya kung saan kami pupunta pero patuloy pa rin siya sa pag-sunod sa'kin. Ayos lang sa lakad si Aggy kaya kahit medyo malayo ay hindi ko siya narinig na nag-reklamo. Hanggang sa makarating na kami sa sementeryo. Takang-taka pa siya kung bakit kami narito.
Itinuro ko ang isang puntod sa harapan namin. Mayroong mga bagong bouquet ng sunflowers doon, mukhang nag-punta na si Jacob dito. "Mitch, si Aggy. Siya ang nag-bigay nitong singsing sa'kin." Turo ko sa aking daliri. "Aggy, si Mitch. Kagaya mo, masipag din siya, mabait at sobrang maalaga." Ibinaling ko ang tingin kay Aggy ulit. "Iyong second floor ng coffee shop namin? Dati niyang apartment 'yon na madalas din naming takbuhan," saad ko.
Umupo ako upang linisin ng kaunti ang kanyang puntod. Sumunod din naman si Aggy sa ginawa ko. "Siya ba 'yong babae na sa pang-anim na polaroid?" inosente niyang tanong. Ngumiti naman ako tumango bilang sagot.
"Hi, Mitch. Hindi ko man alam kung paano ka mag-alaga bilang kaibigan ni Keira pero sisiguraduhin kong aalagaan ko rin siya katulad ng ginawa mo, hindi lang bilang kaibigan, bilang kapatid na rin." Haplos ni Aggy sa pangalan nito. Napatitig ako sa kanya nang marinig ang kanyang sinabi. Nang mapansin niya ay nginitian niya ako.
"Totoo 'yon pero h'wag ka masyadong kiligin. Baka ma-bakla ka sa'kin niyan. Hindi tayo talo. May engineering akong gusto," biro niya kaya mahina ko siyang hinampas. Speaking of engineering, sabay kaming nagulat at napalingon nang may marinig kaming pamilyar na boses.
Nang makita ni Aggy kung sino iyon ay agad siyang napatayo at nag-pagpag ng kanyang sarili. Natatawa ako habang pinagmamasdan siyang hindi mapakali sa harap ng crush niya. Mayamaya'y tumayo na rin ako at binati si Jayden. Pinakilala ko na rin ang kaibigan ko na magiging future niya.
"Hm." Tango ni Jayden at ngumiti sa kanya. "Nakikita ko nga siya minsan sa library mag-isa."
Agad kong pinigilan ang aking kilig sa kanilang dalawa. Naramdaman ko rin ang kurot ni Aggy sa aking tagiliran kaya hindi ko na napigilang matawa. May pang-asar na rin ako. Naisipan ko tuloy iwanan silang dalawa ro'n at naupo sa malapit na bench. At dahil supportive akong kaibigan, kinuhaan ko sila ng picture nang makita kong nag-uusap na sila.
Habang inaantay kong mag-send sa kanya ang litratong iyon ay saktong nag-text si Joaquin na malapit na siya sa bahay namin. Mukhang ipapaalam na niya ako sa tatlong hari ng mansyon namin. Bumalik ako saglit sa dalawa upang mag-paalam.
"Hala, h-hindi ko alam pauwi galing dito! S-sabay na 'ko sa'yo!" Bigla na namang nataranta 'tong bruhang 'to.
"Alis ka na, Kei? Hatid ko na kayo pauwi. Sakto may pupuntahan din ako," Jayden insisted which I didn't resist! Inunahan ko agad si Aggy sa backseat nang marating namin ang sasakyan ni Jayden para doon siya sa harap maupo. Hindi na siya nakaangal dahil sinakop ko na ang buong pwesto.
🗨️ To: Agathangina
happy friday bitch
💌 Agathangina:
pakyu.
☕
"Dito na lang Jayden, thank you!" sabi ko nang makalabas na ako ng sasakyan. Naiwan si Aggy sa loob kaya malapad ang ngiti ko - dalawa na lang kasi sila. I trust Jayden, but still, I reminded my girl to call me when something goes wrong. Napatambay ako saglit sa aking kinatatayuan dahil ka-text ko pa si Aggy. Para tuloy akong baliw na tumatawa mag-isa rito.
Nang mapansing palubog na ang araw ay nag-simula na akong mag-lakad pauwi. Tuwing ganito ang oras ay tumitigil ako sa paglalakad upang kunan ang anino ko ng litrato o hindi naman kaya ay mag-seselfie ako.
Pagkatapos ay nag-patuloy na ako. Tahimik ang aking paligid ngunit ang isip ko ay hindi. A familiar scenario suddenly flashbacked - me walking in this same path at the same hour when I bumped into three mysterious guys.
It was kind of peaceful since Aggy and I buried that cursed notebook. Yeah, we both believe it was cursed. Simula no'n ay halos wala na kaming narinig ni Aggy na balita tungkol sa patayan o kahit na ano pang related doon, kahit pangalan ni Jayson ay tahimik din.
Tahimik pero nakakapag-alala. May mga gabi pa rin na hindi ako pinapatulog ng mga iniisip ko. Mas lalo akong nakaramdam ng takot simula noong may nanghimasok sa bahay namin. What ifs...
What if the intruder comes back? What if the criminal finds out that Agatha's helping me and hurt her? Paano kung tuluyan na nilang saktan si Mama? Madamay ang mga kapatid ko at kung sino pang mga malapit sa'kin? At may koneksyon pa man o wala na, paano kung isa sa balak ng kriminal ang biktimahin si Ashley?
Habang iniisip iyon ay sumasabay ang pag-bigat ng aking dibdib. Natatakot ako... Hindi ko alam ang una kong gagawin kung mangyari man nga ang mga iyon. Pero sana ay h'wag. Kahit anong tibay siguro ng sarili ko, kung dumating ako sa sitwasyon na ganoon, hindi ko kakayanin. I can't imagine them dying in front of my eyes and I don't want them to. But as long as there's time to make things right, I will not stop 'til I catch whoever is behind this.
Sa sobrang lalim ng aking iniisip ay hindi ko na namalayan na nasa tapat na ako ng gate namin. Nakita ko na ang kotse ni Joaquin na nakaparada sa tapat. Pagkapasok ko ay nakita ko siyang palabas kasama si Kuya Kel at Mama at mayroong mga bag na bitbit. Nagtatawanan pa sila at napatigil lang nang makita na ako.
"Pasalubong, ah?" Iyon agad ang bungad sa'kin ni Kuya samantalang hindi pa ako nakakaalis. Nag-paiwan si Joaquin sa harap ko habang sina Mama ay nag-patuloy sa kotse upang ilagay ang mga gamit. "I'll wait for you in the car," sabi niya sabay hapit nito sa'kin sa bewang at humalik sa noo.
Ngumiti ako at tumango saka hinayaan na siyang mag-patuloy ulit. Pagkapasok ko ng bahay ay nakaabang na sa sala si Kuya Kean. Lumapit ako sa kanya upang bumeso. Masyadong seryoso ang kanyang ekspresyon kaya hindi ko alam kung ano ang unang sasabihin o aalis na lang ako sa harap niya.
"Can we talk before you go?" panimula niya. Tumango ako habang ang tingin ay nananatili sa paanan naming dalawa. "Go fix yourself first." Nang sabihin niya iyon ay saka ako nag-tungo sa kwarto. Dumiretso ako sa walk-in closet ko dahil sisimulan ko na sanang mag-impake ngunit mukhang naunahan na nila ako.
Sinilip ko sila Kuya Kel sa terrace at nakita kong may inilagay si Mama na beige na maleta sa likod ng kotse ni Joaquin. Oo nga, nauna na nga ang mga gamit kong makasakay. Hindi na ako nag-sayang pa ng oras at nag-ayos na ng sarili. Pagkatapos ay bumalik ako kay Kuya Kean upang makapag-usap.
"Okay, I trust him for looking out for you. I trust you both actually. But I still want to remind you to be careful. You do know what you are doing, Keira, don't you?" he asked worriedly.
"I'll be fine," iyon na lamang ang nasabi ko saka ngumiti.
"You sure?" He raised a brow. "I just don't want to see you suffer in a situation like that with a racer again. You know what I mean. I don't have to explain things."
"Ni isang beses hindi ako pinabayaan ni Joaquin. Alam kong alam mo 'yon, Kuya. He will assure you that I'll be safe around him. Don't worry, I'll call."
"And can I be the first one to receive it this time?"
"Of course, Kuyang bugnutin," asar ko.
"Good. Now, off you go." Ngumiti siya sa'kin. Ganoon din ako sa kanya at nag-tungo na sa sasakyan ni Joaquin. Humalik ako sa pisngi ni Mama at mahina ko namang sinuntok si Kuya Kel sa braso bilang paalam. Nang magsimula nang mag-drive si Joaquin palayo sa amin ay binuksan ko ang bintana at dumungaw para kumaway sa kanilang tatlo.
☕
"One, two, three..." sambit ko sa aking sarili habang pumupulot ng mga shells sa mababaw na parte ng dagat at nilalagay ang mga iyon sa maliit na basket na dala ko. Natigil lang ako sa aking ginagawa nang marinig ko na ang boses ni Joaquin.
"Dinner's ready." Matamis siyang nakangiti sa'kin nang malingon ko. I picked up the last ones I saw on the sand and ran towards him to show the beautiful shells like a happy kid. Kumuha siya ro'n ng isa at tinago sa bulsa niya at sabing, "Souvenir." Tapik niya pa sa kanyang bulsa.
He escorted me to our dinner table. Una kong napansin sa lamesa ang vase na mayroong Lily of the Valley at pulang rosas. Hindi ko na naitago ang ngiti. I never told him those were my favorites but it always showed up unexpectedly, whether in a locker or simply at the table he prepared for us.
He pulled off a chair for me. Bago rin siya naupo sa kanyang silya ay nilagyan niya muna ng wine ang baso naming dalawa. "Congratulations, thesis defended." Sabay abot nito sa'kin. Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang maalala ko na naman 'yon. Para akong binunutan ng tinik nang matapos na namin ang gawaing 'yon!
Our glasses clink together. Iyon na rin ang simula ng pag-uusap namin tungkol sa iba't-ibang bagay. Pagkatapos ay naisipan naming maglakad-lakad sa tabing-dagat. Naglaro-laro na rin kami sa mababaw na parte habang pumupulot ng shells ulit.
Nang mapagod na ay saktong may nakita kaming duyan na nakasabit sa pagitan ng dalawang puno ng niyog at doon nagpahinga. Parehas naming pinagmamasdan ang dagat at ang repleksyon ng buwan doon habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.
"Keira?"
"Hm?"
"What are your thoughts about courtship?"
Napabangon ako mula sa pagkakasandal sa kanyang dibdib. "Well, sounds sweet." I shrugged. "Panliligaw, pangyayari sa buhay mo na minsan ang sarap balikan. Bagay din na hindi mo na mararanasan in the long run. Minsan, consistent at totoo. Minsan, mapanlinlang at kalokohan."
"What do you mean?"
"Minsan daan 'yon para makuha ng isang lalaki ang target niyang gaguhin. Kukunin ang loob, mamahalin sa simula, at sa dulo, sasaktan ka. Like a damn devil in disguise."
"I can't blame you for answering that, though. I understand."
"Bakit mo natanong? May balak kang ligawan ako?" asar ko pero seryoso lang siya saka niya inabot ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit. "What if?" he asked.
"Kung sa totoong relasyon lang din naman ang bagsak nating dalawa, bakit pa natin papatagalin? Gusto rin naman natin ang isa't-isa."
"That seems... Madaya."
Napakunot ang noo ko, "Anong madaya ro'n?"
"Eh, kasi pursuing the girl you like, courting is always there. It's like a commitment why I like you, what are my intentions, and if you're ready. If I didn't do that, it feels like I only force you to be with me. Kaya naisip ko, I still need to. Ang daya ko kung hindi," he answered with so much sincerity that made me speechless for a moment.
Napaawang din ang mga labi ko sa kanyang sagot. "Y-you want to commit a serious relationship with me?"
Seryoso siyang tumango, "I've been thinking about it carefully since."
I was about to reply but a shooting star caught my attention. Agad kong itinuro sa kanya 'yon na parang bata. Tumayo ako para mag-wish saglit. Napadilat lang ako muli nang maramdaman ang kamay niya sa bewang ko. "Did you make one?" I asked.
"Whether it's a star or a genie, or a thousand dandelions to wish for, I will always wish the same." Tingin nito sa'kin. "You," pagpapatuloy niya. Sabay lagay niya ng aking buhok sa gilid ng aking tenga at humalik sa noo. "It has always been you, Keira, since then..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro