Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

15

"So, saang parte mo na naman ako ng mundo dadalhin?" tanong ko sa kanya nang makarating ako sa tapat ng kwarto niya. Saktong naabutan ko siyang nagbibihis. Hindi na ako tumalikod dahil nakita ko na rin naman ang kabuuan niya kanina. For sure, aasarin niya lang ako lalo kapag ginawa ko 'yon. 

"No spoilers." He chuckled. Umirap na lang ako saka ko napansin ang tagiliran niya na wala ng tato. Huh, he really moved on... Sumandal na lang ako sa pinto habang hinihintay siyang matapos mag-ayos ng kanyang sarili.

He's also wearing a brown turtleneck, matching my beige crop-top turtleneck, too. Matching brown and beige trousers, white shoes, and long coats. He requested this outfit. Mukha na nga kaming kape dalawa dahil sa kulay ng mga suot namin.

Mayroon pa naman akong ibang damit pero mas pinili kong mag turtleneck ngayon dahil ang daming iniwang bakas ng malaking lamok na kilala ko kanina.

Nang makatapos ay saka niya ako nilapitan para may ibigay. He handed me a black Dior sunglass and a pair of earrings. Halos lumuwa ang mata ko sa mga hawak ko ngayon. "Sure ka bang para sa'kin  'to?!" 

Tumango siya at matamis na ngumiti sa'kin. I'm holding a damn luxurious accessories! At talaga namang ngayon lang ako nakahawak ng ganito dahil kahit bilyonaryo ang mga kuya ko ay hindi ako nanghingi ng mga mamahalin na bagay.


Kahit man may pera ako ay hindi ko pa rin kayang bumili ng ganito. Parang masyadong mahal para bumagay sa'kin. Parang ang hirap suotin. I just wanted to stare at it all day. "Joaquin, this is too much." Saka ko siya nalingon ulit. 

"It's a gift." He smiled again. 

"Pero November 26 pa birthday ko."

He laughed a little. I guess those little laughs is one of my favorites. "Aantayin ko pa ba talagang dumaan ang Halloween para bigyan ka ng regalo?" asar niya. Aba, tarantado 'to, ah. Pagkatapos kang pakiligin, pagti-tripan ka.

Kinuha niya ang hikaw at isinuot iyon sa'kin. Inayos niya rin ang aking buhok saka inilagay ang sunglasses sa ibabaw nito. "There, it suits you, pretty." Saka niya ako iniharap sa salamin. "Gorgeous," pahabol niya pa.

Hindi ako sa itsura ko nakatingin ngunit sa hikaw na mukhang kahit malayo ay mahahalata mo agad na mamahalin dahil sa kinang nito. "Hindi ba ako maho-holup nito? Baka bigla na lang may humila sa tenga ko habang naglalakad tayo, ah." 


"Silly, no. We have bodyguards, Keira. And you're with me so you're safe. I got you. Hindi ko hahayaang mapahamak tayo. And of course, there are three men who will bury me alive if something bad happens to you, you know." He shrugged.

Natawa na lamang ako ro'n. At least dalawa na kaming takot sa mga kuya ko ngayon. Mayamaya'y niyaya niya na rin akong umalis. Inaalalayan niya pa ako pababa dahil masakit ang legs ko. Grabeng gera ba naman ang ginawa sa'kin. 

"Just tell me if you need a wheelchair," asar niya na naman.

"Kahit piggyback pa ialok mo sa'kin, hindi ko tatanggapin dahil kaya kong maglakad." Tinulak ko siya palayo at dire-diretsong na lang bumaba ng hagdan. 


"Welcome to Museo San Agustin, Ma'am and Sir," bati sa amin ng isang bodyguard na personal driver din ni Joaquin nang pagbuksan niya kami ng pinto. There are also big three bodyguards following us. Kakaunti lang mga taong naroon at mukhang hindi napansin ang kasama ko nang simulan na naming pumasok. 


Malaya kong sinimulang libutin ang lugar habang nakasunod naman na parang guardian ko sa fieldtrip si Joaquin. Nakaitim na mask siya habang suot ko naman na ang sunglasses na binigay niya. Paraan ito upang hindi kami mamukhaan agad.

Alerto rin ang apat na bodyguards na kasama namin kung sakali man. At habang naglalakad kami ay hindi matigil ang bibig ko sa pagkukwento tungkol sa mga bagay na alam ko sa loob ng museum. Dahil doon, nakaisip na naman ako ng bagong trip. 

"Okay, everyone, line-up." I clapped my hands three times as I face them. Napataas lang ng kilay si Joaquin sa akin at nagtinginan naman ang apat na bodyguards. "Oh, come on! Hindi ba kayo nag fieldtrip noon? Ito-tour ko kayo!" 


Nilingon ni Joaquin ang apat sa likod niya at nang makitang nakapila na nga sila ay saka niya ibinalik ang tingin sa akin. "What? Ang KJ mo kung 'di ka susunod. KJ ka na nga kasi ayaw mong makasama ko sa inuman pinsan mo, eh!"

"Do not bring Raven into this." Napailing-iling  at umirap siya. Pinagseselosan niya pa rin ang pinsan niya? Baliw. Nang mapansin din naming nag-aalisan na ang mga tao ay saka namin tinanggal ang mask at sunglasses na suot. Mas malaya na rin kaming gumalaw at mas magiging maayos ang pagto-tour ko. 

Sa tinagal ng oras namin doon ay halos nalibot namin ang buong museum. Nang makaupo ay saka ako nag-check ng phone. Bungad agad ang iilang notifications mula sa Instagram ko galing kay Joaquin. Dali-dali ko iyon binuksan saka ko nakita ang picture kong natutulog kanina habang suot ang t-shirt niya. Good thing that my face was hidden.


Sunod naman ang picture naming magkahawak ng kamay kanina sa sasakyan. Sunod naman ay ang picture ng mga bodyguards niya at isang kasama naman siya. Kasunod no'n ay video ko na nagsasalita habang nagtuturo ng mga displays, paintings, at kung ano-ano pa. 

📹
[In the video:

Me: Excuse me, Sir, pero no pictures po. 

Joaquin: But can I take a picture with the tour guide?

Me: 'Wag kang malandi.

Joaquin: Sungit hahaha.]

"Wala talagang pinipiling lugar..." bulong ko sa sarili ko sabay tawa. Ang pinakahuli ay backshot kong nakatingin sa isang painting. At dahil malinaw ang mata ko, hindi nakatakas ang maliit na caption doon: "my favorite."


Pinigilan ko agad ang ngiti ko dahil baka ang painting talaga ang tinutukoy niya at nahagip lang ako sa picture. Pero kahit anong pigil, parang gusto ko na lang siya sipain bigla dahil inuulol na naman niya 'ko. Tinago ko agad ang phone ko nang makabalik na siya galing restroom. "Gutom na 'ko," sabi ko agad at tumayo nang makalapit na siya sa'kin. 


"Where do you want to eat, my princess?"


Haha, parang tanga. My princess, amputa. 'Kala mo siya nanganganib sa kagaganyan niya, eh... "Kahit saan," sagot ko na lang dahil wala naman akong alam na kainan dito.

"What a very hard restaurant." Natawa na lang siya saka hinawakan ang kamay ko. Hindi na ako nagulat dahil may deal nga pala kami. May kondisyon din. Ngunit mukhang ako yata makakalabag ng isang kondisyon na 'yon na nagmula rin sa'kin... 


We ended up at the restaurant in Intramuros. Bumalik kami ro'n sa dati naming kinainan. Pagkatapos ay naglakad-lakad kami ulit. Sakto dahil lubog na ang araw nang makarating kami kanina rito. Nakapagliwaliw din ang apat na bodyguards namin.


"Plans for your Palarong Pambasa? Malapit na ang laban mo ulit," aniya. Napatigil ako sa pag-inom ng taho nang maalala ko 'yon. Siguro kung hindi niya nabanggit ay tuluyan ko nang makakalimutan ang tungkol doon! 

"Wala pang schedule ng training na binibigay si Coach kaya hindi ko pa alam ang amin. But since you're an expert, you can train me. Just tell me, magkasama lang din naman tayo sa iisang bubong. May karera ka rin ngayong taon, 'di ba? Maghahanda na rin tayo para ro'n."

"Hm-mm, this March. Yours is April, right?" 

Napatigil ako sa paglalakad. "Paano mo nalaman 'yan?" 

"I have ways." Kibit-balikat niya saka kami nagpatuloy ulit. Nang matapos namin ang taho ay saka na kami bumalik sa sasakyan para umuwi na. I can say, sulit na sulit ang day-

"Oh, good evening," bungad sa akin ni Joaquin nang magising ako habang buhat niya papasok ng mansyon. Naghimasmas ako habang nakasandal sa kanyang dibdib.


Ibinaba niya lang ako nang makarating na kami sa kwarto ko. Umunat ako agad at kinuha ang isang unan sa sofa nang maging okay na. "How's your day?" Lumuhod si Joaquin sa harap ko saka inabutan ng tubig.


Uminom muna ako bago magsalita. "Feels like I was born in the 80s," I smiled sweetly as I Iay down my head on the pillow I was hugging. Pumikit ako ulit upang alalahanin ang mga nangyari.

Ang dami, sa isang araw lang... Kahit ako ay nagugulat pa rin. Nang makadilat ako ay saktong pumasok ulit si Joaquin. Lumapit ito muli sa'kin ngunit hindi na mamahaling accessories ang iniabot sa'kin kundi isang bouquet naman. 


"Happy Valentine's Day, Keira," aniya nang lumuhod siya muli sa harap ko at binigyan ako ng isang halik sa noo. It left me in shock for a while. Pink lily of the valley and roses are already giving my heart warmth.


Kinuha ko iyon saka siya muling tinignan. Tinignan ko rin ang date sa phone ko: February 14 it is. Hindi ako prepared kaya ang isinukli ko na lang sa kanya ay halik sa pisngi sana kaso bigla siyang lumingon upang salubungin iyon kaya sa labi niya lumapat ang akin. 

"Hilig mo talaga manghalik, eh, 'no." At hindi mo alam na sa bawat ganyan mo ay nagiging delikado para sa'kin.

"Gusto mo rin naman."

Natawa na lang ako at mahinang hinampas sa kanya ang bouquet na hawak ko. Bumuntong-hininga at umirap din ako. Ayokong isipin niyang masyado na akong kinikilig sa kanya. "Thank you, Joaquin." Ngiti ko.

Mayamaya'y pinabalik ko na siya sa kwarto niya. Hindi pa ako nakaka-recover para mag round two kami. "Goodnight," sabi niya pero nakatambay pa rin sa tapat ng pinto ko, parang may hinihintay pang kung ano sa akin. 

"What? See you never?"

"That's impossible now since when we're under the same roof."

"Fine. See you tomorrow, then."

"See you, Keira." Ngiti niya muli sa'kin saka tuluyan nang bumalik sa kanyang kwarto. Napaupo ako agad sa sahig nang masara ko na ang pinto. Malalim akong huminga, kumuha ng unan at doon sumigaw. Nagpadyak at gumulong-gulong na rin ako sa sahig.

"Gulong-gulo na ako..." sabi ko habang nakatitig na ngayon sa malaking chandelier. Natatakot pa rin ako pero may kung ano sa akin na pilit akong itinutulak sa kinakatakutan ko na 'yon. My god, Keira. You're in a very serious trouble...


"Tubig?" Alok ko sa kanya nang makababa na siya sa sasakyan niya. He's wearing his red racing suit. Saka ko lang nakita kung gaano siya kapawis nang tanggalin niya na ang kanyang helmet. Kinuha niya rin sa wakas sa nangangalay kong kamay ang tubig at ininom. Umiwas ako nang tingin nang ibinuhos niya ang tirang laman no'n sa kanya. Hay, ano ba 'tong pinasok ko?

"Do you have visa?" tanong niya dahilan para malingon ko na siya ulit. Nagpupunas na siya ngayon ng kanyang sarili. 

"Wala, bakit?"

"You need one. We're going to Spain," he plainly said. Nang sabihin niya iyon ay akala mo nasa kabilang kanto lang ang bansang 'yon. Nanlaki rin naman agad ang mata ko dahil doon. Well, I've never been out of the country, though. Oportunidad iyon para sa akin.

"Spain?! Bakit anong gagawin natin doon?" 

"Ipapa-deport ka na raw ng mga kuya mo."

"Gago!" Sabay kuha ko ng bote ng tubig sa kamay niya at hinampas iyon sa kanya. "Ano nga?"

"Doon gaganapin ang season ng karera ko. We will be there for two weeks, I guess? Nagpaalam na ako sa tatlong kuya mo at ipinaalam na rin nila iyon sa mga professors mo para ma-excuse ka. Doon na rin tayo mag-training minsan kapag may oras. Everything is already settled, ikaw na lang ang kulang at lilipad na tayo. Don't worry, I'll help you."




He patted my head and went back to his car to do his laps again. Para bang hindi niya na ako hinayaan pang makapag-reklamo o ano. Really, Spain?! 

"Kuya!" Bungad ko agad nang makauwi ako sa amin. Pagkatapos ng trabaho ay nag-commute ako papunta rito. Dala-dala ko pa si Agatha. At nang makita niya kung sino ang bumungad sa amin sa sala ay halos malamog niya ako sa bawat yugyog at hampas niya. Pigil na pigil din ang kanyang pagtili.

"Sabi mo hindi mo kapatid si Kenzo Monteza?!" sabi niya pa nang bitawan niya na rin ako. Kuya Kean is the one I'm expecting to see here.


"She said that? Ouch." Natawa na lamang si kuya ro'n. Alam niya naman ang dahilan bakit ko siya tinatanggi kapag may nagtatanong, eh! Nakalimutan ko ring sinabi ko nga pala 'yon kay Agatha at fan na fan siya nitong pangit na 'to sa harap ko. At hindi ko rin naman inaasahan na siya ang laman ng sala ngayon dahil mas madalas siyang nasa kwarto niya kapag uuwi sila rito.



"Hi po, I'm Agatha! Best friend ni Kei!" Nakipagkamayan siya kay kuya at nang makabitaw ay bumulong ito sa akin. "Hindi ko huhugasan 'to." She puckered her lips and kissed the back of her hand. Napangiwi at napailing na lang ako bago ilipat muli ang atensyon kay Kuya Ken. "Usap tayo," iyon na lang ang sinabi ko saka sinimulan nang akyatin ang kwarto niya. 



"You're best friends with her? Quick question, kaya mo pa bang tiisin kamalditahan niyan?" Hindi pa ako gaanong nakakalayo kaya narinig ko ang kanyang sinabi.

Narinig ko pa silang nagtawanan kaya bumalik ako ng sala upang hilahin na ang kuya ko. Hindi fangirling life ni Aggy ang pinunta ko rito. We'll get there. She can even have my brother, or maybe all three of them. 


"Ipapa-deport niyo na raw ako?" I said dramatically after I closed his bedroom door. "Hindi niyo na ba ako mahal? Bakit? Saan ako nagkulang? Nag-aambag naman na ako sa gastusin natin. Ako na nga rin ang nagbabayad ng kuryente. Pinapadalhan ko rin si Mama. Pero bakit gano'n? Kuya, bakit niyo nagawa sa'kin 'to?" Lumapit ako sa kanya, hinawakan ang kanyang damit at wala ko siyang sawang niyugyog. Nagkunyari pa akong ngumangawa. 


Nang tignan ko siya ay nakataas lamang siya ng kilay sa'kin habang natatawa. Napaayos na lang ako ng tayo. "Pangit mo namang supporting actor, walang support." 

"Inaatake ka na naman ng kabaliwan mo. Sabing 'wag kang magpapalipas ng gutom."

Hinampas ko na lang siya. Sa kanilang tatlo, kay Kuya Kenzo lang ako nakakapagbiro ng ganito. Mas madalas din ako lumapit sa kanya kapag nangangailangan ako o kung gusto ko ng makakausap. Si Kuya Kel naman ang kaasaran ko lagi. At si Kuya Kean... Siya naman ang palagi kong kaaway.



Umupo ako sa tabi niya at sinabi na lang kung bakit ako nandito. Sa kanya ako magpapatulong mag-asikaso ng mga dapat kong asikasuhin papuntang ibang bansa. Dahil parang kaunti na lang, malapit na akong humimlay kapag nakakasama ko si Joaquin. Bukod pa ro'n, kaylangan kong libangin ang naguguluhan kong isip at damdamin. Feeling ko magiging tanga ako ulit. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro