Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

13

"You don't need to update me about your whereabouts, you know. We're just fake dating. Ilang beses ko ba lilinawin 'yon sa'yo?" Sabay higa ko sa kama habang nakatutok pa rin sa phone dahil ka-video call ko si Joaquin ngayon. Wala siya rito sa mansyon nila kaya naiwan akong mag-isa. Mawawala rin siya ng ilang araw dahil may photoshoot siya sa ibang bansa.



He isn't just a racer but a Dior model as well. Another thing that he told me during our little trip in Tagaytay was he was half spanish — father side. Well, that explains how handsome he is. His eyes are kind of a blue, too. If I'm going to recall our first meeting, that was the very first feature I noticed in him and I won't lie that those eyes are captivating. Aaminin ko na mismo na kahit ako ay hindi maiwasang mapatitig sa mga bughaw na 'yon.



[Joaquin: Keira, nakatulala ka? Are you okay?] Rinig ko sa kabilang linya na nakapagpabalik sa'kin sa wisyo. Tumango na lamang ako at nag-isip ng idadaldal sa kanya upang mabaling sa iba ang aking isip. "Kaylan ka pala uuwi?" Dumapa ako at isinandal ang phone ko sa mga unan.



[Joaquin: Why? Miss me already?]



"Kapal naman ng mukha mo. Pera ka ba para mamiss ko?"



[Joaquin: Technically, I'm the one giving you salary. Obviously, I'm your money. So, you miss me.] He chuckled.



Wow, desisyon. Natawa na lang ako sa mga sinabi niya at nagpaalam nang papasok na sa trabaho. Maagang natapos ang class ko kaya maaga rin akong nakagawa ng iilang schoolworks. Back to my old routine: a student or athlete in the morning, a manager in the afternoon, and a crew chief afterwards.



Minsan na rin akong umuwi ulit sa amin upang bisitahin si Mama. Iginala ko siya dahil sahod. Madalas ko ring makasama ngayon si Agatha lalo pa't pinayagan siyang mag-overnight sa mansyon. It was fun but sometimes at night, I really do feel a little empty. Felt like I'm missing something or someone pero itinatanggi ko iyon mismo sa aking sarili...


[Joaquin: Lady, you're in my room.] Napataas ang kilay niya sa kabilang linya nang makita ang background ko ngayon — ang kama niya. "What? Ikaw nga nakikihiga sa higaan ko, tapos ako bawal?" Umayos ako ng pagkakadapa habang yakap-yakap pa ang pinakamalaking unan.



[Joaquin: Gantihan ba 'to?]


"I told you, I like thrills. Nakaka-thrill ang gumanti lalo na kung sa'yo." Tawa ko na mas lalong ikinataas ng kanyang kilay.



[Joaquin: And I told you, I wasn't a fan of revenge. I prefer peace so why don't you just sleep with me in that king sized when I get home?] He teased.



"Hmm..." I looked up, kunyari pinag-iisapan ang mga sinabi niya kahit alam naman naming dalawa na sinasakyan ko lang ang kapilyuhan niya. "Sure, kaylan ka ba uuwi?" patol ko.




[Joaquin: I would glady book a flight right now, sweetheart.] Kindat niya pa at sabay kaming natawa. Ang landi talaga. Kaya ako nanganganib, eh. Hindi na ako sumagot at nag-isip na lang ng panibagong ikukwento. Pero natuwa naman ako nang unahan niya. Ipinakita niya sa'kin ang view niya ngayon sa kanyang kwarto.




He even sent me pictures of him from his photoshoots earlier. Agad akong nag-off cam at ngumiti nang makita kung gaano siya ka-gwapo sa mga 'yon. Para siyang ibang nilalang na sobrang pinagpala. Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko kaya binuksan ko na ulit ang camera ko. "Nag-lag, sorry," alibi ko. Kahit siguro guardian angel ko ay kokotongan ako ngayon.



[Joaquin: 'Di ka pa ba matutulog? Ayaw mo pa ba 'kong mapanaginipan?]



"Ayoko, baka bangungutin ako."




[Joaquin: Babangungutin ka ng kapogian ko.] Malakas niyang tawa ulit. Nagpipigil ako ng akin dahil mahalata niya na masyado na akong natutuwa sa kanya samantalang siya ang pangalawa sa listahan ng mga taong kinaiinisan ko.




"Ulol mo." Napailing-iling ako at umirap na lamang. Mayamaya'y tinawag na siya ng manager niya kaya pinatay ko na ang tawag. That made me explore his room more. Pinayagan niya naman akong galawin ang mga gamit niya pero hindi ko pa rin ginawa. Sa takot ko na lang na baka masira ko pa. Pagkatapos ay bumalik ako sa kama niya at gumulong-gulong.



"Shuta, ang bango niya talaga..." Singhot ko sa kanyang kumot. Ibinalot ko iyon sa'kin habang yakap at ginawa ko namang dantayan ang ilang unan niya. All of it smells literally just like him! I can smell his whole bed all night!


Nang makatigil ako sa aking ginagawa ay saka ko binalik ulit ang atensyon ko sa phone upang mag-scroll lang sa Tiktok. Hindi rin ako makapaniwala na halos parang lahat ng videos doon ay para sa'kin. Maliban sa mga fuck buddy related vids. Upon watching, a little thought came to me... What if we spice it up a little?



Lumipat ako agad sa text messages para sabihin ang bagong larong naisip ko. Hindi ko naman inaasahan ang reply niya agad dahil alam kong abala siya pero mayamaya lang din ay nakasagot na siya agad sa tanong ko.



🗨️ To: 09*********
What are your thoughts about
fuck buddies

💌 09*********:
Fuck what?


Akala ko ay rereplayan niya ako ng essay pero napairap na lang ako nang replayan niya rin ako ng tanong.


🗨️ To: 09*********:
Sex lang walang label


💌 09*********:
Hm idk

Why? You want to try? :)



The side of my lips rose when I read his reply. Hindi lang pala siya magaling sa paggulo ng mga nararamdaman ko. Magaling din siya sa pagbabasa ng utak.



🗨️ To: 09*********
You bet ;)


💌 09*********:
Let me think



🗨️ To: 09*********
No pressure :*



Saka ko na pinatay ang phone ko. That was too risky but I want to try it this time. I want to know what it feels like. And maybe after trying, I wouldn't be that boring, emotional, pathetic girl. Curious and more curious... Maybe.... Just maybe....


"Ma'am Keira, inaprubahan na po ba ni Sir Joaquin ang balak niyong ballet shoes?" tanong sa akin ng isa kong kasamahan. Hindi ko pa iyon nasasabi kay Joaquin dahil naging abala rin ako. "Bakit nga po pala iyon ang naisip niyong idagdag sa mga produkto at balak niyo pong low price lang?"



Saka ako napatigil sa aking pagoobserba sa mga sales at nilingon siya. "The last time I checked my social medias, patok ulit ang Barbie ngayon at isa sa kadalasan niyang ginagawa ay ang pagsayaw ng ballet. Imagine how many girls wanted to dance like her."


"Pero hindi po ba tayo malulugi?"

Ngumiti ako at umiling. "Trust me. By just buying a pair of it, imagine the feeling to make someone happy, especially a kid. Imagine the confidence they might get and maybe... Maybe it can be their first step on reaching their dreams. And who knows, baka makatulong pa iyon sa negosyo para mas lalong lumago at makilala." Kibit-balikat ko.


Just like me, people out there have dreams, too. Some were born lucky to reach it and some go through a lot of sleepless nights in every step of the way in order to achieve it. And one thing that they do have in common is that they never give up.



"Day off natin bukas. May balak ka bang gawin?" ani Agatha habang naglalakad na kami palayo sa shop. "Tinatanong pa ba 'yan?" Ngumisi ako. Alam kong alam niya ang gusto kong gawin kapag day off namin. Nang malingon namin ang isa't-isa ay sabay kaming natawa. "Cheers?" sabay din naming sambit habang malapad ang mga ngiti.


Nagmadali kaming umuwi sa aming kanya-kanyang bahay upang magpalit at mag-ayos ng sarili. Naka-blue akong square-neck long sleeves crop top na mayroong tali sa leeg na kagaya sa mga backless kong damit.




Faded jeans at silver open-toe heels naman ang aking mga pang-ibaba. Hinayaan ko lang din na nakalugay ang aking kulot at maikling buhok. And big hoop earings and a red lipstick finished my look.


Agad akong nag-booked ng Grab papuntang club. Sa Xylo at The Palace ang yaya namin sa isa't-isa ni Aggy. Doon din naman kami madalas mag-inom kung hindi kape ang iinumin namin.





Pagkadating ko ro'n ay sinalubong ako agad ng kaibigan kong nakasimpleng pink silk dress at high ponytail lang. Agatha Rayne Ramirez is indeed the definition of simplicity is elegant to me. My bestie is a damn headturner!



"Paramihan ba tayo ulit ng poging mahahanap?" sambit ko nang simulan ko nang salinan ang baso namin. Kasama rin namin ang ibang mga kaklase niya na kahit paano ay naging kaibigan ko rin.





And yes, of course, some of them are Kenzo's and Joaquin's fans. Wala akong problema kay Kuya dahil madalas ko naman siyang itanggi. Pero ang kay Joaquin, para na niya akong nanay na sinasagot lahat ng tanong ng mga babae niya tungkol sa kanya.




"Anong tayo? Ako lang, 'no. May ka-fake date ka na, eh!" Tawa niya. Agad kong tinakpan ang bunganga niya dahil baka marinig ng mga may crush sa boss namin. Ang sinabi ko pa naman sa kanila ay magkaibigan at magkatrabaho lang kami ni Joaquin kaya madalas kaming magkasama. His fans will kill me for sure.





"Peke nga lang, eh! Ano naman kung maghanap ako ng ibang lalaki rito? I'm sure he's also having a good time at wherever he is right now." Umirap ako. Saglit din akong may naramdaman na kakaiba sa'kin pagkatapos kong sabihin 'yon. Agatha leaned closer to me, already smiling playfully. Like she knows something I don't.




"What if he's not? Instead, he misses you, too?"


"Too?" Napataas ang aking kilay. Tumango naman si Agatha. "Oh, come on, Keira. Hindi man ako psychology major pero nakakaamoy ako ng nafa-fall na." Sabay tawa ulit. Pinalo ko na lang siya sa hita para magtigil pero hindi iyon umubra. Umiling ako at inirapan siya at ininom na lang din ang pangalawang shot ko.




"Hindi ko siya type. May ginagantihan lang ako." And speaking of, it's already working. The last time I checked my phone, my dumb ex was on my notifications begging me to be back in his arms. As if I will.



"D'yan nagsisimula 'yan." Sabay siko sa'kin ni Aggy.



"Manahimik ka na nga!"



"Oh, galit na si Kulot." Tawa niya na naman. This attitude's familiar. Sa sobrang close na rin nila ni Joaquin nagta-tandem na sila para bwisitin ako. Lahat ng nadidikitan no'n nahahawa! Hindi ko na pinansin ang mga pang-aasar sa'kin ni Aggy at nagpatuloy na lang sa pag-iinom. Nang medyo nagkaroon na kami ng tama ay sinamahan na namin ang mga kaibigan namin sa dance floor.




Everyone's having a good time and I met a lot of cute guys tonight but it didn't matter. My eyes wanted to see that specific features and in every shot of alcohol made me wanna call him. At the same time it confuses me. Hindi ako mapakali at kanina pa lingon nang lingon sa paligid, hoping he will pull me out from this crowd and take me home. But I know he's in a different country doing his shoots.


Speaking of shoots, I think I really got shot by a cupid or maybe it's just freaking tequila. Nagpaalam na muna ako sa kasayaw ko na babalik ako sa couch namin upang ipahinga ang aking mga paa. Agad namang sumunod sa'kin si Aggy at iniwan ang poging lalaki na kausap niya. "You're not gonna have sex with him?" tanong ko agad sa kanya nang makaupo na kami.




Gulat si Agatha sa aking sinabi kaya kamuntikan nang pumasok sa ilong niya ang kanyang iniinom. "Dude, we just met. Saka ayoko, nagiging wild man ako 'pag nakakainom pero ang friend ko down there, shy type pa rin. Saka feeling ko may girlfriend na 'yon." She disgusted.





That sound is so new to me. Well, clubbing do remind me of my ex-friend sometimes and I merely forgot that Aggy isn't that type who will just let some guy smash her after the party.




"E, si Joaquin, hindi mo ba siya type?" tanong ko ulit. Ngumiwi ito sa'kin at mas lalong kumunot ang kanyang noo. "Keira, if I want a guy, I will get one myself. I won't steal someone who's in a relationship. Even if it's fake." Ngisi niya. Tipid na lamang akong ngumiti at umiwas ng tingin sa kanya, nahiya dahil para ko siyang inaakusahan agad na baka traydurin din ako.



Nalingon ko lang siya ulit nang maramdaman ang paghawak niya sa mga kamay ko. "You know, it's not impossible for Joaquin to like you back." Nang sabihin niya iyon ay agad kong kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak niya.





"B-bakit ba ganyan agad ang mga sinasabi mo? May pruweba ka bang may gusto ako sa mayabang na 'yon?" Pag-irap ko.





Tumawa siya. "Hm, wala. But eyes never lie, Kei. So as your reactions."





Hindi na ako nakapagsalita nang bigla akong tawagin ng kasayaw ko kanina. Ayokong mapirmi sa isang tabi ngayon dahil mas lalo lang nagugulo ang isip at nararamdaman ko kaya bumalik na lang ako ulit sa dance floor kasama iyong lalaki at si Aggy. Alam kong parehas na kaming nalalasing kaya hindi namin hinahayaan na mawala sa paningin ang isa't-isa.




Maliban na lang...



"Aggy, restroom lang ako!" Halos pasigaw na ang pagkakasabi ko dahil habang tumatagal ay lalong umiingay ang paligid.





"Kaya mo pa ba?" Ganoon din ang tono niya. "I'll come with you!" Susunod na sana siya sa'kin nang pigilan ko agad siya. Naaaninag ko pa naman ang daan at ayoko siyang mabitin sa kasiyahan. Ang ginawa ko na lang ay pinahawak ko sa kanya ang baso ko.




"Guard that with all your life." I tapped her hand.




"Ma'am Keira, sure kang kaya mo pa?"




Tumango ako at tinaas ang aking hinlalaki para ipakitang ayos pa ako. Medyo naduduling na nga lang. Nagsimula na ako maglakad kaya hindi ko na narinig ang mga huling sinabi niya. Nang makarating sa restroom ay nag-retouch na ako. Sinong susuka? Bitch.





Nagpahinga lang ako ng kaunti at saka lang natignan ang phone muli nang marinig ko ang sunod-sunod na tunog nito. Bumungad sa'kin ang sandumakmak na text at missed calls.




Kabisado ko na ang number niya kaya hindi na 'ko nagtaka kung sino 'to. Wala pa akong binubuksan sa mga iyon pero naririnig ko na ang boses niyang galit at sinisermonan ako.





[Joaquin: Where the fuck are you?!] Bungad niya agad nang sagutin ko na ang panibagong tawag niya. "Nanlalalaki ako! 'Wag kang magulo!" sagot ko na lang sabay baba ng tawag.






Distract, I need to fucking distract myself from all of these! So what if he's worried? So what if he's acting a little too sweet towards me? So what if he's doing things for me?





He just owe me, that's why! I can't be caught in those little love traps. "Alak lang 'to, Keira. Para ka namang gago." Napasabunot na lang ako sa aking sarili.





Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ulit ay lumabas na ako ng restroom dahil baka nag-aalala na sa'kin si Aggy. Papunta na sana ako sa pwesto namin ulit nang biglang may humatak sa'kin palabas ng club.





"You made me fucking worried sick about you!" His voice thundered.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro