Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Makalipas ang  sampung taon... Isang Reunion ang ginanap sa Hacienda.  Dumating sila Kit at Irene bitbit ang anim na  taong si Kristian at ang two years old na si Keith; sila Baste at Janine kasama ang pitong taong si Jaybee at limang taong si Jeanie; at sila Isagani at Grace, kasama ang pitong taong si Isaiah, apat na taong si Eliza at ang dalawang taong si Ilene.

Palabas ng kusina si Sheryl at Maya bitbit ang ilang pagkain sa pool area kung saan nandon sila Robby at Joax, Daddy Rick  na kalaro ang apat na taong si Jonas ang bunso ni Maya at Tito Rod  kalong ang tatlong taong si Regina, ang bunso naman nila Sheryl.

 Nagbabike ang sampung taong gulang na si Shawn at  si  Mandie ang anim na tanong gulang na panganay nila Maya.  Nagtakbuhan ang mga ito para magmano at magkiss sa kanilang mga Tito at Tita at salubungin ang mga kalaro.  Nagmano naman ang mga bata sa kanilang lahat. Pwera si Jaybee. 

Nagbeso at nagkamay ang magkakaibigan. 

Baste:  Jaybee go get your blessing from Lolo Rick and Lolo Rod and  kiss your Tita's and Tito's.

Lumapit naman ang gwapong-gwapong anak ni Baste at nagmano.

Daddy Rick:  Hello Jaybee!  Mabuti naman at nakauwi na ang batang ito.

Janine:  Naku, Tito kung hindi ko pa tinakot ang daddy na hihiwalayan na ako ng asawa ko kapag hindi pa niya ibinalik ang anak ko hindi pa ibibigay.

Daddy Rick:  Si Bart talaga.

Tito Rod:  Sabihin mo pumirmi na lang kamo siya dito para lagi niyang kasama ang kanyang mga apo.

Baste:  Yan nga din ho ang sabi ko eh.

Jeanie:  Eliza, Regina laro tayo ng Barbie.  Naupo ang mga ito sa malaking playmat na nakalatag sa damuhan.  Nakabantay sa kanila ang Yaya ni Jeanie. 

Inilapag naman ng Irene si Keith sa kabilang side ng playmat at inilabas ang lego nito. Lumapit si Jonas at Ilene at nakipaglaro sa kanya.

Irene:  Yaya paki tignan yang tatlong yan ha.

Iniwan ni Shawn ang bisikleta at inakbayan si Isaiah at  Kristian.  Nagmamartsa at sumasaludo sa isa't isa. Naupo lang si Jaybee sa tabi ni Baste, pinanonood ang mga ito.

Maya:  ang gwapo naman ni Jaybee.

Baste :  Syempre naman best may pinagmanahan.

Maya:  oo nga mana kay Janine.

Baste:  ang sama mo best, itanong mo sa kanya.

Maya:  Jaybee, bakit ang gwapo mo? 

Jaybee: Handsome po si Daddy eh and I look just like him.

Baste:  Oh ha!

Janine:  Ang lolo niya ang nagturo dyan, ewan ko ba?!

Baste:  Mahal lang ako ng Papa, ako lang kasi ang naging matinong manugang niya.

Janine:  In fairness darling that is true!

Tumunog ang alarm... bumaba si Mandie sa bike at tumakbo kay Nanay Berna.

Mandie:  Lala, it's time.

Iniabot naman ni Nanay Berna ang dalawang medicine kit kay Mandie.  May Pangalan ni Ricardo at Rodrigo ang bawat isa.  Binuksan ni Mandie ang may pangalan ni Ricardo, tumingin sa relo si Mandie.

Mandie:  Taytay, it's 10am di ba?

Joax:  Yes darling!

kinuha ang tableta na may nakasulat na parehong oras sa lalagyan at iniabot kay Daddy Rick.

Mandie:  Dada, Pop it!

Pinitik ni Daddy Rick ang gamot papunta sa bibig. 

Mandie: Galing mo Dada!

Hinalikan ni Mandie ng marami ang mukha ni Daddy Rick.  Natawa ang magkakaibigan.

Mandie: Papi its your turn.

Hinagis paitaas ni Tatay Rod ang gamot at sinalo ng bibig.

Mandie:  Shoot! 3 points!

Hinalikan din ni Mandie ang buong mukha nito.

Kit:  Ano yan Tito mainetance?

Daddy Rick:  Vitamis, Food Supplement, pampababa ng cholesterol. Pero ok lang basta ganong karaming kiss laging iinom si Dada at Papi di ba Princess?!

Mandie: Opo! Tito Kit, para yun maging strong si Dada at Papi para they can dance with me until I grow up just like when I turned 7.

Maya:  Hay naku, simula nung matapos ang 7th bday niya tanong niya kailan daw siya ulit magpaparty sabi ko kapag 12, tapos 16 tapos 18.  Isasayaw daw ba ulit siya ng mga lolo niya sabi ko oo naman basta strong pa sila.  Ayan, binantayan na niya ang mga vitamins ni Dad at Tito.

Nakita ni Mandie na nakaupo lang si Jaybee at pinanonood sila Shawn. Lumapit si Mandie kay Jaybee.

Mandie:  What's your name?

Jaybee:  Jaybee... you?

Mandie: Mandie, you want to join them? Halika!

Hinila ni Mandie si Jaybee palapit kila Shawn.

Janine:  Awww ang friendly naman ni Mandie, si Jaybee medyo shy eh papano hindi siya maintindihang magsalita ng mga kalaro niya don sa kapitbahay.

Baste:  Dito, mageenglisan sila masasanay din yan.

Mandie:  Kuya Shawn, sali kami ni Jaybee.

Shawn:  Hi, Jaybee, i'm Shawn, this is Kristian ang Isaiah

Jaybee:  Hi! 

Mandie:  Sali kami sa laro ninyo.

Shawn:  Si Jaybee pwede, ikaw hindi, kasi pang boy yung laro namin.

Mandie:  Ang daya mo naman eh. I want to join.

Kristian:  Eh girl ka nga eh pang boy naman yung laro namin.

Mandie:  Pwede naman yun eh. Kaya ko naman kahit girl ako.

Kristian:  Bakit meron bang soldier na girl?

Shawn:  You go play with Jeanie, ayun oh nagpeplay sila ng Barbie.

Nagmamaktol na lumayo si Mandie at bumubulong... 

Mandie:  Nakakainis talaga! 

Joax:  What's with the face darling?

Mandie:  Taytay, ayaw akong isali ni Kuya Shawn, all boys lang daw.  Who am I going to play with?  Di ba Taytay, pwede naman maging playmates ang boys and girls? 

Joax:  Oo naman pwede. Pero minsan kasi ang gusto ng boys na kalaro boys din.  Parang si Taytay.  Di ba I go to the gym with Tito Kit, Tito Baste, Tito Gani and Tito Robby. All boys din. Tapos si Naynay naman goes shopping with Tita's lang. Ganon talaga yon.  When you grow up you will understand.

Tumalikod na si Mandie at sumakay ulit ng bike niya.

Joax:  Tignan ninyo ang gagawin niyan ni Mandie,  hindi yan matatahimik.

Pinagmasdan nga nila ito. Bumalik lumapit kay Daddy Rick at Tito Rod.

Mandie:  Dada, Papi... can boys and girls be playmates? 

Daddy Rick:  yes naman princess

Mandie:  Meron po bang girl na soldier?

Tito Rod:  Meron din.

Joax:  Eto na ang ultimatum...

Mandie:  Naynay, meron bang soldier na girl?

Maya: Meron, marami.

Mandie:  Can boys and girls play together?

Maya:  of course,  Tito Baste and I are playmates when we are younger.

Kumunot ang noo ni Mandie, nakasarado ang mga kamay akala mo makikipagsuntukan, tumatakbong lumapit kay Shawn, tinulak ito sa balikat.

Mandie: Kuya Shawn you're lying! You're bad! Sabi ni Naynay maraming girl soldier and boys and girls can play together! si Tito Baste and Naynay are playmates! Don't ever lie to me again or I will hate you forever! 

Tawa ng tawa si Joax.  Hinampas ni Maya si Joax.  

Isagani:  Parang ikaw lang Maya ah.

Nanay Berna:  Kids, may meryenda na. Let's eat!

Nagtakbuhan ang mga bata papunta sa lamesa at humingi ng pagkain, si Mandie nakaupo sa swing, hawak ang ipod at hindi umiimik.

Maya: Mandie aren't you going to eat.

Mandie:  I'm not hungry po Naynay.

Robby:  Shawn, nakita mo kung anong ginawa mo? Walang ibang kalaro si Mandie kaya siya sumasali sa inyo. Buti nga nakikipaglaro sya sa inyo eh.  Kung kayong mga boys ayaw ninyong kalaro ang girls sila din aayawan nila kayo. Gusto niyo ba yon, wala na kayong maging kaibigan na girls.  Gusto mo ba kapag nagkaron ng ibang kalaro na girls si Mandie hindi din niya kayo isasali? Isa pa, masama ang nagsisinungaling. 

Shawn: Daddy, hindi ko naman talaga alam na may babae palang soldier eh.

Kit: Ikaw din Kristian, Mandie is your friend dapat nakikipaglaro kayo sa kanya. You should feel lucky na may babae kayong kaibigan.  You know why?  Kasi  lahat ng magiging friends niya na girls ipapakilala niya sa inyo.

Isagani:   Tama si Tito Kit Isaiah, when you grow up at friends pa rin kayo ni Mandie, matutulungan pa niya kayo. 

Isaiah:  Papano po?

Isagani:  Pag malalaki na kayo tapos you like a  girl,  Mandie can help you out. Kasi babae siya alam niya ang tungkol sa babae, she can help you para maging like kayo ng ibang girls.

Kinalabit ni Sheryl si Joax at itinuro si Jaybee. Lumapit si Jaybee kay Mandee.

Joax:  Baste, tignan mo.

Umupo si Jaybee sa tabi ni Mandie, inilagay ang pinggan niya sa gitna nila ni Mandie at binigyan ito ng tinidor.

Jaybee:  If you eat, I promise I will play with you later.

Itinaas ang kanang kamay at  nagcross pa sa tapat ng puso.  Kinuha ni Mandie ang tinidor at sumubo.

Sheryl:  ang bait naman ni Jaybee oh.

Baste:  Ehem anak ko yan.

Maya:  Ang yabang mo!

Nakatingin at nakikinig lang silang lahat sa mga bata.

Pagtingin ni Shawn, masayang naghahabulan si Mandie at Jaybee.  Lumapit si Shawn kay Mandie, inilahad ang dalawang kamay. Pinalo ni Mandie ang kamay nito.  

Shawn:  Sorry, hindi ko naman talaga alam na may girl soldier pala eh. I didn't mean to lie.

Umupo si Shawn sa damuhan tumabi si Mandie.  

Mandie:  Sabi ni Naynay marami eh.

Umupo na din si Jaybee, Isaiah at Kristian.

Shawn:  Tsaka sabi nung classmate ko, pag boy laging kasama ang girls parang nagiging girl na din.  Tapos  pag girl ka naman lagi mong kasama boys parang boy ka na din. Katulad nung Tita niya... mukha ng boy, wala ng naglike sa kanya na boy kaya magisa na lang siya nakatira sa bahay.

Kristian:  hindi na siya naging mommy?

Shawn: Oo

Isaiah:  Tapos hindi na nagkaron ng family?

Shawn: Oo

Jaybee:  Why is that?

Shawn:  Kasi nga wala ng naglike sa kanya na boy.  Hindi siya naging katulad kay Papa at Mama, tulad ng mga Daddy at Mommy ni Kristian, ni Naynay at Taytay mo.  Gusto mo ganon ka? Kasi lagi mong kasama puro boys?

Kristian:  Ah kasi noone wants to marry her, kasi nga mukha siyang boy

Shawn:  Oo  ganon.

Mandie:  Ay ayaw ko yon pero gusto ko pa rin kayong playmates kasi cousin kita tapos friends ko naman sila.  Pag lumaki naman sila Jeanie eh di may mga ibang friends na ako na girls .  Kaya I will not be like that.

Shawn:  Papano kung walang boy na maglike sa yo kasi lagi mo kaming kasama. Hindi ka magiging mommy tapos, noone will marry you eh di magisa ka na lang.

Jaybee:  I will marry her...

Nagkatinginan sila Joax, Maya, Baste, Janine, Kit, Irene, Isagani at Grace. Napatayo si Mandie.

Mandie:  What?

Jaybee:  I will marry you...

Mandie:  Bakit?

Jaybee:  Kasi you're my friend... pag walang boy na naglike sa yo eh di I will marry you na lang para may kasama ka.  Sabi ni Papa true friends never leave each other.






























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro