Chapter 7 - Ang pagkilala
Makalipas ang isang oras, pumarada ang sasakyan ni Joax sa likod ng kotse ni Robby na nakaparada sa harap ng bahay nila Maya. Magkatabing nakaupo sila Robby at Sheryl sa isang bangko sa harap ng bahay parehong nakatingin sa loob ng bahay.
Tumayo si Robby ng makita si Joax.
Robby: Kamusta sa Presinto?
Joax: Ayon, nagamot naman ang pumutok na labi ni Badong pero nakakulong. Nagpuntahan ang mga taga palengke, nagreklamong lahat kaya walang nagawa si Hepe kung hindi ang ikulong siya. Hindi yon makakalabas hanggang walang nagpapyansa sa kanya.
Robby: Mabuti naman kung ganon.
Joax: Ok ka na She?
Sheryl: Oo ok lang ako.
Joax: Ang kapatid mo ok na ba?
Sheryl: Oo, pinainom na ng Nurse ng pangpakalma. Natutulog na siya. Salamat ha, kwento nila kung hindi mo daw sinigawan si Badong hindi magkakaron ng pagkakataon na makabawi si Maya.
Joax: Ginawa ko yon, para tumigil sila. Maayos na nakikipagusap si Maya kaya akala ko talaga, hindi niya papatulan si Badong.
Sheryl: Pasensya ka na. Hindi naman bayolente ang kapatid ko. Pero hindi ito papayag na maloloko o matatraydor ng kahit na sino. Patas kung lumaban si Maya. Hindi siya mananakit kung hindi siya nasaktan o walang masasaktan sa mga taong malapit sa kanya.
Joax: I didn't mean to say na violent ang sister mo. Nagulat lang ako, kasi talagang kalmado siya kanina eh.
Sheryl: Galit ang kapatid ko sa mga manggagantso, manloloko at traydor dahil ganong klaseng tao ang pumatay sa Tatay namin. At kapag napupunta siya sa ganong sitwasyon... naaalala ni Maya ang lalaking walang awang pumaslang sa Tatay ng walang kalaban-laban. Sa harapan ni Maya pinatay ang Tatay eh.
Joax: Sa palengke ba nangyari ang krimen?
Sheryl: Oo, at walang kahit isang nakatulong.
Robby: Papanong wala eh ang daming tao sa palengke.
Sheryl: Itinaon ang planong pagpatay sa oras ng championship ng liga, nasa plaza ang lahat ng tao.
Joax: Sabi mo nakita ni Maya ang pagpatay sa Tatay ninyo, how old was she then?
Sheryl: siyam na taong gulang and I was twelve. Natulala si Maya.
Robby: Mabuti hindi dinamay si Maya.
Sheryl: Hindi din namin alam kung papanong nakaligtas si Maya, siguro din inisip nung mga lalake na hindi naman sila makikilala ng isang paslit kaya pinabayaan na siya. Dahil mahigit anim na buwan ding tulala si Maya, akala siguro nila nakalusot na sila. Pero ng mawala ang pagkatulala ang isinisigaw, dalawang lalaking nakaitim na may saklob sa ulo at mukha ang pumatay sa Tatay at narinig niya ng sabihin ng mga ito na "kukunin nila ang order ni Kapitan".
Robby: Your father might have known na may mali dahil ang sabi mo, sabi nung Kapitan ideliver niya sa bahay nito ang order niya. Eh bakit may dumating para kumuha.
Sheryl: Yun din ang hinala ng mga Pulis, alam na ni Tatay na baka mapahamak sila. Dahil ng makita ang katawan ni Tatay nasa labas ng bodega nakahandusay 17 saksak ang tinamo at si Maya nasa loob ng bodega, bahagyang nakasara ang pinto, tulala at tumutulo lang ang luha.
Joax: Kaya ganyan si Maya, she has episodes and probably can still remember that incident every time nakakabangga ang mga katulad ni Badong.
Sheryl: Ganon na nga.
Robby: So, nahuli yung Kapitan?
Sheryl: Hindi, marahil kinokonsensya at nalaman na din siguro niya ang narinig ni Maya, bago pa nahuli, nagpakamatay na. Iniwan ang isang papel, na humihingi ng tawad at may dalawang pangalang nakasulat. Marahil pangalan ng mga napagutusan niya. Pero hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli ang mga ito.
Robby: Must have been hard for you?
Sheryl: It was... kasi hindi kinaya ni Nanay, nasa ospital siya habang nakaburol si Tatay, mga kapitbahay at tagapalengke lang ang tumulong sa amin. May isang nagmagandang loob na lalaki, kaibigan daw siya ng mga magulang namin. Sa payo ng mga kapitbahay pumayag kami at siya na ang magasikaso sa burol at libing ng Tatay sa kasunduang nakabantay naman sa aming magkapatid si Aling Chayong at iba pang kapitbahay. Hindi kami iniwan ng mga kapitbahay at mga tagapalengke nung kailangan namin ng tulong kaya si Maya lumaking tumatulong at ipinagtatanggol ang mga ito.
Robby: Kanina bakit ka umiiyak nung dumating ka.
Sheryl: Minsan na kasi naming nakita kung papanong magalit ng sobra si Maya at muntik niyang mapatay ang lalaking nagtangka ng masama sa akin. Kumakalma lang siya kapag nakikita niyang ligtas kami ni Nanay o nakikiusap akong huminahon siya dahil papano na kami kapag nakulong siya.
Joax: At alam ng mga taga-palengke ang kwentong yan?
Sheryl: Oo, sa palengke din kasi ng harangin ako ng mga lasing. Napatumba ni Maya yung tatlo pero yung isa, nakuhang maihiga ako,umibabaw at hinahalikan ako habang nagpupumiglas ng makita ni Maya. Binugbog ni Maya ang lalake at hindi tinigilan hanggang nakikita pa niyang kumikilos ito. Hawak na ni Maya ang isang palo-palo ng dumating si Hepe at naawat siya. Kung hindi malamang na napatay niya yon.
Joax: Mabuti hindi nagreklamo yung lalake?
Sheryl: Nagdemanda si Maya ng Attempted Rape, nakakuha kami ng tulong sa Women's Desk. At napakaraming taga-palengke ang tumestigo laban don sa lalake at sinabing ipinagtanggol lang ako ni Maya.
Robby: Hindi ba natatakot ang kapatid mo sa dami ng nakakabangga niya?
Sheryl: Siguro natatakot din, pero...
Hindi na natapos ni Sheryl ang sasabihin. Lumabas kasi ang Nanay niya.
Nanay Berna: Inabot na kayo ng gabi sa pagalalay sa amin. Dito na kayo maghapunan kung hindi kayo maselan. Nagluto ako ng sinigang, sige na. Makabawi man lang kami sa tulong ninyo.
Robby: Sige po, salamat din po.
Nanay Berna: Robby taga Village ba kayo?
Robby: Opo.
Nanay Berna: Ang sabi ni Baste isa daw sa inyo ang umawat kay Badong. Bakit kilala ninyo si Badong?
Robby: Aling Berna, tauhan ho ng Daddy ni Joax si Badong.
Joax: Driver at pahinante ho siya ng isa sa delivery truck namin sa Isabela. Nakiusap ho na dito muna siya sa Maynila. Pinagsabihan na ho namin siya ang sabi ng Daddy kapag gumawa siya ng masama, tanggal na siya sa trabaho at wala na kaming pakialam sa kanya. Hindi naman ho kami magpapasweldo ng masasamang tao.
Nanay Berna: Salamat sa pagawat mo kay Badong kung ganon. Sheryl, subukan mong gisingin ang kapatid mo at aluking kumain.
Pumasok si Sheryl sa loob ng bahay, habang naghahain si Nanay Berna.
Nanay Berna: Sige na kumain na kayo.
Robby: Sabay-sabay na ho tayo.
Joax: Oo nga ho.
Naupo si Nanay Berna sa katapat na upuan sa lamesa sa harap ng bahay.
Nanay Berna: Pasensya na kayo, dito ko lang kayo pwedeng mapakain kasi ito na din naman ang nagsisilbing dining area namin.
Joax: ok lang ho yon, mahangin nga ho dito eh.
Napansin ni Joax na bumangon si Maya, inalalayan ito ni Sheryl papunta sa labas ng bahay na nagsisilbing karinderya. Tumayo si Joax at pinaupo si Maya. Umusog naman si Robby sa Kabisera ng mesa, para may maupuan si Joax. Naupo sa tabi ni Berna si Sheryl.
Maya: Nay, magsasabaw na lang ho muna ako at masakit ang panga ko.
Tumayo si Joax at pumunta sa kotse. Kinuha ang isang hot water bag at ilang pain reliever tablet.
Naupo ulit sa tabi ni Maya.
Joax: Pilitin mong kumain para pwede kang uminom ng pain reliever. Tapos mamaya lagyan mo ng cold compress yang pisngi mo para maalis ang maga pati yung nasuntok na tyan mo.
Napatingin si Maya kay Joax.
Maya: Bakit meron ka nito sa kotse mo?
Joax: Kapag masakit ang ulo sa hangover, alam mo na.
Nanay Berna: Tama si Joax anak, sige na kahit kanin at sabaw lang kung mahihirapan kang nguyain yung baboy.
Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng dumating sila Baste at Uro.
Baste: Magandang gabi ho Nay!
Uro: Nay, eto na yung susi at napagbentahan.
Nanay Berna: Naku, dapat isinara niyo na lang eh, kaya naman pala kanina ko pa kayo hinihintay hindi kayo dumarating eh nagbukas pa pala kayo ng tindahan.
Baste: Ok lang Nay. Maaga naman hong nakakota sa pagdedeliver eh. Mahal ok ka na ba?
Nanay Berna: Ayan ang mahal mo, hindi makakain at masakit ang panga.
Hinaplos ni Baste ang pisngi ni Maya. Nagkatinginan si Robby at Joax.
Maya: Baste, tigilan mo ako! Gusto mong ipasa ko sa yo ang sakit ng katawan ko?!
Baste: Mahal naman naglalambing lang eh.
Nanay Berna: Kumuha na kayo ng pinggan ninyo at kumain na kayo.
Baste: Ayun masarap na hapunan natin Uro, luto ni Nanay.
Maya: Dyan ka magaling Baste sa libre!
Hindi napigil ni Joax ang matawa, siniko siya ni Robby na nangingiti din.
Baste: Hoy! Bakit ka tumatawa ha! Nakakalalake ka ah, upakan kita dyan eh.
Maya: Siraulo ka talaga Baste! Pati bisita ni Ditse pinapatulan mo! Masama bang tumawa ha?
Baste: Mahal, pinagtatawanan ata ako eh.
Joax: Hindi tol, pasensya na. May naalala lang ako hindi ikaw ang pinagtatawanan ko.
Baste: Linawin mo kasi.
Kumain na ang dalawa naiiling na lang si Berna.
Sheryl: Robby, Joax... si Baste at Uro mga kababata namin dito sa Alabang Gilid.
Robby: Nice meeting you tol!
Tumango naman si Baste at Uro.
Nang matapos kumain, si Baste ang nagprisintang maghuhugas ng pinggan. Napatayo si Maya ng makita na may nakakumpol na mga lalaki sa may likuran na gulong ng kotse ni Joax.
Maya: Anak ng pitong kuwago talaga, Potah! Bardagul ano ba?! Hindi ba ninyo nakikita kotse ng bisita ni Ditse ang mga yan. Mang Juan, si Dagul ninanakawan ang kotse ng bisita ni Ditse!
Lumabas mula sa ikaapat na bahay ang Mang Juan na tinawag ni Maya. Akmang tatakbo ang mga kalalakihan.
Maya: Sige, takbo... paliliitin ko ang mundo ninyo. Siguraduhin niyo lang na hindi na kayo babalik dito.
Huminto ang mga kalalakihan.
Dagul: Maya, hindi naman namin alam na sa bisita ninyo ito eh.
Maya: Bakit sino naman ang paparada dito sa atin ha?! Ibalik na ninyo sa ayos yang gulong bago pa makalapit ang Tatay mo kung hindi pababayaan ko siyang gulpihin ka.
Nagmamadaling sumunod ang mga ito. Inayos ang pagkakakabit ng gulong ng sasakyan.
Mang Juan: Tarantado ka talaga Dagul! Hindi kita tinuruang magnakaw ha! Humanda ka sa akin!
Naglalakad itong palapit hawak ang dos por dos.
Mang Juan: Pumarine ka, ng magtanda ka!
Nagmamadaling pumagitna si Joax.
Joax: Ok na ho, hindi naman ho nila kinuha, huwag na ho ninyong saktan yong anak niyo. Ok na ho talaga.
Mang Juan: Nakita mo na, mabait pa itong mamang ginawan mo na ng kalokohan. Pasensya ka na ha. May kalokohan talaga yang anak ko. Maya ikaw na nga ang kumastigo dyan!
Maya: Dagul, Nato, Budoy, Paeng... lapit! Bilis kapag uminit ang ulo ko ililipat ko sa inyo ang sakit ng katawan ko.
Dagul: Maya, hindi na mauulit. Pangako.
Piningot ni Maya ang mga taenga ng apat na kalalakihan.
Maya: Nato, anong sinabi ko sa inyo? Bakit kayo binigyan ng Diyos ng kamay?
Nato: Para makapagtrabaho ng tama at malinis para sa pamilya.
Maya: Kapag ginagamit yan sa masama saan yan nababagay?
Paeng: Sa madumi ding putikan.
Maya: Alam ninyo naman pala eh. Hala sige, linisin niyo yung kanal!
Budoy: Ate Maya, ang baho don eh.
Maya: Bakit mabango ba at malinis ang ginagawa ninyo ha?! Kaya magtatanda kayo, dahil sa susunod dadalhin ko kayo sa Malabanan para maglinis ng pozo negro. Nagkakaintindihan ba tayo?
Dagul, Nato, Budoy at Paeng: Oo Ate Maya.
Tahimik lang na nagmamasid si Joax at nakikinig. Nang oras na yon, naisip ni Joax, "Malaki ang respeto ng mga tao dito sa kanya at may mga naituturo siyang magaganda sa mga ito. There's more to that astig image of her." Lihim na napapangiti si Joax, naamaze siya pagkatao ni Maya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro