Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 66 - Katuparan (Bonus Chapter)

Makalipas ang anim na buwan dumating ang araw ng kasal ni Joax at Maya.  Ginawa ang kasal sa simbahan sa Ayala Alabang Parish Church.  Imbitado ang lahat ng taga Havensville at Capili Enterprise.  Sa pinaka malaking ballroom ng Cape Hotel ginawa ang reception ng sabadong yon. Mahigit 250 katao ang dumalo.  Matapos ang kasiyahan, sakay ng isang coaster, bumiyahe ang buong maganak at malalapit na kaibigan papuntang Hacienda Joana.  Isang pagdiriwang daw ang gagawin sa Hacienda Joana. Bandang alas sinko ng umaga ng marating nila ang Hacienda.

Nagulat sila, gising ang mga tao sa Hacienda... may isang kubo na itinayo sa tapat ng mansyon at nandoon at naghihiwa ng rekado ang mga kababaihan. Sa di kalayuan nagsisibak ng kahoy ang ilang kalalakihan. Sinalubong ni Yaya Violy, Mang Simeon at Tata Damian sila Ricardo. Nagmano si Maya at Joax kay Tata Damian at Mang Simeon. Ipinakilala ni Ricardo ang lahat sa kanila.

Joax: Tata Damian, anong oras po ang kasal?

Tata Damian:  Hiningi mo na ba sa akin ang kamay ng anak-anakan ko?

Mang Simeon: Sir Joaquin, dito po sa Hacienda ang tradisyon ay sinusunod kaya kailangan mong hingin ng maayos ang kamay ni Maya at mamanhikan kay Tata Damian.

Nanay Berna:  Ay matagal na akong hindi nakakapanood ng ganon. Sino nga ang namanhikan noon Ricardo?

Ricardo:  Si Jose, sa pinsan kong si Raquel.

Nanay Berna:  Masaya yan anak.

Joax:  Nay, hindi naman ako marunong non eh.

Tata Damian:  Joaquin gusto mong makasama habang buhay ang anak ko hindi ba?

Joax:  Opo naman.

Tata Damian:  Gawin mo ang lahat para mapapayag mo ako, at papayag lang ako kung susundin mo ang tradisyon. Sige na Maya, umakyat na kayo ng Nanay at mga kaibigan mo sa itaas.  Yung mga lalake dito kayo sa ibaba.

Walang nagawa si Joax kung hindi sundin si Tata Damian, tinulungan namn siya ng mga kaibigan.  Si Baste ang naghanap ng mga kanta para sa harana.  Si Kit at Robby naman bumili ng pagkain at si Isagani ang kumuha ng para sa kanyang dowry. Si Tito Rod ang nagsulat sa tagalog ng sasabihin ni Joax.  Bandang alas nueve, bumaba si Tata Damian.

Tata Damian: Joaquin, handa ka na ba?

Joax:  Opo Tata Damian.

Lumabas sila sa harap ng mansyon at tumugtog ng gitara si Herman at kumanta sila Isagani, Kit, Baste, Robby at Ramil: Giliw ko'y pakinggan, Awit na nagbuhat sa isang pusong nagmamahal. Huwag mong ipagkait, awa mo'y ilawit sa abang puso kong naghihirap sa pag-ibig.

Kumanta si JoaxDungawin mo, hirang ang nananambitan. Kahit sulyap mo man lamang iyong idampulay. Sapagkat ikaw lamang ang tanging dalanginan ng puso kong dahil sa iyo'y nabubuhay.

Dumungaw naman sila Maya, at inulit naman nila Joax ang kanta at kinanta ang kantang Ms. Universe ng buhay ko.  

Pinaakyat na sila ni Tata Damian.

Joax:  Magandang araw po Tata Damian ipagpaumanhin na po ninyo ang paggambala namin sa inyo, may idudulog po kasi ako sa inyo.

Tata Damian:  Ano ang atin Joaquin?

May dala ho pala akong pagkaing pagsasaluhan natin.

Tata Damian: Salamat, maupo kayo.

 Naupo si Joax sa gitna ni Ricardo at Rodrigo. Si Maya naman ang nasa pagitan nila Tata Damian at Nanay Berna.  

Joax: Matagal ko na hong nililiyag ang magandang dilag ninyo. Kung inyo pong mamarapatin nais ko pong hingin ang kamay ni Maya upang maging kabiyak ang aking puso at alagaan siya habang buhay.

Tata Damian:  Anong maiialay mong kapalit ng dalaga kong marikit.

Inabot ni Robby ang mga buto ng mga gulay at palay kay Joax.  Ipinatong ni Joax sa lamesa ang mga ito.

Joax:  Alay ko po sa inyo ang makatlong ani ng buong taniman ng Hacienda.  Unang ani para sa kanyang kamay na nais kong tanganan sa pagtahak ko sa buhay, ang ikalawa pasa sa pagmamahal ng puso niyang matagal ko ng inasam at ang ikatlo para sa habang buhay na pagsasama namin bilang magasawa.

Napangiti si Tata Damian.

Joax:  Ipagpaumahin po ninyo hindi po ako maalam na kantahin ang mga yan pero kung nais po ninyong marinig ang awit ng puso ko, hayaan po ninyong awitin ko ito sa paraang alam ko.

Tata Damian:  Sige, makikinig ako.

Tinugtog ni Isagani sa gitara at kinanta ni Joax ang kantang "Marry Your Daughter ni Bryan Mcknight."  Bago matapos ang kanta, tumulo na ang luha ni Joax.  Nakita yon ni Tata Damian kahit na mabilis na pinahid ito ni Joax.

Nagpalakpakan ang lahat ng nandon ng matapos umawit si Joax. Hinawakan ni Tata Damian ang kamay ni  Maya at ang kamay ni Joax.

Tata Damian: Huwag ka ng umiyak Joaquin, pumapayag naman ako. Pagpalain nawa ng poong may kapal ang inyong pagsasama.

Masaya na silang nagkainan at nagkwentuhan. Ipinakita nila ang ilang litrato sa kasal nila. Sabay-sabay din silang nananghalian sa isang boodle  fight na ginawa sa Mansyon ng Hacienda. Pagdating ng alas dos ng Hapon.

Tata Damian:  Ricardo, Rodrigo, pumaroon na kayo nila Joax sa bahay doon kayo magbibihis at manggagaling.  Magkita-kita tayo sa manggahan.

Sumunod naman ang mga ito, kaya bago magalas tres nasa harap na sila ng manggahan. Namangha ang lahat sa ganda ng pagkakaayos ng lugar.   May nakataling ribbon sa bawat puno ng mangga. .  Isang malaking dome tent ang nakatayo doon. Sa gilid pinalibutan ito ng mga round flower poles na may nakasabit na  puting  ribbon na nagsilbing bakod ng lugar.  Sa harap ng mga puno ng mangga isang make shift na pader na puno ng mga sariwang mga bulaklak ang nakatayo. May mga nakahilerang upuan sa harap ng altar. Sa bandang likod naman mga round tables at chairs. Sa kanan nandon ang buffet table sa kaliwa naman ang presidential table.

Joax:  Dad, ang ganda naman nito.

Daddy Rick:  Ito ay isang pangarap Joaquin na gusto namin ni Nanay Berna ninyo na kayo ang tumupad para sa amin.

Joax:  I'm sure magugustuhan ni Maya ito.

Dumating ang mga kababaihan, naggagandahan sa mga suot ng Filipiniana gowns.

Baste:  Wow! Saan galing ang mga damit nila.

Robby:  Ang ganda pastel colors, katerno ng mga bulalak oh.

Kit:  They all looked beautiful.

Nagdatingan na din ang mga taga hacienda, mga nakapustura.  Bumati ang mga ito kila Ricardo. Dumating ang isang grupo ng rondalya tumayo sa harapan sa gilid ng altar at si Father Osorio ang kaibigang pare ni Ricardo para basbasan sila Joax at Maya.  Tumunog ang isang silbato hudyat na alas tres ng hapon na nagsimulang tumugtog ang rodalya ng traditional wedding March. Nasa di kalayuan na din ang  kalesang sinasakyan ni Maya.  

Unang naglakad papunta sa altar si Kit bilang Bestman, kasunod si Joax at Ricardo, tumayo silang tatlo sa harap ng altar.  Kasunod si  Baste at Irene, bilang Bridesmaid at Groomsman. Magkakasunod na pumasok sila Ramil at Gina bilang Candle Sponsor, sila Grace at Herman bilang Veil Sponsor at sila Isagani at Jean bilang Cord sponsor at ang apo ni Yaya Violy na si Janine ang Flower Girl. Nang maglakad si Janine bilang Maid of Honor, bumaba na si Maya sa kalesa at naglakad papasok ng dome tent.  

Kitang kita ni Joax ng magliwanag ang mukha nito ng makita ang lugar, isang napakagandang ngiti ang lumabas sa kanyang pisngi. Pinagmasdan ni Joax si Maya, hindi siya makapaniwala sa pangangalawang pagkakataon  na makita niya itong nakawedding gown ang nasabi niya lang... "hindi ito si Mayang Astig, ito ang asawa ko. Swerte ko naman!"

Naglakad papasok si Berna at Tata Damian. Huminto sa kalagitnaan para hintayin si Maya. Ang wedding gown nito na  heart shaped tube na may patong na lace ay napalitan ng Filipiniana sleeves.   Nang maglakad si Maya papasok ang pakiramdam ni Joax kapareho pa rin ng pakiramdam niya ng nagdaang araw ng hinihintay niya sa altar ng simbahan si Maya. Masaya at naiiyak siya sa sobrang saya. Nang iabot ni Tata Damian ang kamay ni Maya, tumulo ang luha niya.

Maya:  Ano ka ba kahapon ka pa ha.

Pinahid ni Maya ng mga daliri ang pisngi ni Joax.

Joax: Hindi ko mapigil eh.

Humarap sila sa pari. 

Pari:  Nagkakatipon tayo ngayon para saksihan ang pagbabasbas sa dalawang pusong nagmamahalan si Joaquin at Maine.  Ang mga katagang... "wala ng hihigit pa sa pagibig na iaalay ang kanyang buhay para sa taong minamahal" ay isang katagang pinatunayan ni Joaquin at Maya sa isa't isa.  Kaya't babasbasan natin ang pagmamahalang yan at pagtitibayin.

Kinuha ng pare ang singsing nila kay Kit. I

Pari:  Joaquin, iyong sambitin ang mga pangakong binitawan mo kay Maya sa harap ng Diyos at ng kanyang simbahan.

Joaquin:  Maya, tanggapin mo ang singsing na ito, tanda ng aking wagas na pagmamahal at ng pangakong pakamamahalin ka sa hirap at ginhawa, sa ligaya at kalungkot, sa kalusugan at karamdaman, hanggang sa huling sandali ng aking buhay.

Isinuot ni Maya ang singsing sa daliri ni Joax.

Pari:  Maya, iyong sambitin ang mga pangakong binitawan mo kay Joaquin sa harap ng Diyos at ng kanyang simbahan.

Maya:  Joaquin, tanggapin mo ang singsing na ito, tanda ng aking wagas na pagmamahal at ng pangakong pakamamahalin ka sa hirap at ginhawa, sa ligaya at kalungkot, sa kalusugan at karamdaman, hanggang sa huling sandali ng aking buhay.  

Tinatawagan ang tagapaghatid ng liwanag.

Ramil at Gina:  Tanggapin ninyo ang mga kandilang ito.  Nawa'y maging gabay ninyo ang liwanag na nagmumula sa mga kandilang  ito. Ito ang magtatanglaw sa  mga daang inyong tatahakin sa buhay bilang magasawa.

Kinuha ni Maya at Joaquin ang mga kandila.

Herman at Grace:  Tanggapin ninyo ang balabal na ito. Nawa'y maging proteksyon ninyo ang balabal na ito sa bawat hagupit ng buhay bilang magasawa.

Kinuha naman nila ang Veil.

Isagani at Jean: Tanggapin ninyo ang pising ito. Nawa'y pagbuklurin kayo nito ng pang habang panahon.

Kinuha nila ang Cord.

Pari:  Sariwain ninyo ang mga salitang binigkas ninyo sa inyong wedding vows sa harap ng Diyos at ng kanyang simbahan.

Joaquin:  I never thought I would fall for someone like you Maya.  That boyish look for yours, the way you speak was far from what I have in mind. Yet truly love is magical... nung makasama at makilala kila I saw the other part of you.  Yung mga prinsipyo mo, yung pagtulong at pagmamahal mo sa ibang tao, yung pagiging isang matapat na kaibigan na laging maasahan, yung walang hanggang pagmamahal mo sa pamilya mo are admirable. I have never met anyone like you. You have changed me and my life and I like the better me.  To top it all nakakahawa ang pagiging matapang mo. The fearless you is what I love the most.  You are never afraid to learn what you don't know and you are never afraid to let other know who you really are. Thank you for teaching me the true meaning of life and love. I promise to be beside you every minute of the day, to understand your every reason and to believe your every cause. I will protect you and offer you my life over and over again because I can never live without you.  I love you Astig! Today and for always.

Si Maya naman ang napaiyak. Pinahid ni Joax ang mga luha ni Maya. Natawa silang pareho.

Maya:  Joaquin, you are a blessing to everyone that have known you. Others might not see it but I did. How you cared for Robby, how you loved your father, how you respect and value Yaya Violy and other people in your life is something I never really expected to see sa isang mayamang katulad mo.  But you proved me wrong. You became one of us without being asked. You shared your life with us without even told. You just don't know how much that means to me. Nung hinanap mo ako dito, nung sinamahan mo ako na harapin ang pagsubok sa buhay ko, nung iniligtas mo ang buhay ko. I already knew that I have found that one person who I will be willing to spend the rest of my life with. Because kahit alam mong matapang  ako, you still continue on protecting and saving me.  Thank you for the friendship, understanding, respect and the love Joaquin.  I promise to be your friend, your lover, your wife. I will hold your hand and support you in anything that you wanted to do. I will love you today and for always, Astig!

Niyakap nila ang isa't isa.  Hinawakan ng pari ang magkahawak na kamay nila. Winisikan ng holy water.

Pari:  Sa harap ng mga puno at halamang naririto at ng mga taong nagmamahal sa inyo. Binabasbasan ko ang pagsasama ninyo bilang magasawa. Kasihan nawa kayo ng poong maykapal.  Joaquin... you may now kiss your wife.

Pinagsaluhan nila ang isang halik na tumagal ng mahigit sampung segundo. Nagpalakpakan at nagsaboy ng bigas ang mga taga Hacienda sa kanila.

Natapos ang seremonya, nagsalo-salo sila.

Normal sa kasal ang father and daughter dance pero si Maya ang nagsayaw sa kanya ay ang kanyang father-in-law.  Masayang pinanood ni Joaquin sila Daddy Rick at Maya. Napausal siya ng dasal at kinausap sa isip ang kanyang Ina... "Ma, masaya na si Daddy. Huwag mo na siyang alalahanin kami na ni Maya at Sheryl ang bahala sa kanya."  Tuwang-tuwa ang mga taga Hacienda sa nakikitang kasiyahan ng kanilang matandang amo.

Nirequest ni Joax sa rondalya ang kantang "the way you look tonight."  Lumapit si Joax kay Daddy Rick. 

Joax:  Noon nagtataka ako maganda naman ang kantang ito pero kahit kelan ayaw pakinggan ni Mama, ngayon alam ko na kung bakit. Halika na dad, isang sayaw lang naman maiintindihan na ni Mama yon. Tuparin mo na ang maliit na pangarap mo.

Naluha si Ricardo, pero pinagbigyan ang anak sabay silang lumapit kay Berna at Maya.

Maya:  Sige na Nay, matutuwa ang Tatay kapag nakita niyang napatawad mo na ang matalik na kaibigan niya.

Iniabot ni  Bernadette ang kamay kay Ricardo at nagsayaw sila.  Sumaya na sin sila Joax at Maya,  Robby at Sheryl, Baste at Janine, Kit at Irene at iba pang bisita. Pinagmamasdan ni Joax at Maya si Nay Berna at Daddy Rick.  Kaya nakita nila ng tumulo ang luha sa pisngi ng mga ito.  Alam ni Joax at Maya mga luha yon ng kaligayahan para katuparan ng isang pangarap.

Tahimik na sa buong  Hacienda.  Tulog na tulog na ang mga taga doon at ang mga kaibigan nila Joax pero si Maya at Joax hindi pa.  Bitbit ni Joax ang isang tent, dalawang sleeping bag at flashlight, bitbit naman ni Maya sa isang canvass bag ang dalawang unan at kumot.  Dahan-dahan pero bumubungisngis na lumabas ng mansyon si Joax at Maya. Bumalik sila sa manggahan, sa may malapit sa batis.  Humanap si Joax ng patag na lupa at doon binuo at tinayo ang tent. Gumawa ng siga sa di kalayuan habang  inilalatag ni Maya ang dalawang sleeping bag, mga unan at kumot.

Maya:  Hon, malambot naman pala itong sleeping bag kung sa ibabaw lang hihigaan. Masarap matulog dito, may liwanag ng buwan, masarap ang hangin tapos katabi kita.

Joax:  Sinong may sabing matutulog tayo, kagabi dapat ang first night pero sabi mo uuwi muna dito sa Hacienda.  Pinagbigyan na kita Astig ha. Ngayon ako naman.

Maya:  Joaquin, ano kasi... baka may makakita sa akin. 

Joax:  Maya... binusog at nilasing natin ang mga tauhan ng Hacienda, walang magigising sa mga yan.

Maya:  Joaquin... baka may mga magnanakaw na naman.

Joax: Electricuted na sila bago pa sila makahakbang sa bagong bakod.

Naiinis na si Joax.

Maya:  Joaquin, baka may baboy ramo na naman o kaya ahas.

Joax:  wala akong pakialam sa baboy ramo at ahas!

Maya:  Joaquin... 

Joax:  ANO?! 

Paiyak na si Maya, nagagalit ka eh sa HINDI AKO MARUNONG!

Hinubad ni Joax ang rubber shoes niya, inalis ang sneakers ni Maya.

Joax:  O sige na huwag ka ng umiyak, yaan mo na saka na nga lang. Halika na matulog na tayo.

Isinara ni Maya ang zipper ng tent. Hinubad ang polo shirt at shorts niya. Naiwan ang boyleg na underwear at spaghetti strapped blouse.

Joax:  anong ginagawa mo? 

Maya:  eh di nagpapantulog. Ikaw makakatulog ka ba ng nakapantalon?

Hinubad ni Joax ang pantalon at nahiga sa tabi ni Maya.

Joax:  Kung alam ko lang na mahihirapan na naman ako katulad nung nasa kweba tayo hindi na sana ako nagyaya dito. Ayan kasi Joaquin, may paroma-romantic setting ka pang nalalaman.

Napapangiti na si Maya.

Joax:  Sorry na... ikiss na lang kita.

Inilapit ni Maya ang mukha sa mukha ni Joax at hinalikan ito sa labi, tinugon ni Joax ang halik nito, nagulat siya ng maglaro ang dila ni Maya sa bibig niya at maramdaman niya ang kamay nito sa ilalim ng t-shirt niya. Tuluyang hinubad ni Maya ang t-shirt ni Joaquin at naupo sa ibabaw ng balakang nito. Napatitig si Joax sa mukha ni Maya. Isang pilyang ngiti ang nasa bibig nito, inalis ang pagkakahook ng kanyang bra tumambad kay Joax ang kabuoan ng katawan nito. Kumindat, idinagan ang katawan sa katawan ng katipan at tsaka bumulong...

"Mahilig akong magbasa hindi ba?  Kabisado ko kaya ang kamasutra." Bumingisngis si Maya, wala ng nasabi si Joax kung hindi... "Astig ka talaga!".

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro