Chapter 64 - The Decision
Natapos ang party pasado alas dose ng gabi. Naguwian na ang karamihan ng mga bisita at ang mga Board Members naman at mga malalapit na kaibigan ni Kit naiwan sa ballroom na yon.
Kit: Grabe kayo Mom at mga Tita's ha you surprised me with that dance number. I didn't know you can dance like that Mom.
Tita Vicky: It is good to let loose sometimes right ladies?
Sumangayon naman ang mga asawa ng mga Board Members.
Tito Peter: Yah it was a fun party, sumakit ang tiyan ko sa kakatawa. Akalain ko bang kaya ko pa palang magmodern dance.
Mr. Chua: Eto kasing si Maya ang lakas mangantyaw tayo naman ang yayabang natin.
Mr. Falcon: Oo nga.
Daddy Rick: Mabuti wala sa atin ang may arthritis ano?!
Lalo silang nagtawanan.
Janine: Si Tito Rod nga swabeng mag gentleman eh.
Cassey: I was actually surprised I didn't know na sumasayaw pala ang Daddy.
Mr. Chua: Oy mga dancers kami nung kabataan namin medyo lumalagutok na nga lang ang mga buto ngayon.
Bea: I don't know how you made my Father danced but thanks Maya, it was fun.
Maya: No, problem. Actually ayaw lang nilang masabihan na mahina na ang tuhod. Kaya nila pinilit sumayaw eh.
Bea: Yon pala ang sikreto.
Daddy Rick: Teka muna nasan si Joaquin?
Tito Rod: Oo nga, si Bernadette din nasan?
Sheryl: Si Nanay po baka nagCR.
Tito Peter: The presentation was very good Maya, kinabahan ako akala ko hindi mo na sasagutin si Stevens.
Maya: Ang totoo po kinabahan ako, kung humirit pa siya baka nagwalk-out ho ako eh.
Mr. Chua: Don't worry about him lagi naman ganon yon si Stevens.
Tito Peter: Laging kontrabida yon wala namang ginagawa puro reklamo lang.
Daddy Rick: That's right Hija, wag mo siyang alalahanin.
Baste: Bakit Tito, parang panabla lang ba yong si Mr. Stevens.
Kit: That's exactly, what he is, panabla.
Nagtawanan sila ng pumasok sa ballroom na magkasabay si Nanay Berna at Joaquin.
Daddy Rick: O saan kayo galing?
Joax: Sa CR po nagkasabay lang kami ni Tita.
Sheryl: Oh Nay, umiiyak ba kayo?
Nanay Berna: hindi napuwing ako eh ayaw maalis eh. Hinilamusan ko na nga eh.
Daddy Rick: Napuwing ka o, you are just very proud of Maya. Kayong mga Nanay talaga ang iiyakin ninyo.
Tita Vicky: Well, you should be very proud Berna. Matalino ang anak mo... kung hindi niya sinabi kanina about sa isinisigaw niya sa palengke, hindi ko malalaman na she is actually a tindera.
Tito Rod: and a proud one too.
Maya: Wala naman ho akong dapat ikahiya eh, marangal na trabaho naman po yon hindi ba? Kaya ko pong magpretend na hindi ko dinaanan yon pero gusto ko pong maging honest sa inyong lahat.
Sheryl: There is nothing to be ashamed of dahil napagtapos mo nga ako ng studies ko dahil sa pagiging tindera mo eh?
Mr. Chua: That is right Maya, nothing to be ashamed of. Dahil kahit pa mayayaman kami ngayon lahat kami nagsimula sa maliit. I am a tindero at heart. Di ba nga nagbebenta kame ng jewelries sa Ongpin. Hindi lang halata na tindero pa rin ako kasi may sarili na akong factory.
Daddy Rick: Exactly, I am a tindero and a farmer may sarili nga lang akong taniman at factory.
Tita Vicky: Tindera din ako, RTW nga lang at may sarili akong mall. So really nothing to be ashamed of dear.
Maya: Salamat po sa pagtanggap ninyo sa akin at sa buong pamilya ko.
Kit: Ano ba, ako din tindero ng kotse.
Nagtawanan sila. Ilang minuto pa silang nagkwentuhan. Pumasok ang Manager ng Subic Bay, kasunod ang ilang waiters.
Manager: ice cream everyone, courtesy of the house.
Mr. Falcon: Oy may pahabol pa.
Binigyan silang isa, isa. Inabot ng Manager ang para kay Maya.
Maya: Uy, strawberry ice cream, favorite ko to ah.
Nagkainan sila habang patuloy na nagkukwentuhan... hanggang
Maya: Ay! There's something on my ice cream. Dinurog ni Maya ang natitirang ice cream at tumambad sa kanila ang isang wedding ring.
Cassey: Oh my God! It's a ring!
Iniluhod ni Joax ang isang tuhod sa harap ni Maya. Dinukot ang isang tissue mula sa bulsa at pinunasan ang singsing. Natahimik ang lahat.
Joax: As I was watching you tonight dancing with my father. I realized that this is the second time I have seen him this happy ever since Mom died. First, was when you danced with him sa party sa Hacienda. So, I know you do make him happy and that makes me happy too. Second, you have made me a better person Maya, I like myself when I am around you. When you chose to risk your life saving me on that cliff, I knew then I have found the woman who would save my life over and over again. When I choose to take that bullet for you, I knew then that I cannot live my life without you. This proposal might be to sudden for you since we've been a couple for only a couple of months but I believe it is not how long you love a person that's important, it is how deep you love them. Truth is I think I have loved you longer than you know, simula nung sapakin mo ako dahil hinalikan kita. So, yung first kiss mo wasn't waisted at all because I love you then.
Tumulo ang luha ni Maya. Inabot ni Joax ang kamay niya.
Joax: This is my Mom's wedding ring, I have been wearing this since she gave it to me on her death bed. I want to give it to you, I'm not asking you to marry me soon kasi wala akong pambayad ng 26 Million kay Ate.
Nagtawanan sila.
Joax: but I want to make sure that when you are ready, you will go pick out your own engagement ring with me. Tonight, with my mom's ring I want to propose to you... Will you give me something to look forward to? like the days to wake up each morning seeing your smile or the days to spend my morning coffee and the afternoon naps with you? I love you Maya, no words can express how much but I want to spend the rest of our lives finding out. So,will you, Maine Mendoza-Reyes reserve your heart and the rest of your life for me? Will you marry me someday? Maybe in a year or two?
Tumingin si Maya kay Nanay Berna at Sheryl parehong nakangiti, may luha sa mata at tumatango ang mga ito.
Maya: Ang haba naman ng speech mo eh... Of course I would love to. Astig, my heart and the rest of my life is yours to keep.
Isinuot ni Joax ang singsing sa kamay ni Maya. Nagpalakpakan ang lahat. Hinalikan ni Joax si Maya sa labi at niyakap. Binati sila ng mga nakapaligid sa kanila. Pumasok ang ilang waiter na may dalang mga wine sa glass. Kumuha sila ng tig-iisa.
Kit: To Maya ang Joax, to a long and a lasting relationships and friendships. Cheers!
Lahat: Cheers!
Nagpapahinga na ang lahat ng bisita ni Kit sa kani-kanilang kwarto. Si Joax at Maya magkahawak ang kamay na naglalakad sa pool side.
Pinagmamasdan ni Joax ang singsing sa kamay ni Maya.
Maya: Huy, kanina mo pa tinititigan yan, hindi yan mawawala diyan.
Joax: Naiisip ko lang si Mama, masaya yon kasi may pinagbigyan na ako ng singsing niya.
Maya: Pero this is your Moms, I want you to keep it.
Joax: Sige, let's set a date next week to buy your engagement ring. Huwag ka lang magrereklamo sa presyo, nakakahiya namang mumurahing engagement ring ang ibigay ko sa yo.
Maya: Opo, hindi ko na lang titignan yung presyo.
Joax: Yung bilhin natin, yung may katerno ng wedding ring.
Maya: Oh eh akala ko ba in a year or two pa? Bibili na tayo ng wedding ring?
Joax: Oo, para wala ka ng kawala, Astig.
Maya: Sira, ikaw lang naman ang nabulag ko.
Joax: Ikaw talaga, I don't want you underestimating yourself like that. Ang galing galing mo nga eh. Ikaw lang ang nakita kong presentor na walang hawak na cue cards no? Tapos maniwala ka Maya, you are beautiful in every way at sexy pa!
Maya: Yun oh... Astig ha... sobrang compliment na yan. Malulunod na ako. Ako sexy? Feeling ko nga flat chested ako eh.
Joax: may abs ka naman at ang liit ng waistline mo. Tsaka yang sinasabi mong flats... I can actually improve that.
Kinurot ni Maya sa Joax sa tagiliran.
Maya: Salbahe ka!
Natawa si Joax, niyakap si Maya mula sa likod. Sandali silang natahimik.
Maya: Joaquin, masaya ka?
Joax: Sobrang saya. Astig, sorry ha, yung hindi kita dinalaw nasa bahay lang ako non, guess I wanted you to feel how it is na may mas importante kaysa sa yo. Tanga-tanga ko kasi hindi ko naisip ikaw pala ginagawan mo ng paraan yung gusto kong mangyari.
Maya: Sorry din ha, I kept that a secret. Kasi inaalala ko hindi ako matuto eh di nakakahiya lang.
Joax: Thank you for everything that you did for me all this months. Alam mo Hon, kanina nung nagsasalita ka. Bilib na bilib sila sa yo no. Puro good comments ang narinig ko. Syempre ako naman ang yabang ko, proud boyfriend kaya ako. I like the way you described The Havens Village... where the very soul of my Mom was hailed and homed.
Maya: Your mom will continue to live on Joaquin, the way you and your father helped this people to have a home is the legacy that your mother has left you.
Joax: Yun naman, englisera ka na rin ha.
Maya: Nahahawa ako sa yo eh.
Joax: Teka nga pala, sabi mo kanina, the research and dev team will go check out that Panglao Property. Kasama ako don ha?!
Maya: Bakit member ka ba ng R anb Dev Team?
Joax: Nope, but I am the VP, if I say I am going, I am!
Maya: Yes Boss!
Joax: Yun on, nanalo din ako sa yo!
Masayang natapos ang gabi ni Joax at Maya... alam nilang pareho na maraming beses pa silang mananalo sa isa't isa.
Kinabukasan nasa Piazza Boarwalk sila para magsailing. Naunang naglalakad papunta sa port ang mga Board Members at ang mga asawa ng mga ito kung saan naghihintay ang yate nila, kasama sila Daddy Rick, Tito Rod at Nanay Berna. Kasunod naman sila Kit, Irene, Robby, Sheryl, Baste, Janine at Joax at Maya. Nasa bandang hulihan sila Cassey, Bea, Geline at Coreen may kung ano pinag chichikahan sa cellphone ni Coreen. Nang biglang may dalawang lalaking humila kay Bea. Nagtilian ang mga kasama ni Bea. Hindi naman pansin ng mga magulang ng mga ito at nila Joaquin, akala nila nagkakatuwaan lang ang mga ito. Nang marinig si Mayang sumigaw si Cassey.
Cassey: Oh my God si Bea!
Nilingon ni Maya ang mga ito. Nakita ni Maya, may isang braso ng lalake si Cassey na hawak at nagpupumiglas si Bea na hawak ng dalawang lalake. Tumakbong pabalik si Maya, ng makita niya na hinihila si Bea.
Maya: Tumawag kayo ng pulis ngayon na!
Dalawang metro ang layo huminto si Maya, dahan-dahang naglakad palapit sa dalawang lalake.
Maya: Hoy! ano yan?!
Lalake 1: Huwag kang makialam dito.
Maya: Gago ka ba? Kaibigan ko yan!
Lalake 2: Eh ano ngayon, bakit ha kakasa ka ba? Tirisin kita dyan!
Maya: Mayabang ka pala, titirisin pala ha, bakit hindi mo gawin ha?!
Lalake 1: Matapang ka ha.
Maya: Talaga, hindi katulad ninyo... hinihila niyo yang kaibigan ko walang kalaban-laban sa inyo. Bitiwan na ninyo siya bago pa maginit ang ulo ko.
Lalake 2: Aba, at talaga palang lalaban ito pare. Sige sugurin mo.
Bea: Maya, baka mapahamak ka! Be careful.
Maya: Bea, trust me ok? Kapag sinabi kong takbo, takbo.
Nakalapit na ang lahat ng mga kasama nila Maya.
Maya: Ano bitiwan mo sabi ang kaibigan ko eh.
Sinapak ni Maya sa mukha ang unang lalake, napahawak ito sa mukha sa sakit at nabitawan ni Bea. Sinipa sa tyan ang pangalawa.
Maya: Bea, takbo!
Tumakbo si Maya, palapit sa mga magulang. Pagharap ni Maya nasuntok siya ng lalake sa sikmura. Napasugod si Joax.
Joax: Tarantado ka!
Sinuntok ni Joax ang lalake sa tyan at sa mukha. Pasugod ang pangalawang lalake. Kumapit si Maya sa balikat ni Joax at sinipa ang lalake. Bumagsak. Nakahawak si Maya sa tyan.
Joax: Ok ka lang?
Maya: ang lakas manuntok ng gagong yan eh. Masakit hon!
Sinipa ni Joax ang lalaking sumuntok kay Maya na hindi pa nakakatayo. Napabaluktot ito sa sakit.
Humakbang na si Joax at Maya palayo. Nang may magbabaan na apat pang lalaki mula sa isang Van na nasa tapat nila.
Bea: Did anybody call the police? Ang dami pa nila.
Lumingon si Maya, at napatingin kay Joax.
Joax: Kaya ba natin to?
Maya: Baste, kailangan ko ng arnis!
Baste: Tito ken, pahiram po ng baston ninyo.
Lumapit na si Baste, Kit at Robby.
Baste: Maya salo.
Sinalo ni Maya ang baston. Nilapitan naman ni Baste ang dalawang naunang napabagsak nila Joax at tinapakan sa likod. Pagharap ni Maya, nakita niya ng bumulagta si Joax. Tutulong na sana sila Robby at Kit pero sumugod si Maya. Itinayo na lang nila si Joax.
Maya: Gago kayo ah, boyfriend ko yan!
Malakas na pinaghahampas sa ulo ang dalawang lalaking sumuntok kay Joax. Bagsak ang dalawang lalaki. Idinapa ni Robby at Kit ang dalawang lalake at inilagay ang kamay sa likod.
Joax: Maya sa likod mo.
Sumugod ang dalawa pang lalaki papunta kay Maya. Sumugod din si Joax. Nasuntok si Maya sa likod napaluhod. Sinipa ni Joax ang lalake. Bumalandra ito. Itinayo ni Joax si Maya pero nakita ni Maya na malapit na ang ikalawang lalaki.
Maya: Joaquin yuko!
Yumuko naman si Joax. Tinuunan ni Maya ng dalawang braso ang likod ni Joax at malakas na sinipa ang lalake. Bumagsak ito. Pumarada sa di kalayuan ang dalawang mobile at bumaba ang mga pulis. Tatayo sana ang dalawang lalaki iniumang ni Maya ang baston.
Maya: Subukan ninyong tumayo dyan sisiguraduhin kong putok ang ulo ninyo.
Tito Peter: Damputin ninyo yang mga yan, attempted kidnapping, kinukuha nila kanina itong si Bea.
Pulis: Sige Sir, sumama na lang ho sa presinto ang magsasampa ng kaso.
Tito Peter: Victoria, bumalik na muna kayo sa resort. Aasikasuhin lang namin ni Ken ito.
Bea: Sasama ho ako, I'll give them my statement.
Cassey: Kami din ho.
Tito Peter: Sige, Kit, isakay na ninyo sila Bea at Casey. Sumunod na lang kayo sa Presinto.
Bea: Maya, Joax, thanks for saving me.
Maya: Wala yon, I would do the same to anyone of you.
Niyakap ni Bea si Maya at bumulong ito... "I'm sorry"
Ngumiti lang si Maya.
Irene: Sige na Babe, kami na ni Tita Vicky ang bahala dito. Samahan mo na sila Bea.
Bumalik sila sa Resort. Sinalubong sila ng Manager.
Manager: Sir, ano hong nangyari?
Daddy Rick: You will have to put security hanggang doon sa boardwalk. Muntik ng makidnap yung anak ni Mr. Chua. Mabuti na lang matapang itong mamanugangin ko. Go get us a nurse or a first aid kit.
Manager: Dito po Sir, may clinic.
Joax: Ok lang ako, doon na lang kami sa bistro.I think I need something to drink.
Naupo silang lahat sa bistro. Dinalhan sila ng lemonade at kasama namang dumating ng Manager ang Nurse, ginamot ang putok sa labi ni Joax at pasa sa pisngi. Binigyan naman ng cold compress si Maya para sa sikmura at sa likod nito.
Nanay Berna: Maya naman, mamamatay ako sa nerbyos kapag nakikipagsuntukan ka ng ganon eh. Isa ka pa naman Joaquin.
Joax: Tita, alangan namang pabayaan ko si Maya.
Irene: I have seen noon nung iniligtas mo ako don sa nambastos sa akin pero ngayon I saw you in the daylight, nakakatakot ka. Akala ko mababagok ang ulo nung Mama sa pagkakahampas mo eh.
Janine: Alam ninyo kanina, watching you two fight those men, ang naiisip ko yung movie na Mr. and Mrs. Smith.
Sheryl: Ah oo nga!
Maya: hmmmm minsan Hon panoorin natin yon baka may makuha akong fighting techniques doon.
Lahat: Maya!!!
Maya: What???
Joax: Hon, isang request lang... pwede sa wedding day natin kahit anong mangyari hindi ka makikipagbuntalan?
Nagtawanan silang lahat.
Maya: Promise... that is if I can help it!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro