Chapter 59 - Tampuhan
Linggo ng umaga, maagang nagising ang pamilya ni Maya at nagsimba katulad ng halos linggo linggo nilang ginagawa pero ang pagkakaiba simula ng maging magnobyo sila Joax at Maya sa Ayala Alabang Parish Church na sila nagsisimba. Sinusundo sila ni Joax at sabay-sabay silang nagsisimba na parang isang pamilya. Ang pamilya nila Maya, si Nanay Berna, Sheryl, Baste at Nitoy at ang pamilya ni Joax, si Daddy Rick, Tito Rod at Robby.
Nakaschedule ng araw na yon ang pagpapasukat ng buong entourage ng damit para sa kasal nila Robby at Sheryl kaya pagkatapos ng alas otso na Misa dumeretro na silang lahat sa Mansyon.
Pagdating nila doon... isang buffet breakfast table ang nakahain sa garden. May mga mesa at silya pang nakaayos doon. Bumulong si Maya kay Sheryl.
Maya: Ditse, magsusukat lang tayo hindi ba bakit may ganito pa?
Sheryl: Ang gusto kasi ng Daddy iisa ang gagawa ng damit nating lahat. Kaya imbitado ang lahat ng mga Ninong at Ninang at ang buong entourage.
Daddy Rick: Mabuti pa magbreakfast na tayo habang wala pa sila.
Tatay Rod: Oo nga para pagdating ng couturier masukatan na tayo.
Robby: Tito, bakit may buffet breakfast po?
Daddy Rick: Gusto ko lang na kahit papano magkasalo-salo at magkakilanlan ang mga Ninong at Ninang ninyo. They will be your second parents anyway.
Sheryl: Dad, kasi alam naman ninyong hindi kami sanay makihalobilo sa mga...
Daddy Rick: Ipagpaumanhin ninyo, we are one family now, you will have to learn how to deal and mingle with this people. Wala namang masama na magpakatotoo kayo. Wala namang masama sa pagkakaiba natin ng estado sa buhay. At mababait naman ang mga magiging Ninong at Ninang nila Sheryl na kaibigan namin ni Rodrigo.
Nanay Berna: Walang problema don Ricardo, at tama ka bilang magiging pangalawang magulang sila ng mga bata, tama lang na magkakilanlan ang lahat.
Hindi na umimik si Sheryl pero alam niyang si Maya ang naiilang. Bumulong ito kay Maya...
Sheryl: Don't worry sis, hindi mo naman sila kailangang kausapin eh. Ngumiti ka lang, magbeso ok na.
Nginitian na lang din ni Maya ang kapatid ayaw niya kasing alalahanin pa siya nito. Unang dumating si Mang Berto, ang kapitbahay nila Maya na may-ari ng isang maliit na hardware sa may Alabang Market at si Mrs. Hernandez ang secretarya sa kanilang Barangay Hall.
Pinatuloy ito ni Robby at Sheryl at ipinakilala kay Ricardo at Rodrigo ni Berna.
Nanay Berna: Rodrigo, Ricardo, ito si Mr. Roberto Angeles ang may ari ng isang hardware na nasa Alabang Market at si Mrs. Sandra Hernandez ang Barangay Secretary.
Rodrigo: Magandang umaga, kumpare, kumadre, Rod na lang at si Mr. Ricardo Capili ang ama ni Sheryl.
Mang Berto: Magandang Umaga sa inyo mga Kumpare.
Aling Sandra: Ikinagagalak namin kayong makilala, mabuti naman at nagkita na kayong magama. Hindi lang maganda, mabait at matalino ang anak mo Ricardo napalaking maayos ni Berna at Manuel.
Ricardo: Alam ko Kumadre, at proud ako sa kanyang narating. Tuloy kayo, kumuha kayo ng pagkain at ng makapaghuntahan naman tayo.
Mayamaya narinig nila ang isang malakas na tinig.
Mr. Estanislao: Nasaan ang ipinagmamalaki mong dalaga Ricardo? Kung hindi mo pa nahanap hindi mo pa kami maiimbitahan sa palasyo mo.
Isang may katabaang lalake edad sisenta'y sinko, seryoso ang mukha at mukhang mamahalin ang damit at suot na alahas ang sinalubong ni Ricardo at Rodrigo.
Ricardo: Peter, Victoria, mabuti nakarating kayo.
Nagkamay ang mga ito. Tumayo naman si Robby at Sheryl.
Nagmano si Robby kay Mr. Estanislao.
Robby: Ninong. Ninang kamusta ho? This is Sheryl my Fiance' anak po ni Tito Rick.
Victoria: Aba, tama pala si Kit, talagang napakaganda at flawless ang mapapangasawa mo.
Robby: Isa siyang modelo at TV personality Ninang, si Sheryl Reyes.
Shery: Good morning po Ninang, Ninong!
Nagmano si Sheryl sa mga ito.
Mr. Estanislao: Magaling kang pumili Roberto at talagang sinigurado ninyong hindi lalabas sa pamilya ang kayamanan ninyong dalawa ha Rod , Rick.
Daddy Rick: Hindi Peter, magkasintahan na sila bago ko pa nalaman na si Sheryl ay anak ko.
Victoria: Marunong talaga ang Diyos.
Ito po ang aking Inay Berna at kapatid kong si Maya.
Nanay Berna: Ikinagagalak ko kayong makilala Mr...
Mr. Estanislao: Peter na lang Kumadre.
Ngumiti si Berna at nakipagkamay sa kanila.
Maya: Good morning ho.
Lumapit si Joax at nagbeso sa magasawa.
Joax: Tita Vicky, Tito Peter, si Maine ho ang girlfriend ko.
Victoria: oh am so happy to meet you Maine or should I call you Maya? Kit has told us about you.
Maya: Whichever you prefer to call me Mam.
Victoria: Tita Vicky na lang Hija. You saved Irene ones and we will forever be greatfull for that.
Maya: Wala po yon, I will do the same to anyone.
Peter: No, that is something Hija, una hardly na kayang ipagtanggol ng isang babae ang sarili niya lalong mahirap na ipagtanggol ang kaibigan. Kaya maraming babae ang narerape o nananakawan eh hindi nila kayang ipagtanggol ang sarili nila. So, thank you for doing that to Irene. Ricardo, alam mo bang ipinagtanggol ni Maine si Irene sa dalawang lalaking nambabastos sa kanila.
Daddy Rick: Hindi, pero alam ko how brave she is because she ones saved my life as well.
Victoria: You have found yourself a good catch Joaquin.
Inakbayan ni Joax si Maya at hinapit sa bewang...
Joax: I know Tita... I know.
Nagkukwentuhan ang mga magkukumpare at kumadre sa isang lamesa at nasa kabilang lamesa naman sila Joax, Maya, Robby, Sheryl, Baste at Nitoy. Nang dumating ang mga iba pang entourage... Candle, Veil, Cord sila Kyle, Briggs at Kit. Dumating din ang mga pinsan ni Robby galing pa ng Baguio si Diane, Rose at Sugar ang mga kapartner nila Kit. Mayamaya dumating ang buong pamilya ni Janine. Kasama ang cute na cute na si Ryzza at Miko ang flowergirl at ring/coin bearer, mga pamangkin nila ni Robby sa pinsan. Dumating din ang dalawang pares pa ng Ninong at Ninang, parehong kaibigan ni Rodrigo at mukhang mayayaman din.
Maayos naman ang pagsusukat at pagkakakilala ng mga nandon. Masayang masaya si Robby at Sheryl na magkakasundo naman ang mga ito.
Nang matapos sukatan ang mga magulang, Ninong at Ninang sinukatan ang mga secondary sponsors. Nagpaalam na ang mga ito. Bago umalis...
Mr. Estanislao: Ricardo, Rodrigo, Birthday ni Kit ngayong byernes, pero gagawin namin ng Sabado sa Subic Bay Yatch Club, iniimbitahan ko kayong lahat.
Daddy Rick: Sige kumpadre, we will clear our schedule and let you know.
Si Baste, sumimpleng lumapit kay Maya ng tumayo ito pagkakain at naglakad-lakad malapit sa pool.
Baste: Mukhang tahimik ka ha. May problema ba best?
Maya: Wala lang. Kamusta naman kayo ni Janine?
Baste: Nampotah best huwag mong sabihin sa aking nagseselos ka?
Maya: Gagi! Hindi. Nangangamusta lang talaga ako.
Baste: Ok lang mabait naman siya at tinatawanan naman niya kahit mga corny na jokes ko. Papasa na ba sa yo si Janine best? Pwede ko bang pormahan?
Maya: Oo naman. Yung totoo, you compliment each other.
Baste: Eh ikaw naman kamusta?
Maya: Ok lang, naiilang lang talaga ako kapag mga mayayaman ang kaharap ko eh. Hindi dahil nanliliit ako ah. Natatakot lang akong magkamali o magsalita ng hindi angkop sa nakagawian nila. Minsan itinatanong ko makakaya ko nga kayang makibagay sa mga taong araw-araw na nakakasama ni Joaquin.
Baste: Naiintindihan kita, marami naman kasi talagang mayayaman na nakakaintimidate naman ang itsura lalo na ang pagsasalita. Pero Maya, hindi mo kailangang magalala, mahal ka ni Joaquin kahit sino ka pa. Isa pa mabuti kang tao at marunong kang rumespeto sa iba. So I'm sure you'll be fine.
Maya: Uy, english na naman yan eh.
Baste: nagparactice lang, mauubos na ang laman ng baul ko eh ayokong manose-bleed kapag kasama ko si Jane.
Natawa si Maya.
Nakita sila ni Joaquin. Napaisip... "katabi ko siya kanina tahimik, bibihirang magsalita tapos si Baste ang kasama panay ang daldal at tumatawa pa."
Lumapit sa kanya si Janine.
Janine: Joax, have you seen Baste?
Inginuso ni Joax ang kinaroroonan ni Maya at Baste.
Janine: Oh, why don't you go there then.
Joax: Never mind they seem to be enjoying themselves.
Janine: OMG Joaquin! If I don't know you I would say your jealous.
Joax: Of course not! It's just that, they have a long and deep history.
Janine: We have history but I don't think she's jealous or anything. So stop mopping around and let's join them.
Masaya namang nakipagkwentuhan sa kanila si Maya at Baste. Natapos ng sukatan ang mga lalaki. Niyaya ni Ricardo ang mga ito para mag-golf.
Baste: Naku, Tito Rick, hindi ho ako marunong non... gulp, gulp, gulp lang ho ang alam ko eh.
Nagtawanan sila.
Daddy Rick: Huwag kang magalala Baste, tuturuan ka namin. Pati si Robby.
Umalis na nga ang mga ito at naiwan, ang mga pinsan ni Robby, si Janine, Sheryl, Maya at Nanay Berna.
Couturier: now that the boys are gone, it's time for the you ladies para magsukat ng mga damit at maghanap ng designs.
Nagkukwentuhan sila habang nagsusukat.
Janine: She, pupunta ba tayo sa birthday ni Kit?
Sheryl: since ininvite naman tayo ni Tito Peter we should all go.
Janine: Masaya yon... am sure!
Maya: Kayo na lang may byahe kami ni Uro papuntang Baguio non eh. Alam niyo na business first bago ang lakwatsa.
Sheryl: Kaya naman ni Uro yon magisa 'Neng. sumama ka na, minsan lang ito eh.
Janine: That's right Maya, it would be more fun, if we're complete.
Sugar: Oo nga Maya, para makapagbonding naman tayo.
Diane: Besides malulungkot si Kuya Joax kung hindi ka sasama
Maya: Maiintindihan niya yon, anyway bahala na.
Off shoulder flair midi gown ang sa secondary sponsor, venus cut na long cocktail dress naman ang napili nila para kay Janine at spaghetti strap, heart shaped top long cocktail gown with lace coat naman ang kay Maya, at ang wedding gown ni ni Sheryl, isang princess cut, full beaded with long back and long trail.
Makalipas ang dalawang oras bumalik na sila Ricardo.
Janine: Robby, are we going to go to Kit's party.
Robby: Oo naman.
Janie: Baste, sasama ka naman di ba?
Baste: If you're going, I am.
Tinukso nila ang dalawa. Patay malisya naman si Maya, nagkunwaring nagliligpit para makaiwas sa usapan tungkol sa birthday ni Kit.
Diane: Kuya Robby, kasama kami?
Robby: Syempre, inimbitahan naman tayong lahat eh, nakakahiya naman kung tatanggihan natin hindi ba?
Joax: That's right, we should all go.
Bumulong si Sheryl kay Joax...
Sheryl: Mukhang magkakaproblema kang isama si Maya. Nagsabi na kanina eh may byahe daw sila ni Uro pa-Baguio eh.
Joax: Don't worry, kakausapin ko siya later.
Nang ihatid ni Joax sila Maya sa bahay nito.
Joax: Nay, dito muna kami ni Maya sa garden ha.
Nanay Berna: Sige, magpapahinga na ako.
Magkatabi silang naupo sa garden set. Sumandal si Joax at ihinilig naman ni Maya ang ulo sa balikat nito.
Joax: Tired?
Maya: Medyo... ang dami naming isinukat bago kami nakapili eh. Kamusta ang laro ninyo?
Joax: Ok naman, pero sa miniature golf court lang kami naglaro kasi nga tinuruan pa namin si Baste at Robby. Natutuwa ang Daddy kasi madali naman matuto yung dalawa.
Maya: Masaya ka no kasi nakasama mo si Tito Rick.
Joax: Sobrang saya, simula ng tumira sa bahay si Sheryl, lagi kaming magkakasama. Kapag gusto ni She kumain sa labas, ginagawan ni Daddy ng paraan na masasamahan namin siya. Tapos laging nagpapakwento si Daddy tungkol sa Tatay ninyo. Ikaw?
Maya: Ok naman, nagenjoy naman. Nakakatuwa ang mga pinsan ni Robby, pati si Janine.
Joax: Anong masasabi mo kila Tito Peter at Tita Vicky.
Maya: Nice naman sila eh. Mukhang strikto pero mababaint naman.
Joax: Sa Tuesday paguwi ko susunduin kita, magshopping tayo, Bili tayo ng swimsuit. Maganda sa Subic Bay Yatch Club. Maraming swimming pool don.
Maya: Huwag na baka hindi naman ako makasama kasi paakyat kami ng Baguio ni Uro eh. Tsaka overnight yon di ba. Sayang naman yung kikitain ng tindahan. Tsaka walang magbabantay sa paggagawa sa resto.
Joax: Ang dami mong dahilan ah.
Maya: Hindi naman ako nagdadahilan eh. Talaga namang marami akong gagawin non eh.
Joax: Astig, , Kit is my bestfriend. Hindi pwedeng hindi tayo pumunta.
Maya: Hindi ko naman sinabing huwag lang pumunta eh... ako lang naman ang hindi makakapunta.
Joax: Ano naman ang gagawin ko don ng hindi ka kasama?
Maya: Joaquin, bestfriend mo si Kit, nandon naman sila Robby at sigurado din akong marami pang mga kaibigan ninyo ang inimbitahan din kaya am sure na marami kayong magagawa at mageenjoy kayo.
Joax: Hindi ako mageenjoy kung wala ka.
Maya: Astig naman eh. Alangan naman unahin ko pa yung lakwatsa? Papano naman yung negosyo di ba?
Joax: So, mas importante ang negosyo kaysa ang samahan ako?
Maya: Astig naman nangungulit ka na naman eh.
Joax: Hindi naman ako nangungulit eh, tinatanong lang kita... mas importante ba ang negosyo kaysa sa akin?
Maya: Hindi naman ganon ang ibig kong sabihin eh.
Joax: Then what? Ayaw mong sumama dahil sa negosyo kahit alam mong magisa akong pupunta don? Anong pwede pang maging ibig sabihin non?
Maya: Gusto ko lang talagang matapos na yung resto eh.
Joax: Would it make a difference kung madedelay ng dalawang araw? Besides hindi naman madedelay yon, pwede mo namang bilinan ang mga tao ng dapat nilang gawin. Ilang beses na ding si Uro lang ang pinagaangkat mo si Uro ng magisa. Kaya alam kong nagdadahilan ka lang. Ayaw mo lang talaga akong samahan.
Maya: Joaquin naman eh.
Joax: It's okay, I get it Maya. It's getting late, uwi na ako.
Maya: Astig naman eh. Naguusap pa tayo eh.
Joax: Ano pang paguusapan natin, nagdesisyon ka na at mukha namang hindi na mababago pa yon, so wala na tayong dapat pagusapan pa. Ayaw mo din naman na kinukulit kita, so para hindi na kita kulitin, uuwi na ako. Tsaka I'm tired na din eh.
Inalalayan na ni Joax si Maya para tumayo. Pilit na ngumiti.
Joax: Sige na pumasok ka na sa loob. Sabihin mo na lang kay Tita na umuwi na ako ha.
Maya: Galit ka eh...
Joax: Bakit naman ako magagalit, may point ka naman. It does not favor me pero may point ka. At para magawa natin ang gusto natin pareho... we have to compromise so ok na yon, naiintindihan ko na.
Niyakap ni Maya si Joax sa bewang... naglalambing.
Maya: Mamaya ka na umuwi, hindi pa ako inaatok eh.
Joax: Hindi pa din naman ako inaantok, but I am tired. So ganito na lang, uuwi na ako, will freshen up then, tawagan kita para we can talk until we fall asleep.
Maya: Ok sige na nga. Kawawa naman ang Hon ko, pagod na. Come kiss kita.
Inilapit naman ni Joax ang mukha, nagpahalik at tinugon ang halis nito pero mabilis na inilayo ang labi.
Maya: Bad breath ba ako?
Joax: Hindi, sira ka talaga. Nandito tayo sa labas baka may dumaan eh. Sige na go inside. Goodnight Maya.
Wala ng nagawa si Maya kung hindi sundin ito. Tumalikod na siya at humakbang palayo hinihintay na tawagin siya Joax at mangulit ng isa pang halik katulad ng madalas nitong ginagawa pero hindi siya tinawag nito at nagulat na lang siya ng marinig ang pagandar ng sasakyan nito. Humarap ulit si Maya, kumaway naman si Joax sa kanya at tuluyan ng umalis.
Hinintay ni Maya na tumawag si Joax pero hindi naito tumawag.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro