Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 55 - kilig talks

Nang gabing yon... hindi dalawin ng antok si Joax.  Hindi maalis sa isip si Maya.  Kumuha ng beer in can sa ref at naglakad-lakad sa hardin.  Napapangiti kapag naiisip ang nangyari ng araw na yon.   Sariwa pa sa isip niya ang mukha ni Maya ng sabihin ibibigay niya sa ibang babae o kay Sheryl ang mga bulaklak at nangingiliti ang boses ni Maya ng ilang beses nitong sabihing mahal siya nito. Kinausap niya ang sarili... "Ganito ba talaga kapag in love?  Bakit parang nung kami ni Stephanie hindi naman. Kinikilig lang ako kapag intimate moments na pero yung ganito na wala na siya sa tabi ko, hindi ko naman siya naalala ng ganito."  

Tumingin siya sa relo niya, alas onse, isang oras pa lang simula ng umalis siya kila Maya. "Gising pa kaya siya? Itext ko kaya?  What the fuck Joaquin, namimiss mo na agad?"

Naupo siya sa gilid ng pool, nagtampisaw  ang mga paa niya sa tubig. "Yayain ko kayang magswimming dito si Astig?  Walang gastos papayag yon. Malala ka na talaga Joaquin."

Biglang nagsalita si Ricardo. Nilingon siya ni Joax may hawak itong baso ng wine.

Daddy Rick:  No, hindi ka malala.  That is all natural.  In love ka lang talaga.

Joax:  Ganito ba talaga?  Hindi siya maalis sa isip ko eh.  I've had dated many girls never akong naging ganito kahit kay Steph. Yung mga dates I did enjoy their company lalo na yung mga intimate moment pero pag tapos na hindi ko na sila naiisip.   Pero si Maya, she's constantly in my mind. Yung parang nawawala lang siya sa isip ko kapag busy sa trabaho pero the moment I stopped working.  She's back again. Minsan kahit nasa kalagitnaan ng meeting, 15 minutes break siya agad ang papasok sa isip ko.

Daddy Rick:  Kasi nga inlove ka eh. 

Joax:  Ibig mong sabihin hindi ako nainlove kay Steph?

Daddy Rick:  Maaring minahal mo siya pero  si Maya hindi mo lang siya mahal, mahal mo pati ang idea na mahal ninyo ang isa't isa.  You're in it!

Joax:  Nagkaganito ka rin ba kay Mama?

Hindi nakaimik si Ricardo.  Hindi niya alam kung sasagutin ba ang tanong nito ng totoo.

Joax:  Dad, it's ok, you can be honest. Malaki na ako maiintindihan ko na ang totoo.

Daddy Rick:  Joaquin don't get me wrong minahal ko ang Mama mo. Ours was a wonderful love story.  Siguro lang kasi hindi malalim ang pinaugatan nito.

Joax:  Yah, kasi para lang kayong dalawang manikang inilagay ng magkasama sa isang box.

Daddy Rick:  Parang ganon pero nung nakilala namin ang isa't isa natutunan naming mahalin ng sobra.

Joax:  Alam ko yon Dad, I saw how much you love each other. Pero hindi kayo nagkaganito. So, ibig mong sabihin kay Tita Berna, ganito ka din.

Daddy Rick:  Your Tita Berna is my one that got away. Alam mo yung, parang isang halaman na itinanim mo, inalagaan, diniligan at pinayabong. That's how it was. Parang si Maya, you planted a seed nung unang beses na tinulungan mo siya, inalagaan mo ang pagkakaibigan ninyo, at pinalago mo sa pagintindi mo sa kanya at sa pagtulong at pagmamahal mo sa mga taong malalapit sa kanya. Malalim kasi ang pinagugatan ng relasyon ninyo kaya ramdam mo kahit sa pinakadulo ng daliri mo.

Ngumiti si Joax.

Joax:  Dad do you still feel the same with Tita Berna?

Daddy Rick:  Hindi, pero kung itinatanong mo kung mahal ko pa siya? Joaquin hindi nawawala ang pagmamahal, nagbabago lang ng klase dahil sa itinagal ng panahon.  Masaya pa rin ako kapag nakikita ko siyang masaya.  Enjoy pa rin ako sa company niya. Nagagandahan pa rin naman ako sa kanya pero ang pagmamahal namin sa isa't isa parang isang matalik na kaibigan na lang, masaya na kaming maging magkatuwang sa pagpapayo sa inyo at sa pagtuturo sa inyo ng mga dapat ninyong gawin sa buhay.  Mahal namin ang isa't isa bilang myembro ng isang pamilya.

Joax:  I understand Dad, pero kung sakaling gusto ninyong ituloy ang naudlot na love story ninyo, ok na ok na sa akin.

Daddy Rick:  Ikaw na bata ka... ikaw lang ang in love huwag mo akong idamay.  Sige na, tawagan mo na kung gusto mong tawagan at aakyat na ako at magpapahinga

Samantala sa bahay nila Maya, pumasok si Maya sa kwarto ni Nanay Berna.

Maya:  Nay, matutulog ka na ba?

Nanay Berna:  O bakit hindi ka pa natutulog? Nagkaboyfriend ka lang eh.

Maya:  nanay naman eh.  Nay, yung kanina sorry ha.

Nanay Berna:  Maya, hindi ka na bata.  Hindi mo kailangang magpaalam sa akin. Hindi mo din kailangang mahiya normal lang yon mahal mo siya eh.  Pero hinay hinay lang anak ha. Dapat alam mong pahalagahan ang sarili mo para papahalagahan ka rin niya. Huwag kayong gagawa ng kahit anong bagay na hindi ninyo pinagiisipan.

Maya:  Opo Nay. 

Nanay Berna:  Matalino ka, gamitin mo. Huwag mong ipapasubo ang sarili mo naiintindihan mo? Pero mukha namang napalaki ng maayos nila Ricardo si Joaquin kaya alam kong igagalang ka niya.  Sige na matulog ka na.

Maya: Goodnight Nay.

Pumasok na sa kwarto niya si Maya.  Nahiga sa kama at nagcheck ng social media niya.  Gumawa ng chat box nila si Robby nakaadd siya, si Sheryl, Joax at Baste.  Inaccept naman niya at naghi sa mga ito. Mayamaya, may sinend na picture si Robby... yung mga litrato na kuha sa resort sa Quezon.

--- chat convo ---

Rob:  Yun oh may pics pala kayo dito sa phone ko 

Sher:  Awww ang sweet

Maine:  Oy, instructions kaya yan ni SPO

Basty:  Ikaw ha, noon pa pala nagpapayakap ka na eh, sumbong kita kay Nanay

Maine:  Umbagin kita Baste gusto mo?!

Basty:  Hanggang dito nangbubuntal ka pa din.

Maine:  Sabi ni Nanay, malaki na ako alam ko na ang ginagawa ko!

Basty:  Kaya pala, basta ka nangkikiss!

Sher:  hihihi I wasn't expecting it from u sis pero bilib ako, ikaw na!

Maine:  Bwiset ka talaga Baste!

Rob:  Ako din, was surprised pero way to go 'neng!

Basty:  Hoy, wakie sumagot ka! Panagutan mo si Maya!

Rob: hahahaha 

Sher:  Kulit mo Baste!

Maine:  Yaan niyo na siya, baka tulog na, napagod yon eh.

Rob:  Sinong hindi mapapagod, ikutin ba yung buong subd ng naglalakad

Basty:  wakie, 1M pogi points yon ah. Ikaw na bro!

Maine:  Sige na, matulog na tayo.  Goodnyt every1

RJ: Goodnight AStig! Sweet dreams... love you! muah!

Basty: Yun oh si Maya lang talaga sinagot.

Sher:  Awwwww babe, inggit ako.

Rob:  Luv u Babe, goodnight! 

Basty:  Potah ang tatamis niyo, nilalanggam ako!

Maine:  mamatay ka sa inggit Baste! Bleh! :-P

RJ:  ang cute astig, hanggang dito nandidila ka pa rin.

Rob:  wakie, ngayon mo sabihin ang sinasabi mo sa amin noon kapag dumidila si Maya

Maine:  Ano yon?

RJ:  Wala, jinojoke ko lang sila eh.

Maine:  eh di use the joke on me.

RJ:  Baka mapikon ka eh.

Sher:  Hindi yan wakie sige na.

Maine:  Sige na... try me.

RJ:  Dilaan mo muna ako...

Maine:  Bleh :-P

RJ:  Don't put your tongue out unless your going to use it Maya.

Maine: I don't think you can take it when I do!

Basty:  Basag ka wakie! hahahaha

Rob:  Ikaw na talaga Maya!

RJ:  hahahaha hindi talaga ako manalo sa yo, Astig!

Maine:  Sige na matulog na tayo, puro kayo kalokohan eh. Goodnight!

--- end of chat convo ---

Hindi na napigil ni Joax ang sarili. Tinawagan si Maya. Unang ring pa lang sinagot na ni Maya baka kasi marinig ng Nanay niya.

Maya:  Hello...

Joax:  Hi, nakakaistobo ba ako?

Maya:  Hindi naman, nakahiga na naman ako, nagpapaantok lang.

Joax:  Anong ginagawa mo para antukin?

Maya: nagbabasa ng mga quotations, or kaya poems. Bakit hindi ka pa matulog? Magpahinga ka na.

Joax:  Ayaw mo akong kausap?

Maya: Hindi ko sinabi yon, alam ko lang na pagod ka.

Joax:  Hindi ako antukin eh, naiisip kasi kita.

Maya: Kasalanan ko pa ngayon.

Joax:  Hindi naman kita sinisisi, was just telling the truth. Ikaw, hindi mo ako naiisip?

Maya: Iniisip din.

Joax:  Anong iniisip mo? 

Maya:  Yung mga nangyari kanina, yung ginawa ko, kung tama o mali ba?

Joax:  Pareho tayo, yung nangyari kanina, iniisip ko kung ganito ba talaga kasi in the past hindi naman. I never did any gesture like that and I never risked my life for anybody.

Maya:  Ang swerte ko naman pala eh.

Joax:  Hindi mas maswerte ako na mahal mo ako because I am a better person because of you.

Maya:  Uy si  Joaquin pumipick up line.

Joax:  Baduy ba?

Maya:  Sabi nga ni Ditse... mas baduy means mas sweet.  

Joax:  Astig, mahal mo talaga ako?

Maya:  Hindi ba talaga kapani-paniwala?

Joax: Hindi, masarap lang pakinggan kapag sinasabi mo eh. Pwedeng paki ulit?

Bumungisngis si Maya.

Maya: Gusto mo lang kiligin eh...

Natawa naman si Joax.

Joax:  Sige na Astig... pampaganda ng tulog.

Maya:  Mahal kita Joaquin.

Joax:  Mahal lang?

Maya:  Oy Astig, abuso ka na.

Joax:  Baka makakalusot lang eh.  Mahal na mahal kita Maine.

Maya: Maine talaga?

Joax:  Yun naman ang real name mo eh. Ayaw mo bang tinatawag kita ng Maine?

Maya:  Gusto, pero di ba masyadong babae hindi bagay sa pagkalalake ko.

Natawa ng malakas si Joax.

Joax:  Papano ako aantukin nito eh pinapatawa mo ako.

Maya: Oh sige na... matulog ka na.

Joax:  Palambing can you read me some of those quotations?

Maya:  Sige, eto na ha... Love myself I do. Not everything, but I love the good as well as the bad. I love my crazy lifestyle, and I love my hard discipline. I love my freedom of speech and the way my eyes get dark when I'm tired. I love that I have learned to trust people with my heart, even if it will get broken. I am proud of everything that I am and will become. - by Johnny Weir

Joax:  I love myself too but I love you more and I'll never ever break your heart.  I am very proud that you are mine.

Maya:  Talagang may sagot ka ha. Eto pa... Nobody can predict the future. You just have to give your all to the relationship you're in and do your best to take care of your partner, communicate and give them every last drop of love you have. I think one of the most important things in a relationship is caring for your significant other through good times and bad. - by Nick Cannon

Joax: Maganda yan,  I will give my all to this relationship Maya. I'll do my best to take care of you and give you every last drop of love I have.  I will care for you through good times and bad.

Maya:  ang sarap naman pakinggan non... tulog na tayo Astig.

Joax:  Tabi tayo sa kama?

Maya:  Oo na, huwag malikot matulog ha.

Joax:  Pwedeng nakahug pag matulog?

Maya:  Oo, sige na matulog ka na.

Joax:  Goodnight Maya, I love looking at you and hearing your voice before going to sleep and I wish to be waking up tomorrow with you in my arms.

Maya:  Goodnight Joaquin.

Bumilang sila ng tatlo at sabay na pinindot ang end call.  Natulog si Joax at Maya ng may ngiti sa  mga ngiti sa labi umaasang bukas ay may bagong umaga para sa pagmamahalan nila. 














Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro