Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 52 - Pagtanggap

Makalipas ang limang araw, naiuwi na sa mansyon si Joax.  Pinuntahan nila Daddy Rick at Tatay Rod sila Maya  sa bahay nila.  Nandon si Robby, Sheryl, Baste at Nitoy ng dumating ang mga ito. Pinapasok ni Nanay Berna sa salas at nadatnan nilang nagkukwento si Maya ng nangyari sa kanila ni Joax.

Tumayo si Maya at Sheryl at humalik sa pisngi ng matatanda ang mga ito.

Maya:  Tito Rick, Tito Rod... eto ho si Baste kababata ko at si Nitoy kapatid niya.

Baste:  Magandang hapon ho.

Daddy Rick:  Magandang hapon naman Hijo.

Maya:  Baste, Nitoy, siya si Tito Rick ang daddy ni Joax at si Tito Rod ang Daddy ni Robby.

Tito:  Ikinagagalak naming makilala kayo. Mukhang nagkukwentuhan kayo ah baka nakakaistorno kami.

Maya:   Hindi po, ok lang yon. Upo po tayo.

Nanay Berna:  Rick kamusta na si Joax?

Daddy Rick:  Maayos na... nakakatayo na din.  Nagpupumilit nga na sumama eh.  Nagtatampo na yon sa yo Maya, hindi mo daw siya dinadalaw eh.

Maya:  Nagpapagawa po kasi kami ng restaurant at inilipat na din po yung bodega ng gulay dyan sa commercial building sa harap eh. 

Nanay Berna:  Hayaan mo siya ang maghahatid kay Sheryl sa makalawa kaya siguradong madadalaw na niya si Joaquin.

Daddy Rick:  Kung may oras kayo kaya kami nagpunta dito para sabihin sa inyo ang totoo.

Tumayo si Baste.

Baste:  Nay, uuwi ho muna kami ni Nitoy.

Tito Rod:   Hindi ninyo kailangang umalis baste, alam namin na pamilya ang turing sa inyo nila Maya kaya mas mabuting nandito din kayo.

Pumirmi silang lahat at nakinig.

Daddy Rick:  Ang Tatay Manuel ninyo ay matalik na kaibigan namin ni Rodrigo.  Siya  ang pinakamagaling na guro ng Baguio. Ang Nanay Berna ninyo naman ay dati kong kasintahan noong binata pa ako kaya magkakaclose kaming lahat.  Nung bago kami maghiwalay ni Bernadette, may nangyari sa amin pero hindi ko alam na nagkaanak pala kami at si Sheryl nga yon.  Nagalit sa akin si Manuel nang malaman niyang pakakasalan ko si Joan, dahil nalugi ang negosyo ng mga magulang ko at naubos ang pera namin dahil sa pagsusugal ng Tatay ko. Para maisalba ang kabuhayan namin ang pamilya lang ni Joan ang pwedeng tumulong sa amin. Pero natutunan kong mahalin si Joan. Iniwan niya ako ng malaman niyang siya'y may cancer.   Ang Tatay Manuel ninyo ginustong tulungan ang Nanay ninyo at alam ko naman na may pagtingin siya kay Adet kaya masaya na din akong sila ang nagkatuluyan.  Matagal kong hinanap ang Tatay ninyo para matulungan ko sila at makabawi naman ako pero hindi namin sila nakita dahil lumuwas na pala kayo ng Maynila. Nung pumutok ang balita tungkol sa pagkakapatay sa Tatay ninyo, non lang namin nalaman. Kaya ginawa ko ang lahat para matulungan kayo. Pinapuntahan ko kayo kay Winston siya ang nagasikaso sa burol at libing ng inyong ama at sa pagaasikaso sa hospital para mailabas ang Nanay ninyo pero hindi ko na inalam kung nasaang lugar kayo dahil ayoko ng guluhin ang buhay ng Nanay ninyo. 

Nanay Berna:  Nagkita kami sampung taon ng namayapa ang Tatay Manuel ninyo at iniwan naman siya ni Joan. Makailang ulit kaming nagkikita kapag umaangkat ako ng gulay.  Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa yo Sheryl dahil alam ko naman na may pamilya siya at ayokong makagulo pa sa buhay nila.  Lalo na ng malaman kong may sakit si Joana.  Pinilit kong mangako si Ricardo na kalimutan ako at tuparin ang sinumpaan niya sa kasal nila ni Joana at alagaan ang anak niya. Kaya alam kong kahit namayapa na si Joana hindi na ako nagpakita sa kanya dahil alam kong siya na lang ang meron ang anak niya.

Sheryl:  Siguro po tinulot ng Diyos na magkakilala kami ni Robby para dumating ang araw na ito.

Tito Rod:  Siguro nga Hija.

Maya:  Tito Rick, alam po ninyo hindi po galit si Tatay sa inyo.  Palagi po niyang ikinukwento ang dalawang matalik na kaibigan niya, hindi po niya binanggit ang pangalan pero pinalaki niya kami sa paniniwalang may mga katulad ninyong mga tunay na kaibigan.  

Daddy Rick:  Salamat naman kung ganon.  Maya, alam kong kaligayahan mong kasama ang kapatid mo kaya hindi ko siya kukunin sa  inyo pero hayaan ninyong makilala namin ang isa't isa.

Maya:  Napagusapan na ho namin ni Ditse. Tito Rick, maraming taon ko na hong kasama si Ditse, panahon na po para makasama ninyo siya, makilala ng lubusan at ibigay sa kanya ang buhay na dapat ay noon pa niya naranasan.  Malaki na ho ako, kaya ko na ho ang sarili ko tsaka nandyan lang naman kayo sa malapit kapag nami-miss ko siya eh di pupuntahan ko na lang siya. 

Naluha si Ricardo.  Niyakap si Maya.

Daddy Rick:  Salamat Hija.

Sheryl:  Noon 'neng pinayagan mo akong maging anak ni Tatay kaya ngayon ikaw din may Daddy Rick na.

Napangiti si Maya.

Maya:  Ayos! May Tatay Damian na, may Daddy Rick pa.

Nagtawanan sila.  Makalipas ang dalawang araw, dumating si Maya at Sheryl sa mansyon ng mga Capili. Ipinarada ni Maya ang pick-up sa harap ng mansyon. Nagulat sila ng biglang nagsalita si Robby na lumalabas sa gate ng katapat na malaking bahay.

Sheryl:  Bakit nandyan ka? Kaninong bahay yan?

Robby:  Eh di bahay namin.

Sheryl:  Akala ko dito ka nakatira eh.

Maya:  Ako din. Laging nagpapaalam si Ditse na pupunta kayo sa bahay ninyo eh.

Robby:  Eh kasi dyan naman talaga kami madalas tumambay ni Joax.  Diyan din kami natutulog dahil wala namang kasama si Tito Rick. Pero ngayon hindi na kasi nandyan na kayo ni Joaquin. Tsaka pangit naman tignan kung dyan tayo pareho nakatira.  

Binuhat ni Robby ang dalawang maleta ni Sheryl.

Robby:  Eto lang ang gamit mo?

Sheryl:  Oo.  Iniwan ko na kay Maya yung mga damit ko. Nagsusuot naman na siya ng mga damit pangbabae eh.

Robby:  Naku eh dapat pala magshopping tayo. Walang laman ang kwarto mo eh.

Pinagbuksan ni Robby ng pinto sila Maya at Sheryl.  

Robby:  Pasok kayo.  Sandali tatawagin ko lang sila Tito.

Pinindot ni Robby ang intercom na nasa dingding.

Robby:  Tito Rick, nandito na po sila Sheryl.

Maya:  Wow sosyal! May intercom pala dyan.

Pumasok mula sa Garden sila Daddy Rick at Tito Rod.

Daddy Rick: Welcome home Hija!

Sheryl:  Hi  Dad!

Maya:  Hello po Tito!

Tito Rod: Mabuti dumating na kayo, hindi kami magkasundo kung anong mga furniture ang ilalagay sa kwarto mo.  Mabuti pa kayo na ni Maya ang pumili.

Pumunta silang lahat sa Garden at  naupo sa garden set naglabas ng meryenda ang katulong.

Maya:  May swimming pool pala dito.

Daddy Rick:  Oo, kapag gusto ninyo magswimming punta lang kayo dito isama mo si Baste at Nitoy.

Ipinakita ni Ricardo ang mga set ng furnitures.  Kama, dresser at malaking salamin na magkakaterno.  Nakapili naman sila Maya at Sheryl.

Daddy Rick:  Mga tatlong araw lang idedeliver na yan. Pagpasensyahan mo na muna yong single bed sa kwarto mo.

Sheryl:  Ok lang yon Dad basta kasama kayo.

Daddy Rick:  Robby, nasaan yung ipinabili ko sa yo?

Robby:  Nandito sa loob Tito, kukunin ko.

Iniabot ni Robby ang malaking paper bag kay Ricardo. Inilabas ni Ricardo ang  dalawang laptop at dalawang cellphone.

Daddy Rick:  Oh tig-isa kayo para kahit anong oras ninyo gustong magkausap may magagamit kayo.

Sheryl:  Wow! HP laptop at  Samsung Phone.  Thanks Dad!

Maya:   Naku Tito, bakit pati ako? Sobra na ho.

Daddy Rick:  Maya, isipin mo na lang regalo yan sa maraming taon na hindi kita nabigyan ng mga nagdaang pasko.

Maya:  Ho? 

Daddy Rick:  Sabi ng Nanay mo, inilagay niya ang pangalan ko para maging Ninong mo. Tignan mo daw sa baptismal certificate mo.

Maya:  Kaya naman pala si Ninong Lemuel lang ang kilala ko  na totoong Ninong ko eh.  Mano po Nong!  Salamat po.

Daddy Rick:  Ikaw Sheryl, kilala mo ba ang mga Ninong mo?

Sheryl:  Yung taga Baguio po, isa lang din pero dalawa po ang Ninang ko kaya nagtataka din ako eh bat  isa lang kilala kong Ninong ko.

Daddy Rick:  Kasi si Tito Rod mo ang isa pang Ninong mo.

Maya:  Ano ba yan Ditse, Ninong mo na, Father-in-law mo pa.

Tito Rod:  As a homecoming gift, tignan mo na lang ang kwarto mo ako ang nagdesign non, tsaka  yung iba pa ibabawi ko na lang sa kasal ninyo.

Lalo silang nagtawanan.  Samantala si Joax, nasa may veranda ng kwarto niya at naririnig niya ang mga ito dahil katapat ng garden ang veranda. Naiinis siya ni hindi man lang siya hinanap ni Maya.  Hanggang sa marinig niya na nagpapaalam na ito.

Maya:  Tito, este Ninong pala.  Uuwi po muna ako, may lulutuin pa po kaming ulam  ni Nanay. Babalik na lang po kami mamaya for dinner.  

Daddy Rick: O sige Hija.  

Maya:  Nong, bahala na kayo sa kapatid ko ha, alagaan ninyo yan kung hindi babawiin ko siya sa inyo.

Daddy Rick:  Huwag kang magalala, mamahalin ko siya ng sobra-sobra.

Tito Rod:  Susunduin na lang kayo ni Robby mamaya.

Maya: Sige po. 

Tumakbo si Joax pababa ng hagdan kahit hindi pa nakakasuot ng T-shirt katatapos lang linisin ng Nurse ang mga sugat niya. Humabol ang Nurse...

Nurse:  Sir sandali! Itong t-shirt mo...

Daddy Rick:  Nurse, hayaan mo na.

Nagulat si Maya ng biglang humarang sa harap niya si Joax.

Joax:  Aalis ka talaga ng hindi ako nakikita?  Hindi mo man lang ba ako kakamustahin?

Maya:  Alam ko naman po kasing ok ka na, sinabi na sa akin ni Tito Rick.

Joax:  Ganon lang yon? Wala na?

Maya:  O sige, Joaquin, maraming salamat sa pagliligtas sa buhay ko ha, pero pwede huwag mo ng uulitin kasi kaya kong pangalagaan ang sarili ko. O sige na magluluto pa kami ni Nanay.  

Itinuloy na ni Maya ang paglakad, humarang ulit si Joax.

Maya:  Ano ba?!

Joax:  Yun lang? wala na talaga?

Maya: Ano pa ba naman ang gusto mong sabihin ko.

Joax:  Wala talaga? Hinalikan mo ako ha.

Maya:  Hoy, ang kapal mo! Ikaw ang humalik sa akin.

Joax:  but you responded.  bakit hindi ka nagalit?

Maya:  Eh ano... because it did made me feel better.  Sabi mo din yon lang naman yon. So, thank you for making me feel better.

Naglakad na ulit si Maya, humarang ulit si Joax. Galit na si Maya. Nagulat si Joax ng hawakan nito ng mahigpit ang dalawang braso niya.

Maya:  Anak ng pitong kuba naman Joaquin! Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?!  Napipikon  na ako sa yo!  Magsalita ka nga, para kang hindi lalake. Ano ba talaga ang gusto mo?!

Jaox:  Bakit ka umiiyak nung mabaril ako?

Maya:   Aba'y syempre. magkaibigan tayo tsaka natouched ako na iniligtas mo ako.  Babae eh, emotional minsan, iyakin ganon.  Ok na?  Aalis na ako.

Naglakad ulit siya, nagmamadali. Kinakabahan na baka wala na siyang maisip na isagot pa sa kasunod na itatanong nito. Pero, humarang ulit si Joax.

Maya:  Nampotah, naman Joaquin ano ba!

Sinuntok sa tyan si Joax. Nagulat na natatawa sila Ricardo, Rodrigo, Robby at Sheryl.

Maya:  Kanina ka pa eh!  Ano ba talaga?!

Napayuko si Joax sa sakit, pero pinilit tumayo ng tuwid at tumingin sa mata ni Maya.

Joax:  Mahal kita Maya!

Maya:  Ano?!

Umigkas ang kamao ni Maya papunta sa panga ni Joax pero nahawakan ni Joax ang kamay niya. Inikot papunta sa likod at hinapit ng kabilang kamay ang bewang ni Maya at hinalikan ito sa labi.

Nagulat si Maya. Nagsigawan sila Robby at pumapalakpak pa si Sheryl. Natulala si Maya, pulang pula ang mukha.

Joax: Ang sabi ko, Mahal kita!

Kinalma ni Maya ang sarili... 

Itinulak si Joax, napaupo ito sa damuhan. Dinuro si Joax.

Maya:  Umayos ka Jaoquin! Abuso ka na ah. Nakakatatlo ka na, hindi mo pa nga ako nililigawan!

Natawa si Joax.

Maya: Pwede ba, huwag kang humarap sa akin ng wala kang saplot ang pangit ng katawan mo Puro benda!  Pumasok ka na doon kung hindi tatamaan ka ulit sa akin.

Tumayo si Joax.  Umatras.

Joax:  Hindi na, sorry.

Naglakad na si Maya, sumunod si Joax.

Maya:  Huwag mo na akong sundan, nakukulitan na talaga ako sa yo. Dadagdagan ko yang masakit sa katawan mo!

Naglakad ng palabas si Maya, hindi na niya mapigil ang ngiti.

Naramdaman niyang sumusunod pa rin si Joax. Lumingon at tinignan ng masama si Joax.

Maya:  Sabi ng...

Joax:  Hindi na nga, ihahatid lang kita sa gate eh.

Tuluyan ng lumabas si Maya, nakangiti at sumakay sa pick-up niya. Sumilip si Joax sa gate.

Joax: Ingat ka!

Napangiti na ng tuluyan si Maya.  Tinitigan si Joax.

Maya: Makuha ka sa tingin!

Malakas na natawa si Joax... naintindihan na niya.




















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro