Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 51 - Pangako

Simula ng makaalis si SPO4 Perez, tahimik na si Maya.  May kakaibang kaba siyang nararamdamam.  Kumuha siya ng bottled water at ininom ang kalahati.

Joax:  Oh bakit parang tahimik ka ata nakakapanibago.

Maya:  Wala, parang kinakabahan lang ako.

Joax:  Huwag mong sabihing ngayon ka pa natakot eh pauwi na tayo.

Maya:  Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako para sa mga taong maiiwan ko.

Joax:  Walang mangyayaring masama sa yo on my watch, tandaan mo yan.

Maya:  at kinakabahan ako para sa yo.

Joax:  Maya, walang mangyayaring masama sa atin.  Narinig mo ang sinabi ni SPO4 Perez, marami sila na nandidito. Kaya hindi basta makakalapit sa atin sila Badong.

Maya:  Joaquin, kung sakaling may mangyari sa akin, huwag mong pababayaan ang Nanay ko ha.

Joax: Maya, walang mangyayari kung hindi makakauwi tayo. Tsaka hindi ka pa pwedeng mamatay hindi ka pa nagkakaboyfriend.

Maya:  Nagpapatawa ka pa eh.

Joax:   Ano ba ang sabi sa yo ni Tita Berna na lagi mong tatandaan.

Maya:  Yung laging sinasabi ng Tatay ko, lahat makakaya kong gawin basta isa-isip at puso ko.

Joax;  Exactly, kaya mong labanan yang kaba mo. Isipin mo lang makakauwi tayo at pagdating mo sa bahay, kinabukasan darating ang magiging boyfriend mo.

Natawa si Maya. 

Joax:  That's better. Nakakalakas ng loob ang mga ngiti mo. Tsaka si Badong lang yon muntik mo na ngang patayin yon di ba?!

Maya:  Tama, kaya sa susunod na makabangga ko siya sisiguraduhin kong mata lang niya ang walang latay!

Joax:  That's the Maya, I know!

Ngumiti si Maya. 

Joax:  Yan, yang mga ngiting yan ang nakamamatay eh.

Mahinang sinuntok ni Maya sa braso si Joax.

Maya:  Halika na nga magaala-una  na.

Tumayo si Maya at nagpunta ng pinto. Binitbit naman ni Joax ang knapsack sa harap at isinuksok ulit ang kanang kamay sa bulsa at hinawakan ng mahigpit ang baril.

Bago binuksan ang pinto... 

Maya:  Tay, bahala ka na sa amin ha.

Bumulong si Joax sa sarili...

Joax:  Ma, ibulong mo sa Diyos na bantayan kami.

Joax: Let's go, Astig?

Maya:  Tara

Humawak si Maya sa kaliwang braso ni Joax at bumaba sila sa lobby.

Samantala, sila Badong nakarating na sa katabing resort.  Nagiikot ang mga ito doon. Pagdating naman nila Joax at Maya sa counter. Parehong nakangiti, nakita ni Maya na nakaupo si SPO4 Perez sa couch at nagbabasa ng dyaryo. Iginala ni Maya ang paningin habang kausap ni Joax ang receptionist.  Napatingin siya sa dalawang lalaking naguusap na nasa may smoking area.  Tumango ito ng makitang nakatingin siya.  May isang lalaki naman na nasa entrance ng resort na may kausap sa cellphone, humarap ito at inangat ng bahagya ang cap niya.

Receptionist:  Ok na Sir, Sana nagenjoy kayo.

Joax:  Oo naman, maganda ang room at masarap pa ang pagkain. Babalik kami dito, di ba Hon?

Maya:  Oo nga , tsaka ang ganda ng beach.  Pwede bang pumunta pa kami doon kahit nakacheck-out na kami.  Wala pa kasi kaming picture doon eh.

Receptionist:  Opo Mam, pwedeng pwede. May mga staff naman po doon. Pwede kayo magpakuha ng picture.

Joax:  Ok thanks!  Lika na Hon.

Magkahawak kamay silang naglakad papunta sa beach.  Paglagpas nila kay SPO4 Perez tumayo ito at lumapit sa Receptionist at ibinalik ang dyaryo.  Nagtanong kung saan ang shower room. Itinuro nito ang papunta din sa beach.  Kaya naglakad ito papunta doon mga tatlong metro ang layo kila Maya.  Yung dalawang nagyoyosi naman pinatay ang sigarilyo bago pa makarating si Maya at Joax sa tapat nila at narinig nilang nagsalita

Pulis 1:  Pare, ano magswimming na tayo sa beach

Pulis  2: Oo nga kanina pa naghihintay don sila Misis eh.

Pinulot ng mga ito ang mga nakatuping tuwalya at saka naglakad papuntang beach mahigit apat na metro ang layo nila kila Maya.  Pagdating sa beachfront  naupo si  SPO4 Perez sa isa sa mga beach chairs na nasa ilalim ng mga beach umbrella.  Ganon din sila Maya, limang upuan ang pagitan nila.  Ibinaba ni Joax ang knapsack.

Joax:  Hon, upo ka dyan tapos magpose ka picturan kita.

Sumunod naman si Maya.

Maya:  Selfie naman...

Umupo si Joax sa tabi ni Maya at nagselfie nga sila. Tumayo si SPO4 Perez at malakas na nagsalita.

SPO4 Perez:  Pare, akina kuhanan ko kayo.

Maya:  Kuya salamat ha.

SPO4 Perez:   Ok lang, ganyan din kami ni Misis ng maghoneymoon.

Joax:  Hon, dito tayo para may View ng dagat.

Tumayo si Maya at humawak sa balikat ni Joax at nagpose sila.

SPO4 Perez:  Pare, yung sweet naman.

Nagkatinginan si Maya at Joax. Pero para hindi mahalata. Tumayo si Joax sa likod ni Maya at iniyakap ang braso sa katawan nito at ipinatong ang baba sa  balikat  ni Maya.

SPO4 Perez:  O ibang pose naman.

Kinuhanan pa ng ilang pictures  si Maya at Joax. Nagpasalamat sila at bumalik na si SPO4 sa upuan niya. Umarteng nagrerelax sa beach chair. Hinila ni Joax ang cap ni Maya at tumakbo. 

Maya:  Hon, mainit eh.

Ilang sandali silang naghabulan ng marinig nila ang isang speed boat na paparating.  Nagpahuli na si Joax pero ayaw ibigay ang cap at inilagay sa likod niya na pilit kinukuha ni Maya kaya ang dalawang braso niya parang nakayakap sa katawan ni Joax.

Nagpunta sa beachfront ang dalawang nagyoyosi, ibinaba ang mga tuwalyang nakatupi na hawak at naupo sa buhangin, nagkunwaring gumagawa ng sand castle.  Yung kaninang may kausap naman sa cellphone nagpunta sa isang beach chair na nasa kabilang side ng inupuan nila Maya.

May isang grupo ng mga lalaki din ang nagpunta sa beach may mga bitbit na mga nakatuping twalya at nagkukuhanan din ng litrato.  Sa di kalayuan naglalakad sa beach ng kabilang resort sila Badong. May suot na sumbrero pero may hawak pa ring native hat  sa harapan na ipinantatakip sa mga baril na hawak nila.

Huminto ang speed boat, tumayo si SPO4 Perez at naupo sa pampang, may kung anong dinukot sa buhangin.  Bumaba si Daddy Rick, Robby, Nanay Berna at Sheryl sa speed boat. Naglakad naman si Maya at Joax palapit sa mga ito.

Nakita ng mga tao ni Badong si Sheryl. Itinuro at sinundan ng mata ni Badong kung saan nakatingin si Sheryl at nakita niya si Maya.

Badong:  Puntahan ninyo 

Iniumang ni Badong ang baril at inasinta si Maya. 

Tumatakbong palapit ang mga tauhan ni  Badong ng mapansin ng lalaking nasa tubig. Pagangat ng kamay nito may hawak na baril.  Sabay sumigaw... "Tigil kung hindi babarilin ko sayo." Napahinto  ang mga ito.  Biglang may pumutok na barilat sumigaw si Badong.

Badong:  patay ka na ngayon Maya!

Nakita agad ni Joax si Badong. Tumakbo at niyakap si Maya. Binaril naman ni SPO4 Perez si Badong. Tinamaan ito sa hita at napaluhod.  

Nakatingin si Joax kay Maya habang yakap ito, ngumiti pa ito at nagtanong... "Ok, ka lang?"

Maya:  Oo, ikaw?

Biglang nawalan ng malay si Joax. Nayakap ito ni Maya, at napahawak sa likod nito.Naramdaman niyang basa ang damit nito. Tinignan niya ang kamay niya at nakitang puro dugo. 

Maya:  Joaquin! may dugo... may tama si Joaquin! Tulong!  

Sa sobrang bigat napaupo si Maya at umiiyak na sumisigaw.

Maya:  Nay! may tama si Joaquin!  Tito Rick Tulong! May tama si Joaquin.

Tumatakbong lumapit si Nanay Berna, Tito Rick, Robby at Sheryl.  Napaluhod sa buhangin si Daddy Rick at sumigaw.

Daddy Rick: Tumawag kayo ng ambulansya! Tulungan ninyo ang anak ko!

Napaluhod sa tabi ni Maya si Nanay Berna.  Hinawakan ang dalawang braso ni Maya.

Maya: Nay, si Joaquin! Robby, bilisan ninyo dalhin natin siya sa hospital.

Daddy Rick: TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI!  Kapitan ang anak ko nabaril.

Capt. Osorio:  Kinukuha na ho ang strecher,  dadalhin natin siya sa hospital.

Maya: Joaquin, nandito ako, imulat mo ang mata mo parang awa mo na. Joaquin, please!

Humahagulgol si Maya, niyuyugyog ang katawan ni Joax. Patuloy ang pagtulo ng luha.

Maya: Joaquin ano ba! Gumising ka!

Pero hindi na kumikilos si Joaquin.

Maya: Joaquin!!! 

Niyugyog at ng hindi ito kumilos ay tuluyang humagulgol si Maya habang yakap ang lupaypay na katawan ni Joax.

Maya: PARANG AWA NYO NA TULUNGAN NIYO KAMI!!!

Mabilis na naglapitan ang ilang lalaki bitbit ang stretcher at binuhat ang katawan ni Joaquin para ilagay sa stretcher at dinala sa pinakamalapit na hospital. Kasunod ng mga ito si Daddy Rick at Tito Rod. Naiwang humahagulgol si Maya habang yakap ng Ina at katabing nakatayo si Robby at Sheryl. 

 Nahuli naman si Badong at ang dalawang kasama nito. Naglalakad ang mga ito palabas na ng resort iika-ika si Badong at nakatali ang mga kamay sa likod. Huminto si Capt. Osorio at ang mga may hawak kila Badong. May kinausap ito sa Walkie-talkie.

Nang makita si Badong, nagpumiglas si Maya. Kinuha ang baril na nasa bulsa ng Knapsack. Lumapit kay Badong sinuntok ito sa mukha pumutok ang labi ni Badong. Sinipa ang dumudugong binti nito. Napaluhod sa sakit si Badong.

Maya: Para yan sa kapatid ko, at para kay Joaquin

Itinutok ang baril sa sintido ni Badong.

Maya:  Ito ang para sa akin.  Kaya kung ako sa yo Badong, magdasal ka na yun ay kung marunong ka.

Capt. Osorio:  Maya, huwag!

Nanay Berna:  Anak, huwag mong gawin yan, huwag mong dungisan ang kamay mo hayaan mong ang batas ang umusig sa kanya.

Sheryl:  Maya, tama na. Puntahan na natin si Joaquin. Baka kung anong mangyari sa kanya.

Gigil na gigil na itinutok ni Maya ang baril sa sintido ni Badong.  

Maya: Papatayin ko ang hayop na 'to!

Napapikit na lang si Badong at bago pa nahawakan ni Capt. Osorio ang kamay niya kinalabit niya ang gatilyo. Napaihi sa takot si Badong pero hindi pumutok ang baril.

Binuksan ni Maya ang kabilang kamay at iniabot ang mga bala kay Capt. Osorio.  Nakahinga ng maluwag si Capt. Osorio, Nanay Berna, Robby at Sheryl. Iniabot ni Maya ang baril kay Capt. Osorio.

Maya:  Maaring matapang ako, pero kahit kelan hindi ako magiging katulad mo. Tandaan mo ito Badong, magdasal ka na mabuhay si Joaquin dahil kapag may nangyari sa kanya kahit nasa loob ka ng bilanguan sisiguraduhin kong papatayin kita. 

Capt. Osorio:  Dalhin na ninyo yang mga yan.  Maya, ihahatid ko na kayo sa hospital.

Makalipas ang isang oras na paghihintay,  lumabas ang doctor mula sa operating room at sinabing maayos na si Joaquin at wala na ito sa panganib.  Hinintay nila Maya na mailipat sa private room si Joax.

Matapos maiayos sa kama si Joax.  Naupo si Maya sa upuan sa  tabi nito. Naalala niya ang sugat ni Joax.

Maya:  Nurse, nakita ba ninyo yung sugat niya sa may bandang balikat?

Nurse:  Opo Mam, nilinis at ginamot na din po namin.  Hindi na din po namamaga, mukhang maayos po ang paglilinis at pagamot sa sugat.

Maya:  Salamat.

Naupo lang don si Maya, nakatingin sa mukha ni Joaquin habang hinahaplos ang braso nito. Tahimik na nakatingin lang sa kanya ang mga nasa loob ng kwarto.  Makalipas ang  isang oras hindi pa rin nagigising si Joax.

Maya:  Tito, bakit hindi pa po siya nagigising.

Daddy Rick:  Dahil sa anesthesia Maya, pero huwag kang magalala sigurado akong magigising siya kapag nawala na ang epekto non.

Tito Rod:  Ikaw Maya, wala ka bang nararamdamang masakit sa yo?

Maya:  Wala naman po, kahit po nung nahulog at gumulong kami pababa ng bundok hindi po ako nasugatan kasi pinasuot ni Joax yung vest at polo shirt ko sa akin. 

Robby:  Gumulong kayo pababa ng bundok?

Maya:  Oo, nahulog pa nga kami sa hanging bridge, ang taas Ditse siguro more than 15 feet yon. Ang takot ko nga eh akala ko mamamatay na kami.

Sheryl:  Papano may phobia ka sa heights eh.

Maya:  Pero takot pala talaga sa ahas si Joax, kaya kami gumulong pababa eh papano may gumagapang na ahas.

Daddy Rick:  Muntik na kasing matuklaw ng ahas si Joaquin noong mga 11 years old siya.

Maya:  Pero ang galing ni Joaquin Nay, nung nahulog kami sa tubig hinanap niya ako tapos nakaahon kami sa likod ng falls may kweba.  Doon na kami nagpalipas ng gabi kasi natatakot kaming lumabas baka nandon pa sila badong.  Gumawa si Joax ng bornfire tsaka sampayan. Tsaka hindi niya talaga ako pinabayaan.

Nanay Berna:  Maya, alam ko namang maasahan si Joaquin sa lahat ng bagay.

Sheryl:   Bakit feeling ko, bini-build up mo si Joaquin kay Nanay.

Maya:  Kinukwento ko lang yung totoo eh.

Nanay Berna: Maya, yung hindi siya pumayag na makipagkita kay Badong magisa alam ko na kung anong klase ng tao si Joaquin.  Ngayon, inisip niya ang kapakanan mo kahit na mapahamak siya sobra-sobra ng patunay na maaasahan siya at mahalaga ka sa kanya.  Kaya kung inaalala mo na pagbabawalan pa kita na makipagkaibigan sa kanya, huwag mo ng alalahanin yon.

Maya:  Salamat Nay, mabait naman talaga si Joaquin eh.

Robby:  Oo na 'neng. alam namin yon. Talagang ipinagtatanggol oh, sigurado naman akong mahal ka ni Joaquin eh.

Maya:  Hala, nagmamagandang loob lang yung tao, mahal ka diyan.

Daddy Rick:  Mabuti pa Robby, ihatid mo na sila Maya sa bahay nila para makapagpahinga na siya.  Hintayin na lang ninyo na maiuwi ko siya ng Manila.

Tito Rod:  Oo nga, kami na ang bahala dito.  Huwag na kayong magalala.

Maya: Magpapaalam lang ho ako kay Joaquin.

Nauna ng lumabas sila Nanay Berna, Robby at Sheryl.  Naiwang pinagmamasdan ni Daddy Rick at Tito Rod si Maya.

Tumayo ito at inilapit ang bibig sa tenga ni Joaquin, saka bumulong... "Astig, magpagaling ka!" at hinalikan ito sa pisngi at hinawakan ang kamay.

Napangiti si Daddy Rick at Tito Rod.

Maya:  Tito, tutuloy na ho kami.  Salamat po.

Daddy Rick:  Salamat din Maya.  Ingat kayo.

Bago lumabas ng pinto, nilingon pang muli si Maya at tinignan si Joaquin.













Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro