Chapter 5 - Brief meeting
Ilang gabi ng tumatambay si Joax sa Vue Bar, sa Belleveu Hotel. Kilalang kilala siya sa Hotel dahil doon ito nagpupunta kapag may kasamang babae. Umiinom pero hindi nagpapakalasing. Nang gabing yon, kasama ni Joax ang mga kaibigan. May isang babae na lumapit sa kanya.
Janine: Joax, long time no see my dear.
Joax: Janine ikaw nga ba yan? You looked prettier.
Janine: and sexier?
Tumawa si Joax at inakbayan ito.
Joax: Of course and sexier.
Umorder si Joax ng drinks para dito. Naupo ito sa tabi niya, nakipaginuman at nakipagkwentuhan.
Joax: Who's with you or are you alone?
Janine: I'm with some guys, kaso natutuyo na lalamunan ko, no drinks pa rin. I hope you don't mind.
Joax: Of course I don't order ka lang. Ang babaing katulad mo hindi dapat pinababayaang mauhaw.
Tumawa si Joax pati ang mga kaibigan nito. Mayamaya, may lalaking limapit.
Lalaki: Janine ano ba, ako ang kasama mo anong ginagawa mo dito?
Joax: Nagtatanggal lang nang uhaw bro, natuyo na daw ang lalamunan doon sa table ninyo eh.
Humagalpak sa pagtawa ang mga kaibigan ni Joax.
Lalaki: anong ibig mong sabihin?
Joax: Nothing, was just saying what she just told us.
Kit: Kasi bro kapag nagyaya ka ng chikababes dapat may laman ang bulsa.
Lalaki: Tarantadong ito ah.
Joax: Bro, ayoko ng gulo dito sa lamesa ko ha. Wala akong ginagawa sa yo. Kung gusto mo bitbitin mo na yang babae mo. She's all yours.
Lalaki: Halika na Janine.
Janine: Ayokong sumama sayo. Totoo naman ang sinabi ko dalawang oras na tayo dito iisang drinks pa lang ang inorder mo. Pasikat ka lang, wala ka namang pera.
Lalaki: Halika na sabi eh.
Hinila ng lalaki si Janine. Pumalakpak si Joax. Lumapit ang bouncer.
Bouncer: Sir, pakibitawan ho si Mam, ayaw hong sumama sa inyo huwag ninyong pilitin.
Lalaki: Ano bang paki mo? Bouncer ka lang dito!
Hinawakan ng Bouncer ang braso ng lalaki inalis ang pagkakahawak nito kay Janine.
Bouncer: Kung ayaw ho ninyong makinig, ipapakita ko sa inyo kung ano ang trabaho ko dito.
Pinitsarahan ng Bouncer ang lalaki at hinila palabas.
Bouncer: Bawal ho ang nanggugulo dito.
Lumapit ang waiter at siningil ang mga kasama ng lalaki sa nainom nila. Pagkabayad umalis na ang mga ito sa bar na yon.
Kit: Astig ka talaga bro!
Joax: Tapos na ang palabas let's drink ang have fun!
Nagtawanan at nagpatuloy sa paginom, pagsayaw at kwentuhan ang mga nasa bar. Makalipas ang dalawang oras, lumabas na ng bar sila Joax, Kit, Briggs at Kyle. Nagtatawanan ang mga ito. Inabangan pala sila ng mga lalaking kasama ni Janine sa labas ng hotel.
Lalaki: akala mo tapos na tayo Janine ha?
Kinaladkad ng lalaki si Janine. Aawatin sana ni Joax ang lalaki pero pinigilan siya ni Kyle.
Kyle: Huwag kang makialam bro, baka may dala yan. Tatawagin ko na lang yung gwardiya.
Eksakto namang kalalabas lang nila Maya at Sheryl galing sa hotel. Sinundo ni Maya si Sheryl sa photoshoot nito doon. Nakita ni Maya na hinihila ng lalaki ang babae. Lalapitan sana ito ni Maya pero pinigilan siya ni Sheryl.
Sheryl: Oh huwag kang makialam baka magboyfriend lang yan na nagaaway.
Nanatili lang na nakatayo ang magkapatid, naghihintay ng susunod na mangyayari. Lumabas na ang gwardya nakatingin lang din. Nakita nilang lahat ng sampalin ng lalaki si Janine at natumba ito. Sumigaw ang gwardiya.
Gwardiya: Hoy! Ano yan, huwag kayo dito magaway!
Janine: Manong, tulungan ninyo ako!
Maya: Manong, tumawag na ho kayo ng pulis palagay ko hindi magboyfriend yan eh. Awatin na ho ninyo. Rumadyo ang gwardiya at palapit na kila Janine.
Eksakto namang pumaparada si Robby sa di kalayuan. Nakita ang nangyayari, lumapit ito. Kinilala ang babae ng mapagsino at akmang susuntukin ng lalaki si Janine. Sumigaw si Robby.
Robby: Hoy! Gago ka anong ginagawa mo sa pinsan ko?
Janine: Robby help!
Tumakbo palapit si Robby pero bago pa ito nakalapit nasuntok ng Lalaki si Janine sa sikmura.
Robby: Bakla ka ba ha? Pumapatol ka sa babae? Janine, ok ka lang? Boyfriend mo ba ito?
Janine: Hindi!
Robby: Eh tarantado ka pala eh.
Sinipa ni Robby ang lalaki, bumalandra ito. Niyakap ni Robby si Janine at inalalayan na papunta sa kotse. Pero humabol ang lalaki at mga kasama nito. Nasuntok sa tagiliran ang nakatalikod na si Robby.
Joax: Tarantado traidor ang gago!
Sumugod na si Joax, kasunod si Kit at Kyle. Napaharap naman si Robby. Nagsuntukan na at nagkagulo.Nasipa si Robby yung lalaki bumagsak ito at ininda ang sakit. Lumapit yung lalaki kay Janine at hinila ito sa buhok at sinampal ang magkabilang pisngi. Doon na hindi nakatiis si Maya.
Maya: Ditse, huwag kang aalis dito. Sandali lang ako.
Sinugod ni Maya ang lalaki, sinipa sa magkabilang likuran ng tuhod. Napaluhod ito, nakalapit na din ang gwardiya, hinawakan ang magkabilang braso nito sa likod at tsaka sumigaw.
Gwardiya: Tumigil na kayo, kung hindi isasama ko kayo sa presinto.
Tumigil naman sila Joax at mga kasama ng lalake. Dumating naman ang dalawang pulis sakay ng owner type na jeep.
Inis na inis si Maya, sinuntok ang lalaki sa sikmura.
Maya: Gago ka ah! Bakit mo sinaktan yung babae?
Lumapit si Janine.
Janine: Miss, salamat ha!
Maya: Halika gumanti ka.
Janine: Hindi huwag na.
Maya: Suntukin mo at sampalin mo para alam nitong gagong ito na kaya mo siyang saktan kung gugustuhin mo... sagot kita!
Sinuntok at sinampal nga ni Janine ang lalake. Eksaktong palapit ang dalawang pulis.
Pulis: Tama na yan! Maya, hanggang gabi ba naman rumoronda ka?
Maya: Hindi ho, sinundo ko lang si Ditse, nadaanan lang namin na ginugulpi nitong lalake yang babae. Tinulungan ho ng pinsan niya eh ayaw tumigil niyang tarantadong yan kaya nagkagulo na. Nakitulong lang ho ako, alam niyo na.
Pulis: Miss, sumama kayo sa prisinto nitong pinsan mo para maghain ng reklamo.
Robby: Sige po susunod kami sa inyo may dala ho akong sasakyan. Joax, mauna ka na sa bahay paki sabi na lang kay Tatay ang nangyari.
Joax: Sige, babalikan na lang kita.
Pulis: Sir Richard Joaquin Capili?
Joax: Yes sir!
Pulis: Anak ka ni Sir Ricardo ng Capili Enterprise?
Joax: Yes, Sir! Kilala ninyo ang Daddy?
Pulis: Oo naman, kilala dito ang Daddy mo dahil madalas tumulong sa mga project ng Ayala Alabang Village. Kilala ho ba ninyo ang babaeng ito?
Joax: Pinsan ko ang pinsan niya, magkabilang side kami ng family.
Pulis: Napakamalas mo namang bata ka, pamilya ni Sir Capili ang tinarantado mo. Sige Sir, kami ng bahala dito. Hingan lang namin sila ng pahayag, tapos pauuwiin na din.
Joax: Sige ho, susunod na din ho kami doon. Salamat ho.
Maya: Manong tutuloy na din ho kami. Ditse, halika na.
Lumapit si Sheryl. Nagkagulatan pa sila ni Robby.
Robby: She, sya pala yung kapatid mo. Sumabay na kayo sa amin, idadaan ko na kayo kahit sa kanto lang bago kami pumunta ng presinto.
Maya: Huwag na, salamat na lang.
Sheryl: Neng, kilala ko siya. Siya yung naghatid sa akin nung hindi mo ako nasundo. Hello po Sir Joax
Joax: Hello Sheryl.
Sheryl: Robby, Sir Joax, kapatid ko ho si Maya.
Sumaludo sa kanila si Maya. Tumango lang si Joax.
Robby: Hi Maya, sige na idadaan na namin kayo.
Pulis: Maya, sumabay na nga kayo sa kanya. Madami na namang inuman sa dadaanan ninyo. Mamaya mapasabak ka na naman eh.
Wala ng nagawa si Maya, tahimik lang na sumunod sa kapatid.
Sa sasakyan nila Joax, habang bumibyahe naguusap ang magkakaibigan.
Briggs: Astig yung babae no?
Kyle: At personal na kilala nung pulis mukhang marami ng nakabangga na halang ang bituka.
Kit: Papano nakilala ni Robby, yung kapatid non?
Joax: Crush ni Robby yon, modelo. Gabi na kung umuwi yon, sinusundo ng kapatid doon sa mcdo. Doon naman inaabangan ni Robby.
Briggs: Maganda, maputi at sexy... galing ng taste ni Robby. Pero yung kapatid parang tomboy eh, maganda pa naman.
Kyle: oo nga sayang yon kung tomboy pala. Saan pala nakatira yon?
Joax: Dyan sa alabang gilid.
Kit: Sabi ko na, nakita ko na yung tomboy na yon sa palengke, kapag idinadaan ko si Manang. Siya nga yung Mayang Astig na kinukwento ni Manang.
Joax: Mayang Astig?
Kit: Sabi ni Manang, parang siga daw ng palengke yon, galit sa mga manggagantso, mandurukot at snatcher. Kahit daw si Badong, nilalabanan ng suntukan non eh.
Joax: Badong? Yung isang tauhan ni Daddy?
Kit: Oo, gago yon, nangingikil yon sa palengke. Ilang beses ng muntik mahuli, palagay ko nga pinaalpas lang ng mga Pulis yon dahil alam ng mga Pulis na tauhan ng Daddy mo eh.
Joax: Loko-loko yon ah, matyempuhan ko lang na nangingikil yon isusumbong ko sa Daddy.
Kit: Sabi ni Manang, nakasagupa ni Badong si Mayang Astig last week lang kaya malamang matagal-tagal pa bago bumalik sa palengke si Badong, magpapalamig muna yon.
Joax; Kahit na tomboy, salat sa rangya ang buhay at least may prinsipyo at mabuting tao.
Kit: Oo laging bida sa kwento ni Manang yon eh. Mabait daw talaga at ang galing makipagbuntalan eh.
Joax: pati sa habulan... nakita na namin ni Robby yan. Hinabol yung snatcher, ang bilis manakbo at malakas manipa, bumaliktad yung snatcher eh.
Briggs: Aba eh, astig nga parang ikaw bro!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro