Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49 - Can't let go

Medyo matarik ang parteng iyon na bababaan nila.  Luminga-linga si Joaquin, tumitingin kung may mas madaling daan pero wala siyang makita. 

Joax:  Papano ba to, masyadong matarik to eh, wala naman akong ibang makitang pwede nating babaan.  Hindi din natin alam kung nasan tayo. Kailangang makarating tayo sa kung saan may landmark tayo na pwede nating ibigay para masundo tayo hindi katulad nito.

Maya:  Kung wala tayong ibang dadaanan eh babain na natin yan.  Wala naman tayong choice eh. Magdahandahan na lang tayo.

Joax:  Isuot mo yang vest at polo shirt mo just in case na madulas ka at gumulong may proteksyon ang katawan mo.

Inilagay nila ang baril sa loob ng bag pati ang balisong at screw driver na nasa mga bulsa nila.

Maya:  Isuot mo din kaya yung coat mo.

Joax: Huwag mo akong alalahanin.  

Nauna si Joax, bumaba na parang gumagapang, nangungunyapit sa mga damo at sanga ng mga halaman. Parehong tahimik,  parehong seryoso sa pagbaba. Nasa kalahatian na sila 

Joax:  Good job Maya, konti na lang at hindi na to kasing tarik nung kanina. 

Nang biglang makita niya ang isang ahas na gumagapang.

Joax: Oh shit!

Maya: Bakit?

Joax: may ahas Maya, sige na ituloy mo ang pagbaba.

Maya: Dahan dahan ka lang sa paggalaw.

Sinubukan ni Joax gumalaw, gumapang ang ahas palapit sa hinahawakan niyang mga halaman.

Nataranta si Joax. Humakbang pababa at binitawan ang halaman. Nawalan ng balance at mahuhulog na ng biglang hinawakan ni Maya ang braso niya.

Maya: Joaquin.  Steady your feet habang kaya pa kitang hawakan.

Joax: just let go of me kung hindi baka bumigay yang hinahawakan mo sa bigat natin. Pati ikaw mahulog.

May gumalaw sa mga halaman sa harap ni Joax sa takot napabitaw ito. Hawak pa rin ni Maya ang braso niya.

Joax: Maya let go.

Maya: No!

Nakita ni Maya ang ahas gumagapang papunta sa mga halamang kinakapitan niya. Bumitaw at iniyakap ang dalawang braso sa leeg ni Joax. Bumagsak silang dalawa. Iniyakap ni Joax ang braso sa katawan ni Maya at pumikit at nadasal na lang. Ilang minuto silang gumulong pababa hanggang huminto sila sa paggulong sa gitna ng patag na lupa.

Magkayakap at nasa ibabaw ni Joax si Maya ng huminto sila sa paggulong. Mahigpit ang yakap ni Maya sa leeg ni Joax. Mahigpit din ang pagkakayap ni Joax kay Maya. Hinaplos niya ang buhok nito. May kung anong mahapdi sa balikat niya pero balewala sa kanya dahil ang nasa isip niya pinilit siyang iligtas ni Maya at mas ginusto nitong mahulog kasama niya kaysa iligtas ang sarili. Ilang sandali silang nasa ganong posisyon ng marealize ni Maya na hindi na sila gumugulong. Iniangat ni Maya at tinignan ang paligid nasa isang flat camping area sila. 

 Maya: Joaquin ok ka lang?

Hindi umimik si Joaquin dahil ninanamnam niya ang pagkakayakap ni Maya sa leeg niya.  

Maya:  Joaquin?!

Joax:  Yah, ok lang ako.  Ikaw? 

Maya:  I'm okay.

Tumayo si Maya, tinignan ang paligid nila. 

Maya: Ano to camp site?

Joax:  Kung may campsite ibig sabihin may trail pababa.  

Inikot ni Joax ang lugar at nakita naman niya ang trail.

Joax:  Maya dito!

Binaba nila ang trail halos magiisang oras din silang naglakad bago nakarating sa ibaba. May nakita silang ilang tao doon.  Nagtanong-tanong sila at nalaman nilang nasa bukana na sila ng Sariaya Quezon.

Joax:  Maya, nanlalambot ako, I need to rest.  If I'm right maraming resorts dito. Let's find one at don na tayo  magpasundo. Pero we have to be alert baka nandiyan lang sila Badong kaya dapat don tayo sa maraming tao.

Maya:  Upo ka muna dyan, magtatanong ako.

Pagbalik ni Maya may dala itong pamphlet.  Ipinakita niya kay Joax.

Maya:  Isa daw yan sa pinakamalaki at pinakamalapit dito. Lagi daw maraming tao dyan kahit na weekdays.

Joax:  Ok na yan.

Pinara ni Maya ang parating na tricycle at nagpahatid sa Dalampasigan Beach Resort. Pag upo nila Inalis ni Joax ang knapsack sa likod.  Non niya lang nakita na puro dugo ang damit ni Joax.

Maya:  Joaquin, dumudugo ang ibaba ng balikat mo!

Joax:  Baka may nagulungan akong basag na bote o nakabukas na lata.

Kinausap ni Maya ang driver ng tricycle.

Maya:  Kuya may madadaanan ba tayong grocery?

Driver:  Opo Mam, may dadaanan po tayo parang maliit na mall may department store na maliit, grocery at botika.  

Kuya:  Pwedeng idaan mo kami kailangan ko lang bumili ng panglinis at gamot.  Doblehen ko na lang ang bayad sa yo.

Driver: Sige po Mam.

Makalipas ang sampung minuto nandon na sila sa lugar na sinasabi ng Driver..  Bumaba si Maya at nagmamadaling pumasok sa lugar. Bumili ng safeguard, agua oxenada, alcohol, betadine, bulak, cotton buds, gauze bandage at surgical tape.  Dumaan sa maliit na department store at bumili na din siya ng t-shirt nila ni Joax at underwear na tatlo sa isang pack. Napapailing na lang si Maya, unang beses niya kasi bumili ng underwear para sa isang lalake.  Napaisip siya, "etong si Joaquin nakakarami na sa akin, unang halik at unang lalaking ibinili ko ng underwear eh hindi ko naman boyfriend."

Matapos magbayad, nagmamadali ng bumalik sa tricycle. After another 10 minutes nasa Dalampasigan Beach Resort na sila.  Binayaran ni Maya ang driver at bumaba na sila. Ipinasuot ni Maya ang coat ni Joax na nasa knapsack para hindi makita ang dugo sa damit nito.  Tsaka sila dumerecho sa check-in counter ng Resort.

Receptionist:  Good afternoon po.

Joax:  Yes, may available rooms pa ba kayo?

Receptionist:  Sir, may team building po kasi kaya puno kami ngayon, Iisa na lang ho ang available room eh.  Yung, Superior - 1 Queen sized Bed. Air conditioned po with separate toilet and bath, sitting, dining area at veranda.  5,800 per night po.

Joax: We'll take it.

Receptionist:  Sir are you paying by cash or card po?

Dinukot ni Joax ang wallet, inabot ang  credit card at lisensya niya. 

Maya:  Kumpleto naman kayo sa bathroom essentials parang sa hotel?

Receptionist:  Yes, Mam. Yang room na yan po, may towels, bathrobes at lahat ng bathroom essentials.

Maya:  May souvenir shop ba kayo na nagbebenta ng mga damit?

Receptionist:  Yes Mam, may restaurant at bar din po open 24 hours for room service.

Matapos iphotocopy ang creditcard at lisenya ni Joax, ibinalik ito sa kanya.  Tinawag ng receptionist ang isang staff at ipinahatid sila sa kwarto nila. Pagalis ng staff, nilock ni Joax ang pinto. Ibinaba ang knapsack at naupo sa couch.

Joax:  Eh mukha naman palang hotel room ito eh.

Maya:  Pumasok ka na sa banyo at magshower, eto sabunin mo ng safeguard para madisinfect. 

Iniabot niya ang sabon at ang pack ng medium sized na black bikini brief.

Joax:  You bought me underwear?  You know my size?

Namula ang mukha ni Joax at napahawak sa batok. Biglang nahiya.

Maya:  Huwag kang umarte, hindi ko alam ang size mo. Yan lang ang nadampot ko.

Pero ang totoo pinagisipan niya talaga kung anong size bago niya pinili ang medium.

Joax:  Just so you know, you've got the right size.

Maya:  Sige na, magshower ka na para pagbalik ko, gagamutin ko ang sugat mo.

Joax:  Saan ka pupunta. Baka delikado.

Maya: Dyan lang ako sa souvenir shop at sa restaurant tsaka magtatanong ako sa receptionist baka may samsung charger sila. Para makatawag tayo or kung may outside local calls sila.

Kinuha ni Maya ang balisong at isinukbit sa likod na bulsa ng pantalon, Isinuot ang polo.

Maya: Babalik ako agad.

Lumabas na ito ng kwarto, dumerecho sa souvenir shop, nakabili naman ng dalawang t-shirt board shorts para kay joaquin at sports shorts para sa kanya, shades at cap para sa kanilang dalawa.  Dumaan sa restaurant nagorder ng pagkain at ipinaroom service na lang.  Tsaka dumeretso sa  counter para magtanong ng charger.  Swerteng samsung din ang cellphone ng receptionist nirerentahan sana ni Maya pero huwag na daw basta isoli na lang kapag magche-check-out na sila kinabukasan.

Maya:  Pwedeng magtanong kung sakaling may maghanap sa amin...

Receptionist:  Don't worry Mam, we are not allowed to disclose the names of our customers to anyone.  Hindi po namin pwedeng sabihin na nandito kayo unless may permiso galing sa inyo.

Maya: Thank you...

Receptionist:  Naniniwala naman ako Mam, na kung mahal mo ipaglaban mo kaya your secret is safe with us.

Natawa si maya dahil mukhang napagkamalan pa silang nagtanan. Pero hindi na siya umimik, nagpasalamat na lang sa babae at bumalik na sa kwarto nila.

Pagbalik ni Maya, tapos ng magshower si Joax. Iniabot ni Maya ang board shorts at ang unang t-shirt na binili  siya puregold.

Maya:  Huwag mo muna palang isuot yung t-shirt gagamutin ko muna yung sugat mo.

Pumasok si Maya sa banyo, hinubad ang polo shirt.  Hinugasan at sinabon ang buong braso at mga kamay at tsaka tinuyo ng twalya.  Paglabas niya suot na ni Joax ang board shorts.

Maya:  dito ka na maupo sa may coffee table.  Inilabas ni Maya ang lahat ng binili niyang panglinis.

Nagulat si Maya, ng makita ang sugat.  Mga five inches kasi at nakabuka.

Maya:  OMG! Joaquin ang laki nito.  Dapat yata dinala kita sa hospital eh.  Kaya ka siguro nanlalambot dahil madaming dugo na ang lumabas dito eh.

Napaupo sa silya, parang pati siya nanlambot sa nakita. Hinawakan ni Joax ang kamay niya.

Joax:  Don't worry,  I feel better, malayo yan sa bituka.  Kapag nalinis mo na at naglagyan nag gamot ipapahinga ko lang, mawawala na ang panlalambot ko.

Maya:  Ang tigas kasi ng ulo mo! Sinabi ko isuot mo yung coat.  Kung nakacoat ka malamang hindi ganyan yan eh.

Joax:  I'm sorry, promise, sa susunod makikinig na ako sa yo.

Nagulat si Maya, dahil ang alam niya makikipagtalo ito sa kanya. 

Maya:  Sigurado ka bang ok ka lang at hindi ka pa natetetano?  Aba eh tinanggap mong mali ka at tama ako eh.

Joax:  Maya naman eh.  Ang dami mong sinsabi, gamutin mo na lang yang sugat ko.

Maya:  Oh oh, inis ka na naman eh sinasabi ko lang naman ang totoo.

Joax:  May nagsabi na ba sa yong makulit at maingay ka.

Maya:  Wala pa.

Joax:  pero ang cute mo!

Maya:  Ah yan marami na.

Natawa si Joax, biglang binuhusan ng alcohol ni Maya ang sugat ni Joax. Napasigaw ito pero maagap na natakpan ni Maya ng kamay ang bibig ni Joax.

Joax:  May galit ka ba sa akin? Alcohol yan ang hapdi niyan sa sugat.

Maya:  Para mamatay ang kung ano mang germs meron dyan at hindi ka matetano.

Pinahid ng bulak ang tumulong alcohol. Tapos binuhusan ng agua oxenada.

Maya:  Ayan, para double dead ang germs. Paulit-ulit na nilinis hanggang nakikitang bumubula ang agua oxenada ibig sabihin madumi pa. Mayamaya nilagyan na niya ng betadine. 

Maya:  Joaquin, tatakpan ko ng gasa pero kailangan mong idiin hanggat kaya mo para dumikit ang laman at magsara yung sugat para mamahigpit din ang pagkakatape ng sugat.

Joax:  Sige, ituro mo lang kung saan ko ididiin. 

Nang matakpan niya ng gasa, ipinatong niya ang mga daliri ni Joax kung saan ito ididiin at idiniin naman ni  Joax. Napangiwi at pikit ito sa sakit. Naramdaman niya ang kamay ni Maya sa pisngi niya at malambing na nagsalita.

Maya:  Oh, konti na lang, sandali na lang.

Ilang sandali pa inalis na ni Maya ang kamay ni Joax na nakadiin sa sugat at hinaplos ng kamay nito ang bahaging yon na sumasakit.

Maya:  Oh tapos na, gagaling na yan. Mawawala din sakit niyan mamaya.

Kinuha ni Maya ang t-shirt na iniwan ni Joax sa kamay. Inunang isuot kaliwang braso para hindi na itaas ana balikat kung saan nandon ang sugat, saka isinuot ang leeg at ang kabilang braso. Inayos ni Joax ang damil at naramdaman na naman niyang hinaplos ni Maya ang ibabaw ng sugat niya.

Maya:  Sige na mahiga ka muna, umorder ako ng pagkain para makakain ka tapos uminom ka ng antibiotic at pain reliever.

Sumunod naman si Joax, humiga ng nakatagilid para hindi tumama sa kama ang sugat niya. Kinuha ni Maya ang mga cellphone nila at binuksan isa-isa.  Yung cellphone niya ayaw ng bumukas pero ang cellphone ni Joax at Robby parehong bumukas.  Isinasak niya ang Cellphone ni Joax sa charger sa saksakan na nasa may likod ng bedside table na nasa gilid ng kama.  May ilang messages na pumasok.  Inabot ni Joax at binasa ang mga ito.

Joax:  Nagtext si Daddy, Sheryl is safe. Nahuli  ang anim na tauhan ni Badong, ang ilang nabaril pero wala namang namatay.  Pero si Badong at dalawa pang tauhan hindi.

Maya: Hay salamat, ligtas na si Ditse.

Joax:  Hinanap daw nila tayo... nakita nila ang kotse at narecover na ang pera at naiuwi na ang kotse.

Maya:  Very good.

Joax:  O eto naman si Tito Rod, sana daw ok lang tayo, Tumawag daw tayo kung magkaron ng pagkakataon at eto bagong number... si Tita Berna ata ito ang sabi, Joaquin bahala ka na sa bunso ko.  Iuwi mo siyang buhay please.

Maya:  Oh tawagan mo na si Tito para malaman nila kung nasaan tayo.

Tinawagan ni Joaquin si Ricardo. Nang magring, inilagay ni Joax sa speaker phone.

Joax:  hello Dad!

Daddy Rick:  Thank goodness, you're Ok son.  Nasan si Maya?

Maya: Tito  Rick, hello po.

Daddy Rick:  Nasaan kayo?   Sigurado ba kayong nasa ligtas na lugar kayo?  Hindi pa nahuhuli si Badong at ang dalawang kasama niya eh.

Joax:  Napaakyat ho kami sa bundok, hinabol ho kami ni Badong at mukhang napalayo na kami dahil ng magtanong kami Sariaya, Quezon na daw ho ito.  Nagcheck-in kame sa isang Resort Dad. Maraming tao dito kaya hindi basta makakapasok si  Badong dito.

Daddy Rick:  Ok itext mo sa akin ang location ninyo, bukas na bukas pupuntahan namin kayo.

Maya:  Tito Rick, si Nanay at Ditse po nakauwi na?

Daddy Rick:  Hindi pa, dito muna sila pinatuloy ni Capt. Osorio kasi baka balikan sila ni Badong doon sa bahay ninyo.  Pero May additional security sa Havensville kaya huwag kang magalala. At tsaka si Robby ayaw ng hiwalayan si Ditse mo.   Nasa ibaba sila eh gusto mong kausapin?

Maya:  Hindi na ho baka magkaiyakan kami eh mauubusan ho ng baterya itong cellphone. Paki sabi na lang ho na huwag akong alalahanin at ok lang ho ako.

Daddy Rick:  O sige, sasabihin ko.  Magiingat kayo... Joaquin, ikaw ng bahala kay Maya.

Joax:  Yes  Dad, I promise I'll bring her home alive.

Pumasok na si Maya ng banyo at nagshower. Nilinis mabuti ang katawan, ang nasa isip... "baka tumabi yon sa akin sa pagtulog eh amoy ewan ako."  Makalipas ang trenta minutos lumabas siya ng banyo, nakashorts at   T-shirt na.   Naupo sa couch at binuksan ang TV.  Naghanap ng mapapanood, palabas sa HBO ang movie na Maid in Manhattan, nanood siya sandali.

Joax:  si  Jennifer Lopez yan di ba?

Maya:  Oo, tsaka si Ralph Fiennes.

Joax:  Mahilig kang manood ng english movies?

Maya:  Oo Romcom at Action... favorite ko nga yung Speed eh.

Joax:  hey , gusto ko din yon

at sabay silang nagsalita.... "what would you do  Jack, what would you do?"

Nagtawanan sila.  Mayamaya may nagdoorbell. Tumayo si Maya para buksan ang pinto.

Waiter:  Room Service Mam.

Maya:   Paki pasok na lang Kuya.  

Pumasok ang waiter at inihain ang pagkaing dala sa lamesa.

Waiter:  Mam, may kailangan pa po kayo?

Maya:  Wala na, thank you.

Tumayo si Joax at dumukot ng pera sa bulsa ng pantalon niya at  iniabot sa Waiter.

Waiter:  Thank you Sir!

Isinara ni Maya ang pinto at tsaka naupo sa katapat na upuan.

Joax:  Igado?  Igado nga ito? Meron sila sa menu?  Ayos ah.

Maya:  Wala, pero tinanong ko kung pwede nila akong ipagluto, pumayag naman kaya ayan. Tapos ito, sinigang na mayamaya.  May patis na may sili pa. 

Joax:  Thanks Maine!

Maya: Wala yon, para lang marami kang makain kaya ubusin mo yang kanin na inorder ko para sa yo.

Joax:  Walang problema, eh di ba kinain ko palang simula ng dumating ako sandwich at bayawak?

Maya:  Oo nga naman, o sige  kain na.

Pero naunang lagyan ni Joax ng kanin ang pinggan ni Maya.

Maya:  Ok na ako, kaya ko na yan. Kumain ka na nga.

Joax:  Kakain ka din naman eh, kaya lalagyan ko na.

Mgumiti pa ito at kumindat dsa kanya.  Tahimk na kumain si Maya na naansin ni Joax.

Joax:  Maine, bakit natahimik ka?

Maya:  Wala may naisip lang.   Bakit mo ba ako tinatawag na Maine?

Joax:  Yun naman ang pangalan mong talaga eh, Besides it is a beautiful nam bagay sa yo. Ayaw mo? 

Maya:  Hindi naman, it's just that Tatay ko lang ang tumatawag sa akin sa pangalang yon. 

Joax:  Tapos?

Maya:  Anong tapos?

Joax:  Tapos  ano pang iniisip mo?

Maya:  Naisip ko lang nakita na nga pala ni Ditse ang Daddy niya. Ano na kaya ang mangyayari sa pamilya ko?

Bumuntunghininga si Maya.  Naiisip pa lang niyang, hindi na titira si Sheryl sa kanila, naiiyak na siya.

Matapos kumain, pinagpatuloy nila ang panonood ng TV.  Lumipas ang dalawang oras pero hindi na mabago ni Maya ang mood niya, nalulungkot na talaga siya. Tumayo at kumuha ng bottled water sa ref at  nagpunta sa Veranda at pinanood ang dagat.  Pinatay ni Joax ang TV at pinuntahan si Maya.

Joax:  Maine, ok ka lang?  Don't be sad, alam naman ng Daddy na sila kaligayahan mo, I don't he will take your sister away from you.

Humarap si Maya kay Joax, sumandal sa railings ng veranda.

Maya:  Hindi, ok  lang naman.  Yun naman ang tama, deserve ni Ditse na makilala at makasama ang Daddy niya eh.  Naiintindihan ko naman yon, dapat ko lang sigurong sanayin ang sarili ko na na hindi siya kasama.  Huwag mo na akong pansinin, I just feel sad.

Nakatitig si Joax  sa mukha ni Maya, may lungkot nga ang mga mata nito.  May kung anong damdamin ang nagtutulak sa kanya  lapitan ito at subukang pagaanin ang loob.  Nalulungkot din siya kapag nakikita itong malungkot.

Napatitig si Maya kay Joax.  Malamlam ang mata nito, nahahawa tuloy ang mata niya. Lumapit si Joax kay Maya hindi inaalis ang tingin sa mata ng dalaga.

Joax:  Maine, can I try to make you feel better?

Maya:  Huh? 

Dahan-dahang inilapit ni Joax ang mukha sa  mukha ni Maya. Napakapit na lang ang dalawang kamay ng dalaga sa railings ng veranda at napapikit ng tuluyan ng dumampi ang labi ni Joax sa labi niya.  Marahan at may lambing ang galaw ng labi ni Joaquin at tinugon ng labi niya ang halik na yon at napakapit sa braso ni Joax.  Nang maramdaman ni Joax ang kamay ni Maya inilayo niya ang labi at bumulong... "sorry, I can't help it. Feeling better now?"

Inilayo ni Maya ang mukha niya, nararamdaman niyang nagiinit ito at nakita ni Joax na pulang pula ang mukha nito.

Maya:  Ahmmm,  yah ok na ako. Sige matutulog na ako.

Umalis ito ng hindi tumutingin kay Joax.  Humiga siya sa kama, tumagilid para mapatalikod at hindi makita si Joax.  Nagkumot, pumikit at sa kauna-unahang pagkakataon... narinig niya ang kabog ng sariling dibdib.






























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro