Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45 - Krisis

Habang sakay ng itim na Van, binilang ni Sheryl ang taong nandodon.  Ang driver, ang katabi nito, tatlo na nasa likod niya at si Badong.  Pasimpleng tinatandaan ang lugar na dinadaanan niya. Hindi umiimik si Sheryl, hindi nagsasalita.

Badong:  Ano Sheryl, ano na kaya ang gagawin ng matapang na kapatid mo ha?

Sheryl:  Hayop ka talaga Badong! Wala kang kasing sama!

Badong:  Tignan ko ngayon kung saang lupalop ng Pilipinas maghahagilap ang mayabang na kapatid mo ng ipangtutubos sa yo.  Tignan natin kung matutulungan kayo ngayon ng mga kapitbahay ninyo.

Sheryl:  Maaaring walang maipangtutubos si Maya pero isa lang ang sigurado ako hindi ka titigilan ni Maya,  kung hindi ka niya napatay noon ngayon sigurado akong hindi magdadalawang isip si Maya na patayin ka. Ang pagkakamali mo Badong hindi mo kinilalang mabuti si Maya at hindi mo inalam kung sino ang nagmamahal sa kanya. Kawawa ka naman, dahil kapag nalaman nila na nawawala ako, ikaw lang ang prime suspect nila dahil ikaw lang ang may malaking galit sa kapatid ko, at siguradong wanted: dead or alive ang labas mo sa TV at peryodiko.

Badong:  Tumahimik ka!

Tauhan:  Badong, ano itutuloy ba pa natin ito?  Baka magalit si Bossing wala naman sa order niya ito eh. Wala naman palang pera ang kapatid nito eh.

Tauhan 2:  Oo nga Badong

Badong:  Mga Gago, syota ni Robby ito at si Robby anak anakan ni Mr. Capili. Hindi makakapayag yon na may mangyaring masama  sa babaing ito.  Akong bahala kay Bossing sige derecho tayo sa resort.

Ibinaba ng Van si Sheryl.  Pagpasok nila sa malaking bahay, nasalubong nila ang isang mataba at may katandaan ng lalake at mga tauhan nito puro may dalang armas.

Brando:  Badong, sino naman yan?  Anong katarantaduhan yan?

Badong:  Bossing, pera 'to, syota 'to nung anak ni Mr. Capili yung mayari ng pinakamalalaking taniman dito sa Pilipinas at isa sa pinaka sikat na Developer ng mga subdivision.

Brando:  Gago ka talaga, didiskarte ka na lang palpak pa!  Eh di sana yung anak ang kinuha mo, hindi ka nagiisip! 

Badong:  Boss, pagbigyan mo na ako gusto kong gumanti, ang kapatid nito ang bumugbog at nagpakulong sa akin.

Brando:  Bahala ka sa buhay mo Badong... palabas ako ng bansa ngayon. Bahala ka kapag nabulilyaso yan.  Kapag idinawit mo ang pangalan ko sa katarantaduhan mo uubusin ko ang lahi mo.

Badong:  Hindi Boss, sagot ko to.

Umalis na ito pati ang mga armadong lalaki.  May naiwang dalawang armadong lalake na nakabantay sa gate. 

Badong:  Ikulong nyo yan doon sa kwarto sa itaas at bantayan ninyo. Kailangan may kasama yang isa sa loob ng kwarto, itali ang kamay at paa niyan.  Kayong dalawa don kayo sa likod sa may Beach.

Samantala sa Maynila, nakauwi na si Maya bandang alas sinko ng hapon, nagulat siya ng datnan doon si Robby.

Maya:  Diko, bakit nandito ka, hindi ba overnight yung sa Tagaytay?

Robby:  Hindi ako nakasama at sigurado akong galit na galit ang Ditse mo sa akin ngayon, maghapon ko na ngang kinocontact eh pero naka-off ang cellphone niya.

Maya:  Hala ka, bakit ba hindi mo nasamahan?  

Robby:  late na akong nagising pero aabot sana ako kaya lang paglabas ko ng bahay ang dalawang gulong ng kotse ko butas parang sinadya eh.  Wala naman don sila Tatay, pauwi pa lang yung mga yon galing Hacienda.

Maya:  Sino namang gago ang gagawa non sa kotse mo?  Sino ang kasama ni Ditse?

Robby:  Si Tinoy at Roger.

Maya:  Hindi bale, sigurado naman na nakarating yon ng maayos dahil kung hindi kanina pa yon tumawag sa atin.

Nanay Berna:  Oo nga Robby, mabuti pa magpahinga ka na.  Maiintindihan naman ni Sheryl ang nangyari.

Paguwi ni Robby, nadatnan na niya sila Ricardo at Rodrigo sa mansyon. 

Tito Rod:  Akala ko ba sa Tagaytay kayo mago-overnight ni Sheryl?  Niyaya ko na nga ang Tito mo para may tao dito sa bahay eh.

Robby: Naiwan ako Tay, paggising ko kanina, aalis na lang ako ng mapansin kong dalawang gulong ng kotse parehong butas parang sinadya eh, hiwa talaga.

Daddy Rick:  Sino namang gagawa non?  May kaaway ka ba dito sa atin?

Robby:  Wala ho.  Malamang Tay, galit yon si She, maghapon kong sinusubukang tawagan eh pero nakaoff ang cellphone.

Tatay Rod:  Malamang nga.  Mabuti pa, bukas ng umaga sunduin mo na lang. 

Robby:  Sige ho, susubukan kong contakin ang manager niya.

Nagpasya ng magpahinga ang mga ito ng hindi macontact ni  Robby ang Manager ni Sheryl.

Bandang alas kwatro ng umaga, tumunog ang telepono sa Mansyon. Tumawag ang gwardiya at may mga pulis daw na gustong makausap si Ricardo.  Pinatuloy naman ni Rodrigo ang mga ito. Pinuntahan si Ricardo sa kwarto at ginising.  Bumaba sa salas si Ricardo at Rodrigo, ginising ang katulong at nagpahanda ng kape.  Mayamaya pa dumating ang mga pulis. Pinagbuksan ng gate ni Joselito ang mga ito at sumunod sa may Pinto. Pinapasok sila ni Rodrigo sa Mansyon.

Tito Rod:  Tuloy kayo tuloy...

Hepe:  Ipagpaumanhin ho ninyo Senyor ang aming pangaabala.  

Ricardo:  Maupo kayo, humigop muna kayo ng kape. Ano bang maipaglilingkod ko sa inyo, Hepe.

Naupo ang Hepe sa tapat ni Ricardo.

Hepe:  Eto ho si Capt. Osorio at SPO4 Perez, taga Trese Martires City ho sila sa Tagaytay, siya si Mr. Ricardo Capili.

Ricardo:  Anong atin Captain.

Capt. Osorio:  Kahapon ho ng tanghali  may naireport sa amin na sasakyan na nadisgrasya doon sa may Sambong. Trinace ho namin ang plate number at sa pangalan at address ninyo nakaaddress ito. Eto ho ang litrato ng sasakyan.

Tinignan ni Ricardo ang litrato at iniabot kay Rodrigo.

Tatay Rod: Oo, van namin ito, gamit ito ng girlfriend ng anak ko kahapon papunta sa photoshoot niya.  Bakit?   Anong nangyari?

Daddy Rick: Joselito, gisingin mo si Robby.

Nagulat si Robby ng makita ang mga pulis sa salas.

Robby:  Tay, ano hong nangyari.

Tatay Rod:  Maupo ka anak, at maging mahinahon.

Capt. Osorio: Natagpuan po namin ang Van na yan, puro tama ng bala at bumunggo ito sa isang poste doon sa Sambong.  Nagtanong-tanong ho kami doon, dinala daw ho sa hospital ang mga nakasakay don. Dalawang lalaki, parehong tumama ang ulo sa windshield ng van at kasalukuyan hong hindi pa nagigising.  Eto ho ang litrato nila.

Iniabot kay Robby.

Robby:  Oo ito ang mga tauhan ko sila ang nagdrive at sumama kay Sheryl papunta sa Tagaytay.  Nasaan si Sheryl?

SPO4 Perez:  Sir, Kami ho ang mismong nagimbestiga sa lugar na pinangyarihan, wala hong nakakita sa nangyari dahil wala hong mga bahay sa lugar na yon, nagkataon lang na dumaan ang isang track ng softdrink at nakita ang disgrasya sila ang nagmagandang loob na magdala don sa tauhan ninyo sa hospital.  Wala daw ho silang ibang nakita doon. Eto ho ang mga gamit na nakuha namin.

Capt.  Osorio: Hinala ho namin, inabangan talaga sila doon may nakita ho kaming putol na puno sa daan. Siguro ng mapahinto sila napansin ng mga tao ninyo ang sasakyan nila kaya hindi bumaba at dumerederecho lang at kaya pinagbabaril ang sasakyan.  We are looking at possible Kidnap for ransom.  Sino ho ba ang girlfriend ninyo Sir?

Robby:  Sherylyn Mendoza, the model and TV personality.

SPO4 Perez:  Yun ho, nagsearch na rin ho kami sa perimeters pero wala hong kahit anong senyales ng struggling. Marahil mahinahon na lang na sumama si Ms. Sheryl para hindi siya saktan ng mga ito.

Capt. Osorio:  May kilala ho ba kayong may galit sa  inyo o sa pamilya ng girlfriend ninyo?

Robby:  Walang kaaway ang pamilya namin lalo na ang girlfriend ko, tahimik at simpleng pamilya lang sila.

Joselito:  Makasabat na ho Sir,  hindi ho kaya si Badong?  

Hepe:  Oo nga, Kapitan, ang kapatid ni Sheryl na si Maya ang nagpakulong don sa Badong at maari ngang gumaganti siya.

Robby:  pero nakakulong yon hindi ba Hepe?

Hepe:  Robby tatlong buwan ng nakalaya si Badong, nakapagpyansa siya.

Joselito:  Sir, pasensiya na ho kayo pero malakas ho ang kutob ko na si Badong talaga. Kumpare ko ho si Badong at makailang ulit ho namin siyang nakasamang naginom.  Palagi ho niyang kinakamusta kayo Senyor.  Dahil dati naman ho ninyo siyang tauhan akala naman ho namin nila Tinoy at Roger kinukumusta lang niya ang kanyang dating mga amo. At kung hindi ho ako nagkakamali nabanggit ang pagpunta ni Ms. Sheryl sa Tagaytay.

Robby:  Joselito!  Kapag may nangyaring masama kay Sheryl idadamay ko kayong tatlo!

Joselito:  Sir, maniwala ho kayo, wala ho kaming kaalamalam na may binabalak si Badong. Ang sabi pa nga miya mabuti daw na umasenso na si Maya dahil baka mapahamak pa ito kapag hindi tinigil ang pagtulong sa palengke.  Akala ho talaga namin...

Daddy Rick:  Tama na. Huminahon ka Roberto.

Robby:  Pero Tito...

Tatay Rod:  Robby, hindi mo sila masisisi, sino namang magaakalang may kalokohan itong binabalak gayong maayos na nakikipagkwentuhan sa kanila.

Robby:  Pero Tay, saan natin hahanapin si Sheryl.

Tatay Rod: Huminahon ka muna.

Daddy Rick:  Hepe, Kapitan ano hong dapat nating gawin?  

Capt. Osorio:  Kung kidnap for ransom, tiyak na cocontact yon sa inyo. Kaya hihintayin lang natin ang tawag nila.

Hepe:  Kailangang malaman ni Kumareng Berna at Maya ang nangyari, pupuntahan ko muna sila.  Robby, halika samahan mo ako.

Bandang alas singko ng kumatok si Hepe sa bahay nila Maya.  Si Nanay Berna ang nagbukas ng pinto.

Nanay Berna:  Oh pare ang aga mo naman.  

Nagulat si Nanay Berna ng makita si Robby na nakatayo sa likod nito, may luha ang mata.

Hepe:  Gisinging mo si Maya at sumama kayo sa amin.

Sumunod si Nanay Berna, napabalikwas si Maya. 

Nanay Berna: Bumangon ka, magbihis  at sinusundo tayo ng Ninong Hepe mo at ni Robby.

Maya:  Bakit ho?

Hindi sumagot si Nanay Berna.  Binitbit ang isang litrato ni Sheryl.  Kinakabahan na siya, pero sa pagkakataong ito hindi niya iiwan ang anak, kailangang maging matatag siya.

Humarap si Nanay Berna kay Maya. Hinawakan ito sa magkabilang braso.

Nanay Berna:  Maya kung ano man ang sasabihin nila at kung saan man nila tayo dadalhin, gusto kong maging matatag ka, kailangang mahinahon ka.

Maya:  Ano bang sinasabi ninyo, Nay.

Nanay Berna:  Halika na.

Sumunod na lang si Maya, isinuot ang ripped off na jeans, pinatungan ng checkered na long sleeves polo ang spaghetti strapped blouse at isinuot ang sneakers niya.

Maya:  Ninong Hepe, ano bang nangyari?  Robby, bakit umiiyak ka?

Hepe:  Nak, ang kailangan ko kumalma ka. Mamaya ipapaliwanag ko sa yo ang nangyari.

Nakabalik na sila sa mansyon.  Nagulat si Maya ng makita si Ricardo at Rodrigo.  Tumakbo si Maya at yumakap sa dalawang matanda.

Maya: Tito ano ho bang nangyari?

Hepe:   Senyor Ricardo, ito ho si Berna ang Ina ni Sheryl at Maya.

Tinanguan naman nila ang isa't isa.

Daddy Rick:  Maupo kayo.  Sige Capitan, ipaliwanag mo sa kanila ang nangyari.

Magsasalita na sana si Kapitan ng biglang sumulpot si Joaquin sa pinto.

Joax:  I'm home... good morning po.  What's happening bakit may pulis? Maya, Tita Berna bakit nandito kayo?

Sinalubong ni Robby si Joax.  Yumakap ito sa kanya.

Joax: Robby?  Bakit ka umiiyak?

Lumapit si Joax kay Ricardo at Rodrigo at nagmano.  Ganon din kay Nanay Berna at inakbayan ito at naupo sa tabi nito. Tumulo ang luha ni Nanay Berna walang nagawa si Joax kung hindi yakapin ito.

Hepe:  Mare huminahon ka muna. Pakinggan natin ang sasabihin ni Capt. Osorio.  

Matapos ang pagkukwento nito.

Hepe:  Sa palagay nila Kidnap for Ransom, sinubukan ng mga tao ninyong iligtas si Sheryl pero pinagbabaril sila kaya nawalan ng control sa manibela at nabunggo.

Maya:  Kidnap for ransom?  Anong ipangtutubos namin sa kanya, kilala ba nila kung sino ang kinidnap nila?

Capt. Osorio:  Maya, your sister is a TV personality, more so she is connected to the Capili's at sigurado akong alam nila ang ugali ni Mr. Capili kaya alam nilang kung pera lang makukuha nila ang gusto nila.

SPO4 Perez:  Pero may isa pa kaming angulong tinitignan, dahil ang sabi nitong Driver ninyo na nabanggit nila kay Badong ang tungkol sa lakad ni Sheryl sa Tagaytay at si Badong ay kaaway mo Maya. Kaya maaring ikaw ang binabalikan niya.

Maya:  Si Badong, lumaya na ba yon?

Hepe:  Oo maya mga tatlong buwan na may nagpyansa sa kanya.  

Capt. Osorio:  Maya, gaano mo kakilala ang kapatid mo?

Maya:  Bakit ho?

Capt. Osorio: Nakuha nilang takbuhan ang mga taong yon, ibig sabihin naghinala sila na may mangyayari sa kanila. Kung ang kapatid mo ay nerbyosa hindi yon makakapagisip at baka nagiiyak lang.

Maya:  Hindi ho nerbyosa si  Ditse, mabilis ang utak non at sigurado ako alam niyang kapag nalaman ko ang nangyari sa kanya,hahanapin ko siya kaya gagawa ng paraan yon para malaman ko kung nasaan siya. 

Capt. Osorio: Magisip ka Maya, ano sa palagay mo ang gagawin ni Sheryl kung nasa  ganong sitwasyon siya.

Sandaling nagisip si Maya.  Mayamaya...

Maya:  Nakuha ho ba ninyo ang gamit niya?

SPO4 Perez:  Eto Maya, bakit.

Lumuhod si Maya sa sahig, hinila ang bag at binulatlat.

Maya:  Buksan ninyo ang maleta niya, hanapin ninyo ang cellphone niya o kahit anong pwedeng sinulatan niya. Laging may bitbit na ballpen si Ditse at malamang isusulat niya sa kung saan natin siya mahahanap.

Capt. Osorio:  May litrato ho ba kayo ni Sheryl, para maitimbre na namin sa tagaytay at baka sakaling may makakita sa kanya. Iniabot ni Nanay Berna ang bitbit na litrato.

Nabulatlat na nilang lahat ang bag at maleta pero wala.

Maya:  Hindi, hindi ako maaring magkamali. Alam ni Ditse na hindi ako papayag na may mangyari sa kanya kaya ipaparating niya sa akin kung nasan siya.

Paulit-ulit na inalis ni Maya ang mga damit hanggang sa humagulgol ito. Lumuhod si Ricardo sa tabi ni Maya at hinawakan ito sa magkabilang braso.

Daddy Rick:  Hija, tama na.

Iniupo niya ito at hinayaang umiyak sa dibdib niya. 

Daddy Rick:  I don't care how much, I don't care how many you use Capt. Osorio but I want you to deploy your men and find her alive.  Rodrigo, tawagan mo si General, tell him what happened, I want those men captured or even killed. Sabihin mo kay General, patungan ng presyo ang ulo ni Badong magbibigay ako ng Reward sa sino mang makapagtuturo sa kanya.

SPO4 Perez:  Robby, akina ang cellphone mo, itatap natin pati ang landline ninyo. Para kung tumawag sila  makuha natin ang location.

Inulit ni Joax ang paghahanap sa bag at maleta.  Nang walang makita ibinalik ang mga gamit sa loob ng bag at itinayo sa gilid ng mapansin niyang may bulsa ang luggage ni Sheryl.

Joax: Maya, tinignan mo na ba sa bulsa. May bulsa pala ito eh.

Umiling si Maya,  binuksan ni Joax ang zipper ng bulsa at kinapa ang loob nito. Isang resibo sa restaurant ang nakuha niya.  

Joax:  Maya, eto oh!

Kinuha ni Maya ang papel.

Maya:   Sulat to ni Ditse!

Iniabot ni Maya ang papel kay Capt. Osorio.

Capt. Osorio:  DMB 626 itim na hi-ace van Bernardo Antonio Beach Tiaong Quezon

Joselito:  Bernardo Antonio ho ang tunay na pangalan ni Badong at nabanggit ho niya na ang bagong pinagtatrabahuhan niya ay sa isang Resthouse sa Tiaong, Quezon.

Hepe:  Tama, pangalan nga ni Badong yan.

Capt. Osorio:  Very good Maya, maaaring ito ang sinakyan nila.  Sige, itatawag ko na ito para may magsurveilance na sa Tiaong, Quezon.

Maya:  Hindi tayo pupunta doon?

Hepe:  Maya, malaki ang Tiaong at maaaring nagmamasidmasid din ang mga tauhan nila hindi makabubuting makita ang kapulisan doon. Malalaman nila na may ideya na tayo kung saan nila dinala ang kapatid mo.

Capt. Osorio:  Tama si Hepe, Maya. Hindi pwedeng makatunog sila na may ideya tayo dahil baka tumakas sila. Kailangang malaman muna natin kung saang eksaktong lugar or at least a positive possible perimeter.

SPO4 Perez:  Ready na ang landline at cellphone ni Robby.  Robby, Mr. Capili kapag sinagot ninyo ang telepono patagalin ninyo ang paguusap ninyo para makuha natin ang exact location nila. Try to negotiate basta pahabain ninyo.

Tumango naman si Robby at Mr. Capili.

Capt.  Osorio:   Aling Berna, kung gusto ho ninyong masigurado ang kaligtasan ng anak ninyo, we have to give in to their demands first.  

Robby:  We will Capt. kahit magkano, siguraduhin lang ninyong ligtas si Sheryl.

Maya:  Ano?  Ganon lang basta tutubusin lang ninyo siya ganon lang?

Tatay Rod:  Buhay ng kapatid mo ang nakataya dito, isusugal mo?

Maya:   Kapag tinubos niyo siya at hindi ninyo nahuli ang mga yon.  Bukas makalawa buhay naman ng iba ang ilalagay nila sa alanganin.  Maswerte kami may mga katulad ninyong tumutulong sa amin papano yung wala?  Papatayin nila ng walang kalabanlaban.  Buhay ng kapatid ko ang pinaguusapan dito at sigurado akong hindi siya magiging masaya kapag nakatakas ang mga dumukot sa kanya.

Capt.  Osorio:  Maya, hindi din naman namin gustong makatakas sila pero kailangan muna nating masiguro ang kaligtasan ng kapatid mo bago tayo gumawa ng kasunod na hakbang. Kaya nga nagpapasurveilance tayo ngayon don para siguraduhing mahuhuli sila buhay man o patay.

Hepe:  Maya, hindi basta suntukan lang ito, hindi mo pwedeng panghawakan ang  liksi o ang swerte lang kailangang magingat tayo dahil isang maling kilos natin gatilyo ng baril na ang nakatutok sa kapatid mo.

Capt. Osorio: Hindi mo pwedeng pairalin ang galit mo, we need you calm.  Kung totoong gumaganti si Badong sa yo, gugustuhin niyang ikaw ang pumunta sa kanya pati buhay mo malalagay sa piligro.  We need you to cooperate and do not do anything that might jeopardize the operation. Maaasahan ko ba yon?

Maya:  Opo.

Tumayo si Maya, pumunta sa kusina at humingi ng tubig sa katulong.  Sumunod si Joax at sinabihan ang katulong na magdala ng tubig sa mga tao sa salas.

Joax:  Maya, you have to be patient.  Cool ka lang.

Maya:  Baka nakakalimutan mo Joaquin.  Traydor si Badong.

Joax:  Alam ko, pero hindi yun gagawa ng katraydoran hanggang hindi niya nahahawakan ang pera niya.  Kaya makinig ka na lang sa mga pulis ang let them do there job.

Maya:  Ano, pa nga bang magagawa ko. 

Napabuntunhininga na lang si Maya.


















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro