Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44 - Pagbabalik ni Badong

 Isang umaga bandang alas nuebe habang nasa opisina ng Havensville si Robby tumawag si Joax.

Robby:  Hello?

Joax:  Bro, Joax, don't mention my name.  kamusta?

Robby:  Oy, mabuti naman, ikaw kamusta?

Joax:  Ok lang living but not happy.

Robby:  lalim ng hugot ah. Miss mo no?

Joax:  Favor naman bro. kahit parinig lang ng boses niya please.

Robby:  Maya, ano nga yung  pitch na ginamit ni She para sa R& J Treats? Gagawin ko kasi ng drawing board yung commercial na ipapagawa natin eh. Lakasan mo ha, nirerecord ko eh.

Maya:  Ano yata eh,  R&J Sweets and Treats are made of fresh strawberries and mangoes. Taken from the farm straight to the factory so its guaranteed fresh and clean. R&J Sweets and Treats walang kasing sweet and you'll surely love it!

Robby:  Eh yung, sa Havensville?

Maya:   If you want to experience living in a safe, nature and neighbor friendly place, come and see Havensville Subdivision.  This is where you look like living your american dream but still feels like you are home.

Robby:  Thanks 'neng.

Maya:  Diko, isulat mo kasi. paulit-ulit ka eh.  Tsaka dapat alam mo yan pano kapag ikaw ang nagpipitch?

Robby:  Eto na nga nirecord ko na eh. kakabisaduhin ko na nga eh.  Yabang mo 'neng ah porke kabisado mo na eh.  Ikaw na lang kaya magmodel.

Maya:  Gusto mong gawin kong model ng punching bag ang face mo Diko?

Robby:  Joke lang eh.

Biglang dumating si Baste...

Baste:  Good morning Mahal!

Maya:  Baste ang aga aga ha,  huwag mong umpisahang sirain ang araw ko.

Baste:  Robby, mamaya samahan mo ako sa Joaquin Street.  Tignan mo parang hindi natapos yung street sign doon eh.

Robby:  Ok sige.

Baste:  Tapos, kailan ba matatapos yung commercial building ni Joaquin, magiinquire ako eh. Magtatayo ako ng internet shop.

Robby:  Siguro in 2 months time. Magcanvass ka na muna ng mga computers at gamit mo. 

Baste:  May kakilala kaya si Joaquin na nagbebenta ng mga computers para makadiscount ako.

Nakahalata si Maya...

Maya:  Baste, ang lakas ng boses mo, naririndi ako!  Ang lapit lapit sa yo ni Robby eh.  Nangaasar ka na naman ano?

Baste:  Bakit naasar ka ba kapag binabanggit ko si Joaquin? Affected ka no?  Kaya ayaw mong nababanggit ang pangalan ni Joaquin.

Maya:  Hindi no! Pakialam ko kung banggitin mo.

Baste:  Robby, ang tagal ng hindi umuuwi ni Joaquin ano?  Ano na bang balita kay Joaquin?

Robby:  Alam ko nabenta na niya mga property ng Mama niya, kaya hindi ko nga alam kung bakit hindi umuuwi yon eh.

Baste:  Wala bang girlfriend si Joaquin sa States?

Robby:  Ang alam ko, yung si Stephanie lang naman, ayaw sumama sa kanyang umuwi dito kaya hindi na sila nagkausap pa eh.

Baste:  Ibig sabihin walang formal break-up si Joaquin at yung Stephanie?  Hala baka binalikan na yon ni Joaquin.  Di ba sabi mo mahal, mukhang Miss Universe yon?

Maya: I hate you Baste! Lumayas ka na sa harapan ko bago pa kita mabigwasan.  Puro ka joaquin,  wala ka na bang ibang tatanungin kung hindi si Joaquin?  Bwiset ka talaga!

Baste:  Aminin mo na kasi Maya, miss mo na si Joax. 

Maya:  Eh ano naman sa yo ko miss ko nga... may magagawa ka ba?   may magagawa ba ako? Wala, so pwede ba.  Let it rest and shut up!   Robby, aalis na nga ako. 

Baste:  Mahal, saan ka pupunta?

Maya:  kahit sa impyerno huwag lang kitang makasama!

Tawa ng tawa si Baste.   Nang makalayo si Maya...

Robby:  Bilib din ako sa yo Baste, bata pa kayo mahal mo na si Maya hindi ba eh bakit niloloko mo siya kay Joaquin.

Baste:  Oo, mahal ko si Maya, pero sa lahat ng ginawa ni Joaquin para sa amin alam ko din kung gaano kahalaga sa kanya si Maya.  Kahit mahal ko si Maya hindi ko ipipilit ang sarili ko kung alam kong may taong pwedeng magmahal sa kanya ng sobra.  Mahal ko si Maya kaya gusto ko siyang lumigaya at sa nakita nating lahat mukhang si Joaquin lang ang makakapagpasaya sa kanya.

Robby:  May point ka don. 

Baste:  Pano, tutuloy na ako magca-canvass muna ako ng mga gamit sa bahay.

Narinig ni Joaquin lahat yon.

Robby:  Joaquin, ano may kailangan pa ba akong sabihin sa yo?

Joax:  Wala na bro, narinig ko na ang kailangan kong marinig. Salamat.

Nang gabing yon  sa isang inuman sa may bandang Pasay nagkitakita ang mga magkukumpareng sila Joselito, Roger at Tinoy.

Roger:  Oy Joselito, kamusta na?  Balita namin personal driver ka na ng mga Capili ha.

Joselito:  Sinuswerte lang at ayaw ng magmaneho ni Senyor at ni Sir Rod eh. Ako ang pinakamatagal ng Driver ng kumpanya kaya ako ang nairekomenda ng admin office.  Mabait namang sila Senyor basta mapagkakatiwalaan ka at maasahan, hindi ka nila pababayaan. Scholar nga ng mga Capili ang mga inaanak ninyo eh.  Kaya ang buhay namin medyo guminhawa.  Basta masipag at hindi magrereklamo sa trabaho pwera sa sweldo lagi ka ng may libreng pangkain may tip pa. Maganda silang makisama.

Tinoy:  Mabuti ka pa, kami eto pa rin.  Ipasok mo naman kami.

Joselito:  Sige ba, kakausapin ko si Sir Robby, alam ko kailangan niya ng mga tao para matapos na ang commercial center at park na ipinagagawa ni Sir Joax eh.  Minimum wage at may nauutangan pang pananghalian at meryendang masarap.

Roger:  Oo sige, kayang kaya namin ang construction.  Kailangan namin ng regular na pagkakakitaan, pasukan na eh. Mageenroll na naman ang mga bata.

Joselito:  Alam ko na,  Si Ms. Sheryl pala,  kailangan na din ng bodyguard at driver sumisikat na kasi.

Tinoy:  Sherylyn Mendoza?  yung modelo na may show na sa TV?

Joselito:  Oo, girlfriend ni Sir Robby yon at ang gusto ni Sir Rod, may bodyguard at Driver.

Tinoy:  Oo nga pala, si Pareng Badong dalawang buwan ng nakalaya. May nagpyansa sa kanya eh.

Joselito: Ganon ba?  Mabuti na lang bihira ng magpunta si Mam Maya sa palengke.  Baka mamaya balikan ni Badong.

Tinoy:  Sino naman nagpyansa don. Baka kung kanino na naman kumapit yun si Badong. Ang taong yon hindi na tumino, tumatanda ata ng paurong.

Badong:  Ako ba ang pinaguusapan ninyo?

Tinoy:  Badong, totoo palang laya ka na?   Kamusta? Saan ka na ngayon?

Badong:  Bigtime na ako, hindi na small time na pangingikil lang.  Kumukubra ako ng malaki.  Kaya ko nga kayo hinanap baka gusto ninyo?  Kumpleto sa lahat, tirahan sa Quezon beach house, libre pagkain, bwanang sweldo at bakal.  Malakihan to, daang libo ang mga komisyon. Maganda pa kahit walang project may basic salary ka, papraktis praktis pa sa pagbaril at boxing.

Roger:  Naku Pareng Badong, mukhang ilegal yan. Matagal na kaming tumigil dyan ni Tinoy. Malalaki na kase mga bata, kawawa naman sila kapag nadamay ang pangalan namin sa mga ganyan. Pasensya ka na.

Badong:  Kayong bahala, kayo  din baka magsisi kayo.   Kamusta Joselito?

Joselito:  Maayos naman pare, nakakaluwag din kahit papano.

Badong:  Kila Mr. Capili ka pa rin? 

Joselito:  Oo  doon pa din.  Ikaw naman kasi eh, maayos na ang trabaho mo sa kanila.  Regular sana yon kaso mas gusto mo yung madaliang kita eh.

Badong:  Ganon talaga, kanya-kanya lang yan.  Ayoko talaga ng nangangamuhan eh.  Etong trabaho ko ako ang Boss, ibibigay lang ang project at bahala kaming dumiskarte.

Tinoy:  Nasa alanganin naman ang buhay mo. Ewan ko ba sa yo Badong.

Badong:  Uminom na nga lang kayo, huwag ninyo akong sermunan ako na nga ang magbabayad eh.  Kamusta naman sa palengke Tinoy, nandon pa rin ba ang mortal na kaaway ko.

Tinoy:  Wala na don si Maya, asensado na yon. Sikat na modelo at artista na yung kapatid. May show na nga sa TV eh. Magaaply nga kaming Driver at Bodyguard.  Baka sakaling makuha eh di ok may regular kaming trabaho.

Roger:  Kung may balak kang bumalik sa palengke, huwag na nilagyan na ng police outpost don.

Badong:  Naku, bat ako babalik don eh barya lang yon no. Don ako sa malaki ang komisyon. Mabuti naman at umasenso na si Maya, akala ko habang buhay na siya doon eh. Palagay ko syota yon ni Sir Joax, nagsumbong siguro si Maya kaya nalaman non pangingikil ko eh.

Joselito:  Kasalanan mo naman Pare, alam mong maliit lang kinikita non hinahatian mo pa tapos kinakausap ka ng maayos tinarantado mo.  Naviral ka sa youtube, may nagpost ng ginawa mo kay Maya kaya nung bugbog sarado ka na imbes maawa sayo galit na galit mga nakapanood eh.  Laki daw ng katawan mo pero bading ka kasi pumapatol ka sa babae.

Nagtawanan ang tatlo.

Badong:  Babae ba yon eh mas macho pa sa inyong tatlong makipagbugbugan sa akin yon.

Tinoy:  Maswerte ka hindi ka pinaglamayan ng gabing yon dahil handang pumatay si Maya ng traydor dahil traydor ang pumatay sa Tatay niya.

Roger:  Kaya kung ako sa yo, huwag mo nang guluhin si Maya, baka sa susunod hindi sa kulungan ang deretso mo kung hindi sa nitso.

Nagtawanan ang tatlo, bwisit na bwisit ang nasa isip, "makakaganti din ako sa Mayang Astig na yan."

Makalipas ang ilang araw naipasok nga ni Joselito si Tinoy at Roger sa construction site at kapag busy si Robby at hindi ito masasamahan sa mga lakad niya.  Si Tinoy and Driver at si Roger ang bodyguard, madalas kasama si Baste dahil nakabakasyon nga ito.

Makalipas ang dalawang buwan, natapos din ni Joax ang lahat ng kailangan niyang gawin sa US at nagbabalak ng umuwi. Sosorpresahin niya si Maya.

Si Robby dahil gustong matapos na ang commercial building, park, sports complex at clubhouse subsob sa trabaho.

Minsan nagreklamo na si Sheryl.

Sheryl:  lagi ka na lang hindi pwede, Si Mang Tinoy na naman magda-drive sa akin tapos si Baste na naman ang Escort ko. Malapit ng mapagkamalan na si Baste ang boyfriend ko eh.

Robby:  Babe, sorry talaga. Promise pagkatapos ng lahat ng ito.  I'm all yours. Ilang linggo na lang naman eh.

Sheryl:  Yung photoshoot sa Tagaytay at pageant sasamahan mo ako ha, next week na yon, overnight yon. 

Robby:  Sige, sige promise sasamahan kita.

Sila Tinoy, Joselito, Roger at Badong kada linggo nagkikita at nagiinom.  Napagkukwento nila si Maya at Sheryl . Dahil kinakamusta ni Badong ang mga ito.  Pati na ang mga Capili. Dahil dating tauhan ng mga Capili si Badong ang  akala ng mga ito nakikibalita lang sa dating mga amo si Badong.  Nababangit ng mga ito ang mga lakad nila Robby, Sheryl at Maya.  Hindi nila alam na may binabalak pala ito.

Dumating ang araw ng pagpunta sa Tagaytay, alas syete pa lang ready na si Sheryl.  Pero alas nuebe na wala pa si Robby at hindi niya ito macontact.  Nakaalis na din ang kaconvoy sanang mga sasakyan nila Sheryl at itinext na lang sa kanya ang lugar dahil magse-set-up pa daw ang mga ito sa Resort na pupuntahan nila. Bandang alas diyes nagdesisyon na si Sheryl na umalis. 

Dahil akala niya makakarating si Robby, hindi niya tuloy napasabihan si Baste at maaga itong umalis sumama kay Uro sa Bagiuo.  Si Maya naman maaga ding umalis para sa mga meeting niya.  Kaya walang nagawa si Sheryl kung hindi magpadrive kay Tinoy at isama si Roger.  Habang daan, inis na inis si Sheryl.  Pinatay ang cellphone at inihagis sa likuran ng sasakyan. Nagsasalitang magisa... "Nakakainis talaga! Nangako siya tapos hindi naman pala niya gagawin."

Roger:  Mam, pagpasensyahan na ho ninyo si Sir Robby,  Ngayon lang naman yun  sumira sa usapan ninyo baka ho talagang may nangyari lang na hindi niya inaasahan.

Tinoy:  Oo nga Mam. baka may biglaang meeting na hindi na maiwanan.

Sheryl:  Sige, ipagtanggol pa ho ninyo.  Mga lalake talaga.

Roger:  Hindi naman sa ganon Mam, pero nakikita lang ho talaga namin na mahal kayong talaga ni Sir Robby.

Tinoy:  lagi nga ho namin siya nahuhuling pinagmamasdan kayo. Nakakantyawan nga ho siya ng mga Engineer na kahit daw hindi kumain ng tanghalian basta pagmasdan lang kayo eh parang busog na siya agad eh.

Natawa si Sheryl.

Roger:  Wala hong bukang bibig si Sir Robby kung hindi kayo. Gusto ho niyang matapos na ang mga ginagawa niya kasi daw ho, idedesign pa niya ang magiging bahay ninyo.

Sheryl:  Sinabi niya yon?

Tinoy:  Oho, mam pumipili pa nga ho siya sa amin ng gusto niyang gumawa ng bahay niyo.  Sabi niya gusto niya yung pulido, malinis gumawa at mabilis kumilos.  Ipinakita pa nga ho niya sa amin yung magasin ng mga model houses eh.

Roger:  Oo nga Mam, itanong niyo po kay Mam Maya, pinapili niya ho si Maya kung alin ang magaganda eh.

Tinoy:  Panay lang ho ang trabaho non dahil naghahanda para sa  kinabukasan ninyo.

Napangiti na nila si Sheryl at masaya na itong nakikipagkwentuhan sa kanila. Naalala nito ang cellphone at kinuha pero inalisan ng tunog para hindi siya mapilitang sagutin ang tawag ni Robby.  Hindi na siya galit at naiintindihan na niya pero gusto niyang magpakipot. Makalipas ang isang oras na byahe biglang napapreno si Tinoy. Muntik masubsob si Sheryl.

Sheryl:  Ay manong! Dahan-dahan ho.

Tinoy:  Sorry Mam, hindi ko ho napansin parang may nakaharang sa daan. 

Bababa na sana si Tinoy ng mapansin niya ang isang itim na Van na nasa di kalayuan, minemorize sa isip ang plate number.

Tinoy:  Roger, mukhang set-up to. Tignan mo may nakahintong sasakyan sa di kalayuan.

Roger:  Anong gagawin natin? 

Tinoy:  Hindi tayo pwedeng bumaba. Mam, yumuko ho kayo at kumapit. Idederecho ko ito delikado tayo eh. 

Roger:  Magkunyari kang may kinukutingting sa tagiliran mo, hintayin nating makalayo sila sa sasakyan nila para makalayo tayo.

Ganon nga ang ginawa nila. Abot kamay na ng mga lalaki ang sasakyan nila at sumisigaw ang mga ito ng "Baba".  Biglang pinaharurot ni Tinoy ang sasakyan, nabundol niya ang isa sa mga ito at ng lingunin ni Roger ang sasakyan ng mga ito nakita niya si Badong.

Roger:  Kailangang mailigtas natin si Mam, si Badong ang kasama nila nakita ko siya doon sa sasakyan. Mukhang kikidnapin nila si Mam, Tinoy. Kailangang mailayo natin si Mam.

Tinoy:  Mam, may papel ho ba kayo dyan at ballpen.  Isulat ninyo ang plate number na to DMB 626 itim na hi-ace van, tapos pangalan ni Badong,  Bernardo Antonio.  Tapos isave din ninyo sa cellphone  ninyo.  Kung ano't ano man. Mapatay kami ni Roger, malalaman nila kung saan kayo hahanapin.

Roger:  Mam, isulat din ninyo Beach Resort sa Tiaong, Quezon, minsan ng nabanggit ni Badong ang lugar na yan.  

Nagsimula ng matakot si Sheryl.  Nahalata naman yon ni Tinoy at Roger.

Tinoy:  Basta maging matapang lang ho kayo.  Kahit makuha nila kayo hindi nila kayo papatayin dahil palagay ko kidnap for ransom yan. At hangga't wala silang nakukuhang pera hindi nila kayo sasaktan.  At kung ang balak ni Badong ay gumanti hihintayin niyang puntahan kayo ni Maya.

Dalawang resibo ang napagsulatan ni Sheryl, isiniksik ang isa sa upuan at ang isa naman sa bulsa ng maleta niya. Pinatay niya ang cellphone at isinuksok sa loob ng bra. Kinuha ang nail file niya at pusher,  isinuksok sa suot na sneakers.  Kinuha ang ribbon na pula na nakatali sa maleta niya at itinali niya sa buhok. Hindi man siya marunong makipagsuntukan, matalas naman ang kanyang isip at alam niya kung ano ang pwede niyang magamit. 

Binabaril na sila. Hindi na makontrol ni Tinoy ang manibela. Bumangga sila sa isang poste at tumama ang ulo ni Tinoy at Roger sa windshield.  Nasukol si Sheryl at dinala  sa isang Beach Resort sa Tiaong, Quezon.






















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro