Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43 - Katotohanan

Dumaan ang maraming buwan.  Nakalipat ng lahat ng tao sa Havensville.  Tinatapos na lang ang Clubhouse, swimming pool at sports complex.  At sinisimulan na ang park at commercial building sa tabi ng Havensville.  Hindi na kailanman nakibalita pa si Maya tungkol kay Joaquin. kapat nagsisimula ng magkwento si Robby kay Sheryl umaalis ito para hindi niya marinig ang kwento nito.  Hindi na din nakabalik pa sa Hacienda si Maya.  Si Sheryl ang madalas na nandodoon.  Hindi na din si Maya ang umaangkat ng gulay. Kinuha niya si Uro bilang full time na tauhan.  Ito ang bumabyahe papuntang Baguio.  Ito rin ang nagbabagsak sa palengke at nagdedeliver sa mga customer niya at si Maya lang ang nakikipagusap sa mga ito.  Si Sheryl naman ang umoorder ng mga prutas mula sa Hacienda at mga goods mula sa factory nila Joaquin.  Tahimik at masayang namumuhay sa Havensville ang mga dating taga Ayala Alabang Gilid.

Si Maya, astig pa rin kung pumorma, kapag nasa kalsada kausap ang mga kapitbahay at nakikipagbiruan ganon pa rin kung magsalita.  Pero hindi na ito ang masayahing si Maya, mas madalas na seryoso ito ang laging nasa isip at pinagkakaabalahan ay ang negosyo.

Si Baste, natapos ang dalawang taong kontrata sa pagsea-seaman at dalawang buwan na nakabakasyon.  Simula ng bumalik siya, nagtataka siya na parang ibang Maya ang kaharap niya.

Nasa bahay sila nila Maya ng hapon na yon, inaabangan nila ang talk show kung saan nainterview si Sheryl.  Excited itong nakaupo sa couch katabi si Robby at Nanay Berna nasa magkabilang single couch naman si Baste at sa kabila si Maya.

Sheryl:  Ayan... ayan na!

Maya:  Wow, Ditse in fainess ang telegenic mo.

Natahimik sila ng magumpisa ang interview.  Samantala sa mansyon, nanonood din si Rodrigo.

Jessica Soho:  Hello Sheryl!

Sheryl:  Hello po.

Jessica Soho:  Kilala ka naming lahat bilang si Sherylyn  Mendoza ang iyong screen name. Pero ngayong hapon gusto ka naming makilala hindi bilang modelo o artista kung hindi bilang isang simpleng tao.  So can you tell us something about yourself.

Sheryl:  Sheryl Mendoza Reyes po ang totoong pangalan ko. Tubong Baguio, taga doon po ang mga magulang ko at doon na po ako ipinanganak.  May kapatid ho akong babae, si Maya  at kaming tatlo na lang ng Nanay ko ang magkakasama dahil matagal na hong namayapa ang aming Ama.

Jessica Soho:  I hope you don't mind if we elaborate on that, tama ba that your father was killed?

Sheryl:  Opo, napatay po siya ng mga masasamang loob by stab wounds.

Jessica Soho:  Is it correct 17 stab wounds? May idea ba kayo kung anong cause ng pamamaslang?

Sheryl:  It's a case of envy and jealousy over power.  Mabait ho kasing masyado ang Tatay, malapit sa mga tao sa amin at lahat ng pwedeng tulungan, tinutulungan.  Sobrang iginagalang po siya ng mga tao sa amin.  Ang mga payo at suhestiyon ho niya ay pinakikinggan na parang mga batas na kapag hindi po sangayon si Tatay sa gustong gawin ng Baranggay Capt. hindi din po sasangayon ang mga tao sa amin. Yun po.

Jessica Soho:  That's sad, ginusto lang niyang makatulong, siya pa ang napasama.

Sheryl:  Oo nga po eh.

Jessica Soho:  May kumakalat na balita na ampon ka daw at mahirap ka pa daw sa daga?

Natawa si Sheryl.

Sheryl:  I was not born with a golden spoon that is true pero yung mahirap pa ako sa Daga, that is not true at hindi po ako ampon.

Jessica Soho:  Can you enlighten us then.

Sheryl:  Me and my Sister had a hard childhood especially ng mawala si Tatay.  Pagaangkat po ng gulay at pagbabagsak sa palengke ang kabuhayan namin.  Si Nanay naman may eatery sa harap ng bahay.  Nakakaraos naman sa araw-araw at nakagraduate ako ng elementary.  Nung lumipat kami dito sa Manila, it was harder kase  iisang taon pa lang kami dito pumanaw na si Tatay. Hindi kinaya ni Nanay naospital siya. So naiwan kami ng kapatid ko na hindi alam ang gagawin pero sa tulong po ng mga kapitbahay at ng isang kaibigan ng magulang namin.  Naipalibing namin si Tatay at nailabas ng hospital si Nanay.  Kaya, we are in debt to our neighbors and family friends. Napakaswerte po namin sa pagkakaroon ng mga kaibigan at kapitbahay na katulad nila. We might be poor in material things but we are very rich with friends. Malamang nanonood po silang lahat ngayon.

Jessica Soho:  batiin mo sila.

Sheryl:  Hello po sa mga taga Ayala Alabang Gilid.

Jessica Soho:  Sabi mo hindi ka ampon...

Sheryl:  Opo, hindi nga po.  Si Nanay Berna po ang totoong Nanay ko pero ang Tatay po na tinutukoy ko ay hindi ko biological father.  Dalaga pa po ang Nanay ko ng ipagbuntis niya ako at magkahiwalay sila ng biological father ko. I don't think he even knows that I exist. Yung napangasawa po ng Nanay ko which is si Tatay Manuel ang kinilala ko pong ama. Tinanggap at minahal po niya ako na tulad ng isang tunay niyang anak.

Jessica  Soho:  Kilala mo naman ang biological father mo?

Sheryl:  Hindi po, ang alam ko lang po may kaya ang kanyang pamilya kaya hindi sila nagkatuluyan ni Nanay at may sarili na siyang pamilya.

Jessica Soho:  Kung mabibigyan ka ng pagkakataon, gusto mo ba siyang makilala?

Sheryl:  Oo naman po, ok lang. Pero kung magiging sanhi lang ng gulo sa kanyang pamilya ang pagpapakilala ko, hindi na lang po.  Tama na ho sa akin na alam kong buhay pa siya dahil masaya naman ho akong nabuhay kasama ang Nanay at kapatid ko sa Ina.

Jessica Soho:  If there is something you wanted to say to your biological father, ano yon?

Sheryl:  Salamat po sa pagbibigay buhay sa akin.  Sana po nabuhay kayong masaya katulad namin ni Nanay.

Jessica Soho:  If your Tatay Manuel can hear you now, ano naman ang sasabihin mo sa kanya.

Sheryl:  Tay, salamat po sa lahat.  Lalo na sa pagmamahal at mga aral na naging inspirasyon at lakas namin para lumaban sa buhay.  Tay, tinupad ko ho ang pangarap natin, ang pangarap ko para sa inyo. I will never forget you Tay. Mahal na mahal kita.

Inabutan ng tissue si Sheryl.

Sheryl:  Pasensya na ho kayo.

Jessica Soho: It's ok.   Sa mga dinaan mo sa buhay Sheryl at sa nakamit mo ngayon, anong pwede mong i-advice sa mga manonood natin.

Sheryl:  When you are faced with difficulty in life, Diyos at pamilya mo lang ang makakaramay mo. It is good to show people who you really are, be nice, kind and helpful dahil marami pa hong mababait na tao sa mundo ang kailangan lang  maging totoo ka sa kanila.

Jessica Soho:  Totoo yan. On a lighter note, eto na itatanong ko na ang kanina pa inaabangan ng maraming kalalakihan.  Sheryl, are you in any relationship right now? may boyfriend ka na ba?

Sheryl:  Inaabangan talaga Tita?

Jessica Soho:  Sa ganda mong yan, syempre marami ang interesado.

Sheryl:  Meron na po. May boyfriend na po ako.

Jessica Soho:  Model din o artista ba ito?

Sheryl:  Mukha lang ho siyang model at artista pero hindi po talaga siya taga showbiz.  He's an Engineer/Businessman po Tita.

Jessica Soho:  There you have it, one of the fast rising star in the showbiz industry, Ms. Sherylyn Mendoza.  Well, thank you for sharing your story with us. Of course, you are here to promote somethings.

Sheryl:  Opo Tita, abangan po ninyo ako sa bagong show dito sa network ang "Fashion Scenes with the Mendoza's".  Kasama ko po ang one and only Phenomenal Star,  Ms. Maine Mendoza.  Samahan ho ninyo kami sa pagtuklas  what's in and what's out this days in fashion dito sa Pilipinas and Abroad. This is every Sunday afternoon.

Jessica Soho:  Si Maine pala ang kasama mo.

Sheryl:  Opo, ako po ang kanyang fashion partner kaya excited po talaga ako.

Jessica Soho:  At ano naman yang mga yan?

Sheryl:  Gusto ko pong ipatikim sa inyo itong mga  products like strawberry jam, mango tarts, mango pies.  Gawa po yan sa purong fresh strawberries at mangoes. From the farm deretso po ang mga prutas sa factory kaya siguradong malinis.  This is manufactured and destributed  by RJ's sweet and treats. Their very first shop will open very soon, sa tapat ng Alabang Town Center. Lahat po ng mga audience makakatikim because we brought you gift packs from RJ's sweet and treats.

Jessica Soho:  Wow, totoo this is delicious, at lasang lasa ang mangoes.  Anything else  Sheryl?

Sheryl:  I would also like to invite you to the open house of  Havensville Subdivision in Alabang. If you want to experience living in a very safe, neighbor friendly place, come and see Havensville Subdivision. Their show room is open every Mondays to Fridays from 8am to 5pm. Thank you po Tita for having me.

Jessica Soho:  Thank you so much Sheryl. This flowers are for you and we hope to see you soon sa mga gagawin mo pang projects  with the network.

Nagpalakpakan ang mga nanonood sa bahay nila Maya.

Robby:  ang galing mo Babe, umiiyak na may poise pa rin eh.

Maya:  Diko, kinilig ka naman na mukha kang artista.

Sa Mansyon, nanatiling nakaupo si Rodrigo, hindi makapaniwala sa narinig na sinabi ni Sheryl. Nagiisip.  Bumaba si Ricardo na kanina pa tinatawag si Rodrigo pero hindi niya naririnig. Nakakunot na ang noo ni Ricardo.  Tumingin sa may pinto ng mansyon at nakitang nakatayo na doon si Joselito ang driver niya. Sumenyas si Ricardo ng sandali lang habang bumababa ng hagdan

Daddy Rick:  Rodrigo, nabibingi ka na ba? Kanina pa kita tinatawag.

Tatay Rod:  Pasensya ka na nanonood ako ng TV ibinilin sa akin ni Robby na panoorin ko ang interview kay Sheryl.

Daddy Rick:  Bakit hindi mo sinabi sa akin, sana napanood ko naman.  Ano maganda naman ba ang manugang mo at magaling sumagot?

Tatay Rick:  Ricardo, may tyansang ang mamanugangin ko ay anak mo.

Daddy Rick:  Ano bang pinagsasasabi mo?  Nasisiraan ka na ba ng ulo, Papanong mangyayari yon?

Tatay Rick:  Bakit, wala bang nangyari sa inyo ni Adet? 

Daddy Rick: Meron, tatlong beses ang huli yung huling beses na nagpunta ako ng Hacienda. It was February.  I prepared the Hacienda for a valentine date with Adet but I was very sad and frustrated dahil nalaman ko na ang tungkol kay Joana at hindi ko masabi kay Adet. Inilabas ko ang lahat ng frustrations ko by making love with her.

Tatay Rick:  Hindi ba doon sa birth certificate na nakuha ni Winston, Sheryl is 26 years old. Kaidad ni Robby. kabuwanan ng misis ko ng ikasal kayo ni Joana, Disyembre. Kung ang birthday ni Sheryl ay Nobyembre o Disyembre malaki ang posibilidad na ikaw ang kanyang ama.

Nagcalculate si Ricardo sa utak, February to December.  More than nine months depende kung ano date.

Daddy Rick:  Joselito, kunin mo ang envelope sa harap na compartment ng kotse.

Sumunod naman si Joselito.  Pagbalik iniabot ang envelope at tumayo isang metro ang layo sa sala set kung saan binulatlat ni Ricardo ang mga papeles. Nakita nito at binasa ang Birth Certificate ni Sheryl.  

Daddy Rick:  It's October 16.

Tatay Rod:  Posibleng walong buwan ng ilabas niya si Sheryl.

Daddy Rick:  Anak ko si Sheryl ang kapatid ni Maya?  Kung totoo yan bakit walang sinabi si Adet kahit nung iwan ako ni Joana at nagkabalikan kami? Ilang beses kaming nagkita.

Tatay Rod:  Dahil kahit pa may anak kayo hindi naman mababago non na ayaw pa rin sa kanya ng mga magulang mo. Isa pa kasal ka kay Joana ano namang laban niya don.

Daddy Rick:  Joselito, sunduin mo si Winston, sabihin mo magdala siya ng gamit I need him to go to Bagiuo tonight.

Joselito:  Sige po Senyor.

Tatay Rod:  Ngayon alam ko na...

Daddy Rick:  Alam mo na ang ano?

Tatay  Rod:  Kung bakit nung umuwi kayo doon ni Joana, matapos ang kasal ninyo. Hinanap ka ni Nuel at nakipagsuntukan siya sa yo.   Sabi mo galit na galit siya sa yo hindi ba?

Daddy Rick:  Oo

Tatay Rod:  Marahil ng mga panahon na yon alam na ni Nuel ang tungkol sa anak mo. Makalipas ang ilang buwan nabalitaan na lang natin na ikinasal si Nuel kay Adet.

Daddy Rick:  Maari nga.

Dumating si Robby na masaya.  Niyakap pa ang Tatay niya.

Robby:  Napanood mo ba Tay?  Ang ganda ng girlfriend ko sa TV di ba?  At ang galing pang sumagot.

Tatay Rod:  Oo nak, napanood ko at talagang proud na sabihin na may Boyfriend na siya.

Robby:  Oh di ba mukha daw akong model at artista?

Tatay Rod:  oo na, tuwang-tuwa ka naman.   Kung nandito si Joaquin asar talo ka na naman.

Robby:  Tito, napanood mo ba?

Daddy Rick:  Hindi nga eh pero sigurado naman akong maganda siya sa TV at magaling sumagot dahil matalino siyang katulad ng kanyang Ama.

Napatingin si Rodrigo kay Ricardo. Iniba na lang ni Rodrigo ang usapan.

Tatay Rod:  Oh may dala ka bang ulam o magpapaluto ako?

Robby:  May dala ho akong Igado, ipinauwi ho ni Nanay dahil nagagalit si Maya na niluluto pa ng Nanay niya yong paborito ni Joax.

Daddy Rick:  Kamusta na ba ang batang yon? 

Robby:  Ayun ho, nakikipagbiruan pa rin naman sa mga kapitbahay. Pero mas madalas hong seryoso at walang ginawa kung hindi asikasuhin ang negosyo.  Hindi ho talaga sumasama sa lakad namin kahit pa pilitin nung kababata niyang si Baste.  Ganon pa din ho, kapag nababanggit ko si Joaquin, umaalis ayaw marinig ang ano mang balita tungkol kay Joaquin.

Daddy Rick:  Kawawa naman si Maya at Joaquin. Nagbabayad sa mga kasalanan ng nakaraan.

Robby:  Ano ho ang ibig ninyong sabihin.

Tatay Rod:  Hindi ba iniwan si  Nanay Berna mo nung Tatay ni Sheryl dahil ayaw ng mayamang pamilya nito kay Berna.

Robby:  Ah oo nga ho, siguro galit pa rin si Nanay Berna sa Tatay ni Sheryl.  Kahit nga ho pangalan ng Tatay niya hindi niya alam eh. Kaya marahil inilayo niya si Maya dahil natatakot siyang mangyari kay Maya ang nangyari sa kanya.

Daddy Rick:  Marahil nga.

Napabuntunghininga na lang si Ricardo at Rodrigo.



















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro