Chapter 41 - Reality Bites
Samantala, sa Maynila. Dumating si Robby at iba pang mga tao ni Joax sa Temporary House ng mga taga Alabang Gilid. Nagmeeting sila, ipinaliwanag ang mga sukat ng lote na naging katumbas ng mga kinatirikan ng bahay nila. Ipinaliwanag na para maging patas ibinase ito sa laki ng bawat pamilya. Kung maliit ang loteng napunta sa yo kaysa sa binabayaran mong amilyar, ang sobrang amilyar na ibinayad mo ay magiging unang bayad mo sa lupa at bahay, kaya magiging mababa din ang huhulugan mo.
Robby: Gusto ho ng mayari ng lupa na maging patas at sapat para sa tamang laki ng isang pamilya ang lupang ibibigay sa inyo. Katulad po ni Baste at Nitoy, kahit malaki ang lupa nila dati ang pwede lang ibigay sa kanila ay yung size para sa isang 2 bedroom house dahil dadalawa lang naman silang titira. Kung halimbawang gusto ninyo ng mas malaki pa don ang idadagdag na lupa maiiba ang presyo dahil ng bilhin niya ang lupang ito yung kinatatayuan ng mga bahay ninyo lang ang mura pero ang kabuuan siningil sa kanya sa presyo ng lupa ngayon.
Kapitan: May katwiran naman ang mayari, tinulungan niya tayo, yung sobrang lupa naman dapat na makuha niya ng tama para kahit papano may matira sa kanya para ibenta. Kung hindi naman niya binili at idinivelop ito baka nakulong pa tayo at nawalan ng tirahan. Tutal ang iaassign naman niya sa atin yung tamang-tama para sa liit o laki ng pamilya natin kaya hindi na tayo dapat magreklamo. Pare-pareho tayong walang pampagawa ng mga bahay, pero ififinance na niya at pahuhulugan pa kaya dapat ok na tayo don.
Robby: Ipapakita ho namin ang designs ng bawat klase ng bahay at dala ho namin ang blueprint ng bawat loteng ma-aasign sa inyo. Kung ok na sa inyo, lumapit lang ho kayo sa akin para mapirmahan ninyo ito. Pati ang kontrata sa pagbabayad.
Nagandahan naman ang mga tao sa mga designs.
Aling Chayong: Laking pasalamat tayo sa developer kung hindi, mapapatira ba tayo sa ganyan kagandang subsivision?
Mang Berting: Oo nga, Robby, ok na ako... asan ang pipirmahan ko.
Robby: Yung ready na hong pumirma pumila lang ho kayo dito.
Nandoon si Nanay Berna at napatingin siya sa screen, nakita niya ang nakalagay R&J Capili Realty Corp. Natigilan si Nanay Berna, kilala niya ang kumpanyang yon. Napatingin siya kay Robby. Napausal ng dasal, "Diyos na mahabagin, huwag po ninyong itulot na tama ang iniisip ko."
Nanay Berna: Pwede ba akong magpasama kay Sheryl sa hotel, medyo nahihilo ako eh.
Robby: Sige ho Nay. Babe samahan mo na si Nanay, kaya ko na dito.
Pagdating nila sa hotel, naupo si Berna sa couch.
Nanay Berna: Sheryl, ano ang apelyido ni Robby?
Sheryl: Ramirez po, Roberto Ramirez po ang buo niyang pangalan. Bakit ho?
Nakahinga ng maluwag si Nanay Berna pero kailangan niyang makumpirma ang lahat ng nasa isip niya.
Nanay Berna: Hindi ba't si Joaquin ang mayari ng lupa at ang Tatay niya ang developer. Tama ba ang pagkakaintindi ko? Yung R&J Capili Realty ang developer?
Sheryl: Opo Nay, yun po ang kumpanya ng Daddy ni Joaquin. Bakit po?
Nanay Berna: Tama ba na ang apelyido ni Joaquin ay Capili?
Sheryl: Opo, at yung pangalan po ng kumpanya ang kwento ni Robby initials daw po ng Daddy at Mommy ni Joax. Ricardo at Joana.
Natahimik si Nanay Berna.
Sheryl: Nay, ok ka lang ba? Bakit parang namumutla ka?
Nanay Berna: Ok lang ako, napagod lang ako. Sige na, balikan mo na si Robby.
Pero ng marinig niyang sumara ang pinto napahagulgol si Nanay Berna. Ang nasa isip niya "Sadyang mapaglaro ang tadhana, ang nakaraang pinilit niyang kalimutan heto at nasa kanyang harapan. Kung wala akong magagawa para iwasan ito, haharapin ko ito pero hinding, hindi mo na ako muli pang masasaktan Ricardo, lalo't hindi ang aking mga anak. Patawarin mo ako Maya."
Dumating sila Joax at Maya sa temporary houses bandang alas kwatro. Nakangiti pa ang dalawa na bumaba ng sasakayan. Napatakbo si Sheryl ng makitang may arm sling si Maya.
Sheryl: Anong nangyari?
Maya: Mahabang kwento Ditse pero hindi naman malala ito. Gagaling din in a few days. Nasan si Nanay?
Sheryl: Nasa hotel nagpapahinga.
Joax: Maupo ka na at magpahinga, kami ng bahalang magbaba ng mga gulay.
Tinawag ni Joax ang mga kalalakihan at nagtulong silang lahat na maibaba ang dala nilang gulay at prutas, inilagay ang mga ito sa isang container van.
Robby: Oh nasan ang pick-up mo?
Maya: Si Isagani ang magdadala dito bukas sakay ang delivery para sa Iceberg, hindi ako makakapagmaneho eh.
Naupo si Maya at nagsimulang magkwento kay Sheryl at Robby. Nang matapos sa pagbababa ng gulay si Joax naupo sa tabi ni Maya.
Sheryl: Mabuti naman nailigtas mo si Tito Rick at hindi malala yang nangyari sa yo.
Maya: Ako pa ba Ditse?!
Robby: Teka napasok tayo ng bandido, muntik mapahamak si Tito, tapos nagkaganyan ka eh bakit parang ang saya-saya pa ninyo?
Joax: Kasi nagkaron ng Party sa Hacienda kagabi, guess who was named bagong anak ng Hacienda?
Robby: Ikaw Maya? Talaga?
Joax: At ang Daddy mismo ang nagpakilala sa kanya.
Robby: Alam mo bang kapag ginawa yon, ibig sabihin itinuturing kang isang myembro ng pamilya ng lahat ng taga hacienda. Dahil si Tito ang nagpakilala sa yo, ibig sabihin itinuturing ka niyang parang sarili niyang anak.
Maya: Yun nga ang sabi ni Joax.
Robby: Ang kwento ni Tatay, noong kabataan nila meron ding itinanghal na anak ng Hacienda, yung bestfriend nila ni Tito Rick si Mang Nuel. At lahat ng meron at ibinibigay kay Tatay at Tito Rick ni Don Capili ibinibigay rin sa kanya.
Sheryl: Wow Ineng, inampon ka na pala ng Hacienda eh. Kaya naman pala ang ganda ng mga ngiti ninyo.
Joax: And Robby, I already got my go signal.
Sabay, simple ng tingin kay Maya.
Robby: Talaga? Galing kay Tito Rick?
Joax: yup!
Robby: Ayos!
Maya: ang ano?
Sheryl: oo nga, go signal saan?
Joax: Yung tungkol sa isa pang project ko, pumayag na si Daddy.
Maya: Ahhhhh
Masaya silang nagkukwentuhan ng dumating si Nanay Berna. Sinasabi ni Maya kay Joax na parang kumikirot ang likod niya. Ipinaderetso niya ang pagkakaupo ni Maya at marahang hinahaplos ang likod nito. Tumayo, nagpunta sa kotse , kinuha ang maliit na plastic ng gamot at iniabot kay Maya. Kumuha ng inumin at saka pinainom ito ng gamot.
Napahinto si Nanay Berna ng makita si Joax at Maya. Nagulat ang apat ng biglang padabog na pumasok ito sa Container House.
Tumayo si Maya at Joax. Lumapit.
Maya: Mano po Nay!
Joax: Magandang Hapon po Tita.
Nanay Berna: Ano na naman ang nangyari sa yo? Hindi ka ba talaga natatakot na ilagay sa alanganin ang buhay mo para sa kung kani-kanino. Kaylan ka titigil Maya, kaylan ka mapapagod kapag ikaw na mismo ang dumating sa bingit ng kamatayan ha?!
Galit at malakas ang boses ni Nanay Berna. Napalingon ang mga taga doon at napalapit.
Maya: Nay pinasok ho kasi ng mga bandido ang Hacienda nagkataong ako ang nakakita sa mga magnanakaw na yon, alangan namang pabayaan kong makatakas. Tsaka, hindi naman ho malala ang nangyari sa akin eh. Pagaling na nga ho ang balikat at likod ko.
Nanay Berna: Nasa Hacienda ka eh di maraming security don. Hindi mo na lang sila pinabayaan.
Maya: Nay, iniligtas ko lang ho si Tito Rick sa tiyak na kapahamakan, may masama ho ba don?
Nanay Berna; Walang masama sa hangarin mo pero ikaw ang nagkakaganyan! Hindi ba mahalaga sa yo ang buhay mo? Mas mahalaga pa sa yo ang buhay ng ibang tao?
Maya: Mas gugustuhin kong mamatay sa pagliligtas sa mga taong nagpahalaga sa akin Nay. Kaysa walang ginawa kung hindi umiyak na katulad ng patayin sa harap ko si Tatay.
Nanay Berna: Tatay mo yon, alam kong masama ang loob mo na wala kang nagawa pero ang mga taong inililigtas mo ngayon kaano-ano mo? Wala! Ni hindi mo nga lubos na kilala. Ni hindi mo nga alam kung mabubuting tao ba sila.
Maya: Nay, si Tito Rick ho ang iniligtas ko, Daddy ni Joaquin. Mali ho ba yon? Si Joaquin ang tumulong sa atin sa maraming bagay, yung mailigtas ko ang kanyang ama, para na akong nakabayad sa utang na loob nating lahat sa kanila. May mali ho ba don?
Nagsimulang tumulo ang luha ni Maya.
Nanay Berna: Tigilan mo na Maya, tama na. Huwag ka ng sumama kay Joaquin kahit saan.
Maya: Pero Nay, wala namang kasalanan si Joaquin. Ako ang magisang nagpunta don para dalawin si Tata Damian. Nagpunta lang si Joaquin doon ng malaman ang nangyari sa akin.
Nanay Berna: At hindi ka na babalik sa Hacienda kahit kaylan.
Maya: Nay naman!
Nanay Berna: Kung ang kapalit ng mga tulong mo Joaquin ay ang kapahamakan ng anak ko, hindi bale na. Mas gugustuhin kong tumira sa isang barong-barong na kasama at buhay ang anak ko.
Umiyak na ng tuluyan si Maya. Hinawakan ni Joax ang magkabilang braso ni Maya.
Joax: Tumahan ka Maya, huwag kang umiyak. Ayokong nakikitang umiiyak ka dahil sa akin. Tama na. Please tama na.
Humarap si Joax kay Nanay Berna.
Joax: Tita, naiintindihan ko ho kayo. Pasensya na ho talaga. Hayaan ho ninyo hindi na ho mauulit. Tandaan ho ninyo, ng iligtas ni Maya ang buhay ng Daddy ko habang buhay ho naming tatanawing isang malaking utang na loob yon. Kaya kung ano't ano man ho at mangailangan kayo ng tulong, kahit buhay naming magama ibibigay namin para sa inyo ng inyong pamilya. Tutuloy na ho ako.
Pumasok na si Berna sa loob ng bahay.
Maya: Joaquin...
Joax: Tama na ang iyak ha, magpahinga ka na. Marami din akong aasikasuhin para matapos na ang subdivision kaya malabong makapunta ako dito. Text text na lang ha. Kung may kailangan kayo magpasabi lang kayo kay Robby. Yung payments mo i-course mo na lang kay Robby siya na ang bahalang magdeposit sa account ko.
Maya: Joax naman, maaayos din ito hindi ba?
Joax: Oo naman. Pero kung hindi, tatandaan mo isang karangalan para sa akin ang nakilala ka at ang buo mong pamilya. Ang mga panahong kasama ka ang pinakamasasayang araw ng buhay ko. You will forever be my most beautiful memory.
Hinalikan niya ito sa noo at tuluyan ng umalis. Naiwang umiiyak si Maya, walang nagawa si Sheryl at Robby kung hindi ang piliting patahanin ito.
Robby: Ihahatid ko na kayo sa hotel para makapagpahinga na si Maya.
Samantala, si Joax, hilam ang mga mata sa luha, naguguluhan pero walang magawa. Naalala niya ang sinabi ng Daddy niya, "ipaglaban mo siya even if it means going against my will. Pero papano kong gagawin yon kung mismong Ina ni Maya ang ayaw sa akin."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro