Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39 - Caring

Nang hapong yon pagbalik ni Ricardo at Rodrigo sa Hacienda, inabutan nila sa kusina sila Joax at Yaya Violy.

Joax:  Yaya, ako na nga ho ang gagawa kaya ko 'to.  Ikuha na lang ho ninyo ako ng fresh strawberry sa chiller at gagawa ako ng strawberry shake.

Yaya Violy:  Joaquin marunong ka ba talaga?

Joax:  Yaya, para gourmet sandwich lang eh, sa states kami lang ni Robby kami ang nagluluto ng pagkain namin kaya don't worry.

Daddy Rick:  Ano bang pinagtatalunan ninyo?

Yaya Violy:  Itong anak mo gustong magmeryenda, ayaw namang ipagawa siya na daw.

Daddy Rick:  hayaan mo na Violy, matanda na yang alaga mo.

Joax:  Hi Dad, kamusta meeting?

Daddy Rick: Ok naman, kasali ba kami sa meryendang ginagawa mo?

Joax:  Oo naman Dad, wait lang.  

Tatay Rod:  Aba, at talagang gusto mo ikaw pa ang gagawa ng meryenda ni Maya ha. Joaquin seryoso ba yan?

Joax:  Hindi ba bagay sa akin Tito Rod? O hindi pwede?

Tatay Rod:  Bakit hindi, kahit pa hindi bagay, basta gusto mo, ipaglaban mo.

Daddy Rick:  Joaquin, tumawag sa akin si Danilo.

Joax:  Why? nagsumbong na si Briggs na sinapak ko siya?  Dyan siya magaling magtago sa likod ng Tatay niya.  Bakit hindi ako ang harapin niya?

Daddy Rick:  He's father is a business partner Joaquin.  Ano ba ang nangyari?

Joax:  Binastos niya si Maya sa harap ko.  Alangan namang palampasin ko yon.  I told him, she's a decent friend hindi siya nakinig papano lasing inilagay ang alak sa utak, stupid really!

Daddy Rick:  Pero Hijo... 

Joax:  No Dad, no buts... he might be a friend and his father a business partner, I don't really care even if he threatens to pull out his share, I will cover it if I need to. Kilala mo ako Dad, girls I meet on bars,  table girls kung gusto niyang bastusin I will not care. Pero not Maya,  I took her there to meet my friends and  have fun hindi para bastusin lang ni Briggs.  He's lucky, inawat ako ni Maya kung hindi baka kung anong nagawa ko sa kanya.

Daddy Rick:  You like her, don't you?

Ihininto ni Joax ang ginagawa, humarap sa ama, tumitig sa mga mata nito.

Joax:  Bawal ba Dad?  Hindi ba pwede?  Bakit?  Dahil mahirap siya?

Daddy Rick:  Kung seryoso ka na gusto mo siya, just make sure that you can fight for her no matter what the cost, even if it means you will loose everything that you have. Bilisan mo na yang sandwich, nagugutom ako.

Umakyat si Ricardo sa balkonahe, napatingin si Joax kay Rodrigo.

Joax:  Tito Rod, hindi niya sinagot ang tanong ko... and what does he mean by what he said?

Tatay Rod:  Hindi ko din alam Hijo.

Sumunod na ito kay Ricardo. Makalipas ang trenta minutos umakyat si Joax at Yaya Violy sa balkonahe. Bitbit ni Violy ang meryenda ng mga amo at bitbit naman ni Joax ang meryenda nila ni Maya. Narinig niyang nagtatawanan ang mga ito.

Maya: Ok naman po si Robby eh.  Masaya naman sila ni Ditse, minsan nga po nagbiro si Robby sabi sa mga trabahador bilisan ang paggawa sa hotel kasi doon gagawin ang reception ng kasal nila.

Tata Rod:  Aba, at mukhang may plano na si Roberto. Ano naman ang sabi ng Nanay mo?

Maya:  Ok lang naman ho, matanda naman na daw po si Ditse at kung sakali mabait naman daw si Robby at nakikita naman niya na mahal niya talaga si Ditse.

Joax:  Snacks everyone.

Maya:  wow, strawberry shake.

Yaya Violy: Si Joaquin ang nagprepare ng mga yan.

Maya:  Aba Bes, anong nakain mo?  May sakit ka ba?  ang sipag mo eh.

Joax:  Ang harsh mo sa akin.

Daddy Rick: Eh ikaw Hija, may boyfriend ka na ba?

Maya:  Wala po, hindi ko pa naman po iniisip yon.

Tatay Rod:  Eh ikaw gusto mo ba si Robby para sa Ditse mo?

Maya:  Naku, kavibes ko po yon si Diko. ok lang po. Minsan lang napagalitan ko sila papano naman nasa kalsada naggugoodbye kiss. Ang halay!

Natawa ang dalawang matanda.

Daddy Rick:  Eh normal lang naman yon, magboyfriend yon eh.

Maya:  Oo nga ho pero sana nasa lugar. Eh napopollute ho ang utak ko eh.

Lalo silang nagtawanan.

Yaya Violy:  Hindi ka pa lang kasi nagkakaron ng first kiss anak.

Maya:  No boyfriend since birth ho ako pero nahalikan na, kaya lang hindi yon first kiss Yaya, hindi yun counted.

Yaya Violy:  Oh eh bakit?  

Maya:   Hindi po ba dapat yung first kiss sa taong mahal mo eh hindi ko naman ho bf yon tsaka aksidente lang na nahalikan ako ganon.  Pero ok naman na ho sila Ditse, mas discreet na sa loob na ng kotse naggu-goodnight kiss kahit na nakikita ko pa rin. Masasanay din ho ako.  Naku, Tito Rod huwag ninyong sabihin kay Diko na nagkwento ako baka magalit.

Tatay Rod:  Huwag kang magalala wala akong sasabihin.

Maya:  Tito Rick...

Daddy Rick:  Ano yon Hija?

Maya:  Salamat ho pala sa pagtulong ninyo na idevelop ang lugar namin.

Daddy Rick:  Wala yon Hija. Project ni Joaquin yon.   Kumpanya ko lang ang nagdedevelop pero siya ang bumili ng lupang kinatitirikan ng mga bahay ninyo kaya technically siya ang nagfinance at sa kanya kayo may utang.

Napatingin si Maya kay Joax.

Joax:  Ubusin na ninyo yang meryenda, parang hindi ata kayo nasasarapan eh.

Maya:  Masarap kaya, sobra.

Daddy Rick:  Anong plano mo Hija?  Hindi sa pinaalis kita pero baka magalala ang Nanay at Kapatid mo.

Maya:  Tumawag na ho ako, sabi ko bukas ho luluwas na ako ng Maynila.

Tatay Rod:  Papano ka magmamaneho niyan?

Joax:  Isasabay ko na ho si Maya, ako na ang maghahatid sa kanya sa kanila. Iiwanan ho muna yung pick-up niya.  Sa Byernes ho isasakay sa pick-up niya ang delivery para sa iceberg, nakausap ko na si Isagani siya ang magmamaneho at sasabay na lang siya sa amin ni Rod pagbalik namin dito ng Linggo.

Daddy Rick:  Mabuti pa nga, para makarating din si Isagani sa Mansyon, may mga kailangan akong ipagawa sa kanya doon.

Pagkatapos ng meryenda umalis si Joax at nagpunta sa Ninong ni Maya para kunin ang mga gulay na order niya.  Halos isang oras ding nagusap si Mang Lemuel at Joax.  Samantala si Rodrigo at Ricardo naman kasama si Mang Simeon na nagikot sa Hacienda.  Inaayos ang mga bakod nito at nagpalagay din ng mga CCTV sa mga poste ng bakod.  Nakarating din sila sa Manggahan, nagkakantahan habang nagtatrabaho ang mga tauhan doon. Napangiti si Ricardo.

Bumati ang mga trabahador sa kanila.

Daddy Rick:  Simeon, ikaw na muna ang magasikaso sa mga kailangan dito habang nagpapagaling si Damian.

Mang Simeon:  Oho Senyor.  Marami pa naman hong supplies eh kaya wala hong problema. Oy Juan, yang si Gemma madami ng damo alisan mo na.

Juan:  Oho Tata Simeon.

Tatay Rod:  Sinong Gemma Simeon?

Mang Simeon:  Ah yung puno ng mangga na nasa tapat ni Juan.

Tatay Rod:  May pangalan ang punong yon?

Mang Simeon:  Lahat ho ng mga puno dito sa manggahan ay may pangalan.

Inabot ni Mang Simeon ang isang clipboard na nakasabit sa likod ng bodega.

Mang Simeon:  Eto ho, noon hong unang nagpunta dito si Maya, kinakausap niya ang mga punong yan at pinangalanang lahat.  Yan hong nasa kaliwa sa dulo ay si She-she ang punong inampon ni Sheryl.  Yan naman hong katabi ang puno ni Sir Robby si Roberto, dyan ho unang nagpahayag ng nararamdaman niya si Robby kay Sheryl.  At yun hong puno na nasa may batis ang pangalan ay RJ kinuha sa pangalan ni Sir Joaquin dahil daw po yan ay hindi itinanim kung hindi basta lang tumubo kaya yan ang anak ng Hacienda kaya RJ ang ipinangalan niya. At lahat ho ng mga tauhan ng Hacienda umampon ng isang puno dito sa manggahan at kapag may pagkakataon kinakausap, kinakantahan nila ang puno na inampon nila.  Naniniwala ho kasi si Maya na may buhay ang mga yan at hindi man natin sila nakakausap ay naririnig nila tayo.

Tatay Rod:  Hindi ba't noong nabubuhay pa si Joana ay ganon din siya at pinangalanan niyang lahat ang puno sa Hacienda.

Daddy Rick:  Oo tama ka.

Mang Simeon: Para nga hong nabuhay si Mam Joana ng dumating dito si Maya eh.  Sabi ho nandyan si Maya ngayon, totoo ho ba?

Tatay Rod:  Oo nandyan siya.

Mang Simeon: Naku, maitext nga si Carol at pihadong matutuwa yon, pati ang lahat ng trabahador kapag nalamang narito si Maya.

Daddy Rick:  Simeon, sabihan mo ang lahat ng taga Hacienda na doon tayo maghahapunan sa mansyon bukas. Isang piging ang idaraos para sa pasasalamat natin at nakaligtas tayo sa mga masasamang loob.  Rod, tawagan mo ang caterer natin, magpahain ka para sa isang daang katao. Palagyan mo ng Igado at seafood, magugustuhan ni Maya at Joaquin yon.

Mang Simeon:  Senyor, pwede ko ho bang dalhan ng isang bote ng lambanog si Maya.

Daddy Rick:  Pwede naman, huwag nyo lang lalasingin.

Alas onse ng gabi tahimik na sa mansyon, tulog na ang lahat.  Si Maya, hindi makatulog dahil kumikirot ang likod at balikat.  Lumabas siya sa balkonahe at doon naupo bitbit ang unan at kumot niya. Ipinatong ang unan sa armrest ng couch at nakatagilid na humiga at nagkumot. Kaiinom lang niya ng pain reliver kaya hindi pa ito umeepekto.  Hindi niya mapigilang maiyak sa sakit na nararamdaman.

Si Joax gising pa din, nasa ibaba siya at gumagawa ng design ng bahay para sa Havensville. Bandang alas onse din ng maghikab siya.  Nagtimpla ng isang basong warm milk at isang basong tubig.  Siniguradong sarado ang main at back door at  umakyat na.  Napansin niyang bahagyang bukas ang pinto sa balkonahe at bukas ang ilaw dito.  Isasara na sana niya ang pinto ng marinig niya ang paghikbi ni Maya.

Lumabas siya sa balkonahe at nakita itong nakahiga at umiiyak.

Joax:  Maya, bakit?

Maya:  Sumasakit kasi ang balikat at likod ko eh. 

Naupo si  Maya at pinahid ang luha.  Umupo sa tabi niya si Joaquin. Napansin ni Joax  na suot ni Maya ang isa sa polo shirt niya.

Joax:  Uminom ka na ba ng pain reliever?

Maya:  Oo kakainom ko lang.

Joax:  Mayamaya mawawala din yan, tiis tiis lang, kumikirot yan kasi malamig eh. Teka polo shirt ko ba yang suot mo?

Maya:  Oo, pasensya ka na.  Wala kasi akong dala, napasugod lang ako ng malaman kong na-stroke si Tatay Damian.

Joax:  Ok lang at least may nagamit ka. Eh yang shorts kanino?

Maya:  Kay Janine.

Joax:  Kasya sa yo ang shorts ni Janine?  Ang liit mo naman.

Maya:  Malalaki lang ang mga bata ngayon.  Tsaka garterized lang kaya nagkasya.

Joax:  Kahit pa malamang mga 21 o 23 inches lang ang waistline mo.  Pero ang t-shirts niya hindi kasya sa yo?

Maya:  Kapag nagkasya sa akin ang t-shirt ni Janine, sobrang flat chested ko na non.  Huwag naman.

Joax:  Nako-concious ka din pala sa figure mo?

Maya:  Oo naman, eh babae pa din naman ako eh.  Teka, bakit gising ka pa?

Joax:  Ginagawa ko yung design ng mga bahay sa Havensville.

Maya:  Yun bang pagkakasunod-sunod ng mga bahay ganon pa rin?

Joax:  Oo, pero dahil pare-pareho ang size at design, syempre lumiit ang lupang nasakop ng mga bahay doon.   Sa bandang, gitna silang lahat napapwesto. 

Maya:  yung bahay kaya nila Nitoy saan napapwesto? Napalayo ba sa amin?

Joax:  Oo eh, dahil kayo lang ang nasa bukana, naiusog lang kayo ng konti dahil don ko ipinalagay ang building ng opisina ng subdivision para kapag may nagiinquire hindi na pumasok pa sa loob ng subdivision ang hindi taga doon.  Bakit gusto mo ba malapit sa bahay ninyo sila Nitoy?

Maya:  Parang kapamilya na namin si Nitoy, lalo ngayong wala ang kuya niya, at pihadong laging wala siyang kasama dahil sa trabaho ni Baste.  Iniisip ko lang hindi ko mababantayan si Nitoy kung nasa malayo ang bahay nila.

Joax:  Eh di sa tabi na lang ng lupang binili ni Robby ko ilalagay ang bahay ni Nitoy.

Maya:  Pwede ba yon?

Joax:  Ako ang mayari ng lupa at kahit aling parte ng lupa ang iaward ko sa mga tao doon hindi sila magrereklamo.

Napangiti si Maya, niyakap ng isang braso si Joax.

Maya:  Salamat ha, matutuwa ang Nanay kapag nalamang nasa tabi namin ang bahay nila Nitoy.

Joax:  Wala yon, malakas ka sa akin eh.

Maya:  Joaquin, bakit hindi mo sinabi sa amin na ikaw ang nakabili ng lupa at ikaw ang may planong magpadevelop non?

Joax:  Alam ko kasing ayaw mong magkaron ng utang na loob kahit kanino.  Ginawa ko yon para sa Mama ko pero hindi ko maiisip ituloy ang project na yon kung hindi ko kayo nakilala ng pamilya mo at hindi ka naging mahalaga sa akin. Isa pa mababait naman ang mga tao sa inyo, hindi naman kayo basta nagsquat lang doon at nagbabayad kayo ng tamang buwis kaya, gusto ko kayong tulungan para magkaron ng saysay ang mga perang ibinayad ninyo.

Maya:  Salamat ha... salamat sa pagpapahalaga sa pagkakaibigan natin.

Joax:  Eto ho, uminom ka ng warm milk para makatulog ka na.

Maya:  Sa yo yan eh.

Joax:  Eh di hati tayo.

Ininom naman ni Maya ang kalahati at uminom ng tubig.  Inubos ni Joax ang gatas at tubig.

Joax:  Halika na pumasok na tayo para makatulog ka na.

Kinuha ni Maya ang unan at inilagay sa kandungan ni Joax at nahiga ng nakatagilid. Napangiti na lang si Joax. Kinuha niya ang kumot na nasa paanan ni Maya at kinumutan ito. Ipinatong ang kamay sa likod nito na namamaga at marahang hinaplos na parang inaalis ang anumang sakit. Ipinatong niya ang kabilang kamay sa armrest ng couch, sumandal at pumikit ang nasa isip, "kung makakatulog ka na nasa kandungan ko ang ulo mo Maya, masaya akong matutulog ng kasama ka."




















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro