Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38 - Lihim ng nakaraan

Pagdating sa hospital, mabilis namang naasikaso si Maya. Makalipas ang trenta minutos sinabi ng doctor na gising na ito. Marahil nawalan ng malay dahil sa sakit ng pagkakapalo dito. Pero may iniinda sa balikat at likod kaya idederetso nila sa xray room. Napuruhan ang shoulder joint ni Maya bahagyang dislocated kaya sumasakit at ang likod maga dahil sa palong tinamo. Nilagyan ng metal shoulder cap para maibalik sa pwesto ang balikat nito at arm sling. 

Bandang alas sais ng umaga tumawag si Rodrigo kay Joaquin at sinabi ang nangyari. Ginising ni Joax si Robby at ipinagbilin ang trabaho sinabing pinasusunod siya ni Ricardo sa Hacienda. Bumyahe na ito papunta ng Baguio. Medyo maaliwalas na ang panahon sabi sa balita lumihis daw ang bagyo.

Makalipas ang isa't kalahating oras nasa private room na si Maya. Nandoon si Yaya Violy, Rodrigo at Ricardo.

Maya: Tito Rick, okay lang ho ba kayo?

Daddy Rick: Susmaryosep kang bata ka! Nakikita mo ba nakatayo ako. Ikaw ang nakahiga diyan ako pa ang inaalala mo. Kamusta ang pakiramdam mo?

Maya: Gusto ko hong sabihin na ok lang ako kasi buhay naman ho ako pero masakit ho ang likod at balikat ko eh. Tumulo ang luha ni Maya.  Hinaplos ni Ricardo ang buhok ni Maya.

Daddy Rick: Gusto mo bang ipasundo ko ang pamilya mo?

Maya: Naku, hindi na ho at masesermunan lang ho ako.

Tatay Rod:   Aba eh kahit ako gusto kitang sermunan eh. Hindi ka nagisip basta ka humarap sa mga halang ang kaluluwang bandido at magnanakaw na mga yon. Nagalala kaming lahat sa yo papano kung napahamak ka, anong sasabihin namin sa inyo?

Maya: Pasensya na ho kayo.

Pumasok ang isang Nurse.

Nurse: Mam, inumin ho ninyo itong pain reliver. Mam, kailangan hong mafill-upan itong admition form. Ako na ho ang magsusulat, sagutin lang ho ninyo ang mga tanong ko.

Tahimik na nakikinig lang sila Ricardo, Rodrigo at Yaya Violy.

Nurse: Full name po?

Maya: Ma. Maine M. Reyes po

Nurse: ano po yung M?

Maya: Mendoza ho.

Nurse: age?

Maya: 23

Nurse: Address po?

Daddy Rick: yung address ko sa Hacienda ang gamitin ninyo.

Nurse: Ok po Sir. Name ng Parents

Maya: Manuel S. Reyes po ang sa Tatay ko, Santiago ho ang middle name niya pero matagal na ho siyang pumanaw. Ang pangalan naman ng Nanay ko Bernadette M. Reyes po.

Nagkatinginan ang matatanda. Matapos interviewhin. Lumabas na ang Nurse.

Maya: Ok na po ako, umuwi na ho kayo sa Hacienda at magpahinga na po kayo. Tsaka si Tatay Damian po baka nagaalala yon.

Yaya Violy:  Nakausap ko na si Damian sinabi ko ng ok ka naman,  si Ramil at Herman ang kasama niya doon.

Daddy Rick:  Sige Hija. matulog ka na. Sabi naman ng doctor pwede ka ng i-release sa umaga eh. Si Violy ang kasama mo dito at susunduin ko kayo ng umaga.

Maya: Sige po, salamat ho.

Daddy Rick: Hindi Hija, ako ang dapat na magpasalamat sa yo.  Kung hindi mo ako iniligtas hindi ka magkakaganyan.

Hinaplos ni Daddy Rick ang buhok nito. Naiyak ulit si Maya.

Maya: Wala ho yon, ginawa ko lang ho ang alam kong tama at dapat kong gawin.

Tatay Rod: Magpahinga ka na.

Yaya Violy: Sige na Maya, magpahinga ka na at matulog.  Dito lang ako.

Pumikit na si Maya at lumabas na ng pinto sila Ricardo at Rodrigo. Pagsakay nila sa sasakyan...

Tatay Rod: Rick narinig mo ba ang pangalan ng mga magulang na sinabi ni Maya?

Daddy Rick: Oo, pareho ba tayo ng iniisip? Na siya ay anak ni Adet at Nuel?

Tatay Rod: Yun nga din ang iniisip ko eh.

Daddy Rick: Ipatawag mo si Winston, ipadala mo ang file ni Nuel na nakalap niya noon at gusto ko siyang makausap.

Bandang alas onse, naiuwi na si Maya sa Hacienda. Sabay-sabay silang nananghalian. Nagkukuwento si Ramil at ipinagmamayabang kay Tata Damian kung papanong kinalaban ni Maya ang mga bandido.

Ramil:  Naku, Tata Damian kung nakita mo si Ate parang action star eh.  Tatlong malalaking lalake ang kinalaban.  Grabe ang tapang ni Ate!

Daddy Rick:  Hija, hindi ka ba natakot man lang?  Isipin mo mga gamit lang naman yun kapalit ng buhay mo.

Maya:  Natatakot din naman ho, pero kahit po isang kalderong kanin lang ang kukunin nila lalabanan ko pa rin sila. It's the principle behind it Tito.  Ang mga gamit na yon, binili at ang perang ibinili non pinaghirapan. Maaring para sa inyo balewala ang mga yon dahil marami kayong pambili pero para sa akin na bawat sentimo ng kinikita ay pinaghihirapan ko, hindi ho ako papayag na basta nila kunin ng hindi ako lumalaban. Isa pa ho, kapag pinabayaan namimihasa ang mga yan. Nagkakaron ng lakas ng loob na umulit. Papano ho kung sa susunod pati buhay ng mga tao dito malagay sa alanganin.

Tatay Rod:  May punto ka naman pero kahit na Dyosko nung pinanonood kita eh muntik akong atakihin sa puso sa takot.  Saan ka ba natutong makipaglaban?

Maya:  Nang mapatay ho ang Tatay ko ipinangako ko sa sarili na ipagtatanggol ko ang mga mahal ko sa buhay.  Sampung taon ho ako ng mamasukang tagalinis ng isang malaking gym may boxing rink at nagtuturo ho ng arnis ang mayari non.  Kapag nagpapraktis ho sila nanonood ako at hawak ko ang walis at ginagawang arnis. Natuwa ho ang mayari at isinali ako sa mga boxing at arnis class niya kapalit ng dagdag na dalawang oras ko sa paglilinis.

Daddy Rick:  Napatay ang Tatay mo?  

Maya:  Opo, ipinapatay po ng isang traydor at manlolokong kakilala niya. Sa harap ko ho pinatay ang Tatay ko at hanggang ngayon hindi pa ho nahuhuli ang pumatay sa kanya.  Sa bawat pagkakataong mapalaban ako nananariwa sa aking isipan ang bawat pagsaksak na ginawa nila sa Tatay ko.

Tatay Rod:  Hindi ba sa Gilid ng Ayala Alabang kayo nakatira? 

Maya:  Opo at sa palengke ng Alabang ho ako nag babagsak ng mga gulay at prutas na inoorder ko mula dito sa Hacienda.

Tata Rod:  Teka, Rick hindi ba may nabanggit si Joax noon, yung pangingikil nung dating tauhan natin doon?  

Daddy Rick:  Oo si Badong... galit na galit na nagsumbong si Joaquin na may kinikikilan si Badong na mga tindera doon. Ang huling balita ko, nakakulong si Badong, nagreklamo daw ang mga tagapalengke kaya kahit bugbog sarado si Badong nakulong pa rin dahil ipinagtanggol lang daw ng kalaban niya ang sarili nito.  May alam ka ba tungkol don Maya?

Maya:  Opo, ako po ang nakalaban ni Badong at totoo hong muntik kong mapatay si Badong. Maayos ko ho kasi siyang kinakausap sabi ko ibalik niya ang pera at buburahin ko ang video na nakuhanan ko ang pangingikil niya pero nung iniaabot ko ho ang cellphone, pinilipit niya ang braso ko, sinampal, sinuntok at sinabunutan nya ako. 

Tatay Rod:  Dahil niloko ka niya, trinaydor nagdilim ang paningin mo at nilabanan siya.

Maya:  Nang mga oras na yon, ang tingin ko ho kay Badong ay ang mga taong pumatay sa Tatay ko. Hindi ko ho siya tinigilan hangga't nakikita kong kumikilos pa siya mabuti ho dumating ang kapatid at Nanay ko.  Ewan ko ho, may deperensya na ho ata ang utak ko eh.

Daddy Rick:  Hindi Hija, may trauma ka at nagagamot yan ng panahon.

Maya:  Sana nga ho.

Biglang bumukas ang pinto, humahangos na lumapit at yumakap si Joaquin kay Maya.

Napangiti ang lahat ng nandoon.

Maya:  Bes, ang OA mo naman, aray!

Daddy Rick:  Joaquin bitiwan mo si Maya, nasasaktan na siya.

Nilingon ni Joax ang ama at non niya lang nakita ang iba pang naroroon. Lumapit si Joax sa ama kay Yaya Violly, Tata Damian at kay Tito Rod at humalik sa pisngi ng mga ito.

Lumapit si Ramil, inabutan ng upuan si Joax. Hinila ito ni Joax sa tabi ni Maya.

Joax:  Ano na naman bang pinaggagagawa mo? 

Maya:  Wala nageexercise lang.

Joax: Nagpapatawa ka pa eh ayan at may bakal ka na sa balikat nakaarm sling ka pa.

Daddy Rick:  Iniligtas ni Maya ang buhay ko Joaquin.

Maya:  Teka bakit ka nandito?  Papano yung trabaho sa Havensville?  Bakit ka pa kasi nagpunta dito eh mabibitin yung trabaho don eh.

Joax:  Ibinilin ko kay Robby ang trabaho don. Gusto kong makita kung ok ka lang ba.

Maya:  Ok naman ako, palagi naman hindi ba?  Ako pa ba?

Joax: Ang yabang mo!

Ramil:  Eh kuya talaga namang walang panama yung mga magnanakaw kay Ate.

At proud na nagkwento ulit si Ramil. Bandang alas dos ng magpaalam si Ricardo at Rodrigo na may pupuntahang meeting. Nagpahatid naman si Tata Damian sa kwarto nito para magpahinga. Nagpatuloy na si Yaya Violy sa kanyang mga trabaho at bumalik na si Ramil sa Manggahan.  Pagkahatid kay Tata Damian sa kwarto lumabas si Joax at Maya sa balkonahe at doon naupo. Ipinakwentong muli ni Joax ang buong pangyayari.

Joax:  Thank you for saving my father.

Maya:  Wala yon, gagawin ko yon sa kahit na sinong tao.

Joax:  Papano ngayon yan, hindi alam sa inyo.  Hindi ko na sinabi dahil baka magalala si Tita.

Maya:  Ok lang sanay naman na si Nanay na umuuwi akong may benda sa katawan eh. Pero Joaquin pwede bang samahan mo ako kay Ninong kukuha na din ako ng gulay nandito na din lang naman ako. Sayang yung byahe eh.

Joaquin:  Sige, itawag mo na lang sa Ninong mo at ako na ang pipickup.

Samantala, nasa isang restaurant sa loob ng Camp John Hay si Ricardo at Rodrigo kausap si Winston ang private investigator na binayaran ni Ricardo para hanapin si Nuel ang kanyang matalik na kaibigan.

Daddy Rick:  Winston, dala mo ba ang files ni Nuel?

Winston:  Nandyan ho pati marriage certificate nila ni Bernadette at death certificate niya, pati birth certificate ng kanilang dalawang anak.

Inilabas ni Ricardo ang mga papeles at binasa.

Daddy Rick:  Tama ang hinala natin Rodrigo eto oh Ma. Maine M. Reyes, at 23 years old na at ito namang isa Ma. Sheryl M. Reyes, 26 years old.

Tito Rod:  Oo ang sabi ni Robby, Sheryl Reyes nga ang pangalan ng girlfriend niya na kapatid ni Maya.

Winston:  Isa ho siyang modelo.

Daddy Rick:  Noong nahanap mo sila noong napatay si Nuel, hindi ba sinabi ko sa yo na tulungan mo ang pamilya nila?  Saang lugar sila nakatira?

Winston:  Oho Senyor, tinulungan ko ho ang magkapatid na yan.  Hindi ho kasi kinaya ni Bernadette naospital habang nakaburol ang asawa.  Kaya ang 12 anyos na si Sheryl at siyam na taong gulang yang si Maine, Maya ho kung siya ay tawagin ang naiwan sa burol.  Katulong ang mga taga doon. Mabait daw kasi ang pamilyang yan, lalo na si Mang Manuel kaya ang mga taga doon, inalagaa, inalalayan ang magkapatid hanggang sa mailibing ang ama. Ang perang ibinigay ninyo ang ginamit ko para maiburol at libing si Mang Manuel at mailabas sa hospital si Aling Adet.  Sa Alabang ho sila nakatira, doon ho ibinurol si Mang Nuel. Doon ho sa parang squatters area sa gilid ng Ayala Alabang Village, ang tawag ho doon ay Ayala Alabang Gilid.

Daddy Rick:  Winston, patuloy mong subaybayan ang magiina. Sa paraang ito ko lang makakamtam ang kapatawarang gusto kong makamit mula kay Nuel at Adet.

Winston:  Sige ho Senyor, makakaasa ho kayo.

Inabutan ni Rod ng isang makapal na envelope si Winston. Binuksan ni Winston

Winston:  Senyor sobra-sobra ho ito.

Daddy Rick:  Gamitin mo yan sa pagtulong sa kanila.  Humanap ka ng paraan para makarating sa kanila ang perang yan. 

Winston: Sige po Senyor, ako hong bahala.

Tatay Rod: Ricardo, hindi man natin naisalba ang buhay ni Manuel. Binibigyan niya tayo ng pagkakataong isalba ang buhay ng kanyang magiina.

Daddy Rick: Marahil nga, siguro itinulot ng Diyos na makilala natin sila.








Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro