Chapter 37 - Meeting the father
Makalipas ang anim na buwan, ang Hotel na ipinapagawa ni Joax ay nauna ng natapos. It's a twenty storey building. May isang malaking ballroom good for 300 hundred guests, isang ballroom good for 100 guests at isang good for 50 guests. May apat na conference room. May roofdeck bar and restaurant. May lobby lounge and pastry shop at may Asian restaurant sa fifth floor. May infinity pool, spa area, gym, sariling theater at play area. May 20 standard rooms. 20 deluxe rooms, limang executive suites at limang family room. Si Sherly at Robby ang model ng events place ads ng hotel. Si Maya ang nagmodel chef para sa bar, lobby lounge at Asian restaurant at si Baste naman ang kinuhang model ng pool, spa at gym. Malaki ang ibinayad ni Joax sa kanya kaya natapos niya ang anim na buwang seminar sa pagkaseaman, bago pa nagawa ang bahay nila Baste, sumakay na ito ng barko para sa dalawang taong kontrata nito. Naiwan si Nitoy sa pangangalaga ni Nanay Berna at ang bahay nila si Maya ang magaasikaso.
Samantala, buo na ang mga kalsada ng Havensville, Inexcavate ang lupa nito. Sa utos ni Joax ang mga matatandang puno hinukay mula sa ugat at gagaminiting tanim na pang desenyo sa subdivision. May isang main road ang subdivision ang Joan Blvd. at may limang side roads ang Ricardo, Rodrigo, Roberto, Joaquin at Capili Streets. Sa bawat kanto at dulo ng mga side roads itinanim na muli ang mga puno. Bawat block may inilagay din na puno pati na sa kahabaan ng Joan blvd na nagsilbing island na division ng kalsada at tinamnan din ang island ng Santan. Ang tinutumbok ng Joan Blvd. Isang malawak na lupa. Sa kanan nito itatayo ang clubhouse,swimming pool at sports area. Bakante ang kalahati ng lupang yon. Sa lupa na kinatitirikan ng karinderya at bahay nila Maya noon, itinayo ang opisina ng Subdivision. Kaya iniusog ang pwesto ng bahay nila. Ito ang naging corner lot ng Capili Street. Kung titignan ang buong lugar mga bahay na lang talaga ang kulang.
Masaya namang nanirahan ang mga taga alabang gilid sa mga container houses. Doon din inilipat ang karinderya nila Maya ng kinailangan na itong alisin. Kaya ang harap ng container house nila Maya, nagmistulang isang open restaurant ng mga trabahador na gumagawa sa subdivision. Kapag byernes ng gabi nagkakatuwaan ang mga taga doon na uminom at madalas na kasama sila Joax at Robby sa inuman.
Nang matapos ang hotel, inalok ni Joax sila Maya na doon sa isang kwarto doon manuluyan kaya doon sila natutulog at nagsisipagligo. Pero nasa karinderya naman maghapon.
Isang maulan na hapon 'yon naghahanda na sa pagsasara ng karinderya sila Maya ng matanggap niya ang tawag ni Ramil na nagsasabing na-stroke si Tata Damian. Dali-daling bumyahe si Maya paakyat ng bagyo, madaling araw na ng makarating ito. Pagparada sa harap ng mansyon sa Hacienda, kahit malakas ang ulan, bumaba si Maya ng sasakyan at kumatok. Pinagbuksan siya ni Yaya Violy.
Yaya Violy: Diyos na mahabagin, ano ang nangyari at napasugod ka dito?
Maya: Si Tata Damian daw ho na-stroke.
Yaya Violy: Huwag kang magalala maayos ang lagay ng Tatay Damian mo. Pumasok ka na nga, nasan ang gamit mo?
Maya: Yaya, wala ho, basta pumunta lang ako dito nagpaalam lang ho ako sa Nanay at sumugod na dito. Nasaan ho ang Tatay?
Yaya Violy: Nandyan sa kanyang kwarto at nagpapahinga, sige pumasok ka na doon at ikukuha kita ng damit.
Nagulat si Tata Damian ng makita siya.
Tata Damian: Ano at narito ka? Nagmaneho kang magisa?
Maya: Tay, tumawag ho kasi si Ramil na-stroke ka daw. Pero huwag ho kayong magalit sa bata. Ako naman itong hindi na nagtanong at basta na lang sumugod dito. Kamusta ho ang pakiramdam ninyo.
Tata Damian: Mild stroke lang naman ito. Nasobrahan ata sa paginom at galit. Ito namanhid ang kanang binti ko at hindi ko mailakad pero makukuha naman daw ito sa theraphy.
Maya: Tigilan na ho kasi ninyo yang alak, tapos bakit kayo nagalit?
Tata Damian: May nawawala kasing mga manok. Wala namang makitang sira sa mga bakod. Pero may pakiramdam akong napapasok kami ng mga bandido na namamahay diyan sa mga bundok sa likod ng Hacienda. Yung kabilang Hacienda nga isang baka ang hinila nila nawala pa ang dalawang sakong bigas nila. Nakakagalit ng talaga.
Maya: Naireport na ho ba ninyo kay Joaquin?
Tata Damian: Busy si Joaquin, si Rodrigo ang ama ni Robby ang nakausap ko. Kaya malamang na magpadala ng mga tao yun. Mabuti lang ang Mansyon ay nasa bukana ng Hacienda kaya hindi sila makalapit dito. Ang inaalala ko lang naguuulan baka maglakas ng loob ang mga yon na subukang magnakaw dito sa mansyon.
Maya: Huwag na ho kayong magalala, sigurado ho akong gagawa ng paraan si Tito Rod. Sana ho inereport ninyo sa Pulis.
Tata Damian: Yun nga ang unang ginawa ko.
Yaya Violy: Maya, magshower ka muna at ng makapagpalit ka ng damit baka sipunin at lagnatin ka eh.
Maya: Tay, sandali lang ho ah, magbibihis lang ako.
Nang gabing yon, inalagaan at binantayan ni Maya ang matanda. Nakatulog itong nakayuko sa kama nito at nakasalampak sa sahig habang hawak ang kamay ni Tata Damian.
Bandang alas syete ng umaga ng dumating si Ricardo at Rodrigo sa Hacienda. Nagulat ng makita ang pick-up ni Maya. Sinalubong sila ni Yaya Violy ng malaking payong.
Yaya Violy: Maulang umaga sa inyo Ricardo, Rodrigo.
Daddy Rick: Violy, kaninong pick-up yan?
Yaya Violy: Kay Maya, sumugod dito ng malamang na-stroke si Damian. Para na kasing ama ang turing niya kay Damian
Tatay Rod: Sumugod siya at bumyahe papunta dito sa kasagsagan ng ulan?
Yaya Violy: Oo.
Daddy Rick: Sinong Maya?
Tatay Rod: Yung kapatid ng girlfriend ni Robby. Hindi ba naikwento ng mga bata sa atin na naisama na nila dito sa Hacienda.
Daddy Rick: Yung Maya na nakausap ko sa cellphone ni Joax yung customer ng mga prutas natin?
Yaya Violy: Siya nga Ricardo.
Daddy Rick: Kamusta naman si Tata Damian, Violy?
Yaya Violy: Maayos naman, yung kanang binti ang nadale pero ang sabi naman ng doctor dahil mild stroke madali naman daw na babalik sa dati basta ipagpatuloy ang theraphy. Magdamag na binantayan ni Maya ayun nakatulog na nakasalampak sa sahig.
Tatay Rod: Mabait naman pala ang anak-anakan ni Damian.
Yaya Violy: Lingo-lingo bago bumaba ng Maynila galing sa pagaangkat ng gulay at prutas dito sa atin dumadaan dito at kinakamusta si Damian. May dalang vitamis at gatas para daw lumakas ang pangangatawan ng ama-amahan.
Daddy Rick: Mabait nga.
Yaya Violy: Talagang mabait Ricardo, siya na ang nagpaaral sa mas nakatatandang kapatid at tumutulong sa karinderya ng Nanay niya.
Tatay Rod: Oo yung binibilhan at kinakainan nila Robby at Joax ng Igado.
Daddy Rick: Violy, bakit ang pakiramdam ko ay bini-build up mo sa akin ang dalagang ito?
Yaya Violy: Dahil alam kong may gusto ang alaga ko sa kanya. Isa lang ang pakiusap ko Ricardo huwag mo siyang husgahan hanggang hindi mo sya nakikilalang mabuti. Maaring mahirap siya pero mayaman ang batang yon sa talino, sipag at pagmamahal.
Daddy Rick: Tignan natin. Gising na ba si Damian, gusto ko siyang makausap.
Yaya Violy: Oo, gising na.
Pumasok si Ricardo at Rodrigo sa kwarto ni Tata Damian, nakita nilang gising na nga ito at pinagmamasdan si Maya na tulog na nakasalampak sa kama.
Pinilit ni Tata Damian na maupo ng makita ang mga amo. Nagising si Maya ng gumalaw ang kamay ni Tata Damian.
Maya: Tay, bakit ho? May masakit ho ba sa inyo?
Tata Damian: Hindi anak, narito sila Senyor.
Nilingon ni Maya ang pinto. Ipinatong ang tuhod sa kama at tinulungang makaupo ang ama-amahan.
Maya: Magandang Umaga po Senyor, pasensya na ho kayo at nagpunta ako dito ng walang pasabi. Nagaalala lang ho ako para kay Tatay Damian.
Daddy Rick: Walang problema don Hija. Bukas ang pinto ng Hacienda sa mga taong nagmamahal sa mga tauhan nito. Maupo ka. Gusto ko lang makausap ang Tatay mo tungkol sa mga nangyayari dito sa Hacienda na naging dahilan ng ipinagkaganyan niya.
Naupo silang lahat at nagkwento si Tata Damian.
Tata Damian: Nagutos na ho ako sa mga tauhan na isa-isahin ang mga bakod at siguraduhing walang pwedeng daanan ang mga ito. Malayo naman ho ang Mansyon at maliwanag hong parati dito kaya ho hindi naman basta pupunta ang mga yon para magnakaw dito. Pero ang inaalala ko lang ho, kung ganitong naguuulan maaring isipin nilang pwede nilang pagnakawan ang bodega o ang mismong mansyon dahil malakas ang ulan walang magtyatyagang magbantay sa ilalim ng ulan.
Daddy Rick: Huwag kang magalala Damian, may kasama kaming mga security na pupwesto sa parameters ng Hacienda. Kung subukan man nilang pumasok dito. Hindi sila makakaligtas sa bala ng mga gwardiya. Kaya wala kang ibang gagawin kung hindi ang magpagaling. Kasama namin ang Nurse at Therapist mo. Maya, huwag ka ng magalala sa Tatay mo sisiguraduhin kong gagaling at lalakas siya.
Maya: Maraming salamat ho Senyor.
Daddy Rick: Hindi ba sabi mo sa akin sa telepono mas bata ang boses ko kaya hindi mo ako dapat tinatawag na Senyor, nakakatanda eh. Tito Rick na lang.
Maya: Kung yun po ang gusto ninyo Tito.
Daddy Rick: Ito naman si Tito Rod siya ang ama ni Robby.
Maya: Ikinagagalak ko ho kayong makilala Tito Rod palagi ho kayong naikukwento ni Diko sa amin ni Ditse eh. Masaya ho akong nakilala kayo.
Tatay Rod: It is nice meeting you too Hija. Diko ang tawag mo kay Robby.
Maya: Opo, wala ho kasi akong kapatid na lalake eh. Narito naman na ho kayo at may magaalaga na kay Tatay Damian, luluwas na ho ako ng Maynila.
Tatay Rod: Naku Hija, may bagyo delikadong magmaneho kang magisa baka lumakas ang hangin at ulan.
Daddy Rick: Tama si Rod, Hija, tawagan mo na lang ang mga magulang mo para malaman nilang maayos ka dito. Kapag humupa ang bagyo tsaka ka na lumuwas.
Maya: Wala ho kasi akong damit eh.
Daddy Rick: Problema ba yon, maraming damit dyan si Joaquin, isuot mong lahat.
Natawa si Maya.
Maya: Salamat ho, kapag nagalit si Joaquin kayo ho ang ituturo ko ah.
Daddy Rick: Akong bahala don, huwag kang matakot sa galit non, kayang kaya ko yon.
Tatay Rod: Isa pa palagay ko, mas takot siya sa yo.
Nagtawanan sila. Bumawi si Maya ng tulog ng umagang yon, bago mananghali bumaba suot ang asul na long sleeves ni Joax na tinupi sa braso at short ni Janine. Tumulong si Maya sa kusina. Siya ang pinagluto ni Yaya Violy ng sinigang sa bayabas na bangus ang paborito ni Ricardo at nagluto din siya ng beef steak paborito naman ni Rodrigo. Nasalubong siya ni Ricardo ng dalhan niya ng pagkain si Tata Damian. Matapos mapakain ang ama-amahan bumalik siya sa kusina at inabot na lumakain si Ricardo at Rodrigo.
Tatay Rod: Maya, halika na kumain ka na din.
Daddy Rick: Kamusta ang pasyente mo?
Maya: Marami naman hong nakain at nakainom na din ho ng gamot.
Daddy Rick: Maupo ka na at saluhan mo kami masarap itong ulam na niluto ni Violy.
Yaya Violy: Hindi ako ang nagluto niyan, si Maya.
Tatay Rod: Aba, tama pala si Robby na masarap kang magluto eh.
Daddy Rick: Oo nga, itong sinigang sa bayabas mo, malinamnam kanino ka natutong magluto?
Maya: Yan hong sinigang itinuro ho ng Nanay ko, paborito ho kasi ni Tatay yan. Sabi nga ho niya pati daw ang matalik na kaibigan ng Tatay paborito din yan eh. Noon daw po kapag dumadalaw ang mga ito sa kanya yan ang laging hinihiling na lutuin niya.
Napakunot ang noo ni Ricardo at Rodrigo, nagkatinginan.
Tatay Rod: Maya, papano kang nagsimula sa negosyo mo sa pagaangkat ng gulay mula dito kung taga Maynila ka?
Maya: Taga dito ho ang mga magulang ko sa Baguio, dito din ho ako ipinanganak. Lumipat lang ho kami sa Maynila nung grumaduate si Ditse ng elementary at gusto niyang sa Maynila maghigh school.
Daddy Rick: Ano nga ang apelyido mo Hija?
Maya: Reyes po.
Natahimik si Ricardo. Nagkunyaring busy sa pagkain pero may naglalaro sa kanyang isip. Matapos ang pagkain tumayo ito at nagpaalam na papasok sa kanyang kwarto.
Maya: Tito Rod, may nasabi ho ba akong mali?
Tatay Rod: Wala Hija, pagod lang si Ricardo.
Bandang hapon bago dumilim, kahit pa malakas ang ulan, nakaraincoat na nagbantay sa parameters ng Hacienda ang mga security guard at ang ilang mga tauhan ng Hacienda kabilang na si Herman at Isagani. Nasa balkonahe si Maya at Yaya Violy, pinakikinggan ang pagsasalita ni Ricardo sa mga tao. Nang matapos, kumaway si Herman at Isagani sa kanya.
Nang makita ni Maya na papaalis na ang mga ito. Sumigaw si Maya.
Maya: Pagpalain kayo ng Diyos, magiingat kayo.
Sumagot naman ang mga tauhan ng, "Oo Ms. Maya." Napaisip si Ricardo, "kilala nga siya ng mga tao dito."
Bandang, ala una tulog na tulog na ang mga tao sa mansyon pero si Maya gising pa hindi siya makatulog, parang kinakabahan siya na hindi niya mawari. Isinuot niya ang pantalong maong. Lumabas siya sa balkonahe at iginala ang mata sa paligid ng Hacienda. Nakita niya ang mga taong nagbabantay at rumoronda sa paligid ng mansyon ng biglang nagiyakan ang mga baboy at nagtilaokan ang mga manok sa poutry. Narinig niya ang boses ni Herman...
Herman: mga kasama mukhang may tao sa poutry at piggery hindi magiingay ng ganon ang mga yon kung wala. Binuksan ng security na nasa tower ang spotlight ng mansyon at itinapat si piggery nakita nito ang isang lalaki na tumatakbo palabas ng babuyan.
Guard: May tao nga sa piggery ayun tumatakbo... habulin ninyo.
Nagtakbuhan ang mga ito papunta sa nasabing lugar, nawalan ng bantay ang mansyon. Mayamaya narinig ni Maya ang pagkalansing ng kung anong mga gamit na nagmumula sa bodega na parang hinihila papunta sa harap ng mansyon. Napatakbo si Maya sa ibaba ng bahay binuksan ang lahat ng ilaw. Naalarma ang mga magnanakaw. Binuksan ni Maya ang pinto at dumeretso sa pickup niya, dinukwang ang tubo sa likod ng pick-up. Saka sumigaw.
Maya: Hoy! ano yan?! Senyor may magnanakaw!
Hinarang ni Maya ang tatlong lalakeng may bitbit ng ilang maliliit na makenarya galing sa bodega.
Maya: Hindi na kayo nahiya ang lalaki ng katawan ninyo, Ibaba ninyo ang mga yan, kung hindi sasamain kayo sa akin.
Magnanakaw 1: Matapang ka ha.
Kinalampag ni maya ng tubo ang likod ng pickup niya. Nagising naman sila Ricardo, Rodrigo at Violy. Lumabas ang mga ito sa balkonahe.
Yaya Violy: Magiingat ka Maya!
Maya: Tumawag kayo ng pulis sisiguraduhin kong hindi makakatakas ang mga ito.
Inundayan ni Maya ang hampas ang unang lalaki sapul sa tagiliran. Nabitiwan nito ang mga hawak na gamit. Sinugod nito si Maya. Sinuntok pero nakailag si Maya, nahampas niya ito sa likod at nadapa sa putikan. Tinungtungan ni Maya ang lalaking nakadapa. Binitiwan ng pangalawang lalake ang mga hawak at sinugod si May, yumuko si Maya at hinampas ng malakas ang lalaki sa magkabilang tuhod. Napahiyaw at luhod ito sa sakit. Sinipa ito ni Maya ng malakas at tuluyan itong bumagsak. Galit na galit ang pangatlong lalaki sinugod si Maya at nayakap siya nito nakita yon ni Ricardo, tumakbong pababa ng hagdan. Kinuha ang hunting gun sa dingding at lumabas. Nakita niyang nagpupumiglas si Maya. Nagpaputok si Ricardo, lumapit sa kanila at itinutok ang baril sa lalaki. Narinig ang putok ng mga tauhan ng Hacienda nagbalikan sila at dinatnan nila ang tagpong iyon.
Daddy Rick: Bitiwan mo siya kung hindi ikaw ang babarilin ko.
Tumigil ang lalaki, hindi makakilos dahil ang dulo ng baril nakatutok sa ulo niya. Binitiwan si Maya. Pero ang pangalawang lalaking napabagsak ni Maya, nakuha ang tubong nabitawan nito at tumayo sa likod ni Ricardo at umakmang hahampasin ito. Itinulak ni Maya ang lalaki sa harap niya at niyakap si Ricardo at tsaka itinulak kaya siya ang tinamaan ng paghampas ng lalaki. Dalawang malalakas na hampas ng tubo ang tumama kay Maya. Nagpaputok ang mga gwardiya at tinutukan ang lalaki. Kaya napahinto ito.
Bumagsak si Ricardo sa lupa na yakap siya ni Maya at si Maya, bumagsak sa gilid niya na walang malay.
Pinilit ni Ricardo na naupo at ikinalong ang walang malay na si Maya.
Ricardo: Maya, Hija gumising ka! Rodrigo buhatin natin siya at isugod sa hospital baka sa ulo siya napalo ng tubo.
Nagtulong-tulong sila para maisakay si Maya sa kotse ni Ricardo at dinala nga nila sa pinakamalapit na hospital.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro